Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa nagagawi si Hea sa apartment ko. Walang tawag or text. Normal lang naman iyon, lalo na't tiyak kong nasa mommy n'ya ito. Maulan nang umuwi ako. Medyo baha na nga. Kaya nang dumating ako sa apartment ay basang-basa na ako. Parang basang sisiw na pumasok ng apartment na agad ipinagtaka nang makitang hindi naka-lock ang pinto. Nakalimutan ko bang i-lock? Iyon agad ang tanong ko sa sarili ko. Pero hindi naman ako makakalimutin sa bagay na iyon. Sa sobrang kuripot ko kasi'y takot akong manakawan ng TV. Well, iyon lang naman ang valuable na bagay roon. Iyong ref ko'y luma naman.
Natigilan ako nang makitang agad bumalikwas sa pagkakahiga sa couch si Kuya Hunter.
Anong ginagawa n'ya rito? Iyon agad ang tanong ko sa isipan ko. Tumayo ito, agad na dinampot ang towel. Sabay lapit sa akin. Bagsak ang panga, habang ibinabalot nito sa akin iyon.
"K-uya Hunter?" bigkas ko sa pangalan nito. Hindi pa rin nakabawi sa pagkabigla.
"Pasensya na kung inabutan mo ako rito. Si Hea kasi rito nagpahatid." Agad akong luminga-linga. Nasaan si Hea? Parang wala naman si Hea rito.
"Nasaan si Hea, Kuya?" tanong ko. Bahagya itong gumilid nang humakbang ako patungo sa couch habang balot na balot. Doon ko na rin inalis ang sapatos ko. Maglalampaso na lang ako later. Nang mahubad ko ang dalawang sapatos ay kinuha nito iyon at iginilid. Mas lalo akong nagulat. Takang tinignan ko ang lalaki.
"Umalis si Hea. Tinawagan ni mommy."
"Bakit ka nandito?" deretsang tanong ko na rito.
"Sabi kasi n'ya na hintayin kita rito."
"Why?" ani ko.
"I don't know. Medyo masakit din kasi ang ulo ko. Kaya sabi n'ya na mag-stay muna ako. Dala rin n'ya ang sasakyan ko kaya narito pa ako."
Wow! Ginawa pa talagang tambayan ang house ko. Pero okay na rin iyon. Opportunity rin ito para kunin ang atensyon ng lalaki.
Naupo ito sa katapat na couch.
"Kailangan mong mag-shower. Nabasa ka ng ulan." Concern na ani ng lalaki. Ngumiti ako rito. Ito na naman po siya, parang natigilan na naman.
"Opo, k-uya." Tumayo na ako. "Ligo muna po ako." Mariing napalunok ang lalaki. Sabay tango sa akin.
Iniwan ko ito at dumeretso na sa kwarto para maligo. Naghanap ako ng big shirt at panty. Sa mga ganitong damit ako komportable. Siguro naman ay pwedeng iyong bisita ko ang mag-adjust sa akin. Pero kung gusto n'yang sunggaban ay ayos lang naman.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako. Huling-huli pa ang paglingon nito, pero agad na nag-iwas nang tingin. Bakit? Na-spot-an ba agad n'ya ang dibdib kong nagyayabang? Tayong-tayo iyon dahil nilalamig. Lihim akong napangisi.
"Maghahanda po ako ng coffee. You want po?" tanong ko rito.
"Sure." Sagot nito nang tumingin ulit siya sa akin.
"With milk po ba?" sabay bagsak nang tingin nito sa dibdib ko. Kunwari'y hindi ko iyon napansin. Tumango naman ito.
"No." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay nagtungo na ako sa kusina. Alam kong nakasunod ang tingin nito sa akin. Huling-huli sa salaming naka-hang.
Pagpasok ko sa kusina ay ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Sinubukan kong ibalik sa normal ang t***k ng puso ko. No'ng okay na ay saka lang ako nakakilos nang maayos. Bumungad si Kuya Hunter sa kusina.
Kaya sa table ko na lang inilapag ang dalawang tasa.
"Kape, Kuya." Alok ko rito. Saka hinila ko ang bakanteng upuan sabay upo.
Gano'n din ang ginawa nito. Iniusog ko palapit dito ang kape.
"Thanks!" ani nito na agad dinampot iyon at marahang inihipan. Saka sumimsim. Titig na titig lang ako sa kanya habang ginagawa n'ya iyon.
Iinom lang ng kape ang sexy pa rin, baka kapag sinipsip naman n'ya ang gatas ko'y--- kape ang topic sa utak ko. Pero biglang nagbago. Kaya dinampot ko ang kape. Wrong move. Napaso lang ako.
"Ouch!" ani ko. Agad namang nailapag ni Hunter ang tasa n'ya, saka tumayo at agad na lumapit sa akin.
"Let me see." Utos nito. Hinawakan pa nito ang baba ko. Pero ibinaling ko sa kabilang side ang mukha ko.
"I'm fine po. Paso lang ito." Tanggi ko.
"Show me your tongue." Utos ng lalaki. Medyo demanding, salubong pa ang kilay. Ano namang magagawa nito kung ipinakita ko ang dila kong napaso? Sisipsipin ba nito?
Akala ba nito aatras ako? Humarap ako, saka inilabas ko ang dila ko.
Seryosong tinitigan nito iyon. Mukha namang walang effect dito, at concern lang ito. Kaya naman itinago ko na.
"Do you want water?" umiling ako rito.
"Ayos lang ako, Kuya." Saka lang ito bumalik sa upuan n'ya. Maingat ko naman nang dinampot ang tasa at inihipan muna iyon bago humigop.
