Kabanata 13: Akin

1257 Words
“Gusto ko na mag-Sabado,” wika ni Julie na naginat-inat pa ng kamay. Nasa labas silang mga babae ngayon at nasa pool habang ang mga lalaki naman ay nasa loob at may kung ano ang ginagawa. “Bakit? Hindi naman tayo makaalis ng production kahit mag-Sabado pa,” nakangiwing sagot ni Bea. Wala man lang nag-comment tungkol sa acting niya kanina ibig bang sabihin n’yon ay walang mapipintas sa kan’ya? She knew it. Napahagikgik ang si Julie at nag-wink na lamang sa kanila nang makatalikod ito sa camera. “I know,” pagkaraan na sagot nito, pero ang totoo n’yan ay walang shooting sila kapag Sabado at Linggo, ngunit alam nang lahat na bawal silang lumabas kahit pa walang shooting na mangyayari dahil naka-off lang ang camera. At least, may privacy na mangyayari sa kanila ng dalawang araw. “Maiba ako, may projects ka ba pagkatapos nito, Olivia. No offense, ah. Curious lang talaga ako since nago ka lang dito at hindi ka naming kilala,” pag-iiba ng usapan ni Nadine. “At paano ka na-discover ng production staff?” Tumingin si Olivia kay Nadine. “Actually, hindi ko alam kung may naka-line up na na projects para sa akin kagaya ng sinabi mo na hindi ako kilala ng mga tao dahil less exposure lang ang nakukuha ko sa mga sinalihan kong drama. Nakasali naman ako rito dahil sa hard-working kong manager at nagpapasalamat ako sa production ng Cupid’s Carnival na nabigyan ako ng pagkakataon para makasali dito,” totoong sagot nito. “Really?” kunwaring ‘di naniniwalang bulalas ni Nadine. Sumingit si Claudia sa usapan. “Sigurado naman akong may projects ka na, Olivia. Magaling ka at magaan ang awra mo kaya hindi ka mahirap lapitan. Lahat naman tayo ay nag-hirap para makuha sa palabas na ‘to knowing kung gaano ka-strict si Mr. Kim sa mga contestant niya.” “Ang hirap siguro nang gan’yan, ‘no? Iyong maghihintay ka kung kailan ka may trabaho, parang mababaliw ako. Nagpapasalamat din talaga ako sa manager ko na hindi ko dinanas ang gan’yan,” malungkot na wika ni Bea. God! Mabuti at nabiyayaan siya ng talento. Tumaas ang kilay ni Nadine. “Mabuti ka pa kung gano’n. Kami kasi nagsimula muna sa hirap bago umabot sa ganito. Suwerte mo dahil may manager kang handing gawin ang lahat para umangat.” “Huh? Eh, ‘di ba gano’n ka rin? Ang alam ko ay shareholder ang daddy mo sa agency na pinagtatrabuhan mo or mali ako?” Tumawa ng marahan si Nadine kay nagkatinginan ang tatlong babae sa isa’t-isa. “Saan mo naman nabalita ‘yan? Ordinaryong tao lang ang papa ko at laya ako naghirap na makaabot sa kinatatayuan ko ay para sa kanila.” “Oh, my bad then. Iyon kasi ang nabasa ko sa news noon. May mga proofs pa nga.” Walang kinatatakutan si Bea dahil katulad ni Nadine, kaya n’yang makipagsabayan sa mga ka-level niya. Hindi nagalit si Nadine bagkus ay binigyan niya ng matamis na ngiti ang dalaga. “Well, kung ‘yan ang gusto mong paniwalaan wala na akong magagawa kung simpleng pag-research lang ay hindi mo pa magawa.” Nag-iba ang templa ng mukha ni Bea kaya pumagitna na si Julie. Lahat sila rito ay may iniingatan na reputasyon at nasa loob sila ngayon ng palabas kaya damay rin ang pangalan nito. “Hey, do you think we can still see each other after this show? Gusto ko sana magkaroon tayo ng mini reunion.” “I don’t think I can go. Alam ko kasing may dalawang series akong gagawin after the show. Alam niyo na busy ang katulad kong in-demand.” Hindi mapigilan ni Claudia na magtaray sa narinig. Napaka-conceited talaga. Buti may nakatatagal pa dito. Kamusta na kaya ang mga