[Putang*na! Lalaki ako, pero kinikilig ako sa mga banat ni Lance! Pre, we salute you! Makakapulot pa kami sa’yo ng mga aral na magpapakilig sa mga babae. Pagpatuloy mo ‘yan, idol!]
[Grabe! Napagalitan na ako ng mama ko dahil ang ingay ko raw. Sino ba ang hindi mapapasigaw sa sinabi ni Lance? Kung ako ang nasa katayuan ni Olivia mahihimatay ako sa kilig.]
[Ang strong naman ni Olivia para hindi kiligin kay Lance. Ano’ng iniinom mo ate ko? Sa sobrang gwapo ni Lance baka kahit nasa malayo malaglag na ang panty ko. Ikaw nga nasa malapit na wala pang nahuhulog sa’yo?]
[Ano ba ang social media ni Olivia? Gusto ko s’yang i-follow sa lahat. I’m a fan now! Nakakatuwa ang dalang ‘to. Gonna binge watch all her dramas na.]
Halos manlaki ang mata ni Manager Macy dahil sa pagbilis ng followes at likes ni Olivia sa social media accounts nito. From thousand ay umabot na ng million ito. Napanganga na lamang siya sa nangyayari at nanginginig ang kamay.
Inabot ng apat na taon para maabot ni Olivia ang milestone na ‘to. Ngayon dumarami na ang fans ng alaga niya. Dapat mag-celebrate sila!
Dahil nga marami ang nakakapanood ng Cupid’s Carnival. Hindi maiiwasan na magkaroon ng love team ang bawat nanonood. Isa na doon ang love team nina Lance at Olivia na mayroong 5 thousand followers, ang LaVia. Ngunit hindi ngayon dahil umabot na sa 55 thousand ito. Nagkaroon rin ng group chat ang mga members ng nasabing love team at nagpaplano na magpadala ng food truck sa mansion para suportahan ang dalawa.
Ang paglaki ng sumusuporta kay Olivia ay napansin ng ilang artista at mga investor. Syempre hindi maiaalis na mayroong maniinggit sa nangyayari lalo pa’t ang dating hindi pinapansin ay lumulubo na ang pangalan ngayon.
—
Nanalo sa laro si Joshua, dahil doon ay may dinagdag na tatlumpong puntos sa naipong puntos nito. Nagpalit na ang mga ito ng damit at magkasabay na tumaas sa kwarto sina Lance at Olivia.
“Oh, bakit hindi ka pa pumapasok?” nagtatakang tanong ni Lance nang makitang nakatayo lamang sa labas si Olivia.
“Mauna ka na. Doon lang muna ako sa baba,” wika ng dalaga at tumalikod na nang marinig n’yang magsalita muli ang binata.
“Obvious ka alam mo? ‘Wag mong sabihin na may crush ka sa akin at nahihiya ka?”
Halos umusok ang ilong ni Olivia nang harapin ito. Hobby yata ng lalaking ‘to ang inisin siya at epektibo naman sa kan’ya. “Saan ka ba kumukuha ng lakas ng loob, Lance? Wala akong ibig sabihin doon, okay? Magpapahinga lang ako sa baba at kakain na rin,” malumanay na paliwanag ni Olivia. Hindi siya p’wedeng sumabog sa harap ng camera.
“Sasama na lang ako sa’yo. Nagugutom na rin ako.”
Hindi pa man nakakalakad patungo si Lance sa labas ay pinagsarhan na siya ng pinto ng dalaga. Bumungisngis kamakailan si Lance dahil sa nangyari. Hindi niya maiwasang mapahawak sa tiyan dahil sa pagtawa. Ang sarap talagang asarin si Olivia. Hindi siya magsasawa makita ang iba’t-ibang ekspresyon nito.
Si Olivia naman ay tumungo sa kusina at kumuha ng pagkain. Imbes na mainis at ma-stress kay Lance ay idadaan niya na lang sa pagkain. Pakulo talaga ng lalaking ‘yon. P’wede namang ibunton sa iba bakit siya pa? She sighed. Ang lagkit na ng ibabang parte niya siguro naman ay tapos na si Lance. Ang arte niya naman baka isipin ng manonood na pabebe siya. Tinapos niya ang pagkain bago tumaas. Pagbukas niya ay nakita n’yang tulog sa kama si Lance. Nilapitan niya ito at siniguro kung talagang tulog o hindi.
“Mabait kang tingnan kapag tulog,” komento niya pagkatapos abutin ang tuwalya.
“So, kapag gising kabaligtaran?”
Naningkit ang mat ani Olivia. “Akala ko tulog ka?”
“Patulog na sana nang pumasok ka. So, ano? Hindi mo pa kasi sabihin na nagwagwapuhan ka sa’kin. Tulog o gising man, hindi ‘yon kabawasan sa kakisigan ko.”
“Alam mo na sa sarili mo at marami na ring nagsasabi sa’yo.”
Tumalikod si Olivia para pumasok sa banyo, pero hinawakan ni Lance ang braso niya.
“Mas masarap pakinggan kapag galing sa’yo kaya hihintayin ko ang panahon na masasabi mo ring gwapo ako.”
[Hahaha! Iba talaga ‘tong si Lance. Gwapo ka naman talaga, pero mukhang hindi sa paningin ni Olivia.]
[Hindi daw maaapektuhan ng mukha mo si Olivia. That’s our girl! Umiwas ka d’yan. Ang mga mukhang ‘yan ay ‘di katiwa-tiwala.]
[Masyado kayong feelingera, Olivia fans! As if naman sobrang ganda ng idol niyo para magustuhan ni Lance.]
Siniguro ni Olivia na naka-lock ang pintuan ng banyo. Mahirap na, iba pa naman umandar ang utak ng partner niya. Bigla tuloy pumasok sa isip niya ang mga nangyari sa laro kanina. Hindi niya matukoy kung pinaglalaruan lamang siya ni Lance o seryoso ba ito, pero mas ligtas isipin na pinaglalaruan siya nito dahil katulad ng sabi ng producer ay maaari lamang silang manalo kapag nanatili sila sa huli at walang mahuhulog sa kapwa contestant nila.
Tama! Bakit ba niya iniisip na seryoso ito gayong lahat sila pumunta rito para manalo?
Tsk!
Paglabas niya ay nakita n’yang wala ito sa kwarto. Baka lumabas, mabuti naman.
Halos naka isang linggo na sila sa mansion at hindi pa nila masyadong kilala ang isa’t-isa. Nakakahinayang lang dahil alam n’yang pagkatapos nito ay balik na sa lahat ang karamihan na tila wala silang pinagsamahan. Ganito naman talaga sa idustriya nila.
Napahinga ng malalim si Olivia bago kinuha ang kan’yang makeup.
—
“Oh, kamusta ang itlog mo?”
Humagalpak ng tawa si VJ dahil sa tanong ni Andrei. Maging si Gerald at Joshua ay napangisi doon.
“Aling itlog ba ang kinakamusta mo?” sakay ni Lance sa trip nito.
“Syempre ‘yong nasa labas! Joke lang. Nabasag pala itlog mo. Nasobrahan ba sa bigat si Olivia?”
Kumuha ng can in drink si Lance bago umupo sa tabi ng mga ‘to.
“Ayos lang. Hindi naman siya masyadong mabigat. Kaya ko s’yang buhatin kahit tatlong oras. May c***k na rin kasi ‘yong itlog kaya nang maupuan niya nabasag na ‘yon.”
“Right. Magaan naman siya para ngang walang kinakain, eh. Mamaya bibigyan ko siya ng prutas,” segunda naman ni Joshua. Si Gerald lang yata ang ‘di naupuan ni Olivia sa kanilang lima.
“Hindi mo na kailangan gawin ‘yon. Alam niya na kung ano ang kakainin niya, besides nakakalimutan mong nandito ako sa tabi niya. May diet s’yang sinusunod baka magalit sa’yo ang manager niya kapag pinakain mo siya ng kung ano-ano.”
Umubo si Gerald para basagin ang kung ano mang nabubuo sa dalawa. As much as possible, gusto nilang maipakita ang brotherhood sa palabas na ‘to at iwasang magkagulo.
“Pinoproblema niyo pa ‘yan ako ng pinoproblema ko ay kung nabawasan na ang fans ko dahil sa inyo. Baka paglabas ko ng mansin imbes na sa akin ay sa inyo na tumakbo ang mga fans ko,” pag-iiba ni VJ sa usapan.
Napailing lang si Lance at lumabas muna sa mansion para tumambay sa may pool. Napahagod ito sa balikat at napahinga ng malalim. Ang totoo talaga n’yan ay hindi pa c***k iyong itlog na nasa hita niya, napalakas talaga ang upo ni Olivia at may ginawa rin siya para mabasag ito dahil kung hindi ay baka naramdaman pa nito ang isang itlog niya na tumitigas. Hindi nito namalayan na sa bawat galaw nito sa hita niya ay nagpapabuhay sa natutulog n’yang itlog sa loob ng pants.
“Mukhang close na close kayo ni Olivia,” komento ni Joshua na sumunod dito.
“We are.”
Ngumisi si Joshua. “Sa sobrang close may mga bagay na napapansin na ang iba. Alam mo naman siguro ‘yon? Artista si Olivia at hindi maganda sa imahe niya na may lalaking malapit sa kan’ya. Hindi ko intensyon na sirain ang meron kayo, pero pinapaalalahanan lamang kita. Maaaring sa’yo walang epekto iyon, pero kay Olivia meron.” Umalis ito pagkatapos sabihin iyon.
Inubus ni Lance ang iniinim nito at mabilis na tumingin sa gilid niya kung nasaan si Joshua umalis si Joshua. ‘Hindi intensyon? Heh! Alam ko kung ano ang makakasira kay Olivia at hindi ako ‘yon,’ aniya nito sa sarili.