Simula: Cupid's Carnival
Napasalampak si Olivia sa kan’yang higaan habang nakatingin sa kan’yang phone. Ano bang klaseng buhay ang meron siya? Ang hirap makahanap ng pera ngayong panahon, kulang na kulang ang kinikita niya sa pagiging artista para sa pagpapagot ng kan’yang ina at pang-araw-araw na gastusin nila sa buhay. Namomroblema talaga siya lalo na’t hindi naman tuloy-tuloy ang trabaho niya dahil hindi naman siya gano’n kagalingan sa pag-arte. Hindi naman niya mabitaw-bitawan ang trabaho lalo pa’t isa ito sa mga gusto n’yang gawin. Kailan kaya siya mabibigyan ng magandang project? Iyong tipong makakatagal naman siya sa drama ng ilang episodes. Sana may dumating na blessing.
Para bang narinig ng langit ang dalangin niya nang tumunog ang phone niya at makita ang pangalan ng kan’yang manager. Nabuhayan ang kan’yang inaantok na damdamin at napaupo sa kama.
“Hello, Ate Macy? Ano pong balita?” tanong niya kaagad nang masagot ang tawag.
[May trabaho ka na! Nakakuha ako ng slot para sa’yo sa isang variety show. Pinaghirapan ko ito kaya dapat umayos ka at kunin ang opurtinadad na kilalanin ka ng manonood.]
Gumuhit sa labi ni Olivia ang malaking ngiti. Hindi talaga siya pinababayaan ng Ate Macy niya. “Variety show? Ano’ng show ba ang tinutukoy mo Ate Macy? Baka naman iyong Jungle Journey ‘wag naman sana.” Okay lang sa kan’ya ang kahit ano ‘wag lang talaga ‘yon dahil ikamamatay niya ang paglahok sa palabas. Ikaw ba naman iwan sa gitna ng gubat at ‘di alam kung ano’ng hayop ang sasalubong sa’yo?
Hindi man nakikita ay alam n’yang napa-irap ito sa kabilang linya. [Hindi ka naman makakasali doon dahil hindi kakayanin ng katawan mo. Anyway, alam mo naman siguro ang show na ‘to. Iyong kinahuhumalingan ngayon ng manonood. Malaking bagay ang pagsali mo rito para makilala ka at dumami ang fans mo.]
“Parang isang dating show? So, kailangan kong makipag-date sa iba? Iyon ba?”
[No, dear. Dahil sa palabas na ‘to hindi ka p’wedeng mahulog sa opposite s*x mo. Ang laki ng rating ng show na ‘to and I know pagkatapos nito ay makakakuha ka ng endorsement at project kapag nakita nila ang skills mo. Hindi lang ‘yon dahil may pa-premyo ring pera.]
Napasinghap si Olivia. Easy lang pala ang rule. Panigurado namang kayang-kaya n’yang gawin ang bagay na ‘yon. “Sige, Ate Macy. Magkita tayo para malaman ko pa ang buong detalye. Ano nga pala ang pangalan ng palabas?” Tumayo siya at kinuha ang laptop sa mesa niya para i-search agad ang dating show na sinasabi nito.
[Cupid’s Carnival.]
—
Halos mabingi ang mga lalaki sa tili ng mga babae na nasa bench ngayon habang nakatingin sa malaking projector kung saan nagsisiskumpetensya ang pitong kotse para makaabot sa finish line. Isa na roon ang pulang Mclaren na nangunguna sa karera. Hindi makikita ang nagmamaneho sa loob, pero sa galing nito ay Hindi makikita ang nagmamaneho sa loob, pero alam ng mga manonood kung gaano kagwapo ito. Sa pagdating ng ingay ng rurok ng sasakyan sa finish line, si Lance Ocampo ang tinaguriang numerong uno sa track. Lumabas sa cockpit ang binata at inalis ang kulay pula nitong helmet. Ang kan’yang matalim na kulay asul na mata ay kumikislap, ang buhok nito na nawala sa ayos ay hindi nakabawas sa attraksyon nito. Nagbigay ito ng matagumpay na ngiti sa lahat. Sumabog ang palakpakan ng lahat at pagsigaw sa kan’yang pangalan.
“Lance, the king!”
“Lance, the king!”
Sinalubong si Lance ng isa sa mga kaibigan niya na si Xian at inakbayan siya habang may lollipop sa bibig.
“Grabe! Ang easy lang manalo ng limang milyon sa’yo. Angas mo talaga!” puri nito at nakipag-apir.
“Dahil magaling ako,” sagot ni Lance pagkatapos ay ngumisi. “Hindi pala ako makakasama mamaya sa inuman. May pupuntahan ako bukas I need to be early.” Hinubat nito ang suot na racing suit nang makarating sila sa kanilang tent.
