Chapter 02
Zoe POV
PAGDATING ko sa mansiyon ay dali–dali akong bumaba mula kay Luna. Nakita ko ang mga tauhan na nagkakagulo sa paligid. Naramdaman ko ang kaba at nerbiyos na pumapalibot sa akin. May mga nagmamadali, habang ang iba naman ay nag–uusap nang may pag–aalala.
Nakatayo sa pintuan si Manang Lagring na panay ang singhot sa white flower. Kitang–kita ko ang pag–aalala sa kanyang mga mata habangn tinitingnan ako.
"Zoe, Anak," iyon ang tawag sa akin ni Manang Lagring.
"Kumusta na siya, Manang?" Nag–aalalang tanong ko sabay pasok sa loob ng mansiyon, nadama ko ang kaba sa aking dibdib.
"Kakarating lang ni Doktor Advincula. Hinihikayat niyang magpadala sa ospital ang matanda pero ayaw niya."
Nagmadali akong umakyat sa hagdanan. Patungo sa silid ni Lola Cecelia at nagpatuloy magsalita si Manang Lagring, "pati si Attorney Amorsolo ay pinapatawag niya."
Pagkapasok ko sa kwarto nakita ko si Donya Cecelia na nakahiga sa kanyang antigong kama, itsura niyang labis na pagod at mahina. Lumapit ako at naupo sa gilid ng kama niya.
"Lola, kumusta ka na po?" Maingat kong tanong, habang tinitingnan ang kanyang maputlang mukha. Isang tipip na ngiti ang namutawi sa mga labi nito. Kahit kukulubot na ang mukha ng matanda maaninag parin ang taglay nitong ganda.
Ngunit kahit na mahina ang boses niya, ramdam ko ang lakas ng kanyang kalooban. "Zoe, ikaw ba 'yan?" Halos pabulong niyang tanong, "hindi na ako gaanong kalakas." Ginagap niya ang kamay ko at dinala iyon sa dibdib at hinagkan.
Napapikit ako sa lungkot, nahihirapang pigilan ang luha. "Lola, kaya natin 'to. May mga taong nagmamahal sayo, isa na po ako roon. Si Senyorito Orion tiyak na uuwi siya rito sa hacienda para makasama ka niya," pampalakas ng loob kong sabi sa matandang nangungulila sa kanyang apo.
Binigyan niya ako ng mahinang ngiti. "Sana nga naalala pa ako ng aking Apo. Sa sobrang busy niya sa kanyang trabaho tila nakalimutan na niya ako," nagtatampo niyang sabi.
"Hindi po iyan totoo, Lola. Mahal ka po ni Seyorito." I insisted.
Mahinang ngumiti muli ang matanda sa akin. "Dumating naba si Attorney?" Halos pabulong niyang tanong.
Umiling ako sa kanya. "Hindi pa po Lola. Ano po ba ang kailangan niyo kay Attorney? Pumunta na po tayo sa ospital, Lola?" Pangungumbinsi ko sa matanda pero umiling lang ito at tinapik–tapik ang ibabaw ng kamay ko.
"Okay lang ako, Zoe. Kailangan kong makausap si Attorney kung sakaling mawala ako maayos ko na ang lahat," mahina niyang sabi. "Gagawin ko ito para sayo at kay Orion."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya pero hindi ko na lamang binigyan ng pansin. "H'wag po kayong magsalita ng ganyan. Diba, sabi niyo mamasyal pa tayo kapag dumating si Senyorito. Kaya sige na po Lola magpunta na po ta—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin nang bumukas ang pinto at pumasok si Doktor Advincula. Tumayo ako sa kinauupuan upang harapin ang doktor.
"Kumusta ang kalagayan ni Lola?" Tanong ko sa doktor ni Lola Cecelia." Sumulyap ako sa matanda. Naaawa ako sa matanda. Mahal na mahal niya ang Apo niya pero nagagawa siyang tiisin ni Senyorito kahit ang sarili niyang anak.
Andito nga ang ampon niyang si Felipe pero puro sugal ang alam at ganoon din ang asawa na puro waldas sa pera ang ginagawa. At ang anak nilang si Shasha na puro pa sosyal at namuhay prinsesa sa Maynila. Nakasariling condo, may sasakyan at nag–aaral sa sikat na unibersidad hanggang ngayon–estudyante parin dahil hindi makapasa–pasa.
Ang pamilyang iyon ay walang ginawa na maganda kay Lola. Minsan naiisip ko sana kainin sila ng lupa sa pagiging gahaman nila. Binalik ko ang atensiyon kay Dok at muling nagsalita.
"Traydor ang sakit sa puso, Zoe. At mas magandang dalhin niyo siya sa hospital para maobserbahan ko. Baka atakihin siyang muli at hindi na natin maagapan. Hindi siya dapat pinapayagan na lumabas o mapagod man lang." Paliwanag niya.
Tumango ako. Matigas ang ulo minsan ni Lola kahit bawal sa kanya ang magkikilos ay pinagpipilitan niya. Kapag pinasya niya ang isang bagay ay walang makakaawat niyon. Kapag sinabi niya, sinabi niya.
Hindi ko malaman ang sasabihin. "Ano kaya kung dalhin natin siya sa manila, dok?" Suhestiyon ko.
Banayad na umiling ang doktor. "Hindi kaya ng katawan niyang ibiyahe mo siya, Zoe. Besides, ang mga ginagawa ko ngayon ay siya ring gagawin sa kanya sa Maynila. Wala nang iba pang magagawa. Ang kailangan niya'y magpahinga at h'wag masyadong mag–isip."
Napabuntong–hininga ako. Hindi malaman ang gagawin. Ayokong mawala ang Lola Cecelia. Siya lang ang taong natitirang nagmamahal sa akin maliban sa ibang mga tauhan rito sa hacienda ang iba kasi sa hindi ko maintindihan at naiinis sila sa akin. Sa kabila nang magandang pinapakita ko sa kanila.
"Salamat, dok." Nakipagkamay ako sa doktor. Marami siyang instruction na binigay sa akin. Wala namang problema sa nagbabantay kay Lola. Kompleto kami sa gamit dito sa loob ng kanyang kwarto at dalawa ang kanyang nurse na nag–aalaga sa kanya.
As the hours passed, the tension in the mansion only seemed to grow. Doctor Advincula had left, kahit anong pang–uudyok ang gawin namin ayaw ni Lola Cecelia ang magpadala sa ospital. Kinausap ko si Manang Lagring na kung p'wede ay tawagan si Senyorito Daniel na kung maaaring umuwi na ito.
Then Attorney Amorsolo arrived. Kinausap ni Lola ang abogudo privately. Kung ano man ang pinag–uusapan nila sa loob ay hindi namin alam. Mukhang napakaseryoso ang kanilang usapan.
Nagtungo kami sa kusina at nagkape. Mabilis kong ibinaba ang tasa sa counter ng makitang bumalik na si Manang Lagring. Ang kanyang mukha ay puno ng lungkot at pag–aalala.
"Kumusta, Manang? Ano ang sabi ni Señyorito?" Na eexcite kong tanong. Umaasang nakausap niya ang Senyorito. Hindi kasi ako kinakausap ni Orion, hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong kausapin.
"Zoe, anak," sambit niya, ang boses ay lugmok.
"Talaga bang wala si Orion?" Ang tanong ko, may kaba sa dibdib.
"Tinawagan ko na siya, pero hindi sumasagot. Mukhang abala siya sa kanyang trabaho," sagot ni Manang, with a hint of worry.
I sighed, a pang of worry gripping my heart. "I hope he's okay at sana maisip din niya si Lola," I said softly, inabot ko ang tasa ng kape at dinala sa aking bibig.
In those moments, Orion' absence added to the pain of the situation. The uncertainty about his well–being added to the collective anxiety of everyone present.
Pagkatapos ng isang oras na usapan sa pagitan nila ni Lola ay lumabas sa silid si Attorney Amorsolo.
"Attorney, p'wede ko bang malaman kung ano ang pinag–usapan niyo ni Lola?" Tanong ko sa abugado, habang nag–aalala sa mga susunod na pangyayari.
Ngumiti si Attorney na kasamang assurance. "Zoe, ang usapan namin ni Donya Cecelia ay tungkol sa kanyang legal na dokumento at kung paano aalagaan ang kanyang mga ari–arian. Hindi ko na sasabihin ang mga detalye, ngunit siguraduhin kong nasa mabuting kamay ang lahat. Goodbye, Zoe. Dalhin niyo siya sa ospital at ako na ang bahalang tatawag kay Daniel."
Tipid akong ngumiti sa abugado, tinapik niya ako sa balikat bago lumabas ang may edad ng abugado. Ang anak niyang lalaki ay mahilig sa karera sa kabayo, actually ako ang trainor ng kabayo ng kanyang anak.
Hinatid ni Manang Lagring si Attorney hanggang sa sasakyan nito. Inikot ng mga mata ko ang kabuoan ng mansiyon habang isa–isang humahakbang sa hagdanan.
Ang daming potrait na nakasabit sa dingding. May potrait pa rito ni Daniel noong bata siya para itong si Prinsepe Cedie sa kanyang suot katabi ang isang Stallion na kabayo. So sad patay na ang kabayong iyan ngayon. Maaaring namatay sa kalungkutan noong iniwan ni Senyorito.
Nagtungo ako sa silid ni Lola, ang bawat hakbang ay may bigat na tila nagsasabi ng agam–agam sa aking dibdib.
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Nanatiling nakahiga ang Lola, ngunit ngayon ay may kalmadong ekspresyon sa kanyang mukha.
Tumingala ang Lola at ngumiti nang makita ako. "Zoe, maupo ka sa aking tabi. P'wede bang kantahan mo ako na laging kinakanta sa akin ng iyong Lolo Vladimir noon at ni Daniel." Pakiusap niya.
"Lola, baka makasama sa iyo ang magsalita nang magsalita." Marahan na saway ko sa kanya.
Payak itong ngumiti. Kinuha ang kamay ko at makailang ulit na hinagkan. May ilang sandali niya akong tinitigan, pinakawalan ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at hinaplos ang pisngi ko. "Gusto kong malaman mong isa ka sa pinakamagandang pangyayari sa buhay namin ni Vladimir lalo na kay Vlad, Zoe..." mahinang sabi nito kasabay ng pagkislap ng mga mata sa itinatagong mga luha. "Handa na akong samahan ang aking mahal na si Vladimir. Kantahan mo na ako, Zoe."
Nanubig ang mga mata ko sa mga naririnig kay Lola. Ayoko sa mga naririnig ko mula sa kanya. Paano na ako, kapag nawala siya? Tumaas ang kamay ni Lola at pinunasan ang mga luha ko. I smiled, kahit sa kabilang napakabigat ng aking dibdib.
I swallowed and sighed. Tumango sa akin ang matanda and she chuckled. Tawang unti–unting humihina hanggang nawala ang lahat ng aliw sa mukha ni Lola. May nakiraang na kung ano sa mga mata nito. Tila may pilit inaalala. Subalit sa isang iglap nawala iyon. Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay at dinala niya sa kanyang didbib. "Sige na, Zoe , kantahan mo na ang Lola." Mahina niyang pakiusap na tila ba kinakapos sa paghinga.
Naramdaman ko ang presensiya ni Manang Lagring at dalawang nurse sa aking likuran. Paboritong kantahin ni Lolo Vladimir ang kantang "Until I found You" ang unang salita ay pinapalitan niya nang "Cecelia" at paboritong kantahin din noon ni Daniel sa kanila. Actually, bata pa si Daniel ay lagi niya itong kinakanta sa mag–asawa.
Pinisil ni Lola Cecelia ang kamay ko.
Cecelia, Wrap me up in all your I want Ya'
In my arms oh, let me hold Ya'
I'll never let you go again, like I did Oh I used
to say. I would never fall in love again until
I found you her I said, I would never fall unless
It's you I fall into I was lost within the darkness
But then I found you her I found you
Cecelia, pulled me in, I asked to love her, Once
again. You feel, I caught ya' I'll never let you
go again, like I did Oh I used to say
I would never fall in love again
Until I found her I said, I would never fall
unless It's you.....
Nagkandautal–utal na ako, hindi ko na matuloy–tuloy ang pagkanta. Napalitan iyon ng aking hagulhol. Unti–unti nang bumibitiw ang kamay ni Lola sa aking mga kamay hanggang sa tuluyang bumagsak sa gilid niya ang kanyang mga kamay.
Wala na, wala na si Lola Cecelia. "Lola..." pagtangis ko, "lola, 'wag niyo po akong iwan. Lola, please..." pagsusumamo ko, kinuha ko ang kamay ni Lola at dinala sa aking nanginginig na bibig.
Ang mga luha sa aking mga mata ay walang awat sa pagdaloy. Si Manang Lagring ay naririnig ko ang kanyang paghikbi.
"Lola, gumising ka please...nangako ka sa akin..." pagsusumamo ko at bahagyang niyugyog ang kanyang balikat. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga susunod na araw na wala na si Lola sa hacienda.
Pabalyang bumukas ang pinto at sabay kaming napatingin roon. With a horrified gasp, ang taong hindi namin inaasahan ay biglang dumating.
"Senyorito, Daniel..." halos hindi lumabas sa lalamunan ko ang aking tinig.