Chapter Seven

1700 Words
"Wala kang TV?" kakamot-kamot sa ulong tanong ni Hea sa akin. Inabutan kasi naming nakahiga sa couch ang kapatid nito. Nakatulog na. Pinag-uusapan pa naman namin iyong mga channel na available sa TV. "W-ala? W-ala na." Napalo ko pa ang noo nang ma-realize kong na basag ko nga pala iyon. Sa itsura ng TV ay malabo nang maayos pa iyon. Itinuro ko ang kwarto. Sumunod naman si Hea nang pumasok ako roon. Ipinakita ko rito ang TV. Sa sala naman kasi iyon, inilipat ko lang sa room ko. "Anong nangyari d'yan?" takang ani nito sa akin. "Nabato ko." Amin ko rito. "Nabato mo? Nang alin?" "Nang phone ko." Hindi makatingin sa kaibigan na ani ko rito. "What? Nanira ka ng gamit? Ikaw na napakakuripot at napakatipid... nanira ng gamit?" gulat na gulat na ani nito. Nasa mukha ang pagkamangha. Paulit-ulit din ang isang ito. Tumango ako. "Kaya nasira ang phone ko. Bumili ako ng bago kagabi." "Wow! Ibang klase ka. Baka gusto mong mamili rin nang kapalit ng TV mo? 'Di ba nagtitipid ka? Bili ka na lang ulit ng bago." Sarcastic na ani nito. Saka natawa. "Pagkakamali ko iyon. I'm really stupid. My god!" himutok ko. Saka pabagsak na humiga sa kama ko. "Yes, stupid!" sang-ayon nito. Napasimangot tuloy ako. Imbes na kampihan ako'y wagas din itong gumatong. "Anong masasabi mo sa kuya ko?" tanong nito sa akin. "Hindi ko alam na may kapatid ka." Saka deretsong tumitig sa kisame ng silid ko. "Hindi ko ba nasabi? He's my half-brother. Panganay na anak ni Daddy. Ang pogi ng kuya ko, 'no?" Nakangising ani nito. "Single iyon. Kaso walang time makipag-date. Baka gusto mo jowain?" ani nito. No. Gusto kong asawahin ang kuya nito. Tapos gamitin para maisakatuparan ko ang mga plano ko. Pero paano ko gagamitin ang kuya nito ngayong alam ko ng kapatid pala ito ni Hea? Hays! No, Lupita. Walang dapat mabago sa mga plano. Tuloy ang plano, Lupita. Napahilot ako sa sintido ko. Sumakit ang ulo ko. "Pass." Sagot ko rito. "Ito naman. Puro ka aral na parang nagmamadali. Iyong ibang subjects mo ay ang aga mong in-take. Mag-love life ka naman." "Pareho lang tayong single, pero kung magsalita kay parang ako lang itong walang kasintahan." "At least ako may lalaki akong pwedeng i-offer sa 'yo. Iyong kuya ko." "Meron din ako. Si Kuya Stephen, Kuya King, at Kuya Columbus." Mabilis na ani ko. "Pwede ba silang tatlo?" agad akong tumagilid at pinalo ito sa braso. "Heay! Nagjo-joke lang ako." Reklamo nito. "Ewan ko sa 'yo, Hea. Tara na nga muna sa labas." Yaya ko rito. Pagkalabas namin ay tamang kababangon lang ng lalaki. Halatang nakatulog nga. "Let's go, Hea?" ani nito. "Nagmamadali naman ito. Pero sige na nga. Tara na." Sang-ayon ni Hea. Yumakap pa ito sa akin saka kumapit na sa braso ng kapatid n'ya. "Thanks sa food." Seryoso pa rin ang tinig ng lalaki. Titig na titig ito sa akin. Ewan, bakit ngumiti ako rito the way akong ngumiti sa tuwing nanunukso ako. Para itong natigilan, waring napaisip. For sure iniisip na naman n'ya kung saan n'ya nakita ang ngiting iyon. "Welcome, Kuya." Nakikikuya. Tumango ang lalaki. Umalis na sila. Hinatid ko lang sila sa gate. Tapos nang makasakay ay umalis na sila. -- "Matagal na kayong magkaibigan?" tanong ko sa kapatid. Papalayo na kami sa apartment ni Lupita nang magtanong ako. Sumulyap si Hea sa akin, bahagyang nakaangat ang kilay nito. Daig pa ang naghihinala, kahit na nagtatanong lang naman ako sa kanya. "You like her?" panunudyo nito. "I'm just asking kung matagal na kayong magkaibigan. Iyon lang. She's too young for me, Hea." Nailing pa ako rito. "But she's not a minor, Kuya Argus. She's so fine, 'no?" hindi mapuknat-puknat ang ngisi sa kanyang labi. "Tsk." Ibinalik ko ang focus sa pagmamaneho. "She's single. Matalino rin. Medyo hirap nga lang sa buhay dahil hindi sinusuportahan ng papa n'ya. Working student din siya. Mayaman sila, pero iyon nga... may sungay ang tatay." Tumango naman ako. "Kung type mo siya, pwede kitang ilakad sa kanya." Umiling ako. May isa akong gusto na tiyak kong kapag nalaman ng family ko'y baka mag-alala sila, or baka pagtawanan ako. "No, Hea." Tugon ko. "Pero malay lang natin." Iling ang naging sagot ko. "Hays, iyong babaeng iyon. Alam mo bang TV lang ang libangan no'n? Lalo na kapag tapos na s'ya sa mga gawain n'ya. TV ang libangan n'ya. Tapos nabasag pa n'ya. Tsk. For sure never n'yang papalitan iyon dahil kuripot iyon sa sarili n'ya. Pati nga mga shoes n'ya, kahit pudpod na ay kini-keep pa rin n'ya." "Really?" tango naman agad ito. "Kaya siya na lang ligawan mo. Kapag naging asawa mo siya, hindi na n'ya kailangan mahirapan sa buhay. Naaawa ako sa kanya, sa totoo lang." "Hea, dumadaldal ka yata?" this time ay ako naman ang nanunudyo rito. "Hindi, ah! Sadya lang sigurong marami akong kwento about Lupita. She's so pretty, 'no? Maraming sumusubok manligaw sa kanya. Pero hindi naman siya interested sa kanila." "Okay lang naman iyon. Mas makakapag-focus siya sa pag-aaral." "Ang boring. Kaya naman n'yang pagsabayin. Kaya naming pagsabayin. Maglo-love hunt na nga ako." "Stop it. Bata ka pa." "Ngi, pareho nga lang kami ni Lupita ng age. 20 na siya, ako rin 20." "Bata ka pa." Iyon na lang ang sagot ko rito. Hindi pa ako handang makita ang bunsong kapatid na umiibig. Parang pakiramdam ko'y kailangan ko pa itong protektahan. Nanahimik na ito. Narinig ko pa nga habang nagtitipa ito kung ilang taon ba para masabing matanda na. "Hays! Ano kayang gagawin no'n sa maghapon lalo't sira ang TV n'ya? Kuya, ibili kaya natin siya ng TV?" ani nito. "Well, pwede naman. Gusto mo ba? Ayos lang kaya iyon sa kanya?" tanong ko rito. Mas kilala nito ang kaibigan nito. Baka kasi mamaya ay hindi pala okay rito ang gano'n bagay. "Okay lang iyan. Wala naman na siyang magagawa kapag bumili na tayo." "Dahil mabait siya sa 'yo at inaalagaan ka rin n'ya. Ako na ang bahala." Iniliko ko ang sasakyan para baybayin ang daan patungo sa mall. "Dapat iyong malaki." Excited na ani ni Hea. Tango lang ang sagot ko sa kapatid. --- Bored na bored na ako. 11 am pa lang pero wala na akong magawa. Bukod sa libro at cellphone, TV lang din ang isa sa libangan ko. Nilapitan ko na nga kanina. Hinaplos-haplos, baka sakaling gumana. Pinalo ko na rin iyong likod, hindi iyong harap kasi basag na iyon. Kaso hindi effective ang haplos ko. Sa ibang bagay lang siguro iyon effective. Ngayon nakatulala na lang na naman ako sa kisame. Nang may nag-doorbell ay agad akong tumayo. Nawala na naman sa isip na nakasuot lang ako ng t-shirt na malaki, panty, at bakat ang dibdib dahil walang bra? Saka ko na lang na realize iyon nang buksan ko ang pinto ang marinig ko ang pagsinghap ng lalaki na may buhat na TV. Agad kong tinakpan gamit ang palad ko ang dibdib kong nagmamalaki. "S-orry, Kuya!" tarantang ani ko. Saka malakas na naisara ang pinto at tumakbo pabalik sa kwarto. Hindi ko sinasadya na gano'n ang ayos ko no'ng pinagbuksan ko siya ng pinto. Pero mukhang sa nakita nito'y hindi lang ito maulol kay L na siyang isa kong katauhan. Pati na rin sa Lupitang kilala nito bilang kaibigan ng kapatid n'ya. Nang makapag-short at bra ako'y binalikan ko ito sa labas. Pinagbuksan. Agad naman itong pumasok kahit na wala pa akong sinasabi rito. Saka n'ya inilapag sa sala ko ang bagong TV. "Ano po ito?" takang ani ko. Wala pa naman akong cash ngayon. Mukha ring mamahalin ang TV na dala nito. "TV." Sagot nito. Gago rin. Alam ko namang TV iyon. "I know na TV iyan. Alangan namang ref... I mean, bakit po may pa-TV kayo? Nanalo po ba ako sa raffle?" sunod-sunod na ani ko. "Nasira raw ang TV mo. Kaya nagyaya si Hea na bilhan ka." "Bakit po? Naisipan na ba n'yang magpahulugan? Wala po akong pambayad, Kuya Hunter." Bahagyang umawang ang labi nito nang tawagin ko siyang 'Kuya Hunter'. Baka naman kasi Argus lang ang tawag dito ng mga tao sa paligid nito. "It's free. Wala kang babayaran. Gift namin ni Hea sa 'yo." "Nasaan po si Hea?" nang mabatukan ko man lang ang babaeng iyon. Aanhin ko ang TV na 65 inches? "Nauna nang umuwi. Tinawagan ng mommy n'ya. Aayusin ko muna itong TV bago ako aalis." Seryosong ani ng lalaki. Saka sinimulang i-unbox iyong. Nag-offer akong tulungan siya. Pero sabi n'ya naman ay kaya raw n'ya. Kaya nanahimik na lang ako sa gilid ng couch. "Ang mahal po n'yan. H-uhulugan ko na lang po." Kunwari'y nahihiyang ani ko. Mayaman sila, for sure barya lang sa kanila iyan. Ano lang ba naman iyong kunwari'y nahihiya talaga ako, 'di ba? "No need. Walang regalo na ipapabayad sa taong bibigyan. Alam ni Hea na favorite mong manood ng TV." Opo, totoo po iyon. Favorite ko iyong mga bold kung saan matututo ako ng mga technique. Ang laki ng screen. For sure mas maganda at malinaw kapag doon ko pinanood. Pero siyempre, hindi ko sinabi rito kung ano ba iyong pinapanood ko sa TV. Umakto na lang ako na curious sa mga kinakalikot n'ya. Pinagpapawisan na nga ito, dahil sa laki ng TV na inaayos n'ya. "Ikuha po kita ng water." Agad akong tumayo, bigla na lang kasi itong naghubad ng t-shirt. Walang aircon dito. Kaya naman electric fan lang ang gamit. Mainit, lalo't halatang sanay ang lalaki sa aircon. "Thanks, Lupita." Dinig kong ani ng lalaki. Hindi na ako lumingon. Dali-daling nagtungo na lang ako sa kusina para kumuha ng tubig at uminom. Ako pala iyong talagang nauuhaw. Pero siyempre kinuhanan ko pa rin siya. Pagbalik ko roon ay patapos na ito. Agad kong inabot dito ang baso na may lamang tubig. "Inom muna po kayo." Nang tanggapin nito iyon ay bahagya pang dumikit ang daliri nito sa kamay ko. "Thanks, Lupita." Saka ko lang na realize na nakikipagtitigan na ako rito. Matamis ang ngiti ko. "Salamat po sa TV." "May kailangan ka pa ba rito? Pwede kong ihatid." Alok nito. Aircon kaya? Pero masyado namang halatadong makapal ang mukha ko no'n. Kaya umiling ako. "Wala na po. Salamat po... Kuya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD