Chapter Six

1805 Words
"Lupita, gising ka pa?" iyon ang tanong ni Hea pagkatapos kong sagutin ang tawag nito. Malapit na ako sa apartment ko. Isang kanto na lang. "Hindi, Hea. Tulog pa ako." Sagot ko rito. "Gano'n ba? Gising ka muna. I'm working na kasi rito sa isang coffee shop. I'm scared na umuwi, friend. Sunduin mo ako?" paglalambing ng babae. "Anong coffee shop?" tanong ko. 'Di bale nang maudlot ang plano ko sanang pagtulog pag-uwi ko. Kaysa mapahamak ang duwag na babaeng iyon. "Dito sa Tea Tea Moist and Coffee." Napangiwi ako sa pangalang binanggit nito. "Okay. Hintayin mo ako. Mag-stay ka lang sa loob. Huwag kang lalabas." Bilin ko rito. Saka ko ibinaba ang tawag. Ang jacket na suot ko na kulay itim ay ibinaliktad ko. Inilabas iyong kabilang side na kulay puti. Bago ko isinuot ulit iyon. Lalakad lang ulit ako para puntahan ang coffee shop na pinagtratrabahuan ni Hea. Hindi ko alam kung kailan siya nagsimula. Medyo busy kami nitong mga nakaraang araw, kaya naman wala kaming balita sa isa't isa. Naglakad lang ako nang naglakad. May ilang ulit na bumusina sa akin na taxi, ngunit hindi ko man lang nilingon o pinansin. Ilang tambay rin ang nadaanan ko na pumipito pa at nagca-cat call sa akin. Pero nilagpasan ko lang sila. Marunong naman akong magparusa, next time lagot sila sa akin. Narating ko ang coffee shop kung saan nagtratrabaho si Hea. Inabutan ko itong nakaupo na lang sa gilid. Sarado na ang shop. "Sabi ko huwag kang lumabas." Seryosong ani ko rito. "I'm sorry. Ilo-lock na kasi ni manong. Kaya lumabas na ako." Halatang pagod ang babae na agad tinanggap ang inilahad kong kamay. "Uwi na." Yaya ko rito. Nagsimula kaming maglakad. Nakakapit sa braso ko si Hea habang nagdadaldal ito. "No'ng Monday lang ako nakapasok. First night ko rin d'yan." "Good. Mabuti at nakahanap ka agad." "Oo, no'ng monday iyong first night ko, tapos ngayon iyong last." Agad ko itong nilingon. Naguluhan ako. Hindi gets ang sinabi nito. "Nag-resign na ako. Kaya last ko na ngayon." "Ha? Why?" "Kasi naman utos nang utos ang mga customer. Hingi ng additional sugar, hingi ng water---" "It's your job, Hea." "Tsk. Kaya nag-resign na ako." Palibhasa sanay itong siya mismo ang pinagsisilbihan. "Ano pa nga bang nakakagulat doon?" ani ko. Naiiling pa. "Saka ayaw ko nang mag-work kahit part-time lang, nakakapagod." Napasimangot ako sa sinabi nito. "Tsk. Ikaw talaga. Pasalamat ka nga't may tumanggap sa 'yo para magtrabaho." "Eh 'di thank you." Nakailang kanto na kami nang matanaw namin ang apartment n'ya. "Pasok na." Utos ko rito nang makalapit kami sa tapat ng apartment n'ya. "Hindi ka na papasok? Magkape or kumain man lang?" alok nito. "Pumasok ka na." Tumango naman ito. "Bukas wala ako. Susunduin ako ng kuya ko. Gusto mo ba ipakilala kita sa kanya?" "Busy ako bukas." Tipid na tugon ko. "Pasok na. Magpahinga ka na at huwag nang lalabas. Delikado." "Tsk! Ikaw rin. Delikado na. Pero nasa labas ka pa rin." "Alis na ako." Paalam ko. Saka ipinagtulakan na ito papasok sa gate n'ya. Kumaway pa ito pagkatapos n'yang isara ang gate. Hindi pa rin ako umalis, hanggat hindi ito nakakapasok. Nang mapansin n'yang iyon lang ang hinihintay ko'y tinalikuran na ako nito at pumasok na s'ya sa bahay n'ya. Saka lang ako nagdesisyon tuluyang umalis. "Anak, nakauwi na kami. Sayang wala ka. " Mensahe iyon ni Mama Cora. Hindi ko ni-reply-an. Para hindi na humaba pa ang maging pag-uusap. Bukas na lang siguro kung maalala ko. Naglalakad na ako paliko sa kanto nila Hea ng may mapadaang sasakyan. Bukas ang bintana, kaya nakita ko pa kung sino ang sakay no'n. I saw Hunter Argus Escuevel. Ito ang nagmamaneho, at mag-isa lang nito sa sasakyan. May kausap ito sa phone habang ang isang kamay ay nasa manibela. Bahagya akong gumilid, at hindi umalis sa pwesto ko hanggat hindi nakakalagpas ang sasakyan. Sino ang pupuntahan n'ya sa area na ito? Nang makalayo ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang makauwi ay agad akong nagpalit ng pantulog, saka pumwesto na sa kama. Magpapahinga na muna ako. --- "Nandito ang kuya ko. Kagabi pa. Busy ka ba? Halika rito. Ipakikilala kita." Basa ko sa mensahe ni Hea. Nagluluto ako ng breakfast nang mag-message ito. "Ano kaya kung kami na lang ang pumasyal d'yan?" "Tama." "Kami na lang ang pupunta d'yan." Makulit din talaga si Hea. Hindi pa man ako nagre-reply ay nagdedesisyon na siya. Bago pa ako makatipa ay mayroon ulit. "Punta kami. See you." Napabuntonghininga ako't napailing. Nagdesisyong dagdagan na lang ang inihahanda kong food. I'm into pasta, kaya naman marami akong alam na luto roon. Sa groceries ay hindi problema. Dahil nagpapadala si Mama Cora. Iyon lang ata ang hindi nahahabol ni Papa Silas. Pero siguro kung kami mismo nila mama ang namili, at ipauuwi sa akin. Iyon mahahabol nito. Fettuccine Alfredo ang inihahanda ko. Good for 3 or 4 people. Depende na lang kung malakas kumain iyong kapatid ni Hea. Habang wala pa sila, pagkatapos kong magluto ay hinugasan ko na muna ang mga ginamit ko. Nang marinig ko ang pintong parang sinususian ay alam kong sila na iyon. Kaya naglagay na rin ako ng mga plato. "Lupita!" dinig ko ang sigaw ni Hea sa sala. See, hindi talaga kailangan pagbuksan ng pinto ang babae. May susi ito, at deretso pasok lang. Bumungad ito sa pintuan ng kusina. Nagulat ito sa hindi ko malamang dahilan. "Lupita, gago ka naman. Naka-panty at bra ka lang." Para akong nanlamig sa sinabi nito. Napayuko at na realize na naka-panty at bra nga lang ako, habang may suot na apron. Ako lang naman kasi ang narito. Kaya naman komportable ako sa gano'ng suot lang. Then I realized... may kasama ito. Nakatayo na rin sa likod nito. Mas lalo akong hindi nakagalaw nang makilala ang taong iyon. Agad tumalikod si Hea at tinakpan ang mata ng kanyang kapatid. Ako naman ay dali-daling tumakbo, lumusot pa ako sa maliit na space dahil nakaharang sila. Tinungo ko ang kwarto na pakiramdam ko'y pulang-pula ang buo kong mukha. Fuck! Anong ginagawa ng lalaking iyon dito? Bago ko pa mapakalma ang sarili ko, nakuha ko pa ring kumilos para magbihis. Nang tignan ko ang mukha ko sa salamin, para na iyong kulay kamatis. Nang bumaba ako'y nakaupo na sila sa upuan sa dining table ko. Hindi pa sila nagsimulang kumain. "Sinabi ko naman sa 'y na pupunta kami. Iba rin naman ang outfit-an mo, Lupita." Natatawang ani ni Hea. Nakuha pang manudyo. Alanganin naupo ako. Kahit naman kumatok sila Hea, sure akong gano'n ko pa rin sila lalabasin. Nawala talaga sa isip ko ang ayos ko. Matiim na nakatitig si Hunter, si Hunter Argus Escuevel nga. Pero paano silang naging magkapatid? Sa pagkakaalam ko'y iisang anak lang si Hea ng mommy n'ya. "By the way, Lupita. Ipakikilala ko sa 'yo ang kapatid ko." Tumingin ako kay Hunter. "He is Hunter Argus Escuevel, my brother. Kuya Argus, she's Lupita." Naglahad ng kamay si Hunter. Alanganin man, tinanggap ko iyon. Pakiramdam ko nga'y na kuryente ako dahil sa pagkalapat ng palad naming dalawa. Alam kong gano'n din ang lalaki, kaya para kaming napapasong bumitiw. Saka ako pilit na ngumiti. "You look familiar." Napatingin kami ni Hea sa lalaki. "Nagkita na kayo?" tanong ni Hea. Agad naman akong umiling. "Ngayon ko lang nakita ang kapatid mo, Hea." Sagot ko rito. "Kuya, don't tell me pick up line iyan?" ani ni Hea sa kapatid n'ya. "S-orry. Baka mali lang." "Ayos lang. Baka masyadong common ang face ko, kaya nasabi mo iyan." Casual na tugon ko. Iyong normal kong boses na never kong ginamit sa tuwing nagla-live show ako. "Naghanda ako ng food. Kain tayo." Yaya ko na lang sa kanila. Pero hindi ko maiwasang panaka-nakang tignan ang lalaki, lalo't ngayong malapit lang ito. Naiisip ko ang hubad na katawan nito na ilang beses ko nang nakita thru video call. "Are you okay?" tanong ni Hea nang masamid ako. Damn! Nakakahiya sa babae kapag nalaman n'ya ang tinatakbo ng isip ko ngayon. Tiyak na magagalit din sa akin ang babae kapag nalaman n'yang tina-target ko ang kapatid n'ya para maisakatuparan ang mga plano ko. Pero hindi si Hea ang makakapigil sa mga balak ko. "Kuya Argus, si Lupita ang sumusundo sa akin kapag inaabot ako ng gabi sa klase ko. Kahit kagabi na nag-part time ako, siya rin ang sumundo sa akin." "Thanks for doing that." Seryosong ani ni Hunter. "Kaibigan ko si Hea. Normal lang na gawin ko iyon." "Hindi ko ma-gets itong si Hea kung bakit hindi na lang magdala ng sasakyan at driver. Hindi rin naman n'ya kailangan pang magtrabaho." "Kuya, for experience. Kaya ko ito ginagawa. Alangan namang tumanda na lang ako na walang alam sa mga bagay-bagay. Katulad nitong si Lupita. Rich kid ito. Pero simple lang, mas marami pa ngang alam." "Really?" "Naku! For sure kilala mo ang mga kapatid nya---" "Hea!" agad kong saway. "Ay, sorry! Confidential nga pala. Izi-zip ko na ang mouth ko. Ang sarap nitong pasta. The best ka talaga." Tipid lang akong ngumiti. --- Pinagmamasdan ko ang babae. Kanina pa. Pasimple nga lang dahil ayaw kong mahalata nila. Lalo't narito si Hea na matabil ang dila. Tinutulungan ng kapatid ko si Lupita na magligpit nang pinagkainan namin. Habang ako'y nanonood lang sa kanilang dalawa na busy. Nakasandal ako sa hamba ng pinto at matamang nakatitig sa babae. May sense nang familiarity. Pero hindi ko totally tanda kung sino ba ito. Parang nakita ko na ito. Hindi ko lang maalala kung saan kami nagkita. Hindi ko rin maunawaan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ng init ang katawan ko. Epekto yata ito ng ilang buwang subsob sa trabaho. Walang panahong makipag-date at umaasa na lang sa pleasure site para lang makaraos. Mas lalong hindi na at ease ang pakiramdam ko nang maalala ang pleasure site. Masyadong desperado sa babaeng nakakubli sa isang maskara pero nakabuyangyang sa camera ang katawang gabi-gabing laman ng aking panaginip. Damn. I think kailangan na naming umalis ng kapatid ko. Nakakahiya sa mga ito kung nasa ganitong sitwasyon ang katawan ko. "Hea, mananatili ka ba rito? I think I need to go." "Really? Dito muna tayo, Kuya. Nood ka muna ng TV. Sabay tayong uuwi kay Mommy. Nangako ka sa mommy ko." Bumuntonghininga ako at tumango. Hea is my half sister. Anak ito ng daddy ko sa ibang babae, dahil single si dad ay pinakasalan na n'ya at ibinahay ang mommy ni Hea. Wala namang problema sa akin iyon. After all, mahal na mahal ko si Hea na bunso kong kapatid. "Oo nga, Kuya. Dito ka muna." Ngumiti si Lupita sa akin. Iyon na naman iyong pakiramdam na para itong familiar. Tumango na lang ako, saka tumalikod. Manonood na lang muna ako ng TV sa sala. Pero pagdating ko roon ay wala namang TV. Napakamot ako sa batok ko. Nasaan ang TV?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD