Chapter 01
Zoe POV
"GOOD morning, Hacienda Fortalejo." I said above whisper.
Nakatayo ako sa tabi ng malaking puno, feeling the cool breeze brushing against my skin. The horses and cows were making their way out their stables, ready for the day ahead. I watched them with admiration, their strength and grace evident in every step the took.
Nang biglang lumapit ang aking pinakamamahal na kabayo, si Luna , her eyes gleaming, at naghihintay na ako'y sumakay. Hinaplos ko ang kanyang katawan bago ako sumampa sa kanyang likod, my heart swelling with joy as we made our way towards the grazing ground.
"Kumusta ang iyong pakiramdam ngayong umaga, Luna?" Tanong ko sa kabayo, my voice filled with happiness. Si Luna ang kabayong binigay sa akin noon ni Senyorito Daniel na mas kilala namin sa palayaw niyang 'Orion'.
Kaya, sobra ang pagpapahalaga ko kay Luna dahil bigay ng lalaking pinakagusto ko. Noong hindi pa siya umalis rito sa hacienda magkasama kaming mangangabayo na dalawa para dalhin sa grazing ground ang mga kabayo at baka. Tuwing umaga at hapon kaya ganoon na lamang ang saya ko kapag kasama si Señyorito.
Ngunit noong nagtapos siya sa kolehiyo si Señyorito Orion, sumunod siya sa mga magulang niya sa States at mahigit sampung taon na siyang hindi umuuwi rito sa hacienda. Puro tawag lang ang ginagawa niya, hindi maiwasang nagtatampo na ang kanyang Lola. Laging dahilan nito ay busy sa kanyang trabaho bilang Engineer.
Subalit may nababalitaan akong nagbabakasyon siya sa Maynila paminsan–minsan sa side ng Daddy niya. Hindi magkasundo si Donya Cecelia sa kanyang anak na si Senyora Danica. Tutol na tutol ang matanda sa pagpapakasal ni Danica sa isang Hayes, sa ama ni Senyorito.
"Napakaganda ng araw, ngayon Luna. Ano ang iniisip mo tungkol dito?" Tanong ko kay Luna. Dahan–dahan ang kanyang takbo, huminto siya sa lugar kung saan kami laging nagtatambay noon ni Orion sa tuwing pagkatapos naming pakainin ang mga alagang hayop.
Umaasa at naghihintay parin ako sa pagbabalik ni Senyorito dahil sa isang pangakong binitawan niya sa akin noon, dito mismo sa ilalim ng puno ng narra.
"Sa pagbabalik ko, Zoe. Pinapangako ko, papakaslan kita."
Sa tuwing maiisip ko ang pangakong iyon ay tuwang–tuwa ang puso ko. Bente–kwatro anyos na ako ngayon at malapit narin akong magtapos sa pag–aaral ko. Tatlong taon akong tumigil sa pag–aaral noon dala ng aming kahirapan sa buhay sa batang edad ko ay namamasukan na ako bilang katulong sa isang mayamang pamilya sa bayan kung saan namamasukan si Inay na kasambahay. At mayroon akong kapatid na lalaki, anak ni Tatay sa una niyang asawa. Napilitan ang Tatay na ibigay ito sa una niyang asawa dahil may sakit ito sa puso at kailangan moperahan. Dinala ang kapatid ko sa Amerika dahil mayamang Amerikano ang bago nitong asawa, hanggang ngayon wala din akong balita sa kapatid ko.
Ngunit sa kasawiang palad namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Nabangga ang tricycle na kanilang sinasakyan. Pauwi na sila sa bahay noon ng mangyari ang aksidente.
Ang Tatay ko ay katiwala ni Don Vladimir ang asawa ni Donya Cecelia. Kinuha nila ako at dinala sa mansiyon at pinag–aral. Dito ko unang nakita si Senyorito Daniel, na noon ay dise–sais anyos. Hindi ko mapigilan na humanga sa kanya, gwapo at mamula–mula ang pisngi lalo na kapag tinatamaan ng sinag ng araw kaya lang masungit ang binata at ayaw niya sa akin.
Naalala ko ang una naming pagkikita.
Isang maaliwalas na umaga noon, tila sariwa pa ang simula ng araw, ngunit bigla itong nabago para sa akin. Habang aking iniilipat ang isang mangkok ng sabaw mula sa kusina patungo sa hapag-kainan, biglang sumabit ang aking paa sa isang paa na tila sinadyang iharang at bigla akong nabuwal, nagdulot ng pagkalat ng sabaw sa sahig at ang iba ay tumilapon kay Senyorito.
Sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang nakakalokong ngiti sa labi ng isang magandang batang babae.
Ang bawat salita ng galit na binitawan ni Senyorito Daniel ay tumagos sa aking puso, tila espada na pumupunit sa aking kalooban. Naramdaman ko ang sakit at lungkot, hindi lamang sa aking pagkakamali, kundi sa pagdamdam ng bawat salita ng aking amo.
"Ano ba 'yan?! Anong klaseng katangahan 'to? Hindi mo ba alam kung paano mag-ingat?!" Sumulyap siya kay Aling Lagring ang kusinera rito sa mansiyon. "Sino naman ito, Manang? May bagong ampon na naman po ba?" May sarkasmo ang tinig nito.
Dali–dali akong kumuha ng pamunas. Nanginginign ako sa takot habang pinupunasan ko ang t–shirt na suot niya pero winasiwas niya ang kamay.
"Get off your hands on me," he shouted.
"Pasensya na po, Senyorito. Hindi ko po sinasadya," ang humihiyaw kong tugon, ngunit sa kabila ng aking pagsusumamo, hindi nawala ang galit at pagkadismaya sa mukha ni Senyorito Daniel. "Bago lang po ako rito. Pasensiya na po talaga."
"Kabago–bago mo rito sa bahay, puro kapalpakan ang ginagawa mo." Galit niyang sabi. "Turuan niyo ito Manang. Kung paano kumilos ng tama. f**k! This is my signature shirt and it's ruin."
"Pasensiya na po, Senyorito. Hindi ko po sinasadya." Nakayukong sabi ko.
"Tsk. Ayusin mo 'yan," sabi niya sabay alis sa mesa. Hinubad niya ang suot na T–shirt at tinapon sa kinaroroonan ko at muntik ng tumama sa mukha ko.
Tumayo ang batang babae at lumapit sa akin. Pinagkrus ang dalawa niyang braso sa kanyang dibdib, tinaas–taasan ako ng kilay.
"Ugly ass!" Bulong niya sa tenga ko. Tumawa pa ito bago ako talikuran. Naiwan akong hindi malaman ang gagawin.
Dumaan ang mga araw ay walang pagbabago ang pakikitungo sa akin ni Senyorito. Laging bumubuntot sa kanya si Shasha, anak nang Ampon ng magasawa. Papa–akyat ako noon sa hagdanan upang maglinis sa kwarto sana ni Donya Cecelia ng marinig kong may pinapangaralan ang matanda. Sumilip ako sa pintuan
"Be nice to her, Apo. Wala naman ginagawa sayo si Zoe pero inaaway mo. She's being nice with you." She softly said habang hinahaplos ang mahabang buhok ni Orion na laging naka bun.
"I don't like her, Grandma." Mariin niyang sagot.
"Anak siya ni Arnulfo, Apo. Sa lahat ng mga tauhan natin rito sa hacienda sa kanya ka malapit, right? Bakit, hindi mo subukan maging mabait sa anak niya? Kapag hindi ka maging mabait kay, Zoe , hindi ko bibilhin ang gusto mong sasakyan para sa pag–aaral mo sa college." May warning tone ang tinig nito.
"Really! Ibibili niyo ako, Grandma?" He asked excitedly.
"Of course, Apo. Lahat naman ng gusto mo binibigay ni Lola. Kailan ba umaayaw ang Lola sa mga gusto ni Orion."
"You are the best, Grandma ever. Okay then, I will try to be nice to her even I don't like her but I will do it for you."
Natuwa ako sa narinig kahit papano, babait na siya sa akin. Nakikita ko kung gaano kalapit si Senyorito sa kanyang abuela maliban lang sa kanyang abuelo. Malapit ako sa dalawang matanda pero si Don Vladimir ay mas malapit ako, siya ang nagtuturo sa akin kung paano alagaan ang mga hayop sa hacienda at dahil sa kanya kaya kumuha ako ng kursong vetirenary. Mabilis akong umalis sa pintuan ng makita kong papalabas si Senyorito, madaliang nagkunwari akong inabala ang sarili sa pagpupunas sa nakasabit na mga larawan sa dingding.
Habang lumalapit si Senyorito Daniel, tila nagkaroon ako ng kaba sa dibdib, hindi ko alam kung ano ang mararanasan ko. Ang kanyang pagdating ay tila nagdulot ng tensyon sa paligid, at hindi ko maitago ang pagkabahala na bumalot sa akin.
"Ipagluto mo ako," ang kanyang boses ay puno ng awtoridad at tila may kaunting pagka-interes.
Huminga ako ng malalim, sinusubukan kong manatiling kalmado. "Oo, Senyorito Daniel?" ang tugon ko, pinipilit kong mapanatili ang paggalang sa aking tinig.
He took a deep breath, ang kanyang mga mata ay masusing sumusuri sa akin. "Gusto kong humingi ng paumanhin sa mga nagawa kong hindi maganda," sabi niya, ang kanyang tinig ay mas malambot ngayon, tila may kaunting pagka-hiya.
Nagulat ako sa kanyang sinabi, hindi ko inaasahan ang ganitong pag-uusap. Alam ko naman na utos ito ng kanyang Lola pero hindi na mahalaga sa akin iyon basta ang importante magiging magkaibigan na kami. "Paumanhin?" ang aking tanong, may bahagyang pag-asa na sumibol sa aking puso.
Tumango siya, tila may kahalong pag-aalala sa kanyang mukha. "Oo, medyo... mabigat ang dating ko sa iyo lagi. Hindi tama 'yun," inamin niya, ang kanyang mga salita ay puno ng katotohanan ngunit may halong pagkaramdam ng kaba.
Naramdaman ko ang biglang ginhawa, nagpapasalamat sa kanyang hindi inaasahang pagpapahayag. "Salamat, Senyorito Daniel," ang aking tugon, may kasamang isang maliit ngunit tunay na ngiti. "Pinahahalagahan ko ang iyong paghingi ng paumanhin."
Tumango siya muli, ang kanyang mukha ay seryoso. "Susubukan kong maging mas mabuti sayo," pangako niya, ang kanyang tinig ay puno ng kahalagahan na nagulat ako.
Mula sa araw na iyon ay naging mabait siya sa akin at naging malapit kami sa isa't–isa. Ang pagiging malapit ko kay Senyorito ay siyang ikinagagalit sa akin ni Shasha. Pati ang Ina ni Senyorito ay ayaw rin sa akin.
Lagi niyang pinapamukha sa akin na ang anak ni Teresa ay walang karapatang tumira sa mansiyon. Hindi ko alam, kung bakit siya galit na galit sa akin si Senyora Danica. Subalit, lagi akong pinagtatanggol ni Don Vladimir sa kanya kaya mas lalo silang nagkakagalit na mag ama.
Sa turo ni Don Vladimir natuto akong maging horse breaker but the Don died two years ago sa States. Doon binawian ng buhay ang matanda dahil sa kanyang sakit na gastroenteritis cancer, abo na ng iuwi siya ni Donya Cecelia sa pilipinas. Mula noon bumagsak ang katawan ni Lola Cecelia lagi itong nagkakasakit. Walang buwan na hindi maglabas–masok ang matandang babae at ako ang nag–aalaga sa kanya at nangako akong hindi ko lilisanin ang hacienda tulad ng pangako ko kay Don Vladimir.
"Mangako ka sa akin, Zoe , na hindi mo lilisanin ang hacienda ang bawat maabot ng mga mata mo ay pag–aari mo."
Iyon ang mga huling salita na sinabi sa akin ni Don Vladimir bago siya dinala sa amerika.
"Zoe..."
Malakas na sigaw sa pangalan ko ang nagbalik ng isip ko sa kasalukuyan. Ipinihit ko ang renda ng kabayo subalit tumaas ang dalawang unahang paa ni Luna kasabay ng paghalinghing nang malakas.
Kung mabilis ang takbo ng 'Mare' at kung hindi ako mahusay na mangangabayo ay naihulog na niya ako.
"Hey, Luna!" Saway ko sa kabayo, huminto ito. Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Mang Fernan ang kumpare ni Tatay. Nakikita ko ang matinding pagkabahala at pag–aalala sa kanyang mukha.
"Ano po ang nangyari?"
"Si Donya Cecelia..." hinihingal nitong sabi.
Hindi ko na siya pinatapos magsalita pa. May kutob na ako kung ano ang nangyayari. Muli kong pinihit ang renda ni Luna pabalik sa mansiyon. Wala kasing bilis ang takbo ng kabayo ko, marating lang agad ang mansiyon.