Chapter 7

1411 Words
THADDEUS “What are you doing here?” Mula kay Grandpa nalipat ang attensyon nilang dalawa sa akin ni Kristel. Pagkatapos ng ginawa niyang eskandalo sa hospital ay nagpunta pa talaga siya dito sa bahay para dalawin si lolo na kauuwi lamang din namin kanina mula sa Hospital. “Hindi naman ikaw ang dinadalaw ko, kaya huwag kang assuming.” Mataray na sagot niya sa akin. “Teka? Bakit? Anong nangyari? Nag-away ba kayong dalawa?” Usisa ni Lolo. Lumipat si Kristel sa tapat ni lolo at humawak sa braso nito. “Yung apo niyo po kasi Lo, kinampihan yung babaeng umaway sa akin sa hospital. Sinigawan pa niya ako. Dapat dadalawin ko po kayo kaso pina-alis niya ako.” Sumbong niya na ikinakunot ng noo ni lolo na bumaling sa akin. “Totoo ba yun Thaddeus? Pinaalis mo si Kristel? At sino namang babae ang umaway sayo?” Balik tanong niya kay Kristel na nagpapa-awa pa sa harapan ni lolo para panigan niya. “Lo, tama lamang ang ginawa ko–” “Tumigil ka! Ganyan ba kita pinalaki Thaddeus? Ang manakit ka ng kalooban ng isang babae? Paano na lamang kapag naging mag-asawa na kayo? I'm warning you. Tratuhin mo ng maayos si Kristel. Siya lamang ang nakikita kong karapatdapat para sayo–saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!” Tumigil ako sa paglakad at nilingon ko siya. “I'm tired, Grandpa…magpapahinga na po ako.” “Ano? Eh paano si Kristel?” “Bisita mo siya diba? I really needed to rest. Goodnight.” Pagkasabi ko ay umakyat na ako sa hagdan. Hindi ko alam kung bakit panay pa rin ang balik niya dito kahit alam naman niyang wala akong nararamdaman para sa kanya. Pati tuloy si Lolo nagagawa niyang utuin na mabait siya. Pero kabaliktaran naman ito ng kanyang magandang mukha. Pagpasok ko ng room ay kaagad kong tinawagan si Diego upang alamin ang balita kay Basha. Naka-ilang ring pa lamang sinagot na niya ang tawag ko. “Kumusta? Anong balita kay Basha?” Usisa ko sa kanya. “Siya talaga ang nauna mong tinanong? Mukhang masyado mo naman ata akong pinagseselos Thaddy.” May tampong himig niya. Napabuntong hininga ako. “Sorry, gusto ko lamang malaman kung ano na ang lagay niya? Nabuntis ko ba siya? Asan siya ngayon? Kinukulit na naman ako ni Lolo kay Kristel at naiinis na ako sa babaeng yun.” “Paanong hindi ka kukulitin ni Kristel? Pinaasa mo ng ilang buwan. Hindi agad yun makakamove-on. Lalo na kung alam niyang single ka pa din. About naman kay Basha. Binayaran ko na siya ng twenty million–” “Twenty Million? Ganun kalaki ang ibinayad mo sa kanya?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “Actually, partial p*****t lang yan. Kapag nakapanganak na siya, babayaran ko siya ng another twenty million para ewan niya ang bata at hindi na rin siya maghabol. Sabi niya wala daw problema pagkapanganak niya wala na daw siyang interest na makita ang bata. Basta ibigay ko lamang sa kanya ang bayad na napag-usapan namin.” Paliwanag niya sa akin na ikinatigil ko. Hindi ko akalain na ganun kalaking halaga ang ibinayad niya kay Basha, ngunit ang sinabi ni Diego na hindi mahalaga ang bata sa sinapupunan niya doon ako napa-isip. “Kailangan mo ibibigay ang cheque? Pupunta ako sa opisina mo.” “Saan siya nakatira ngayon?” “Doon sa dati kong condo ko muna siya titira. Napalinis ko na yun. Malapit lang sa landmark kaya di na siya mahirapan pa. Bakit? Gusto mo siyang puntahan? Huwag mo nang subukan, Thaddy. Hindi na ako matutuwa kapag nakipagkita ka pa sa kanya.” Paalala niya sa akin. “Ang baby? Paano natin mamomonitor ang lagay nila?” “Don’t worry about the baby, ako na ang bahala sa kanila.” Pagkatapos naming mag-usap ay ibinaba ko na ang tawag. Ayaw niyang magkita kaming muli ni Basha. At kapag ginawa ko yun mag-aaway kaming dalawa. Marami na rin siyang tiniis para sa akin. Kaya ayoko na rin dagdagan ang problema naming dalawa. Ngunit sa tuwing naiisip ko yung gabing yun, at si Basha…hindi ako mapalagay. Gusto ko siyang makita, makausap at makilala pa. Nalilito na rin ako sa nararamdaman ko. Kinabusan ay ibinigay ko ang halaga na hiningi niya. “Make sure she's okay, and the baby…” Bilin ko kay Diego. “Don't worry, ako na ang bahala sa kanya. Ikaw na ang bahala sa makulit mong lolo. Kailangan ko nang magpunta sa bank. Magkita na lamang tayo mamayang gabi.” paalam niya sa akin. Pagkatapos ng working hours ko ay natangap ko ang message ni Diego na hindi daw matutuloy ang dinner namin kaya umuwi na lamang ako. Ngunit habang naghihintay ako na umusad ang traffic ay napatingin ako sa babaeng naghihintay sa labas ng grocery store. “Dave, itabi mo.” Utos ko sa driver bodyguard at itinabi naman niya ang kotse. Bumaba ako at lumapit sa kanya. Sinalo ko ang isang papel na supot na dala niya dahil marami na siyang dala at nahirapan na siya. “Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” Maang na tanong niya. “Napadaan lang at nakita kita. Sabay ka na sa akin.” Alok ko sa kanya. Tinulungan ko siyang magbitbit ng dala niya at ipinasok namin sa likuran ng kotse. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok naman siya sa loob ng walang pagdadalawang isip. “Ang hirap pala sumakay dito. Ang traffic pa, mas mainam sa probinsya.” Saad niya habang nagpupunas ng kanyang pawis sa noo. “Ganun talaga dito sa suidad. Sanay na naman ang mga tao.” “Salamat ha? Kahit hindi mo alam kung saan ako bababa pinasakay mo pa rin ako. Huwag kang mag-alala malapit lang naman ang tirahan ko dito. Kumusta na nga pala ang lolo mo? Magaling na ba siya? Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya eh.” “H-Ha? Ah-eh…ayos lang nakauwi na rin naman siya. Ikaw? Kumusta na yung mama mo?” Usisa ko pero gumuhit ang lungkot sa mukha niya. “Nasa probinsya siya, namimiss ko na nga siya eh. Kaya lang kailangan kong mag-stay dito ng isang taon.” Hindi ko na tinanong ang dahilan kung bakit dahil baka maging awkward lang at alam ko naman ang dahilan kung bakit. “Nga pala, ilang beses na tayong nagkakasalubong at nagkakausap pero hindi parin ako normal na nagpapakilala sayo. I'm Thaddeus Demiere. And you are?” “Basha Matabungkay.” Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at tinangap naman niya ito. Napatingin ako sa kanyang magandang mukha. Malayo na sa nakakaawang mukha niya noong una ko siyang nakita. “Yu-yung kamay ko…” “Ha? Ah! Sorry…” Kaagad kong binitawan ang kamay niyang ilang segundo ko na rin palang hawak. Ilang minuto lang nakarating na kami sa dating condo ni Diego. Nagpatulong ako kay Dave na i-akyat ang kanyang mga pinamili. “Salamat sa paghatid mo.” Wika niya sa akin. “Wala yun, sige tutuloy na ako.” Paalam ko sa kanya. “Sige, mag-ingat ka.” Nakangiting paalam niya sa akin. Nang masara na niya ang pinto ay umalis na rin ako. “Dave, Kontakin mo si Sanchez, sabihin mo sa kanya tawagan ako.” Utos ko sa kanya. “Yes, Sir.” Pagdating ko sa bahay ay hindi na ako kumain at umakyat na ako sa room ko. Nag-shower ako at nagpapalit na ako ng damit nang tumunog ang phone ko. “Sir bakit? May mahalaga ba kayong ipapatrabaho?” Tanong ni Sanchez. Naupo ako sa sofa at itinaas ko ang dalawa kong paa sa glass table. “May isesend ako sa'yong address. Gusto ko bantayan mo ang babaeng yun sa tuwing lalabas siya at kung saan man siya magpupunta ay ireport mo sa akin. Lalo na kapag nagkita sila ni Deigo, naintindihan mo ba? Ikaw na ang gumawa ng paraan paano mo siya mababantayan. Pero siguraduhin mo na hindi ka niya mapapansin.” Utos ko sa kanya. “Areglado, Sir Demiere.” Pagkatapos ko siyang tawagan ay ipinasa ko na sa kanya ang address ni Basha. Kailangan kong malaman ang lahat ng kilos niya dahil hindi biro ang maglabas ng malaking halaga. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya ngunit gusto ko parin alam ko ang lahat na nangyayari sa kanyang pagdadalang tao. Lalo na't mahalaga at nag-iisang anak ko ang nasa tiyan niya. Kailangan ko siyang protektahan alam man niya o hindi ako ang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD