Kabanata 12: The Post (2)

1328 Words
Pagbaba ni Olivia ay nakita n’yang nasa sala ang lahat at nanonood ngayon ng isang palabas ng isang historical drama na pinagbibidahan ni Bea. Unang nakakita sa kan’ya si Lance na agad tumayo kaya naman sinundan ito ng tingin ng mga kasama. “Olivia, ayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihilo?” Inunahan ni Joshua si Lance na makalapit sa dalaga at inalalayan ito paupo. Bumalik na lang si Lance sa upuan nito, pero walang bahid ng kahit ano’ng emosyon sa mukha. “Okay naman na ako. P’wede na akong maglakad-lakad. Pasensya na sa abala.” “Ah, wala lang ‘yon. Ano ka ba? Concern nga kami lalo na ako na baka lumala ang lagnat mo, pero salamat naman at okay ka na.” Hinawakan pa ni Bea ang dalawang kamay niya at sabay silang umupo sa mahabang sala. “Salamat,” maikling sagot ni Olivia at binawi ang kamay. Pagtingin niya sa harap ay may nakahanda na agad na pagkain hawak ni Lance. Agad niya naman ito kinuha at nagpasalamat. “Ahw, iba siguro kapag inalagan ng isang Lance Ocampo, ano? Ang suwerte mo, Olivia. Siguradong maiinggit ang mga fans niya na nanonood,” nagbibirong turan ni Bea at ngumisi dito. Nginitian lang siya ng naturan kaya nag-focus na lang siya sa kan’yang drama na siya ang bida. “Hindi ba tayo p’wede manood ng balita?” tanong ni VJ. Sa totoo lang si Bea lang naman ang nag-insist na panoorin ang drama nito, pero hindi naman siya interesado. Paano kaya ito naging magaling na aktres kung siya hindi nagagandahan sa performance? Sabagay, kan’ya-kan’yang taste na lang siguro ito. Sumagot si Andrei, “Hindi p’wede. Hindi natin p’wedeng malaman ang nangyayari sa labas kaya nga confiscated ang mga phone natin, ‘di ba?” Even him, he can’t make a contact outside lalo na sa manager niya. “What if may emergency pala?” Sure naman si Nadine na hindi magdadalawang isipang manager niya na pumasok sa mansion para sabihin iyon sa kan’ya. “Syempre magko-consider pa rin sila. Pero nagwa-wonder na ako kung ano ba ang nangyayari sa labas.” Claudia clicked her tongue. “Wala pa tayong isang linggo sa loob kaya wala pa rin namang magbabago sa labas. Huwag niyo nang isipan ‘yan,” aniya nito at kumuha ng malamig na juice. “Right! Seniors, kung may maisa-suggest kayo sa performance ko, p’wede n’yong sabin sa akin. Alam kong malaking bagay iyon lalo pa’t mga bitirano na kayo at may pangalan sa pag-aarte.” — “Mr. Kim, naglabas na ng pahayag ang agency ni Olivia at susuruin daw nila ang post kung totoo at kung hindi ay kakasuhan daw nila ito. Nag-post na rin ako sa stand natin sa issue at marami ang negatibong reaksyon. Ang ilan pa ay tumatambay sa labas para i-call out ang contestant natin.” Nangunot ang noo ni Matteo Kim. Ayaw na ayaw niya na may distraction sa pinagti-taping-an nila. “Nakausap mo na ba ang manager niya?” “Opo. Ayon sa kan’ya ay hindi totoo ang litrato na pi-nost ng nag-akusa. Nasa kompanya raw si Olivia noong oras na ‘yon at hindi lumabas. Hinahanap ngayon nila ang IP address ng nag-post at aalamin ang rason kung bakit nagawa nito n’yon.” “Then, wait for them to release it. Paalisin mo na rin ang mga taong gumugulo. Kung ayaw pa umalis magtawag ka ng bombero at basain sila sa tubig. Wala akong pakialam kung may masugatan o ano, ako na ang bahala sa medical expenses nila.” Napalunok ang staff at agad na tumango para gawin ang iniutos nito. Nakakatakot talaga si Mr. Kim. Tumingin sa phone si Matteo nang makitang umilaw ito. Binasa niya ang mensahe at napabuga na lang ng hangin bago tumingin sa monitor kung saan nanonood ang mga kalahok. Olivia, Olivia. Nagsisimula ka pa lang sumikat, may humihila na sa’yo pababa kaya patunayan mo sa palabas kong ‘to na karapat-dapat kang manatili at manalo. — Ilang oras pa ay naglabas na ng resibo ang agency ni Olivia na nagsasabing ang pi-nost na litrato at kwento ng account ‘yon ay walang katotohanan ay pinakita ang date ng litrato at CCTV kung nasaan si Olivia nang oras na ‘yon. Mayroong mga naniwala, ngunit may iilan pa rin na hindi dahil sa kadahilanang paano to nakapasok sa palabas kung ang mga kasama nito ay puro popular. [Malamang ay ipagtatanggo niyo ‘yan! Hello, nasa taong 2024 na tayo at develop naang technology p’wedeng-p’wede niyo i-edit ang lahat kahit video. Huwag niyo nang pagtakpan ‘yan at i-terminate ang kontrata.] [Sus! Gan'yan mga galawan ng PR para protektahan ang artista nila. Huwag kami!] [Grabe! Ang baba ng comprehension ng mga ibang nag-comment dito. Nakalagay na nga sa statement na galing mismo sa hotel at agency ang dalwang CCTV na may time span pa. May sign rin ng both may-ari, pero sarado ang utak niyo sa katotohanan. Basta ako naniniwala ako kay Olivia. Kung talagang totoo ang pinaparatang sa kan'ya, dapat noon pa siniraan ito, pero hindi. Ano naghintay sila ng tamang oras para ilabas ang baho niya?] [Mukha namang inosente, pero hindi natin masasabi na gano'n talaga. Artista 'yan, eh. Kumakapit sa patalim.] [Support ka namin, Olivia!] “Ano? Nabawasan ba ang b komento? Ni-limit ko muna ang comment section ng social media account niya dahil ang daming notifications.” “Oo. Nag-lessen naman,” sagot ng isang PR staff. “May naging magandang epekto naman ito kay Olivia dahil mas napapansin na siya. Nako Macy, mukhang magiging matunog na ang pangalan ng alaga mo. Nagsisimula pa lang, pero may naiinggit na. Siya nga pala, natunton na ang IP address nang nag-post at pinadalan na siya ng letter. Update na lang namin kayo kung ano ang mangyayari.” Nakahinga ng maluwag si Macy. “Mabuti naman kung gano’n. Maraming salamat sa tulong niyo.” Well, hindi na ito bago kay Macy dahil marami talagang paandar na ganito ang mga kumakalaban sa kapwa artista at hindi na rin bago pa ang mag-agawan sa mga brand endorsement. Isa lang ang nasisiguro niya, ang gumawa nito ay hindi lang isang ordinaryong tao kung ‘di isa ring artista. Kahti same pa ng kompanya ang pinagtatrabahuhan nila, hindi sila mababait. Harap-harapan silang nagpaplastikan. Mahirap makahanap ng totoong kaibigan at kakampi sa kalakaran nila. Huminga siya ng malalim at napag-desisyunang puntahan ang taping site ng alaga niya. Kailangan niya rin makausap si Matteo Kim para sa shooting ng endorsement brand ni Olivia. — Samantala, hindi mapakali ang taong nag-post ng pekeng balita tungkol kay Olivia. Kanina lang ay nakatanggap na ito ng email galing sa legal team ng agency ng artistang sinira niya sa social media at ngayon nga ay hindi sumasagot ang taong nag-utos n’yon sa kan’ya. “Bwesit! Kung hindi moa ko tutulungan sa problemang ‘to ay ‘di ka rin makakatakas! Sasabihin ko sa kanila na ikaw ang nag-utos n’yon para dalawa tayong mamomroblema ngayon!” Iyon ang tinipa niya sa message box at pinadala sa receiver. Ilang segundo pa ay nag-reply ito. [Naglagay ako ng 100 thousand sa bank account mo. Umalis ka na at ‘wag na ‘wag mong sasabihin ang pangalan ko. Nag-book na rin ako ng flight mo bilisan mo bago ka pa maabutan legal team. Kapag nangyari ‘yon, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan.] Napamura na lang ang naturan at agad na hinanda ang gamit para umalis sa apartment nito. Pagbukas niya ng pinto ay namutla siya nang makita ang dalawang lalaking nakaitim na nag-aabang sa kan’ya. “Sino kayo?” Bakas sa boses niya ang kaba kaya napaatras ito para sana isarado sa mukha nito ang pinto. Ngumiti ang isa dito at pumasok sa loob. Habang ang isa naman ang s’yang nagsara ng pinto. Kung tutuusin parang mga private guards ito at hindi mga pulis. “Huwag kang mag-alala, hindi kami masasama. Gusto ka lang makausap ng boss namin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD