Nagtipon-tipon ang mga kalahok sa dining table ng mansion dahil may dinalang packages galing sa labas. Galing iyon sa mga fans ng mga artistang nasa loob. Nakakapanibago lang sa production staff dahil pinahintulutan ni Mr. Kim na ipasok ang mga ito at ibigay sa mga kalahok. Mukhang maraming mangyayari sa season na ‘to. Pansin din nila na marami ang pumupunta sa filming set kaya ipinasara ng producer ang compound at nagkaroon g security sa bawat outpost. Mahirap na din kasi at baka makapasok ang kalaban nilang show at gawan ng masama ito.
“Oh, galing sa fans natin. Ano kaya ang mga ito?” aniya ni Julie nang makita kung saan galing ang package.
Kinuha naman ni Olivia ang para sa kan’ya. Medyo may kalakihan iyon at pare-pareho ng sizes sa iba. Sinubukan n’yng alugin iyon para malaman kung ano ang nasa loob, pero maliban sa mahinang sound ay wala na.
“Oh! Isang brand new VL bag. God! Hindi ko ma-imagine kung gaano kayaman ang mga fans ko para iregalo sa akin ito.” Itinaas ni Bea ang bag na hawak. Halata naman na totoo iyon at ‘di na bago sa kanila.
“Wow. Latest collection ‘to ng Fior sa spring nila. I doubt kung nailabas na ito. Iyong mga fans ko kasi sinisiguro na ako ang mauuna sa lahat,” pagyayabang naman ni Nadine at ngumiti ng matami sa mga ito lalo na kay Olivia. Sure s’yang hindi matutumbasan ng kahit ano’ng regalo ang meron si Olivia kaysa sa kan’ya. Baka nga tuwalya lang ang regaling mga ito o pagkain.
“Buksan mo na ‘yang sa’yo, Olivia. Curious din kami kung ano ang pinadala sa’yo ng fans mo. Sure naman akong kahit ano ‘yan ay matutuwa ka pa rin.”
Tumango si Olivia dahil kahit papaano ay excited siya. Minsan lang siya makatanggap ng regalo sa fans, pero lahat ng ‘yon ay iniimbak niya sa isang silid. Sayang naman kasi kung itatapon.
Nang mabuksan niya ay halos nakaabang ang mga kasama niya kung ano ang laman ng package. Una n’yang kinuha ang isang brown teddy bear, sunod ay mga damit na. Damit na pampatuloy, mahaba ang manggas at mahabang pants. Maganda ang tela at napakakomportable.
“Iyan na lahat ‘yon?” natatawang saad ni Nadine.
“Oo. Maganda naman at mukhang komportableng isuot,” sagot ni Olivia.
Tumawa ng dalawang babae at napailing si Joshua.
“Bini-baby ka ng fans mo, Olivia,” nakangiting turan ni Andrei. More on pinoprotektahan ng fans ang idol nila mula kay Lance. May nangyayari talaga sa loob kaya nagpadala ng ganitong damit ang tangahanga ng dalaga. Natatawa na lang siya sa loob-loob.
Kahit si Olivia ay napatulala sa damit. Puro long sleeve at may design pa ng mga teddy bears at kahit ano na parang pang prinsesa.
[Cute kaya! Bini-baby nila si Olivia. Magiging member na ako ng club nila.]
[Nakakahiya. Mga walang pera ang fans. Kawawa ang idol. Tingnan mo naman ang regalo ng iba kaysa sa kan’ya. Iyan lang ba ang kaya nila?]
Kinuha ni Lance ang teddy bear. “Teka! Sa akin ‘yan, ba’t mo kinuha?” Sumunod ang dalaga dito. Lumabas si Lance at pumasok sa tent ng production na kinagulat nito kaya agad na iniba ng camera operator ang focus.
“What is it? Basta basta ka na lang pumapasok dito. Baka ma-compromise mo ang production,” pagalit na saad ni Matteo Kim nang makita si Lance sa tent. Bumigat ang paghinga ni Olivia nang mapagalitan si Lance, pero ang binata tila hindi man lang naapektuhan.
Binigay nito ang teddy bear. “Check it. Tingnan niyo kung may camera sa loob. Dapat bago kayo mag-allow ng regalo sa loob dapat tsine-check niyo muna ang items. Ilalagay niyo sa alangan at invasion of privacy ang participants niyo.”
Kinuha naman ni Matteo Kim ang teddy bear at pina-check sa security. Hindi naalis ang kan’yang tingin kay Lance maging ang binata sa kan’ya. Hinatak ni Olivia ang dulo ng shirt ng partner dahil kahit ano pang mangyari, boss pa rin nila ang producer. Hindi magandang tingnan lalo na sa harap ng production staff ang ganitong pag-uugali.
Hinila niya nang may kalakasan ang damit nito, pero hinawakan lang nito ng kamay niya. Sinubukan n’yang bawiin pero mahigpit ang hawak nito kaya tumingin-tingin siya sa paligid pero gano’n na lamang ang pagkahiya nang makita ang staff na nakatingin sa kamay nilang dalawa. Ang sarap hambalusin ni Lance!
“Sir may nakita akong maliit na device. Mukhang camera ng ana nilagay sa mata ng teddy bear.”
Nalingat doon ang atensyon ng lahat. So, totoo nga ang sinabi ni Lance. Kung nagkataon na hindi nila nalaman ito, ano kaya ang mangyayari? What if naiuwi niya ito sa bahay niya. Makikita ng salarin ang mga dapat ‘di makita.
Humigpit ang hawak sa kan’ya ni Lance. “See? Dapat maging alerto kayo. Lahat ng pinapasok ay tsini-check. Sana hindi na ‘to maulit. Itapon niyo na lang ang teddy bear na ‘yan,” wika nito bago hinila si Olivia paalis.
Lumamig ang ekspresyon ng mat ani Matteo Kim at matalim na tumingin sa staff. “Alamin niyo kung kanino galigang package ni Olivia at kung sino-sino ang nagbigay ng regalo. I want all the names!”
Pagpasok sa mansion ay doon lang bumitaw si Lance, pero hindi nakatakas sa mapagmatyag na tingin ng iba ang paghawak-kamay ng dalawa lalo na si Nadine na napakagat sa ilalim ng labi nang makita iyon.
Kailan ba magsasawa si Lance kay Olivia? Pinaglalaruan lamang ito at ang gaga naman ay enjoy na enjoy. Hihintayin niya ang panahon na ‘yon na makita itong pinagbagsakan ng lupa dahil nauto ito.
“Saan kayo galing? Bakit mo kinuha ang regalo ni Olivia galing sa fans niya?” sunod-sunod na tanong ni Joshua habang nakakunot noo.
“May camera ang teddy bear na ‘yon. Gusto kong ligtas kayong lahat,” rason ni Lance at bumalik sa dati ang ekspresyon na ngayon ay nakangisi na kay Joshua. “Olivia, halika dito.”
Humalukipkip ang naturan pero umupo naman sa tabi ng binata. “Tingnan niyo naman kasi ang mukha ng babaeng ‘to? Sa ganda mo talagang ‘yan hindi imposibleng may mag-stalk sa’yo at alamin ang buong buhay mo. Kailangan mong mag-ingat lalo na sa mga regaling binbigay sa’yo,” pangaral ng binata at ginulo ang buhok ni Olivia na kinaiwas naman nito.
“Ano? May camera sa teddy bear? Sino naman ang gagawa n’yon? Nakakatakot! Baka may nagawan ka ng kasamaan, Olivia!” Napahawak sa dibdib si Bea habang nanlalaki ang mat ana tila siya itong nakatanggap ng regalo.
“Ginawan ng masama?” ulit ni Claudia. “Mas naniniwala pa ako sa sinabi ni Lance na stalker dahil sa maganda talaga si Olivia. Mabuti na lang at nalaman mo agad, Lance. Parang expert na expert ka na sa gano’n.”
“Oo naman. Karamihan ng tagahanga ko ay babae. Nagpapadala sila ng mga regalo sa bahay ko.” Dudugtungan niya pa sana na iniimbak niya lang ito at ‘di binubuksan kaso naka-air sila ngayon ng live. Baka masaktan ang fans niya.
“Bantay sarado ka pala ng fans mo. Paano ka magkaka-girlfriend n’yan? Siguradong iiyak ang mga ‘yon,” komento ni Andrei.
“Hindi ‘yan mangyayari. Wala naman sila magagawa kung pumasok ako sa relasyon. Alam nilang darating ako sa puntong ‘yan.”
“Huh? Pero nabasa ko sa article noon na ayaw mong magkapamilya? What changed?” usisa ni Joshua ngunit may ideya na siya at ayaw niya iyon marinig.
Napatingin si Olivia sa gawi ng binata. Ayaw nitong magkapamilya? Bakit? Siguro’y may pinagdaanan nito kaya naapektuhan ang desisyong iyon. Pero hindi ba malungkot na tumanda nang walang kasama? Siya nga may planong magkapamilya, pero hindi naman siya si Lance.
Tumango si Lance. “Noon ‘yon, pero p’wede pa naman magbago ang desisyong ‘yon, ‘di ba?” sagot niya at bumaling kay Olivia.
“Right, Olivia?”