THADDEUS
“Bakit gising ka pa?” Usisa ko kay Diego nang pagbalik ko sa room namin naabutan ko pa siyang sumisimsim ng al@k. Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.
“Anong bakit gising ka pa? Kanina pa kita ina-antay. Inabot ka na nang tatlong oras sa kuwarto ng babaeng yun. Masyado mo naman atang inenjoy ang babaeng yun? Naakit ka din ba sa kanya?” Magkasalubong ang kilay na tanong niya sa akin.
“Ikaw ang may gusto nito tapos magagalit ka sa akin?”
Sinamaan ko siya ng tingin at akmang papasok na ako sa banyo upang maligo pero hinarang niya ako.
“Tell me…nasar@pan ka ba sa kanya? Mas m@sarap ba siya sa ak!n?”
Napa-atras ako nang tangkain niyang tangalan ng butones ang suot kong polo.
“Stop it, Diego. Lasing ka na mabuti pa magpahinga ka na. Susunod na ako pagkatapos kong maligo.”
Nakangisi siyang umiling sa akin.
“Pinag0d mo siguro ng husto ang babaeng yun kaya mas gusto mo na lamang magpahinga. Mas mabuti pa ngang maligo ka na at naamoy ko na siya sayo. Pero tandaan mo ang dahilan kung bakit natin ito ginagawa. Matatapos din ang lahat ng problema mo at matutupad din yung pangarap na kasal nating dalawa sa Canada.” Paalala niya sa akin. Tango lamang ang naging tugon ko at pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo. Nagtangal ako ng damit at pinagmasdan ko ang sarili sa harapan ng salamin. Ang marka ng kalmot sa balikat ko ay mahapdi pa din. Pero ang hindi ko maipaliwanag, yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na magagawa ko yun sa isang babae. Sa babaeng hindi ko halos makita ang mukha dahil sa dilim ng room na yun.
Pumasok ako sa glass na pinto at nagshower upang maglinis ng katawan. Pero hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. Kung bukas kaya ang ilaw ganito pa rin ang mararamdaman ko? At kung hindi ako pina-inom ng pampa-init ni Diego magagawa ko kaya siyang galawin?
Pagkatapos kong maligo ay nagpalit na rin ako ng damit. Nadatnan kong mahimbing na ang tulog ni Diego. Nahiga ako sa tabi niya at tinignan ko siya. Highschool pa lamang kami nang magkaroon ako ng crush sa kanya. Varsity players siya at maraming nagkakagusto sa kanyang babae. Pero wala siyang naging girlfriend kahit isa. Nang mapabilang ako sa team nila doon kami nagkalapit ng loob. Naging magkaibigan kaming dalawa. Palagi siyang nasa tabi ko at naging magbestfriend pa kami. Tinutulungan niya ako sa lahat ng bagay kaya tinutulungan ko din siya dahil na- bankrupt ang kompanya ng daddy niya at nalubog ito sa utang hangang sa magkasakit ito ay ako ang naging sandalan ni Diego. Pareho kaming may problema sa pamilya at marami kaming similarities lalo na sa ugali. Kaya magkasundo kaming dalawa. After college nagtapat siya sa akin ng nararamdaman niya at inamin ko din sa kanya na gusto ko siya.
We enjoy each other's company at kilalang-kilala ko na rin siya. Lately sinabi niya sa akin na he's attracted to both gender at inamin din niya ang pagsusug@l niya. Habang tumatagal kaming dalawa i felt that nagkakaroon ng gap ang relasyon namin. Kahit hindi niya sabihin i know nagkaroon na rin siya ng babae. Hindi ko pa lamang nahuhuli pero ramdam ko na may sumisira na sa relasyon naming dalawa. Lalo pa sa ngayon na masyado akong ginigipit ni Grandpa. But I still love him. Tanggap niya ako at tanggap ko din ang lahat sa kanya.
Kinabukasan sabay kaming umalis ni Diego. Pinahatid ko na lamang siya sa condo niya.
“I'll call you later. We have to wait for the result kaya baka maging abala ako lalo na kapag nabuntis mo na ang babaeng yun. Habang ikaw naman ang bahala sa lolo mo. Huwag mo siyang hayaan na magduda sayo okay?”
Kinintalan niya ako ng halik sa labi at pagkatapos ay bumaba na din siya.
“Let's go.” utos ko sa driver at umalis na rin ito. Pagdating ko sa mansyon ay naabutan ko si Lolo na umiinom ng tsaa sa veranda.
“Saan ka galing?” usisa niya sa akin.
“Magkasama kami ni dahil birthday niya at doon na rin ako natulog.”
Hinagod niya ako ng tingin.
“Nakausap ko si Arturo at pupunta sila dito mamayang gabi. We talk about your marriage with Kristel–”
“Hindi ako magpapakasal sa babaeng yun!”
Nagulat si lolo nang lumakas ang boses ko at pigilan ko siyang magsalita.
“Kung ayaw mo kay Kristel maghanap ka ng iba! Are you gay? Kahit man lang girlfriend wala kang pinapakilala sa akin. Kailan mo ako bibigyan ng apo sa tuhod? Kapag uugod-ugod na ako at malapit nang kainin ng lupa?!” singhal niya sa akin. Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya.
“Grandpa please…wag mo na akong diktahan sa gusto ko. I'm too young for that. Hindi ganun kadali ang magpakasal at magkaroon ng pamilya.”
“What? Trenta ka na Thaddeus for god sake!”
Akmang tatalikuran ko siya ngunit napahawak siya sa kanyang dibdib.
“Lo?”
Hinabol niya ang kanyang paghinga hangang sa natumba niya ang tasa niya kaya mabilis ko siyang nilapitan.
“Lo? Dadalhin kita sa hospital okay?”
Hindi na siya nakapagsalita pa at kaagad kong tinawag si Jose para madala namin si lolo sa hospital.
“Napapadalas ang atake ng lolo mo, Thaddeus. Binilinan ko na siya na huwag stressin ang sarili at huwag na rin magtrabaho. Sa edad niyang 70 mas mainam kung kumuha ka na rin ng private nurse na magmomonitor sa kanya.” Payo ni Doc Alvin sa akin. Siya ang cardio doctor ni lolo dito sa Saint Luke's. Mabuti na lamang at hindi malala ang naging lagay niya. Nakahinga ako ng maluwag.
“Thank you doc, gagawin ko ang bilin niyo.” Paalam ko sa kanya. Pagbukas ko ng pinto ay may babaeng sumalubong sa akin.
“Sorry…”
Natigilan ako nang magsalubong ang mata naming dalawa pero hindi nakaligtas sa aking pandinig ang boses niya at ang boses ng babaeng kasama ko kagabi.
“Ah…excuse me please?”
Nagising ako nang magsalita siya ulit dahil natagalan ang titig ko sa kanya. At humawi ako para makadaan siya.
“Oh, basha…mabuti nandito ka na–”
Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila dahil sarado na ang pinto.
Tama ang naalala ko, siya ang babaeng kapatid ni Kristel. Pero bakit siya nandito? Hindi kaya dito rin naka-confine ang may sakit niyang ina? Tinulungan na kaya sila ni Arturo? Pero bakit concern ako sa kanya?
Nang masiguro kong maayos na si Lolo ay umalis na muna ako para magpunta sa kompanya. Habang may sakit siya hindi ko maaring hayaan na lamang din ang business ng pamilya namin.
Kinagabihan pagbalik ko ay wala si Lolo sa room niya. Iniwanan ko siya kay Manang Stella at wala din ito.
“Saan naman kaya nagpunta ang makulit na matandang yun?”
“Nurse? Nasaan ang pasyente sa room na ito?” tanong ko sa kanya habang inaayos niya ang higaan ni lolo nasalubong ko siya paglabas ko.
“Ah yung lolo niyo po? Nasa garden, doon po sa likod ng hospital.” sagot niya sa akin. Kaagad akong nagtungo sa likuran at malayo pa lamang tanaw ko na si lolo na nakaupo sa wheelchair pero ang kinakunot ng noo ko may kausap siyang babae at aliw na aliw siyang nakikipagtawanan dito.
Nilapitan ko sila at napatigil sa pagtawa si lolo nang makita ako. Lumingon ang babae sa akin at awang ang labi ko nang makilala ko siya.
“Hay naku! Mabuti naman at binalikan pa ako ng apo ko. Akala ko pababayaan na niya ako dito sa hospital.” Naiiling na sabi ni Lolo.
“Lo, wala pang isang araw akong umalis saka nagpunta ako sa kompanya. Maayos na ba ulit ang paghinga mo?”
Inirapan niya ako at nakangiting bumaling ulit sa babae.
“Hija, ito yung pasaway na apo kong kinukuwento ko sa'yo. Guwapo siya diba? Ano sa tingin mo?” nakangising sabi ni lolo sa kanya.
“Po? Ah-eh…”
“Hoy ikaw? Lumapit ka dito at makipagkilala kay Basha. Kung ayaw mo kay Kristel sa kanya ka na lamang makipag-date! Maganda na mabait pang anak!” dagdag pa ni lolo.
“Ay naku po, alis na po ako Lolo baka hinahanap na po ako ni Ninang.” paalam niya.
“Hija, sandali lang hindi mo ba type ang apo ko?” pigil niya dito at muling lumingon.
“May boyfriend na po ako lo, salamat po bye!” nagmamadali siyang umalis at nahihiyang tapunan ako ng tingin.
“Tsk!Tsk! Sayang ang batang yun. Alam mo ba? Kaka-opera lamang ng nanay niya. Pareho kaming may sakit sa puso. But unlike her mother mas malala ang kundisyon nito. Tapos sila na lamang ang magkasama kaya ginawa niya ang lahat para mapa-opera ang nanay niya. Tinakwil din daw siya ng tunay niyang ama. Kaya naawa ako sa kanya. Sayang lang at may boyfriend na siya papaligawan ko sana sayo.”
“Lo naman, ano ba tingin niyo sa akin? Aso na puwede niyong ipamigay kahit kanino?” Inis na sabi ko sa kanya. Pagod na pagod pa ako galing sa trabaho at may isa pang gumugulo sa isip ko tapos heto na naman siya. Pero sa kabilang banda nalaman kong hindi pala siya tinulungan ni Arturo pero paano niya napa-opera ang nanay niya? At anong ginawa nito?
“Ang akin lang naman apo…pumili ka ng mabait na babae…yung mamahalin ka at mamahalin mo din. Nang sa ganun, mawala man ako. I know may taong magmamahal sayo ng totoo at sana katulad ng babaeng yun ang matagpuan mo. I know may mabuti siyang puso.” dagdag pa niya. Hinatid ko na lamang siya sa kuwarto niya para makapagpahinga. Dumating na rin naman si manang stella na kumuha lamang ng iba pang gamit ni lolo.
Nang makatulog na ang matanda lumabas ako para magpahangin. Nagtungo ako a garden dahil may mga bench doon na puwede upuan.
Ngunit napansin ko agad ang nakaupong babae sa ilalim ng malaking puno. Kumuha ako ng dalawang coffee in can sa vendo machine na nadaanan ko. Pagkatapos ay naupo ako sa tabi niya.
“Hi, do you remember me?” Nagdadalawang isip na tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin at ngumiti. Kaya inabot ko sa kanya ang isang coffee at tinangap naman niya ito.
“Ikaw yung kasama ng kapatid ko noon.” sambit niya na ikinalingon ko sa kanya.
“O-oo ako nga…akala ko di mo ako maalala.”
“Paano ko ba naman makakalimutan ang gabing yun? Hinding-hindi ko kakalimutan ang pagtatagpo naming mag-ama saka ang pagtaboy nila sa akin na parang hay0p.”
Tinunga niya ang coffee na binigay ko at napunta sa suot niyang bracelet ang mga mata ko.
Naalala ko ang bracelet na suot ng babae kagabi at muli akong napatingin sa kanya.
“B-bakit?”
“Ah…wala lang…thank you nga pala kanina sa pagsama mo sa lolo ko.”
“Ha? Wala yun, nakakaaliw nga kausap si Lolo dami niyang nakakatawang kuwento.” nakangiting sabi niya sa akin.
Imposibleng siya yun!
“Puwede bang magtanong? Boyfriend ka ba ng kapatid ko?”
“No…wala akong girlfriend. Magkaibigan lang kami.” derechong sagot ko sa kanya.
“Ahhh…sige maiwan na kita salamat dito sa kape mo.” Paalam niya sa akin. Akmang pipigilan ko siya ngunit may bagay na nahulog sa kanya nang tumayo siya at nang damputin ko ito ay napatingin ako sa papalayong likod niya.
Kaagad kong kinuha ang phone ko upang tawagan si Diego.
“Love? Bakit?” sagot niya sa kabilang linya.
“Gusto kong malaman ang pangalan ng babaeng pinas!ping mo sa akin.”
“Why? Don't tell me gusto mo siyang makita ulit?”
“I just wanted to know…kahit first name lang niya.”
“Basha, Basha Matabungkay ang pangalan niya. Bakit gusto mo siyang makilala?”
Napatingin ako sa pulang panyo na nasa kamay ko. Hindi ako nagkamali ng hinala. Ang babaeng yun, at ang nakasama ko kagabi. Ay iisa!!
“Just let me know kung successful ang pagdadalang tao niya. Saka tayo mag-usap para sa baby.” Wika ko kay Diego.
Damn! Buong maghapon walang laman ang utak ko kundi ang nangyari kagabi sa amin ng babaeng yun. Tapos malalaman ko siya pala ang nakasama ko!