BASHA
“Anak, bakit ayaw mong sabihin sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sa pagkikita niyo ng ama mo? Paano mo ako napa-operahan? Saan ka kumuha ng malaking halaga?” Sunod-sunod na tanong ni mama. Tatlong linggo na mula nang maoperahan siya at babalik na ulit kami ng Quezon upang doon na lamang siya magpagaling. Masyado kasing mahal ang araw dito sa hospital. Baka maubos ang perang itinago ko para kay mama. Nasa bank account ko na ang tatlong milyon na kulang sa bayad ni Diego. At makukuha ko ang another five million. Kapag naipanganak ko ng maayos ang naging bunga ng isang gabi sa piling ng isang estranghero.
“Ma, diba sinabi ko na sa'yo? Hindi kami nagkita ni Arturo Garcia. Tinulungan ako ni Myla marami siyang kilala na mayamang tao sa Casino kaya nga ako babalik ng Manila pagkatapos ko kayong ihatid Sa Quiz mapagtrabahuhan at mabayaran ko ang inutang ko. Saka, huwag niyo na po akong alalahanin, malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko.” Paliwanag kong muli sa kanya. Ayaw niya kasi akong bumalik dito at ito ang unang beses na hihiwalay ako sa kanya. Andyan naman si Ninang. Siya muna ang mag-aalaga kay mama. Bibigyan ko na lamang siya ng pera para may pangastos sila.
Kailangan kong lumayo, at kailangan kong tiisin na hindi kami magkita habang dala-dala ko ang bata sa aking sinapupunan. Kanina ko lamang nalaman na buntis ako. Ngunit hindi ko pa natatawagan si Myla. Gusto kong mahatid muna si mama ng maayos sa bahay. Pagbalik ko sasabihin sa kanila.
“Ma, diyan ka muna ha? Puntahan ko lang si Doc. Kausapin ko lang siya para kumuha ng referral sa next check up mo. Aayusin ko na rin po ang mga bayarin para makalabas na po tayo bukas.”
Tumango siya pero halatang hindi kumbinsido sa naging sagot ko. Hinayaan ko na lamang dahil ayokong malaman niya ang pinagdaanan ko para lamang maoperahan siya.
“Ninang, kayo po muna ang bahala kay mama.” Bilin ko sa kanya bago ako lumabas ng room niya. Papunta ako sa opisina ng doctor nang pagliko ko ay nagulat ako dahil may bumanga sa akin. Nahulog ang dala kong pouch at nagkalat ang mga laman sa sahig.
“T@nga kasi!”
Napa-angat ako ng tingin at pareho kaming nagulat nang makita ang isa't-isa.
“Ikaw?”
Bumalik ako sa pagdampot ng mga gamot hangang sa pagtayo ko ay saka ko pa lamang napansin ang lalaki na kasama niya dahil hawak niya ang pregnancy test na ginamit ko kanina. Kaagad kong kinuha ito at binalik sa papel at binalot kong muli dahil tinignan niya ito. Nagtangka akong umiwas ngunit hinarangan niya ako.
“Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?”
Hinarap ko siya at matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya.
“At bakit naman kita susundan? Sino ka ba? Hindi nga kita kilala.” Inirapan ko siya at umiwas akong muli pero hinaklit niya ang braso ko.
“Kristel, tama na yan nasa hallway tayo ng hospital. Kung gagawa ka ng eksena dito. Mabuti pang umuwi ka na.” Boses ng lalaking nasa tabi niya. Binitawan niya ako at hinarap niya ang lalaki.
“Nandito ako para dalawin si Grandpa, hindi dahil sayo.” Nakataas ang kilay na sabi niya sa lalaki at muling tumingin sa akin.
“Don't tell me nakahanap ka na ng ma-scam mo kaya ka nandito sa hospital? So totoo palang may sakit ang nanay mo? Napagamot mo na ba siya o patay na? Karma yan sa nanay mong b@yaran at naninira ng pamil–ahhh! How dare you!” Singhal niya sa akin. Pumagitan sa amin ang lalaki nang samp@lin ko siya dahil sa sinabi niya sa mama ko.
“Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganyang ang mama ko!” Singhal ko din sa kanya. Tumaas ang tensyon sa pagitan naming dalawa hangang sa sinugod niya akong muli ngunit humarang ang malapad na likod ng lalaking kasama niya.
“Umalis ka diyan! Thaddy! Tuturuan ko ng leksyon ang escamerong babaeng yan!” Gigil na sabi niya.
“Tumigil ka na Kristel! Kapag hindi ka tumigil ipapakaladkad kita palabas!”
“Hindi na kailangan!”
Tinulak niya ang lalaking tinawag niyang Thaddy at nagmaktol itong umalis. Napabuntong hininga ako. Nakakahiya pero kasalanan niya dahil pinagsalitaan niya ng masama ang mama ko. Kung ako lamang ang iinsultuhin niya kakayanin ko huwag lang si mama.
“Are you okay?”
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. Hanggang balikat lang niya ako at ngayon ko lamang naisip na magkapareho sila ng boses at amoy ng lalaking nakasama ko ng isang gabi. Ngunit imposibleng siya yun!
“Okay lang, salamat.”
Pagkatapos kong magpasalamat sa kanya ay tinunton ko na ang pakay ko at iniwan ko na siya. Paglingon ko sa kanya ay nakatayo pa rin siya at nakatingin sa akin. Kaya lumiko na agad ako.
Pagbalik ko ay naayos ko na ang lahat ng kailangan. Magpapahatid din kami sa ambulance bukas.
Kinagabihan ay nag-usap kami ni Myla sa garden ng hospital dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.
“Sinabi ko na kay Sir Diego na buntis ka, sabi niya tatawagan niya ako ulit aayusin lang niya ang condo na titirhan mo pansamantala. Hindi pa ba nagbabago ang isip mo para diyan sa batang dinadala mo?” Nag-alala niyang tanong sa akin.
Napasinghap ako at tumingin ulit sa kanya.
“Hindi ko alam Myla, nang malaman kong buntis ako at nagbunga ang nangyari sa amin ng kaibigan ni Sir Diego hindi excitement kundi takot at pag-alala ang nararamdaman ko. Pero iniisip ko na lamang na babalik din sa maayos ang buhay ko pagnaka-panganak na ako. Uuwi ako kay mama na parang walang nangyari. At magsisimula kaming muli, malayo sa magiging anak ko.”
Hinagod niya ang likod ko at dinamayan niya ako.
“Okay lang yan, hindi mo naman ginusto na ipamigay siya eh. Saka, isipin mo na lamang hindi talaga siya sayo. Pinahiram lang at inalagaan mo lang sa tiyan mo. Tapos matutupad mo na yung pangarap mo para kay Tita, napaka-swerte niya kasi naging anak ka niya. Pati sarili mo, sinakripisyo mo para lamang madagdagan ang buhay niya.”
“Kahit naman siguro sinong anak gagawin ang lahat para sa natitira niyang mahal sa buhay.”
Umiling siya sa akin. “Hindi rin, marami akong kilala dito, pinababayaan lang ang kanilang mga magulang na maghirap. Binibigyan pa ng sakit ng ulo. Kaya iba ka, Basha. Hindi man naging swerte sa buhay si Tita Edna. Naging suwerte naman niya ang magkaroon ng anak na gaya mo.”
Nangingilid ang luhang niyakap ko siya.
“Salamat sa pagtulong mo Myla.” Wika ko sa kanya.
Pagkatapos naming mag-usap ay pabalik na kami sa room ni mama. Ngunit napatigil ako sa paglakad nang makita ulit ang lalaki kanina.
“Bakig tingin ko kay usisa niya nang pigilan ko siya.
“Si Sir Diego…”
Napatingin siya kung saan ako nakatingin at pareho naming nakita na pumasok sa katabing kuwarto ang dalawa.
“Oo nga, si Sir Diego yun ah? Kausapin na kaya natin?”
“Hindi–kasama niya ang lalaking yun. Ang lalaking kaibigan ni Kristel.”
“Ha? Talaga? Yung step sister mong masama ang ugali?”
Wala sa sariling tumango ako sa kanya.
“Hindi kaya?”
Napabalik ang tingin ko kay Myla, bigla akong kinabahan. Ayokong isipin na tama ang iniisip ko. Imposible…imposible na siya ang lalaking yun. Ang boses, at amoy lang niya ang basehan ko.
“Best, mukhang maliit ang mundo niyo ng step sister at ng tunay mong ama.” Bulalas pa niya. Pero hindi yun ang iniisip ko. Kundi ang lalaking yun. Totoo kaya ang hinala ko? O baka naman nasobrahan lamang ako ng iniisip.
“Pero nagbago ang nararamdaman kong awa sayo.”
Nilingon ko siya nang marinig ko yun.
“Ano? Hindi kita maintindihan.” Kunot ang noo na tanong ko sa kanya.
“Kung pareho tayo ng iniisip, na ang kasama ni Sir Diego ang kaibigan niya na nakas!ping mo. Ang suwerte mo!”
“Ano? Paano mo naman nasabi?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Sa tingin pa lamang, yummy papalicious na ang lalaking yun!”
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at iiling-iling akong naglakad papunta sa kuwarto ni mama.
“Best! Sandali!” Narinig kong tawag niya pero di ko na siya nilingon pa. Sana hindi na lamang siya. Sa dami ba naman ng lalaki sa mundo yung palagi pang kasama ni Kristel. Kung totoo man ang hinala ko. Sana hindi magkrus ulit ang landas namin ng babaeng yun.
Dahil ayokong magkita kaming muli. Baka hindi lang s@mpal ang abutin niya sa akin kapag hinamak niya ulit si mama. Sa kanya na si Arturo. Total pareho naman sila ng pag-uugali ng tatay niya.
Ang mahalaga sa akin ngayon, gagaling na si mama. At maghihintay lang ako ng ilang buwan para makapanganak pagkatapos ay babalik na ako sa amin.
“Pagbalik namin sa room ni mama ay nag-usap-usap lang kami para sa gagawin bukas. Ako naman ay kukunin ang iba ko pang mahahalagang gamit para pansamantala munang manirahan sa apartment ni Myla habang hindi pa ako nakakalipat sa titirhan ko.
“Aalis na po ako ma, Tita Edna. May pasok pa po kasi ako sa Casino mamaya. Dumaan lang ako dito para magpaalam. Magpagaling po kayo.” Paalam ni Myla kay mama at niyakap din siya ni Ninang.
“Mag-ingat ka anak.” Wika nito. Sinamahan ko siya at hinatid sa labas.
“Ingat ka Best, tawagan na lamang kita kapag pabalik na ako sa Manila.” Paalam ko sa kanya pagkasakay niya ng tricycle.
“Ingatan mo din yang pinagbubuntis mo.” Kinindatan pa ako ng luka pagkatapos ay kinawayan niya ako nang umalis na ang sinakyan niya.
Nang hindi ko na siya matanaw ay tumalikod na ako.
“Ay kabayo!” Gulat ko nang pagtalikod ko ay may tao palang nakatayo sa likuran ko. Napahawak ako sa aking dibdib.
“Sorry nagulat ba kita?”
“Ha? Ah oo–i mean kunti lang, sige akyat na ako.”
Nagmadali akong maglakad at nilampasan ko siya. Iniwasan ko talaga siya dahil nahihiya akong makaharap siya. Ewan ko ba, iniisip ko pa rin kasi paano kung siya nga yon? Anong gagawin ko? Pero sana lamang hindi niya malaman na ako ang babaeng nakasama niya ng gabing yun.