"Anong work mo, Lupita?" napaangat ako nang tingin dito.
"Why po?" ani ko.
"Nabanggit kasi ni Hea na working student ka. Pwede kitang ilapit sa foundation namin para sa scholarship."
"Talaga po?" gulat na ani ko. Ang alam sa family namin na sila pa rin ang nagpapaaral sa akin. Pero ako na talaga lahat. Dahil mahigpit sa pera si Papa Silas. Inutusan pa nga ako nito na bayaran iyong unang tuition fee na naibayad sa school eh. Tapos ko na iyong bayaran.
Dahil din sa ilang part-time job ko. Naging magaan na lang naman ang buhay ko nang pasukin ko ang trabahong mayroon ako ngayon. Pero matipid pa rin ako, kahit na marami na akong perang nakatabi sa bangko.
"Yes." Kaso naalala ko graduating na ako this year.
"Baka pwedeng financial assistance na lang. Graduating na kasi ako. Ano ba ang mga requirements, Kuya? Baka meron ako."
"Sure. I'll help you. Sabihin ko na lang kay Hea na ibigay sa 'yo ang list ng requirements. Pero kung hindi agad iyon maasikaso, pwedeng ako na ang magbayad."
"Hala, hindi po! Mag-a-apply po ako." Mabilis na tanggi ko. Saka ko pinunasan ang pawis sa noo.
"Naiinitan ka? Gusto mo ba ng aircon?"
"Hindi po. Sanay na po ako. Madalas nga po'y maligo ako ng pawis dito. Normal na lang po iyon sa akin."
"I'll buy. Tapos magpapadala ako ng tao na pwedeng mag-ayos para rito sa bahay mo."
"Naku! Hindi na po. Pagkatapos naman ng studies ko'y aalis na ako rito."
"Saan ka na after?"
"Baka po sa bahay muna namin. For sure gugustuhin ni Mama Cora iyon. Pero sure na sure akong aayaw sa presensya ko si Papa Silas. Ampon po kasi ako, kaya mabigat ang loob ng papa ko sa akin.
"Cora? Silas? Aguarde ba ito?" nanlaki ang mata ko. Drama lang naman.
"Kilala n'yo po ang parents ko?"
"Hindi maganda ang trato sa 'yo ni Silas Aguarde?" tanong nito.
"Naku po! Quiet ka lang po, ha. Hindi alam ng mga kuya at mama ko. Tanggap ko naman na. Gano'n po talaga kapag walang tunay na magulang." Tumawa pa ako. "Pero mahal ko po silang lahat."
Lumamlam ang expression ng mukha nito.
"Hindi ko akalain na may anak si Silas na babae."
"Ampon po." Pagtatama ko.
"Still, anak ka pa rin. Hindi makatarungan ang ganyan n'yang trato." Nagkibitbalikat ako.
"Okay na po iyon. Binihisan, binigyan ng pangalan, at pinatuloy sa kanilang lahat. Doon pa lang ay dapat na akong maging grateful."
"Not enough reason para itrato ka n'ya ng ganyan." Nagkibitbalikat ako.
Medyo matagal-tagal kaming nagkwentuhan.
Nang matapos magkape ay nagtungo kami sa sala. Nanood ng TV.
Gabi na, pero wala pa si Hea para sunduin ang kapatid n'ya. Tinatawagan na ni Hunter ang kapatid pero hindi nito iyon sinasagot. Alam kong nag-aalala na ito.
Kaya naman ako na ang tumawag kay Hea. Umaasang sasagot ito.
Umupo sa tabi ko si Kuya Hunter at waring naghihintay rin na masagot ng kapatid n'ya iyon.
Sinagot naman.
"Hea, where are you?" agad na tanong ng lalaki sa kapatid n'ya.
"Kuya, baha na ang daan pabalik d'yan. Sobrang dangerous to drive na." Feeling ko'y nanunulis na ang nguso ng babae.
"Nasaan ka?"
"Nandito ulit kay mommy. Ayaw rin naman n'ya akong paalisin dahil ang lakas ng ulan. Kumukulog at kumikidlat pa. Kawawa rin naman iyong mga tauhan kung ipasusundo ka pa namin. D'yan ka muna. Baka matakot din si Lupita dahil wala siyang kasama."
Bumaling ang tingin ko sa bintana. Sobrang dilim na. Malakas ang hangin at ulan. Hindi nga impossible na bumaha rin sa area na ito. Bahain pa naman talaga ang lugar.
Naputol na ang tawag. Mukhang nawalan ng signal.
"Dito ka na muna nga, Kuya. Delikado na lumabas kung ipilit mo pa. Maghahanda na lang po ako ng pagkain pang-dinner natin."
"I'll help."
"Hindi na po. Kaya ko na po." Tamang biglang kumulog nang malakas. Napatakip ako sa tenga ko dahil sa gulat.
"Samahan na kita." Yaya nito. Saka siya tumayo. Naglahad ng kamay. Tinanggap ko iyon saka n'ya ako hinila patayo.
Pero dahil may pwersa iyon, bumungo ako sa katawan nito. Parang napaso ako.
"Hindi ka nag-bra." Mahinang usal ng lalaki. s**t! Kailangan pa ba n'yang sabihin iyon? Kumulog ulit. Napayakap ako rito. I'm scared... hindi dahil sa kulog. Kung 'di nararamdaman kong nag-iinit ako. Iba talaga ang epekto nito sa akin. Nang yakapin ako nito. Napigil ko na ang hininga ko.
"Halika na sa kusina." Yaya nito. Parang hirap na hirap ang tinig nito.