Kumunot ang noo ni Xian. “Sure ka ba talagang sasali ka do’n? Marami ang pera mo kaya aanhin mo pa ang premyo? Baka makahanap ka ng katapat mo.” Hindi inaasahan ‘to ng binata. Sa katunayan ay nabigla siya sa desisyon nito, knowing him wala sa itsura nito na gustong pumasok sa entertainment o makihalubilo man lang sa mga artista.
Lance smirked. “You know I do love experiencing new. Maglalaro lang ako doon. Aalis rin naman ako kapag na-bored na. Katapat ko? Nagbibiro ka ba? Hindi pa pinapanganak ang kayang tapatan ako.” Pinasa nito ang helmet sa kaibigan pagkatapos ay pumasok muli sa kan’yang kotse. “Sige na. Abangan mo na lang ang pagpasok ko sa show na ‘yon. Sayang rin ang milyon.”
Humarurot paalis ang kotse saka naman nagsidatingan ang mga babae na bagsak ang balikat nang hindi na maabutan ang binata. Napailing na si Xian at napangiti. Kilala niya si Lance, laro kung laro talaga ang gusto nito. Paniguradong may iiyak sa loob.
Nakarating si Lance sa kan’yang malaking bahay at pinarada sa basement ang kan’yang kotse. May limang kotse s’yang nakalagay doon at dalawa doon ay napanalunan niya. Well, they wanted to compete with him, nakakahiya naman kung ‘di niya mabinyagan ng pagkatalo ang mga ito.
“Panalo ka ba?”
Napatingin si Lance sa ginang na nakaupo ngayon sa sala. Kumunot ang noo niya nang lumapit dito. “Bakit hindi ka pa natutulog, Mom?”
“I was waiting for you. Kailan ka ba titigil sa pakikipagkarera mo, Lance? You’re not getting any younger. Wala ka pang naipapakilala sa’ming babae. Gusto mo bang tumanda ng binata?”
Napahinga ng malalim si Lance. “Hindi ko kailangan ng babae. Nand’yan naman si Lorieta hindi pa ba sapat na may apo na kayo?”
Pinaningkitan siya ng ina kaya nagseryoso ang mukha niya. “Huwag niyo po akong madaliin, Mom, kung wala talaga, eh ‘di wala. I’m just going to be a bachelor.” Hindi naman siya nauubusan ng babae. Maraming nagkakadarapa sa kan’ya. Mabubuhay naman siya kahit walang babae.
“Hmp! Ipapakilala ko sa’yo ang anak ng kumare ko. I want you to meet her in person. You’ve been so busy with your business, nakakalimutan mo na ang personal life mo. Concern lang ako sa’yo anak gusto ko rin na magkapamilya ka. Ayaw mo ba n’yon?”
Pamilya? Tsk. “Hindi ko siya mami-meet, Mom. I’ve just got accepted an offer and I will not be back during the 1 month of the show.”
“What?”
“Well, you can just watch your son on t.v.”
Pagkatapos n’yon ay agad na tumaas si Lance sa kan’yang kwarto para maligo at magbihis. Tumunog ang phone niya sa mesa at binasa ang mensahe galing sa assistant niya. He actually has three assistants dahil sa trabaho niya.
[A1: I already sent you the details of the show, boss. Please check the attachment I send via your email.]
Binuksan niya ang file at binasa ang content ng nilalaman. Nakalagay doon ang mga rules at policies. Isa sa mga nakakuha ng atensyon niya ay ang pinakahuling rule.
Do not fall in-love.
Tumawa si Lance. Mukhang magiging exciting naman pala ang pagpunta niya rito. Ah, he loves adventures. Hindi siya naniniwalang walang mahuhulog sa kan’ya doon. What a pity, siya ang mananalo sa show na ‘to.
Binuksan niya pa ang isang file kung saan makikita ang lahat ng participants. Hindi naman nila dapat malaman kung sino ang makakasama sa loob ng mansion dahil sa mismong show sila magpapakita, pero iba siya. He can find it easily.
Unang page ay isang actor na kilalang-kilala ngayon, sunod ay ang bagong aktres na kakapanalo lang ng award. Lahat ng nasa lista ay may mahigit na isang milyong followers sa kanilang social media account maliban sa isa.
Olivia Galvez? Artista? Mukhang bagong salta. Hindi ‘to mananalo. Out of curiosity, he searched her name and found her official account.
Mayroon itong seventy twenty thousand followers at karamihan sa post nito ay mga lugar. Iilan lang yata ang litrato nito sa sarili. Not bad, she got some loyal fans.
Ngumisi si Lance at pinindot ang follow button. Well, wala namang masama sa ‘pag follow niya rito, hindi ba?
—
“Palagi mong tatandaan. Hanggat maaari ay umiwas ka sa mga lalaki, okay? Hindi ka naroon para pumag-ibig, kung ‘di ay para manalo. Iwasan mo rin ang starlet na ‘yon, may attitude ang babaeng ‘yon baka gamitin ka,” reminder ng manager ni Olivia. Tumigil ang sasakyan sa malaking mansion at bumaba sila. Sunod-sunod silang dumating sa nasabing lokasyon at napanganga na lamang si Olivia nang makita kung gaano kalaki ang bahay.
“Huwag kang mag-alala Ate Macy, iuuwi ko ang sampung milyon,” pangako niya rito at ngumiti. Papasok na sana siya nang banggain siya ng sumulpot na tao.
Humarap ang dalaga sa kan’ya at ngumisi. “Ops! I’m sorry, nagmamadali kasi ako. Ngayon lang kita nakita, are you a celebrity?” Hindi maipagkakaila ang mapanutyang tono nito. Ito ang sinasabi ng manager n’yang starlet, si Bea.
“Okay lang. Sige mauna ka na,” paubaya ni Olivia. Alam n’yang sa pagkakataon na ‘to ay wala s’yang kalaban-laban sa mga ito lalo na’t may fanbase na si Bea at isa ring popular na teen star. Ngumiti ito sa kan’ya at nag-wave pa bago pumasok sa loob.
“Akala mo naman kung sino’ng bigatin. Iyang mga kagaya niya ang takaw sa gulo, mabait sa harap, demonyo naman pagtalikod. Patunayan mo roon na hindi ka basta-basta. Hindi kita mako-contact pero dadalawin kita sa set, okay?”
Tumango si Olivia bilang tugon pagkatapos ay kinuha ang maleta. Hanggang gate na lang kasi ang mga manager at tanging staff at participants ng nasabing show ang makakapasok sa loob.
Pagkarating niya sa loob ay naroon na ang karamihan bale sampu silang kasali sa show, limang lalaki at limang babae. Pinagtitinginan siya ng mga ito, nagwawari siguro kung sino siya.
“You’re here, Olivia. Halika at may hinihintay pa tayong isang contestant,” aniya ng producer. Hindi alam ng dalaga kung paano nalaman ng producer ang pangalan niya, pero maganda iyon. Ibig sabihin ay may nakakakilala sa kan’ya.
Napa-irap ng pasikreto si Bea sa baguhan, kita naman iyon ni Olivia ngunit binalewala niya na lang ito. Ayaw niya ng gulo.
“Na-orient naman siguro kayo ng inyong mga manager tungkol sa dapat at ‘di dapat sa show na ‘to. Ipapaalala ko sa inyo na ang gagawin niyo sa loob ay kaakibat ng karakter na dinadala niyo at live na mapapanood iyon ng manonood. Remember the golden rule of the show, do not fall in love and you will win.” Istrikto ang producer na si Matteo Kim. Isa siya sa kaita-pitagang award winning producer ng bans ana nanalo ng iba’t-ibang parangal. Hindi uubra dito ang mga paawa epek ng artist ana gustong makatrabaho siya.
“Paano naman kung tinatago ang feelings?” tanong ng isang aktres na nananalo na ng tatlong best actress award.
“May elimination na mangyayari kapag nakita ng kapwa niyo contestant kung talagang nahuhulog na kayo. Lahat kayo dito ay magkakalaban at paano niyo nasisiguro na totoo ang pinararamdam sa inyo ng taong ‘yon? Anyway, the public will also have the choice to vote you out or save you.” Matteo Kim smirked with contempt. Kinabahan naman ang mga participants maliban sa mga artitsa na may malaking fandom.
“We will start the show after the last person arrive.”
Saktong bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad, matipuno, at saksakan ng gwapo ang isang lalaki. Nakasuot ito ng racer jacket at itim na pants.
Grabe! Mas gwapo pa ito sa mga artista na narito.
The producer just grunted and introduced him. “This is Lance, and he will be joining our show.”
Ngumiti ang Lance sa kanila. Nagningning ang mata ni Bea na tila gusto na itong angkinin agad habang ang ibang babae naman ay nahuhumaling rito.
“Nice to meet you.”
Impit na napatili ang mga naroon nang marinig ang boses nito. Lanced looked at the contestants as his eyes landed on a certain woman standing behind.
Hindi alam ni Olivia kung guni-guni niya lang ba ‘yon, pero sa kan’ya ba nag-wink ang lalaking ‘yon?
The producer clapped his hand and looked at them with a booming smile.
“Welcome to the Season 2 of Cupid’s Carnival!”