Chapter Nine

1532 Words
"Anong iluluto mo?" tanong ni Kuya Hunter sa akin. Feeling close naman masyado ito. Ang casual kung makitungo sa akin. Kami ang magkaibigan ni Hea, pero kung tratuhin ako'y parang sobrang tagal na naming magkakilala. Advantage ko iyon. Pero nabibilisan naman ako masyado. Hindi pwedeng gano'n, kapag masyadong mabilis ay mabilis ding matatapos ang atensyon n'yang iyon sa akin. Kailangan iyong pangmatagalan... iyong aabot kami sa simbahan at parehong magbibitiw nang katagang panghabangbuhay. "Adobong baboy. Kumakain ka ba no'n, Kuya Hunter?" tanong ko rito. Saka matamis na ngumiti rito. Alam ko. Alam kong naguguluhan ito sa tuwing ngumingiti ako nang gano'n. Familiar siguro rito. "Of course. Kumakain ako ng adobo." "Hay, salamat naman. Ako na pong bahala rito, Kuya. Upo ka muna." Tumango naman ito. Nakita ko pa itong naglabas ng phone bago ito naupo. Naririnig ko itong may kausap sa phone n'ya. Mukhang naghahanap ito ng pwedeng sumundo sa kanya. "Yes, may maaga akong appointment. Kaya kailangan kong makauwi nang maaga para makapagbihis pa. Ano nga palang balita roon sa pinapahanap ko?" medyo napunta ang buong atensyon ko sa huling sinabi nito. "Kung pwedeng kilalanin mo na iyong creator ng site na iyon ay mas maganda. I need to find that woman. Kahit kamo iyong information lang ng taong iyon. I'm willing to pay." Napakagatlabi ako. Mukhang ako yata ang pinahahanap ng lalaking ito. Hindi yata makapaghintay ang isang ito. Hindi n'ya pwedeng malaman agad ang katauhan ko. Hindi pwedeng masira ang mga plano ko, hindi n'ya ako pwedeng maunahan. Dinig na dinig ko ang mga bilin nito sa kausap n'ya. Information asap daw. Natapos kong lutuin ang adobo. Luto na rin ang kanin. Nang maupo ako sa katapat nitong upuan ay agad na tumingin ang lalaki sa akin, bumagsak iyon patungo sa dibdib ko. "Busy ka yata? Loko talaga iyong Hea na iyon. Ang dami mo na yatang gagawin pero hindi mo magawa dahil wala siya at iniwan ka rito." "It's okay. Maaga na lang akong uuwi." "Dito ka matutulog?" takang ani ko. "Pauuwiin mo na ako, Lupita?" tanong nito. Wala pa ring tigil ang ulan. Tiyak na baha na sa labasan. "Dito ka na matulog, k-uya. Gusto mo bang kumain na?" tanong ko sabay nangalumbaba sa table. "Gusto mo na bang kumain? It's up to you." "Sige, kain na tayo." Kahit sabihin kong huwag na siyang tumulong ay kumilos pa rin siya para maglagay ng plato at kutsara sa mesa. Ako naman itong nagsandok at naghain ng kanin at ulam sa mesa. Ito rin ang naglabas ng tubig sa ref. Pati baso naming dalawa ay hindi n'ya nakalimutan. "Sabi ni Hea madalas daw siyang makikain dito? Hindi ba alanganin ang allowance mo sa groceries kung nakikihati siya sa pag-ubos?" "Palaging nagpapadala ng groceries si Mama Cora. Iyon hindi na iyon nababawi ni Papa Silas kapag hindi siya nakatunog." Sinabi ko iyon sa pabirong paraan. Konting habag pa, baka may weekly supply na rin ako mula sa kapatid ni Hea. "Magpapadala rin ako." "No need na po, Kuya." "Isipin mo na lang na share ni Hea. Malakas kumain ang kapatid ko. Kaya magsha-share ako." "Ang bait mo po, Kuya. Parang iyong mga kuya ko rin. Kilala mo po sila?" "Yes. Kilala ko rin sina King, Stephen, and Columbus." Sagot nito. "Hindi nila alam na gano'n ka tratuhin ng papa n'yo?" umiling ako. "Hindi nila alam. Wala rin akong balak ipaalam. Maganda ang relasyon ng mga kuya ko sa papa ko. Ayaw kong masira iyon." "Pero mas magandang aware pa rin sila." "Kapag naging aware sila. Pati sila madadamay sa maling trato ng papa namin. I don't like that. Mahal ko pa rin ang Papa Silas ko, hindi ko hahangarin na magkasira sila ng mga kuya ko. Happy na ako dahil hindi nila naranasan at nararanasan iyong mga ginagawa ni Papa Silas sa akin." "Masyado kang mabait." Nailing ito. Ngumiti lang akong muli rito. Natapos kaming kumain, nakapagligpit, at hugas na rin. Nang sabihin nitong magsho-shower siya ay agad kong iprinisinta ang mga malalaking t-shirt. Nang palabas na kami mula sa kusina ay natigilan ako nang mapansin ko ang isang bag. Siyempre hindi ko kilala, kaya malabong maging akin iyon. "That's mine. For sure si Hea ang naglagay d'yan." Mabilis na ani ng lalaki. Loka-loka, for sure nga talagang plinano nitong iwan ang kapatid dito. Ang bag ay may lamang mga damit. Ayon kay Hunter ay nasa likod daw iyon ng sasakyan n'ya. Palaging nasa sasakyan in case na kailangan n'yang magpalit. Ibang klaseng Hea iyon. Hindi ba naisip ng babae na dahil iniwan n'ya ang kapatid, ay nasa panganib na ito. I mean, iyong dangal n'ya. What if gapangin ko? Tapos pikutin ko? Tsk. Si Hea talaga. "Iyo ba ito?" curious na tanong ko rito. "Yes. Dito na lang ako kukuha nang pamalit ko." "Sige. Nasa kwarto ko ang CR. Halika." Yaya ko rito. Pero inawat n'ya ako. "Tell me na ako pa lang ang lalaking naging bisita mo rito---" "Ha?" takang ani ko. "Masyado kang kampante, Lupita. Mali iyan." Parang nakatatandang kapatid na sermon nito sa akin. "Safe naman ako sa 'yo, 'di ba? Naging bisita ko na ang mga kuya ko. Tapos ikaw. Wala ng iba." Tumango ito. "Saan ang banyo?" tanong nito. Naguluhan ako sa lalaking ito. Pero itinuro ko na lang dito. Pumasok kami sa kwarto. Itinuro ko rito ang banyo ko. -- Pagpasok ko sa banyo ay agad akong natigilan. Lalo na ng tumutok ang tingin ko sa bathtub na naroon. Salubong na salubong ang kilay ko. Parang biglang sumakit iyon. Pero dahil ayaw kong mainip sa paghihintay si Lupita ay agad kong hinamig ang sarili ko para kumilos at gawin na ang pakay sa banyo. Habang nagsasabon ay saglit akong napapikit. Ang ngiti ni Lupita ang nakita sa ginawa kong pagpikit. Pamilyar. Saan ko ba kasi ito nakita para masyadong maging pamilyar sa akin? Pero kahit anong isip ko'y wala talaga. Hindi makausad sa ginagawa dahil sa pag-iisip. Kaya naman tinapos ko na agad, nagbanlaw na agad ako. Pagkatapos tuyuin ang katawan ay nagbihis na ako. Muli akong napatitig sa bathtub. Ano bang meron doon para paulit-ulit kong titigan? "Kuya, hindi ka pa tapos?" kumakatok na si Lupita. Kaya naman dali-daling iniayos ko na ang marumi kong damit. Saka binuksan ang pinto. "Done. Sa sala na ako matutulog." Nilagpasan ko ito. Takang-taka naman ang mukha ng babae na nakasunod ang tingin sa akin. Iniayos ko sa bag ang maruming damit. Saka nagmadali akong lumabas ng kwarto ni Lupita. Hindi ko mai-relax ang katawan ko sa tuwing nakikita ko ito, or malapit ito sa akin. Mula pa kanina'y tukso na ang malusog nitong dibdib at mga hita nito. Paulit-ulit kong ipinaalala sa sarili kong kaibigan ito ni Hea. Hindi ko dapat ito maramdaman sa babae. After all, may babae na akong inaasam na makuha. Ayaw kong maging komplikado ang lahat dahil lang nakukuha ni Lupita ang atensyon ko. Mas lalo akong hindi maka-relax. Lalo't alam kong hindi lang isang babae ang nagpapainit ngayon ng katawan ko. Nararamdaman ko ang effect ni Lupita sa katawan ko, lalo na sa p*********i ko. It's just so f**k up, dahil ilang taon na akong nagsu-suffer sa erectile dysfunction. Isang malaking lihim iyon, na hindi alam ng aking pamilya. Sinubukan ko naman, napakaraming babae ang 'ginamit' ko. Umaasang mapapatayo nila iyon. Ngunit lahat sila ay bigo. Inakala nilang sadyang hindi lang sila appealing sa akin kaya gano'n. Pero sa totoo lang ay maglilimang taon ng gano'n iyon. Then napadpad ako sa Pleasure Site. Isang site kung saan may mga babae at lalaking nag-u-upload ng mga s*x videos, mga nagla-live. Kung saan gabi-gabi kong hinanap iyong tamang tao na muling magpapagising sa p*********i kong walang silbi. Hindi ako sumuko. Hanggang sa makilala ko sa site si L. Ang babaeng nagkukubli sa kanyang maskara na isa o dalawang beses lang kung mag-live. Minsan lang din ito mag-upload ng mga videos n'ya. Ang babaeng iyong ang nakakuha ng atensyon ko. I'm desperate na mahanap siya. Kung pera at kasal ang gusto n'ya, I'm willing na ibigay iyon sa kanya. I want her. Ngunit mahirap mapapayag ang isang iyon. Pero wala naman akong balak sumuko. I need to find her. Dahil wala akong balak na hayaan ang sarili ko na malulong sa kaibigan ni Hea. Nagawi sa babae ang tingin ko. May bitbit itong unan at blanket. "Kuya, oh! Hindi ko sure kung kasya ka d'yan sa sofa. Pasensya na. Wala kasi akong extra na kwarto rito." "It's okay, Lupita. Ayos lang ako rito. Magpahinga ka na." "Sige po, Kuya. Gisingin n'yo na lang po ako bukas para bago ka umalis ay makapag-almusal ka muna." Halata namang mabuting tao ang babae. Parang hindi marunong magalit, palangiti pa ito. Kaya rin siguro mabigat ang loob ko kay Silas Aguarde, ay may sungay pala itong nase-sense ko. May binubuo itong proposal, na nais n'yang maging business partner ako. Alam n'yang hindi ako personal na dumadalo sa mga party kung hindi masquerade ang theme. Kaya nga no'ng minsang magpa-party ito ay nakadalo ako. Dahil iyon ang theme ng party nito. Nakisama lang ako. Pero sa mga narinig kong trato nito sa kaibigan ni Hea, baka hindi na maulit iyon. Baka hindi ko na paunlakan ang alok nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD