bc

LUPITA : THE MASTERMIND

book_age18+
4.4K
FOLLOW
51.0K
READ
revenge
dark
drama
tragedy
twisted
bxg
heavy
cheating
lies
punishment
like
intro-logo
Blurb

WARNING : R-18

Isang m*****r ang nangyari sa bayan ng Apolina. Ang tanging witness ay si Wolf, ang pitong taong gulang na batang lalaki na tagapagmana ng angkan ng mga De Rama. Bago po s'ya makuha ng mga taong may gawa, bigla na lang s'yang nawala. Naglaho at walang iniwang bakas upang matagpuan s'ya. Maraming tao ang nais s'yang mahanap, dahil s'ya ang itinuturong susi upang mahanap ang limpak-limpak na kayamanang pag-aari ng mga De Rama.

Isa ang ama-amahan ni Lupita sa nagnanais na makuha ang kayamanang iyon. Iniatas sa kanya ang misyon na iyon; ang hanapin si Wolf De Rama. Ngunit sa kanyang pagdating sa Apolina, ibang misyon ang plano n'yang gawin.

Sinimulan n'yang paglaruan ang buhay ng mga naghahangad ng yamang nais din ng kanyang ama-amahan, hindi lang isa o dalawa ang manlalaro, kung 'di lahat ng prominenteng pamilya sa Apolina. Larong ang tanging paraan mo lang para manalo ay manatiling buhay. Pero para kay Lupita, sa larong iyon... lahat sila'y mamamatay.

Lahat ng mga taong umasam ng nakatagong yaman ng mga De Rama ay nakatakdang mamatay. Ngunit may isang lalaki na nagngangalang Nimrod ang dumating din sa bayan ng Apolina, hindi tiyak ang pakay. Isa kaya itong kakampi, o s'yang sisira ng kanyang mga plano?

chap-preview
Free preview
Prologue
Sikat ang pamilya namin sa bayan ng Apolina. Ang angkan ng De Rama ang pinakamayaman sa lahat. Mahusay sa negosyo ang aking ama, at mahusay na kapareha ang aking ina. Pinagtulungang nilang dalawa na maging successful ang negosyo namin. Hindi lang pamilya namin ang iniangat nila sa tagumpay, pati na rin ang mga tao sa aming hacienda at pati na rin ang mga kamag-anak namin na mataas ang respeto sa amin. Kaarawan ko ngayon, pitong taon na ako ngayon. Hindi ako tulad ng ibang bata rito sa aming lugar, sila ay pag-aaral, paglalaro at pagtulong sa taniman ang pinagkakaabalahan. Ako, pag-aaral lang. Nag-iisa akong anak ni Señior Jacobe De Rama at Señiora Evangeline Nevaeh De Rama. Ako ang magmamana ng lahat, kasama na roon ang nakatagong yaman na hindi lang milyon ang halaga, kaya sa mura kong edad, sinimulan ko nang ihanda ang sarili ko. Hindi biro ang gano'n yaman na ipapasa sa akin, kaya kailangan kong maging handa. Maingat kong iniayos ang suot kong sombrelo. Tumayo rin ako at tinungo ang human size mirror at pinagmasdan ang sarili ko roon. Nakasuot ako ng itim na tuxedo na mayroong bow tie. Hinihintay ko lang ang aking ina na balikan ako rito sa aking silid. Ngayong araw, ipakikilala ako ng magulang ko sa mga tao. Sa mga malalapit nilang kaibigan at kasosyo sa negosyo. Isang malaking selebrasyon ang inihanda nila para sa ikapitong taon kong kaarawan. Hindi lang mga bisita ang magsasalo-salo dahil pati na ang mga tauhan ng hacienda ay kasali rin sa selebrasyon at nagpahanda pa ang aking ama ng apat na baka para pagsaluhan ng aming mga tauhan. "Anak?" dinig kong tawag ni Mama. Dalawang ulit din itong kumatok, tanda na ito talaga ang nasa labas ng aking pinto. Agad akong humakbang palapit sa pinto at pinagbuksan ito. Tumambad ang aking napakagandang ina na agad gumuhit ang ngiti nang makita ako. "Napakagwapo naman ng aking anak." Magiliw na ani ni Mama na lumuhod pa upang magpantay kaming dalawa. Bahagya nitong iniayos ang aking suot na itim na sumbrelo saka nito iniayos ang bow tie ko. "Natandaan mo naman ang bilin namin ng iyong ama, 'di ba?" mabilis akong tumango. "Hindi lalayo sa inyo, o sa mga bantay ko. Tandaan ang mga mukha ng mga nakakasalamuha ko sa party." "Perfect!" "In case na nagkagulo, saan ka pupunta?" "Magtago, Ma. Huwag lalapit sa 'yo o kaya sa aking ama." Napangiti itong muli at marahang hinaplos ang aking pisngi. Hindi naman talaga ito ang araw upang magsaya kami. Gusto kong makilala ang mga taong possible na maging balakid sa pamilya namin. Kung mayroon man ay kailangan kong mag-obserba. "Halika na?" tinanggap ko ang inilahad nitong kamay at agad nang sumama rito. Naghihintay rin sa labas ng pinto ang apat kong bantay na sina Hardin, Eleazar, Rambin at si Zora na isang babae. Nakasunod sa amin ang mga ito nang tuluyan na kaming naglakad sa hallway ng mansion. Naririnig ko ang masayang tugtog ng banda habang may umaawit. "Sabay-sabay nating bigyan nang masigabong palakpakan ang ating birthday celebrant, Wolf De Rama!" tinanguan ako ni Mama nang nasa toktok na kami ng hagdan. Ako ang unang bababa habang nakasunod lang ang mga ito. Gaya nang palaging bilin ng aking ama, palagi dapat maayos ang tindig at hindi yuyukod upang ipakita ang authority. Sa edad kong ito, alam ko na ang mga gaanong bagay. Mas lalong lumakas ang palakpakan nang humakbang na ako pababa. Naghihintay sa pinakaibabang baitang ang aking ama na si Señior Jacobe na agad gumuhit ang ngiti nang makita ako. Nang nasa ikadalawang baitang na ako sa ibaba ay binuhat na n'ya ako at malawak ang ngiting dinala ako sa entablado. Ibinaba n'ya ako roon. Tumayo naman ako ng tuwid at iginala ang tingin sa paligid. Anim na tao ang nais nitong tandaan ko. Ang anim nitong kaibigan may pagkakataon daw na nakararamdam ito ng panganib sa mga aura nito. Tauren Suarez, Darrius Salazar, Taco Martinez, Mirroah Lopez, Cairus Rodriguez at Silas Andres Aguarde. Nais n'yang tandaan ko ang mga iyon. Hindi ko pa man sila personal na kilala ay nakita ko naman agad ang mga ito. Ilang linggo ko ring pinag-aralan ang profile ng mga ito. "Magandang araw sa iyong lahat. Maraming salamat sa pagdalo sa espesyal na araw para sa aming mag-asawa." Tumabi si Mama sa amin ni Papa. Kumaway pa ito sa mga bisita."Alam kong busy kayo pero salamat at nakuha n'yong dumalo sa araw na ito. Sanay mag-enjoy kayo. Sa anak kong si wolf, happy birthday sa 'yo anak ko. Hindi ka tulad ng ibang bata. Napakatalino mo to the point na walang silbi ang mga laruang inimbak ko sa playroom mo dahil hindi mo pinapansin." Pabirong ani ng aking ama."Mahal na mahal kita, anak. Handang gawin ni Papa ang lahat para sa 'yo." Bahagya akong yumukod sa aking ama upang magpasalamat. Nang matapos ang speech ng magulang ko'y bumaba na kami ng entablado. Buhat ako ng aking ama na ipinakilala sa mga malalapit nitong kaibigan. "Aba'y napakagwapo naman ni Wolf." Puri ni Silas Aguarde na akmang lalapit sa akin upang kunin ako ngunit yumakap ako sa aking ama. "Pasensya na sa batang ito. Mailap sa tao kaya naman hindi sumasama sa iba." Nakatawang ani ng aking ama. "I understand. Akalain mo iyon, pitong taon na itong si Wolf." "Dapat pala'y isinama natin ang mga anak natin upang may kalaro itong si Wolf." Singit ni Taco Martinez na kumaway sa akin. "Paumanhin po, hindi po ako nakikipaglaro at naglalaro." Sagot ko sa lalaki. Natawa naman ang mga ito. "Wow, sana ganyan din ang anak ko. Iyong si Drido ay sampung taon na ngunit puro laro pa rin at hindi inaayos ang pag-aaral." Sinulyapan ko si Darrius Salazar. "Ano ka ba naman, pare, tiyak na magtitino rin katulad mo iyang inaanak namin na so Drido." Sagot dito ni Tauren Suarez. "Maloloko pa sila sa ngayon. Pero tiyak na tutulad sa ating ang mga iyon. Parang si Jacobe lang, ito ang pinakamatino sa atin. Kaya hindi na nakagugulat na mabait itong si Wolf." "Oo nga pala, iyong mga regalo namin ay naroon na sa mesa. Sana'y magustuhan mo." "Marami pong salamat." Sabay-sabay pang binati ako ng mga ito. Nang kunin ako ni Mama ay sumama ako rito para kumain. Hindi lang naman ito basta children's party. Kasi masyadong pormal ang ayos ng venue kung saan narito iyon sa harap ng mansion. Mas mukha pa nga iyong party ng matanda na s'ya namang request ko. Pinaupo muna ako ni Mama upang ikuha ng pagkain. Iginagala ko lang ang tingin ko sa paligid. "Wolf!" lapit ni Enna. Anak ito ng aking Auntie Sienna. Mas matanda ako rito ng isang taon. "Enna!" "Ito ang regalo ko sa 'yo." Sabay abot no'n sa akin at napabungisngis pa ito. Tinanggap ko naman iyon saka bumaba ako ng upuan. Hinila ko ito paalis sa bulwagan. Nakita kong sumunod ang mga bantay pero ayos lang naman iyon. Narating namin ang garden saka ako excited na umupo. Kay Enna lang ako masiglang humaharap. Nginitian ko ito saka ito umupo rin sa tabi ko. "Tiyak kong magugustuhan mo iyan." Nakangising ani ni Enna. Pilya ito, palaging masakit ang ulo ni Auntie Sienna dahil sa kakulitan nito. Bigla akong kinabahan sa regalo nito. "Ano naman ito?" nanunulis ang ngusong tanong ko rito. "Buksan mo na, dali!" excited pang ani nito sa akin. Bumuntonghininga muna ako bago iyon binuksan. Nang mabuksan ko ang kahon ay agad akong napasimangot kay Enna. Wala talaga itong magawang matino. Ang laman ng regalo nito'y mga ipit. Puro kulay pink ang mga iyon na agad ko ring isinara ang kahon nang makita ko. "Sabi ko na nga ba ayaw mo eh." "Tsk. I'll keep it pa rin. Don't worry." Mabilis na ani ko nang makita kong lumungkot ang expression ng mukha nito. Aanihin ko naman kasi ang mga ipit na iyon? Samantalang si Enna ang may favorite sa mga butterfly na ipit. "I-keep mo iyan ha!" "Oo!" ani ko rito. Muli kong pinagmasdan ang kahon. Ewan ko rito kay Enna, hindi ko naman ito kailan pero ito pa talaga ang ibinigay n'ya. "Huwag mong itatapon or ipamimigay. Gagabayan ka ng mga butterfly para safe ka palagi." Inakbayan ko ito. "Sige na nga!" niyakap ko ng isang kamay ang kahon. Akma na sana kaming babalik sa party nang makarinig kami nang sigawan. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Enna na halatang natakot agad. "What's going on?" tanong ko sa mga bantay ko. Agad naman akong binuhat ni Kuya Hardin, habang si Enna naman ay binuhat ni Kuya Rambin. Imbes na ibalik kami sa bulwagan ay buhat-buhat kami nitong inikot patungo sa kabilang bahagi ng Hardin. Natatakpan man ng halaman ay nakuha ni Kuya Eleazar na itulak iyon at tumambad ang isang pinto. Agad kaming pumasok doon. "Dito lang kayo, titignan namin ang sitwasyon sa labas." Mariing bilin ni Ate Zora. Nagsimulang umiyak si Enna. Tinakpan ko ang bibig nito upang patahimikin s'ya. Ilang minuto pa'y iniwan din kaming dalawa ng bantay namin. "Tumahan ka, Enna!" ipinasa ko rito ang kahon."Hawakan mo itong mabuti, ibalik mo sa akin ang regalo mo kapag okay na ang lahat. Huwag mong ipamimigay sa iba kasi regalo mo iyan sa akin." Niyakap ko ito. Pinaupo ko si Enna sa gilid ng cabinet. Alam ko naman ang lugar na kinaroroonan namin. Kabisado ko ang buong hacienda. Ang secret passage na tama lang para sa isang tao ay maluwag na maluwag para sa akin dahil sa bata pa naman ako. Tinatawag ako ni Enna pero sinenyasan ko lang ito na manahimik. Kailangan hindi mag-ingay ang pinsan ko dahil baka may makapansin na nagkukubli kami rito. Agad akong umakyat upang marating ang tuktok ng mansion. Sa pinakatuktok ako madalas tumambay kapag nagbabasa ako. Pero hindi ako rito dumaraan. May isang madali ring daan, pero sa silid ko iyon. Hindi rito. Naririnig ko ang takot na hiyawan, pati na ang putok ng baril. Narating ko ang dulong parte at mabilis akong sumampa para makaayos ng pwesto. Hinanap ko agad ang telescope na regalo ng aking Auntie Sienna last birthday ko. Agad kong pinuntiryang tignan ang harap ng mansion. Nagkakagulo nga roon. Sa edad kong pinto, labis na trauma ang ngayon ay nakikita ko sa bulwagan. Mga bisitang wala ng buhay ang tumambad sa akin. Mga tauhan ng hacienda na pilit lumalaban pero wala namang laban ang kanilang itak sa mga baril ng mga lalaking naka-business suit. Nakita ko ang mga kaibigan ni Papa, may mga baril sila. Akala ko pinoprotektahan nila sila Papa. Pero nakita ko na lang na bumulagta sina Mama at Papa saka pinagbabaril. Gusto kong sumigaw. Pero hindi ko magawa dahil para akong nawalan ng lakas. Naroon lang ako, mahigit dalawang oras na tulalang nakasilip sa telescope ko. Kahit nang ipunin ng mga ito ang mga bangkay at pinagpatong-patong, saka nila sinimulan iyong sinunog. Naririnig ko rin ang hiyaw nila, inuutos nilang hanapin ako. Hanapin ang tagapagmana ni Señior Jacobe De Rama. "Ang bad nila." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Enna. Yakap-yakap nito ang regalo nito sa akin. Agad ko itong niyakap nang mahigpit. Pero itinulak ako nito saka s'ya tumayo at tumakbo sa maliit na pinto na daan upang marating ang kwarto. Hahabulin ko pa sana ito pero isinara n'ya ang pinto. Naririnig ko ang iyak ni Enna. Pero kahit sumigaw ako'y hindi ata nito rinig sa kabilang bahagi. Naririnig ko si Enna, ang kaninang pagsigaw ko'y natigil nang makarinig ako nang putok ng baril sa aking silid. Kusa kong nai-lock ang pinto dahil sa takot. Tulalang napatitig ako roon. Nang yumuko ako'y nakita ko ang dugo na mula sa kabilang bahagi ng pinto. A-no bang nangyayari? A-yos lang ba si Enna? Binalikan ko ang pwesto ko kanina, para nang sasabog ang ulo ko sa labis na sakit. Nang muli kong tinignan ang kaganapan sa labas ay nakita ko na nagliliyab na ang mga bangkay ng mga taong pinagpatong-patong nila. Nagtawanan pa ang mga kalalakihan na armado ng baril habang nanonood. Parang hindi natatapos ang pagdating ng mga bangkay na dala ng mga lalaki na kasama ng mga kaibigan ni Papa. Parang galing pa nga ang mga iyon sa baryo. Dahil pati mga bata at matanda ay nakikita ko pang hila-hila. Ang iba'y nakasakay pa sa kariton. Inubos nila ang lahat ng tao rito sa Hacienda De Rama. Inubos ng mga demonyong hindi ko alam kung ano ang pakay sa pamilya ko. "Linisin muna natin ang lahat ng kalat. Babalik tayo rito para kunin na ang kayamanan." Dinig kong ani ni Silas Aguarde. Nagtawanan ang mga ito na waring nagbunyi sa tagumpay nilang iyon. Habang ako, tulala na lang habang tinatandaan sa isip ang mga demonyo. Kayamanan? Malabo nilang makuha iyon. Hinding-hindi nila makukuha sa pamilya De Rama ang kayamanang inaasam nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook