Chapter 9

1575 Words
THADDEUS “Paano mo nalaman na buntis ako?” Nagtatakang tanong ni Basha. “Ha? Hindi ba sayo ang pregnancy test na nadampot ko noong mag-away kayo ni Kristel? Sorry nagkamali ako ng hinala.” Pagdadahilan ko. Natigilan siya sandali parang inalala ang nangyari noong magkasalubong sila ni Kristel at muntik nang magtalo sa hospital. “Totoo, totoo na buntis ako kaya salamat sa ginawa mo kanina.” Naupo kami sa nadaanan namin na bench sa tapat ng dancing fountain. “Bakit parang malungkot ka?” Usisa ko sa kanya dahil bigla siyang nalungkot nang aminin niya sa akin na nagdadalang tao siya. Hinawakan niya ang tiyan niya at hinaplos ito kahit maliit pa naman. “Hindi naman ako malungkot, okay lang ako. Pasensya na ha? May mga bagay kasi na hindi ko puwedeng sabihin sayo.” “Ayos lang, hindi mo naman kailangan sabihin.” Wika ko sa kanya sabay ngiti. Ilang sandali pa kaming nag-usap pagkatapos ay inalok ko na siyang ihatid sa kanila at pumayag naman siya. Pagkatapos ay umuwi na rin ako. Pagbaba ko pa lamang sa kotse nakita ko na ang salubong na kilay ni lolo. “Saan ka galing?” Tumigil ako sa paghakbang papasok nang tanungin niya ako. “Nag-jogging Lo.” Tipid na sagot ko sa kanya. “Ano? Jogging? Hindi ka naman lumalabas para mag-jogging sa umaga ah? Saka meron naman tayong sariling gym sa taas.” Nagtatakang tanong niya sa akin. Suminghap ako at bumuntong hininga. “Lo, lumanghap lang ako ng hangin sa labas. Pakiramdam ko kasi nasasakal na ako sa bahay na ito.” Parinig ko sa kanya. Sa tuwing nakikita niya kasi ako palagi na lamang tungkol sa pagkakaroon ng pamilya ang bukambibig niya. Nanawa na rin akong marinig yun. Humarang siya sa akin kahit paika-ika pa siya maglakad hawak ang saklay niya. “Kung nahihirapan ka na sa bahay na ito. Magpakasal ka na at bigyan mo na ako ng mga apo! Maliit na bagay lang naman ang hinihingi ko Thaddy. Isa pa, lagpas sa calendaryo ka na hijo, kailan mo ako bibigyan ng apo? Kapag sinundo na ako ni San pedro?” “Grandpa, akala ko ba apo lang ang gusto mo? Bakit ngayon may kasal na at asawa?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Nagulat ako nang tapikin niya ang noo ko. “Lo naman!” “Ikaw ga'y lutang? Paano ako magkaka-apo kung wala kang asawa na ipapakilala sa akin? Ano yun putok sa buho?” Singhal niya pa sa akin. Napahawak ako sa noo ko. Kahit matanda na si lolo malakas pa din talaga ang kamay niyang gawin sa akin ‘to! “Thaddy, ito tandaan mo. Dalawang buwan lamang ang palugit ko sa'yo. Kapag wala ka pa ring magiging asawa, Ipapakasal na kita kay Kristel. At kapag tumangi ka ay magbalot-balot ka na dahil pati itong bahay at ancestral house natin sa batangas ay hindi mo na mapakikinabangan pa.” Banta niya sa akin pagkatapos ay nagpatulong na siya sa nurse niya para maglakad-lakad sa likod ng bahay. Napasinghap ako sa sinabi niya. Talagang ginipit na niya ako ng tuluyan! Pagpasok ko sa loob ng room ay napasalampak ako sa sofa. Maganda na sana ang araw ko kanina. Kasama ko si Basha. Nainis na naman ako dahil kay Lolo. Tama ang desisyon kong pabantayan si Basha kay Sanchez. Nalaman ko ang kilos niya, ang paglabas niya kahapon para magsimba, ang pagpunta ng kaibigan niya at ni Diego. Pati na rin ang pag-jogging niya kaya mabilis akong nagpunta doon para makita siya at makasama. Dala niya ang magiging anak ko kaya kailangan ko din siyang ingatan. Pero hanggang ngayon, iniisip ko pa rin. Bakit siya dinadalaw ni Diego? Kung hindi ko pa siya tinawagan kahapon na magkita kami at mag-usap. Hindi siya aalis sa condo ni Basha. May dala pa daw itong pasalubong sabi ni Sanchez. Ayoko siyang pagdudahan dahil may relasyon kami at tiwala ako sa kanya. Ngunit kung patuloy siyang magpapakita kay Basha. Mapipilitan akong sabihin kay Basha ang totoo na ako ang ama ng pinagbubuntis niya. Pero may isa pa akong problema, si Kristel. Kahit galit pa siya sa akin alam kong naghihintay lamang siya ng panahon para pilitin si lolo na pakasalan ko siya kaya hindi ko yun mapapayagan. Kailangan may gawin ako para tigilan na niya ako. Pagpasok ko sa opisina nadatnan ko si Diego naka-upo sa swivel chair ko. “Good morning love!” Masiglang bati niya sa akin. Tumayo siya at niyakap niya ako at hinalikan sa labi. “Bakit ka nandito? Wala ka bang gagawin sa opisina mo?” Usisa ko sa kanya. Madalas naman siya nagpupunta dito pero baka makita siya ng secretarya ko. Mahirap na, nag-iingat nga kaming hindi mahuli. Puma-ikot ang braso niya sa beywang ko. “Diego baka may makakita sa atin. Hindi locked ang pinto.” Saway ko sa kanya. “Sino namang mangangahas na magbukas ng office mo ng walang pahintulot mo diba? Saka bakit ang sungit mo? Nag-away na naman ba kayo ng matandang yun?” Humarap ako sa kanya. “Diego, lolo ko pa rin yun. Alam mo naman kung bakit siya ganun.” Umikot ako sa upuan ko at inilapag ang dala kong laptop. “He wanted me to get married as soon as possible. Kapag hindi ko ginawa yun pipilitin niya akong ipakasal kay Kristel.” “What?!” Hindi makapaniwalang tanong niya. Naupo siya sa harapan ko at napa-isip. “Then marry, Basha.” Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun. “Ano? Gusto mo akong pakasalan si Basha?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “Look, matanda na ang lolo mo. Ilang hinga na lamang–” “Diego, he's my grandpa. Kahit ganun siya, ayoko siyang mawala sa buhay ko dahil siya na lamang ang natitira kong pamilya. Kaya please…huwag mo naman pa-ikliin ang buhay niya.” Putol ko sa sasabihin niya. Kahit naman ganun si Lolo mahal na mahal ko yun. Kaya nga kahit ayoko sinusunod ko siya dahil may respeto pa din ako sa kanya. “What i mean is pakasalan mo na lamang si Basha. Kung doon mapapanatag ang matanda. Total magkaka-anak na rin naman kayo diba? Papayag ako pero may kundisyon, Thaddy.” Wika niya sa akin. Noong una, pinilit niya akong makipag-s!ping sa babae ngayon gusto naman niyang magpakasal ako. At madali niyang nasasabi yun sa akin. Samantalang ako, iniisip ko pa rin ang nararamdaman niya. “Anong kundisyon?” “Gagawin nating fake ang kasal niyo, at hindi kayo magtatabi sa isang kuwarto. Kapag nakapanganak na si Basha. Kunwari mag-file ka ng annulment at sabihin mong hindi nagwork ang relasyon niyo. In that case madali na lamang ang paghihiwalay niyo at nasa'yo pa ang bata.” Suhesyon niya. Napa-isip ako kung tama bang sundin ko siya. Tama bang pakasalan ko si Basha. Kahit pa fake lang yun titira pa rin kami sa iisang bahay. Malaking pabor yun para sa akin dahil titigilan na ako ni Lolo, at mababantayan ko pa siya. “Are you sure okay lang sayo? Hindi natin ito pag-aawayan Diego?” Nag-alalang tanong ko sa kanya. “Hindi, may tiwala ako sa'yo Thaddy. At isa pa, kailangan ko munang kausapin si Basha kung papayag siya. Pero paano kung magpadagdag siya ng bayad? Okay lang ba sa'yo?” Natigilan ako sa sinabi niya. Malaking halaga na ang na-ibigay ko sa pagdadalang tao niya. “Pag-iisipan ko muna, Diego. Hindi ganun kadali magbitaw ng milyones. Alam mo naman lahat ng yaman na meron ako ay galing sa bank account ni Lolo. Kapag nasilip niya ang account niya at mapansin ang pagkawala ng malaking halaga. Baka magduda na siya.” Kunwari'y dahilan ko sa kanya. Pero ang totoo, may full access ako sa bank ni Lolo. Ayoko mang isipin, pero nagdududa na ako sa paghawak niya ng pera. Baka inuubos lang niya ito sa pagsusugal. Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na siya. Tinawagan ko si Sanchez at kinumusta ko ang lagay ni Basha. “Hindi pa po lumalabas Sir, saka hindi pa rin siya nagbubukas ng bintana niya.” Imporma niya sa akin. “Sige, tawagan mo ako kapag lumabas siya okay?” “Yes Sir.” Napasandal ako sa upuan at napapikit. Kapag pumayag ako sa sinabi ni Diego, sa bahay ko na siya uuwi. Hindi na ako mahihirapan pa na bantayan siya. At magkakasundo din sila ni Grandpa. Pero paano kung malaman ni Kristel? Siguradong magagalit na naman yun at mag-aaway na naman silang magkapatid. Pero hindi yun ang ikinakatakot ko. Pakiramdam ko kasi, may nabubuo na akong pagtingin kay Basha at hindi na lamang ang dinadala niya ang inaalala ko. Ngunit hindi maaring mangyari yun. Hindi ako maaring mahulog sa kanya ng tuluyan. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kahit ang totoo, hinahanap-hanap ko ang gabing yun. Ginawa na ni Diego ang lahat para sa akin. At hindi ko siya puwedeng pagtaksilan, dahil nangako pa kami sa isa't-isa noon na darating din ang araw hindi na namin kailangan magtago. At hindi ko na kailangan na magpangap pa sa tunay kong kasarian na si Diego lamang ang nakaka-alam. Pagkatapos ng office hours ay sabay ay sumabay na sa akin si Diego sa pag-uwi. Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. “Ano? Napag-isipan mo na ba?” Nilingon ko siya at seryoso ko siyang tinignan. “Pumapayag na ako, payag na akong magpakilala kay Basha at alukin siya ng kasal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD