Chapter 8
BASHA
Nakakapanibago pala ang tumira mag-isa. Malaki nga ang tirahan ko, may pera at sapat na pagkain. Hindi ko pa rin makuha ang maging masaya. Namimiss kong alagaan si mama. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Ninang, pero iba pa rin kapag magkasama kaming dalawa. Siguro ganun din ang nararamdaman niya ngayon. Ngunit kailangan namin magtiis pareho habang hindi pa lumalabas ang batang dinadala ko.
Doorbell ang nagpatayo sa akin sa sofa. Tinungo ko ang pinto upang silipin kung sino ang nasa labas.
“Ako'to.”
Nang marinig ko ang boses ni Myla ay kaagad kong pinagbuksan ng pinto.
“Tuloy ka, mabuti naman dinalaw mo ako.”
Niyakap ko siya at pagkatapos ay pinapasok sa loob.
“Restday ko ngayon, gusto mo ba magsimba tayo?” Alok niya sa akin na ikinangiti ko. Linggo nga pala ngayon, kaya mabuti na lamang inalok ako ni Myla.
“Sige, magbibihis lang ako.”
Iniwanan ko siya at pagkatapos ay nagbihis muna ako ng damit. Siya ang kasama kong naglipat dito sa condo. Inaya ko nga siyang na dito na rin tumira kasi may dalawang kuwarto naman dito. Kaso tinangihan niya, saka ipinagbawal din daw ni Sir Diego na may kasama akong iba sa dati niyang condo.
Paglabas ko ng kuwarto ay nakabistida na ako at flat na shoes. Pagbaba namin ng building ay sumakay naman kami ng taxi papunta a pinakamalapit na simbahan. Ipinagdasal ko na sanay maging mabilis ang pagaling ni mama at hindi na siya dapuan ng sakit. Ganun din ang batang ipinagbubuntis ko.
“Kailan nga ulit ang check up mo? Para makapag-leave ako at masamahan kita. Nakahanap ka na ba ng clinic o hospital?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Kakatapos lamang namin magsimba at nandito kami ngayon sa restaurant para kumain ng lunch.
“Next-week pa naman, huwag ka nang mag-leave. Kaya ko naman mag-isa. Malaki na ang abala ko sayo, Besty.”
“Kaya mo ba talaga? Kasi nagdadalawang isip din akong magleave dahil nagbakasyon ang ibang mga kasama ko kaya kaunti lang kami sa Casino.” Paliwanag niya sa akin na ikinatango ko.
“Kaya ko besty, huwag kang mag-alala basta kapag may oras ka dalawin mo ako sa condo okay?”
Masaya kaming nag-usap na dalawa. Kinuwento ko din sa kanya yung mga Weird cravings ko this past few days. Hindi ko pa alam kung ilang weeks na ito dahil next week ko pa malalaman. Ngunit nararamdaman ko na ang mga sintomas ng pagdadalang tao ko. Lalo na yung morning sickness ko tuwing umaga.
“Ha? Nagkita kayo ulit ng lalaking yun? At hinatid ka pa niya?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
“Yes, mukha namang mabuting tao si Thaddeus.” Pagtatangol ko sa kanya. Baka kasi isipin niya na delikado ang ginawa ko at nagtiwala ako agad sa kanya.
“Hindi kaya, tama yung hinala natin? At hindi kaya alam na niyang ikaw ang nakasama niya ng isang gabi?”
“Hindi ko alam Besty. Mukha namang normal lang ang pag-uusap namin. Ina-antay ko nga na magsabi siya ng clue para kahit paano may idea ako. Pero mukhang hindi siya, baka isa lamang siya sa mga kaibigan ni Sir Diego at isa pa may napansin din ako sa kanya Beshy.”
“Ha? At ano naman yun?”
“Mahinhin siya magsalita, kalmado ang boses at tantiyado ang mga kilos. Napansin ko din yung pilantik ng daliri niya.”
“Ano? Baka naman bakla siya?” Hula niya na ikina-iling ko.
“Hindi naman siguro, baka ganun talaga siya kumilos at magsalita.” Pagtatama ko sa sinabi niya. Masyado kasi akong observant lalo na kagabi na magkatabi kaming dalawa.
“Hay naku, akala ko pa naman siya na yung nakasama at tatay ng anak mo. Baka nga maraming kaibigan si Sir Diego. But speaking of Sir Diego. Nabayaran ka na ba niya ng tatlong milyon?”
Tumango ako sa kanya.
“Bakit mo naitanong?” Usisa ko.
“Wala lang, galing kasi siya sa casino kagabi. Malaki ang naging talo niya. Napa-away pa nga siya eh, hindi kami nagkausap kasi nasa second floor ako. Narinig ko na lamang nagkagulo na sa ibaba. Alam mo ba bukod sa pagiging sugarol. Iba-ibang babae pa ang kasama niya tuwing gabi. Kung hindi ko siya natawagan kaagad baka isa sa mga kasama niya ang binayaran niya ng milyon para lamang maging surrogate.” Kuwento niya sa akin.
“Talaga? Iba din pala ang mayayaman maglustay ng pera–”
“Huwag kang maingay ha? Narinig ko lang naman ang chismiss. May boyfriend daw itong mayaman, yun din ang pinagyayabang niya kapag nakainom siya kaya malakas ang loob tumaya ng malaking halaga. Pero nabalitaan ko din na malaki na ang utang niya sa Casino.” Dagdag pa niya. Nagiging chismosa na ako dahil kay Myla. Pero okay lang siguro yun wala naman akong balak na ipagkalat ang lahat ng kwento niya. Hindi rin naman ako interesado sa ibang tao.
“Akala ko ba iba-ibang babae ang kasama niya? Tapos sabi mo may jowa din siyang lalaki? Ano ba talaga?” Naguguluhan natanong ko sa kanya.
“Hindi ko rin alam eh, nasagap lang din ako ng chismiss. Malay mo bading yung jowa niya tapos pinipirahan lamang niya.”
Napatigil ako sa pag-inom nang marinig ko yun. Sumagi na naman sa isip ko si Thaddeus. Ngayon naging malabo na tuloy ang suspetsa ko dahil sa narinig kong kwento kay Myla. Ayoko nang guluhin pa ang isip ko kaya ibang topic na lamang ang pinag-usapan naming dalawa.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami sa condo ko. Inaya ko siyang manuod ng movie nang sa ganun ay hindi naman siya mabored sa pag-stay niya dito.
Abala kami sa panunuod ng movie nang tumunog ang doorbell.
“Ako na.” Wika niya sa akin at siya na ang nagbukas ng pinto.
“Sir.”
Napatayo ako nang makita sir Diego, may hawak siyang isang basket ng prutas.
“What are you doing here?” Tanong niya kay Myla.
“Sir, pinapunta ko po muna si Myla. Naninibago po kasi ako dito mag-isa sa condo.” Paliwanag ko sa kanya. Humawi si Myla at tumuloy naman si Sir Diego.
“Ganun ba? Okay..this is for you…”
Inabot niya sa akin ang isang basket ng prutas.
“Ako na!” Si Myla na ang kumuha. Naupo siya sa sofa at humarap sa akin.
“Yayain sana kitang lumabas, kung gusto mong mamili ng mga gamit. Next time na lamang.”
Nagkatinginan kami ni Myla pagbalik niya at naupo din sa tabi ko.
“In fairness malinis at mabango ang condo.” Puri niya habang iniikot ang kanyang paningin. Nakasandal pa siya at nakapatong ang kamay sa arm rest.
“Salamat po sa pagpapatira niyo sa akin dito.” Wika ko sa kanya kaya bumalik sa akin ang tingin niya.
“Wala kang dapat ipagpasalamat. Nararapat lang na sa magandang tirahan kita itira. Lalo pa't dala mo ang anak ng kaibigan ko. Ibinili pala kita ng bagong phone dito mo ako tawagan kapag may kailangan ka.”
Inabot niya sa akin ang maliit na paper bag at nang tignan ko ay mamahaling iphone ang laman.
“Naku Sir, ang mahal mo nito! Hindi na po dapat kayo nag-abala pa. Magagamit pa naman ang phone ko.”
“I insist Basha, ipagpalagay natin na regalo ko yan sayo dahil pumayag ka sa alok ko.” Pamimilit pa niya.
Tumunog ang phone niya at sinagot niya ito.
“Bakit? Ano? Magkita tayo? Okay, papunta na ako diyan.” sagot niya sa kausap. Tumayo siya at nagpaalam sa amin.
“Expect me to visit you often. I need an update para sa ipinagbubuntis mo. Ako na rin ang bahala sa clinic na pag-check-upan mo next week okay?”
Tango lamang ang naging sagot ko sa kanya.
Nang maka-alis siya ay saka kami nag-usap ni Myla.
“Duda ako kay Sir Diego kaya mag-iingat ka okay?” Bilin sa akin ni Myla.
“Bakit? Ano ba napansin mo?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Wala, pero masyado naman ata siyang mabait, binigyan ka na ng prutas binigyan ka pa ng phone diba?”
Napa-isip din ako sa sinabi niya, pero baka gusto lamang din niyang masiguro na safe kami ng dinadala ko.
“Naintindihan ko.”
May kinuha siya sa bag at inabot sa akin.
“Ano ito?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Pepper spray, dapat palagi yang nasa tabi mo kapag dadalawin ka niya. Ewan ko ba pero iba talaga ang hagod ng tingin niya sayo kanina. Kaya kapag may ginagawa siya spray mo lang yan sa mata niya. Naintindihan mo ba?” Bilin pa niya sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan. Pero mainam na rin makinig wala namang mawawala sa akin.
“Salamat Besty.” Wika ko sa kanya. Pagkatapos ay ipinagpatuloy namin ang panunuod ng movie.
Nang makaalis si Myla, naglinis naman ako at bumaba ako para magtapon ng basura sa labas dahil bukas ang kuhanan ng track ng basura. Ngunit habang sini-segragate ko ang basura ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Nag-angat ako ng tingin pero wala namang ibang tao sa paligid. Alas-nuebe na rin ng gabi. Tatalikod na sana ako pero may kotse na nakaparada sa labas na biglang umilaw. Pagkatapos ay bigla itong umalis. Kinabahan ako kaya mabilis ang lakad na umakyat ako sa taas at inilock ko kaagad ang pinto. Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang kaba.
Pinili ko na lamang matulog ng nakabukas ang ilaw. Kinabukasan pagising ko ay nagdesisyon akong magjogging sa labas. May nadaanan kami ni Myla na malawak na public place. May man made river din ito at marami ang nagjojogging kahit anong oras. Bumili ako ng maluwang na damit at leggings.
As usual bago ako nakababa sumuka muna ako ng mapait. Hangang kailan kaya ako magkakaroon ng morning sickness? Nakakapanghina kasi. Nang makarating ako sa garden ay sinimulan ko na ang tumakbo. Habang maliit pa ang tiyan ko kailangan kong maging fit nang sa ganun hindi ako magkasakit kung mananatili lamang ako sa bahay.
Papasikat pa lamang ang araw nang magsimula akong tumakbo. Hanggang sa dumami na rin ang tao sa paligid. May nagzuzumba pa na mga may edad sa kabilang empty lot. Nakatatlong ikot din ako nang tumigil ako sa pagtakbo. Hingal at uhaw na uhaw akong naupo sa bench.
“Tubig?”
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nag-abot ng tubig sa akin.
“Hi.” Nakangiting bati niya sa akin.
“Thaddeus? Anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Jogging? This is a public place. Actually kanina pa kita nakita kaya lamang busy ka pa hindi muna kita inabala.” Sagot niya. Siya na mismo ang nagbukas ng takip at inabot muli ang tubig sa akin. Hinagod ko siya ng tingin. Naka-jogging pants siya na black, white tshirt at hoddie jacket pero hindi halatang nag- jogging siya wala man lang siyang kapawis-pawis.
“Palagi ka ba dito? Usisa ko na ikinatango niya.
“Yes, lalo na kapag week end. Ikaw ba? Palagi ka dito?”
“Ha? Ah--siguro maglalagi na ako dito. Para naman maging healthy ako. Ang hirap kasi kapag walang ginagawa sa bahay.” Kamot ulo kong sagot sa kanya.
“Ah, kung gusto mo sabay na tayo para may kasama ka. Marami pa naman holdaper dito.” Pananakot niya sa akin.
“Talaga?”
Tumango siya at kinabahan ako sa sinabi niya. Yun pa naman ang kinakatakutan ko ang mga taong may masamang pakay.
Habang naglalakad kami panay din ang usap naming dalawa.
“Nga pala, wala ka ba talagang girlfriend?” Usisa ko sa kanya kasi parang lagi na lamang kaming nagkikita. Baka mamaya may girlfriend na pala siya.
“Wala pa bakit? Mukha bang meron?” Naaliw na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
“Hindi naman sa ganun, lagi kasi tayong coincidence na nagkikita. Ayoko naman bigla na lamang may sumugod sa akin at sabunutan ako.” Nag-alalang sabi ko na ikinangiti niya.
“Huwag kang mag-alala sasabunutan ko din siya kapag may nanabunot sayo.” Biro niya na ikinangiti ko. Naging magaan ang pag-uusap naming dalawa. Marunong din pala siyang magbiro.
“Kaya mo yun?” Natatawang sabi ko. Pero nagulat ako nang haklitin niya ang beywang ko at nagdikit ang katawan naming dalawa. Hangang sa may dalawang bike na magkasunod na dumaan.
“Are you okay? Muntik ka na!”
Napa-angat ako ng tingin sa nag-alala niyang mukha niyuko niya ako at parang may sariling isip ang katawan kong nadama ang mainit niyang yakap sa aking katawan.
“So-sorry!”
Kaagad na bitaw niya sa akin ang mapansin niya ang paninitig ko.
“Next time kailangan mong mag-ingat, lalo na nagdadalang tao ka.” Sambit niya na ikina-awang ng aking labi.