lalaki sa loob? Ano naman kaya ang pinag-uusapan ng mga ito? — “Iyong totoo, wala ka bang nagagandahan dito sa kasama natin? Come on! Tayo-tayo lang naman ang makaaalam,” siko ni Andrei Gerald na kanina pa tahimik at kukuda lang kapag kausap. “Bakit mo ba tinatanong d’yan. Bakit ikaw may nagagandahan ka ba?” balik tanong nito at siniko rin ang lalaki. “Lahat naman sila maganda! Sige si Joshua na lang. Kanino ka nagagandahan sa mga kasama natin, pre? Hindi naman magseselos ang mga fans mo, nagagandahan ka lang naman hindi mo naman gagawing girlfriend.” “Well, halos lahat naman sila may kan’ya-kan’yang ganda, pero ang nakakuha ng atensyon ko ay si Olivia. She’s like a breath of fresh air, iyong tipong kahit minimal lang ang make up niya sa mukha ay maganda pa rin siya. Maganda rin ang galaw at hindi overconfident sa sarili.” Habang nagsasalita si Joshua ay napapangiti ito habang inaalala ang mukha ng dalaga. “Siya ‘yong tipo ng babae na kapag nakita mo, automatic na parang gusto mo s’yang protektahan.” “Iba na yata ‘yan,” komento ni VJ na nakangisi saka mabilis na tumingin kay Lance na seryoso ang mukha at malamig ang tingin sa labas. “Dini-describe ko lang kung bakit sa kan’ya ako nagagandahan,” depensa naman ni Joshua at tumawa. “Sabagay, maganda nga talaga si Olivia. Ikaw Lance?” Tiningnan siya ng blanko ni Lance, pero ramdam n’yang nagsitayuan ang balahibo niya sa braso. Sh*t. Nagtanong lang naman siya, ah? “Kailangan ko pa bang tanungin ‘yan? Iyong babaeng nagagandahan kayo, partner ko na. Nakakatabi ko pa matulog.” “Ang yabang!” Nginisihan sila nito. “Pero alam niyo, hindi niya ideal type ang mga lalaking artista. Ayaw niya raw sa mga taong araw-araw nababalita mas gusto niya ang lalaking hindi showbiz.” “Talaga? Napag-usapan niyo ‘yan?” usisa ni VJ. “Oo naman. Wala raw s’yang natitipuhan dito.” Siya nga hindi type, ito pa kayang si Joshua? No way! Lamang siya ng limang paligo. Mabait lang talaga si Olivia sa mga kasama niya. “Ilang araw pa lang naman tayo dito, kaya hindi natin masisiguro ‘yon," katwiran ni Joshua. “Not that na gusto ko siya baka magkagusto siya sa iba, right?” dagdag nito. “Eh, iyon nga ang magpapatalo sa atin, eh— kapag nahulog ang loob natin sa iba. Kaya ako, hinding-hindi ako mahuhulog,” puno ng kumpiyansang saad ni Andrei. “Likewise,” segunda rin ni Gerald. “So, paano ‘yan? Gusto nating manalo lahat?” Tiningnan ni VJ ang mga kasama niya isa-isa. “Paunahan na lang magpa-fall sa kanila,” wika ni Lance at tumayo na mula sa pagkakaupo. “Huwag lang si Olivia dahil akin na ‘yon.” Kumunot ang noo ni Joshua. Masyado naman ‘yatang protective ang lalaking ‘to sa dalaga. Dapat n'yang ma-warningan ang dalaga para hindi ito mahulog sa bitag ni Lance. Lumabas si Lance ng sala at nakita ang mga babae nagkakatuwaan. Ang mga mata niya ay tumigio kay Olivia na para bang tumigil ang kan'yang oras nang makita ang pagtawa nito. Mistula bang musika ang tinig nito sa kan'yang pandinig at mas lalo itong maganda tingnan habang gano'n ito kasaya. Parang gusto n’yang itago si Olivia lalo na sa mga lalaking magkakagusto dito. Tsk! Masaya ito kapag hindi ito napaalis sa palabas. Sino kaya ang unang mahuhulog sa kanila? Not him though, hindi lang niya gusto ang ideyang may nagmamata sa partner niya. Biglang nagsalubong ang paningin nilang dalawa ng dalaga. Nagulat ito at tinaas ang kamay at kinawayan siya. Hindi niya alam, pero kusa na lang gumalaw ang kan’yang mga paa patungo rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD