Chapter 10

1625 Words
BASHA Nandito ako sa restaurant dahil tinawagan ako ni Sir Diego kahapon. May mahalaga daw siyang sasabihin sa akin. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Napapadalas kasi ang pakikipagkita namin sa kanya, nag-ooverthink na rin tuloy ako kung ano ang pakay niya sa akin. Maya-maya pa ay nakita ko na siyang papasok sa restaurant. Malapit lang naman ito sa condo ko kaya nilakad ko na lamang papunta dito. “Sir Diego–” “Maupo ka.” Putol niya sa akin nang tumayo ako para batiin siya. Naupo ako sa harapan niya. Nilapitan kami ng waiter at nag-order siya ng pagkain naming dalawa. “Kumusta ang pagbubuntis mo?” “Okay naman po, kaya naman.” Tipid na sagot ko sa kanya. “Good, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, Basha. Nandito ako para mag-offer sayo ng karagdagang Limang milyon kung papayag ka sa alok ko.” Derecho na sabi niya sa akin. Malaking halaga na ang kabuohan na sampung milyon na pagdadalang tao ko kung sakaling magiging healthy ang baby na ipapanganak ko at kung dadag-dagan pa niya ito hindi lang ako makakapagtayo ng sarili kong coffee shop. Makakabili pa kami ng lupa at bahay ni mama. Makakapagtabi pa ako ng pera in case of emergency. Ngunit ano naman kaya ang i-aalok niya sa akin? “Ano po yun Sir Diego?” “Marry, Mr. Demiere. Kailangan mong pakasalan ang ama ng dinadala mo.” “Po? Pero hindi ko po yun magagawa, Sir–” “Can you let me explain first?” may inis na tanong niya sa akin. Kahit pa anong paliwanag niya hindi ko kayang magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal! “My friend is a Gay, kung hindi dahil sa s*x enhancing dr*g& na pina-inom ko sa inyo noong gabing yun. Hindi ka niya gagalawin dahil wala siyang interest sa mga babae at isa pa, fake ang magiging kasal niyo. Kapag nakapanganak ka na maari mo na siyang hiwalayan. Same lang din naman sa time duration ng pagbubuntis mo. Ang kaibahan nga lang may asawa kang uuwi sayo.” Paliwanag niya na ikina-awang ng aking labi. Gay? Hindi ako makapaniwala na isang bakla ang nakasip!ng ko nang gabing yun. Halos hindi ako makalakad kinabukasan at dahil pala yun sa gamot na inilagay niya? Kaya pala ang sabi niya sa akin may mga bagay na kailangan naming gawin kahit hindi namin gusto dahil hiningi ng pagkakataon. Yun ba ang dahilan? Ngunit bakit? “Sir, bago ko po kayo sagutin. Gusto ko pong malaman ang dahilan kung bakit kailangan pa niya akong pakasalan?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Noong una kasi ang sabi niya sa akin. Kailangan daw ng anak ng kaibigan niya dahil hindi ito magka-anak tapos ngayon kailangan na naman niya ng fake na asawa? Parang gulong-gulo na ako. “Dahil sa lolo niya, gusto ng lolo niya na magkaroon ng apo kay Mr. Demiere. Kaya naghanap kami ng surrogate. Ngunit ngayon, gusto niyang makasal ang apo niya. May dalawang buwan na lamang kaming palugit. At kapag hindi ka pumayag, hindi lang kinabukasan ng batang dinadala mo ang mawawala sa kanya. Kundi lahat ng mana ng lolo niya ay ililipat sa charity kapag nalaman niyang bakla ang apo niya at walang kakayanan bumuo ng pamilya. I hope sapat na ang lahat ng sinabi ko sayo para pumayag ka sa fake marriage, Basha. It will benefit both of you.” Paliwanag niya sa akin. Pagkatapos naming mag-usap a y umuwi na ako sa condo. Hinatid pa niya ako ngunit hindi na siya pumasok sa loob. Habang pinagmamasdan ko ang sarili sa harapan ng salamin. Naguguluhan pa rin ako. Ngunit nagawa kong pumayag sa alok ni Sir Diego dahil na rin sa pamimilit niya sa akin. Lalo na sa kinabukasan ng batang dinadala ko. Mamayang gabi magaganap ang pagkikita naming dalawa. Magkahalong kaba at takot dahil makukuha ko nga ang malaking halaga na yun ngunit kailangan ko ding isakrispyo hindi lang ang katawan at ang batang dinadala ko kundi pati na rin ang buong pagkatao ko kasama ang estranghero. Alas sais na nang gabi at magbibihis pa lamang ako ng damit na susuotin ko. Ang bilin sa akin ni Sir Diego ay dapat daw maging presentable ang itsura ko dahil may pagka-OC daw ng kaibigan niya. Maarte daw ito at ayaw ng mabaho at madumi tignan. Kaya naligo at naghilod talaga ako para lamang hindi ko mapahiya ang sarili ko. Pinili kong suotin ang above the knee dress na skintone ang kulay. Simple lang naman ang design at my mangas din ito. Flat dol shoes na rin ang pinareha ko dahil hindi ako sanay ng naka-heels. Inilugay ko ang bagsak at hangang beywang kong buhok. Pagkatapos ay nag-spray ako ng pabango. Nang matapos na ako ay bumaba na ako bitbit ang sling bag ko dahil pinasundo ako ni Sir Diego. Sumakay ako sa kotse na pumarada sa harapan at kinakabahan ako habang nakaupo habang naghihintay sa pagdadalhan sa akin. Ilang minuto din ang lumipas ay itinabi niya ang kotse sa isang mamahaling restaurant na puno ng ilaw. Bumaba ang driver at pinagbuksan ako ng pinto. “Miss, pumasok na po kayo sa loob ina-antay na po kayo ni Sir Diego.” Saad niya. Suminghap muna ako at nag-ipon ng hangin sa dibdib. Inayos ko ang aking sarili. Naglagay lang ako ng manipis na make-up nang sa ganun magkaroon ng kulay ang aking mukha. Pagpasok ko sa loob ay inilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko siya makita. “Miss? Kayo ba si Basha Matabungkay?” Tanong sa akin ng staff na lumapit. “Ako nga po.” Sagot ko sa kanya. “This way Miss.” Iginiya niya ako pa-akyat sa hagdan hangang sa dalhin niya ako sa pribadong lugar na kita pa sa glass wall ang nagtataasan na building sa labas sobrang ganda din ng chandelier ngunit ma naagaw ng atensyon ko ang lalaking nakatalikod sa akin at nakaharap sa glass wall. Sa likod niya ay isang fine dining set-up. Lumakas ang kaba ng puso ko. Dahil ang lalaking nakatalikod sa akin ay ang lalaking nakas!ping ko nang gabing yun. Ang kaibigan ni Sir Diego na isa raw bakla at hindi kayang makipag-relasyon sa isang babae. Ngunit hindi ko daw maaaring sabihin sa lalaking ito na alam ko na ang pagkatao niya dahil baka daw magalit ito sa akin. “Mr, Demiere, nandito na po si Ms. Basha.” Imporma niya. Unti-unting humarap ang lalaki sa amin hanggang sa umawang ang aking labi nang makita ko siyang muli. “T-Thaddeus?” usal ko nang humarap siya sa amin. “Thank you, you can go.” Sambit niya sa staff na naghatid sa akin at umalis na rin ito. Bumaling siya sa akin at pinasadahan niya ako ng tingin. “Ako nga.” Humakbang siya papalapit sa akin at nang nasa harapan ko na siya ay napa-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko inakala na tama ang hinala ko sa simula pa lamang. Inaya niya akong maupo. Ibang-iba siya ngayon kumpara sa una naming pagkikita. Mas elegante siyang kumilos pero nanduon pa rin ang galaw niyang mahinhin. Ipinaghila niya ako ng upuan at naupo ako. “I know sinabi na sa'yo ni Diego na kailangan mo akong pakasalan. And i agreed sa naging kundisyon at pag-uusap niyong dalawa. This marriage is only for business. No feeling attached at ang kailangan mo lang gawin ay gampanan ang pagiging asawa mo sa akin. Habang ipinagbubuntis mo pa ang anak ko.” Paliwanag niya. Pati ang tono ng pagsasalita niya ay nagbago. Hindi pa ako makarecover dahil hindi ako makapaniwala na ang isang kagaya niya ay bakla at ang nakas!ping ko noong gabing yun! Napahilot ako sa aking sintindo. “Why? Masama ba ang pakiramdam mo?” May himig na pag-aalala niyang tanong sa akin. Kahit pa ibang Thaddeus ang humarap sa akin. Lumalabas pa rin na nag-alala talaga siya sa akin. “Okay lang ako, pasensya na nabigla ako.” Wika ko sa kanya. May kinuha siyang box at inilagay niya sa harapan ko. “Wear it, dahil bukas na bukas din ipapakilala na kita kay Grandpa as my Fiance.” Binuksan ko ang box at mamahaling engagement ring ang bumungad sa akin. “Basha, I know na nabibigla ka pa rin sa mga sandaling ito. Ngunit isa lang ang hihingiin ko sa'yong kundisyon. I can't love you back. Kaya huwag mo akong mamahalin, dahil ang papel mo lang sa buhay ko ay manatiling kasal sa akin habang hindi mo pa nailuluwal ang magiging anak ko. But I promise to take care of you and be your husband hangang sa tuluyang maghiwalay ang landas nating dalawa. Am I clear to you?” Sinuot ko ang singsing na bigay niya at tumango ako sa kanya. “Na-intindihan ko, Mr. Demiere–” “Thaddeus, Basha. Kung ayaw mo ng pangalan ko. You can call me anything you want but not my family name. Tandaan mo may relasyon tayong dalawa sa harapan ni lolo kaya kailangan nating magpangap na mahal natin ang isa't-isa kaya tayo magpapakasal.” Bilin pa niya sa akin. “Okay, na-intindihan ko.” Pagkatapos naming mag-usap ay sabay kaming kumain. Habang kumakain ako wala ding laman ang utak ko kundi ang sinabi ni Sir Diego tungkol sa kanya. Ang hirap sigurong magpangap na isa kang lalaki kung may pusong babae. Pero nasanay na siguro siyang gawin yun. “Goodnight. I'll see you tomorrow…” paalam niya nang ihatid niya ako ngunit di ko inasahan na hahalikan niya ako sa labi kaya nagulat ako. “Masanay na ka, kung walang physical touch walang maniniwala na may relasyon tayong dalawa.” saad niya bago siya umalis. Naiwan akong hawak pa din ang aking labi habang pinapanuod ko siyang papalayo sa akin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD