Kabanata 4: Rated SPG!

1325 Words
Nakapamewang si Olivia nang tumalikod si Lance. Tumaas ang kilay ng binata at ngumiti dito pagkatapos ay humiga sa kama. “What? Hindi ko alam na may gano’ng side ka pala. Why don’t you reveal it to me too?” “Sa ginawa mo mas lalo lang nadagdagan ang hate sa akin si Bea. May gusto sa’yo ‘yon,” aniya ni Olivia pagkatapos alisin ang jacket a suot. Binuksan niya ang cabinet na naroon at hinalughog ang mga drawer. Napangiti siya nan makita ang isang comforter at extrang unan. “Ikaw? Wala ka bang gusto sa akin?” Nagsalubong ang kilay ng dalaga at inayos ang sapin sa sahig. Hindi siya makikitabi sa lalaking ‘to. “Wala akong gusto sa’yo. Hindi kagaya mo ang tipo ko sa lalaki,” diretsahang sagot ni Olivia at tinapon ang unan sa dulo. Napatayo naman si Lance at bago siya makahiga sa ginawa n’yang kama ay binuhat siya nito papuntang kama. “Ah! Ano bang ginagawa mo?” pasigaw n’yang buong dito, pero napakapit sa leeg dahil baka mahulog at bitawan siya. Sikretong napangiti si Lance at binaba ito sa malambot na kama. “Napaka-ungentleman ko naman kung hahayaan kitang matulog sa sahig. Dito ka sa kama matulog. Ano bang tipo mo sa lalaki?” Curious siya kung ano’ng lalaki ang makakapagpakilig sa babaeng ‘to? Umiwas ng tingin si Olivia. “Basta.” Napailing si Lance at pumwesto sa sahig kung saan ito matutulog sana. This was not the first time na natutulog siya sa matigas at malamig na sahig since him and his friends were sleeping on the basketball court when they were college dala na rin sa pagod na training. Hindi makakatulog ang babaeng ‘to dito dahil hindi komportable. The light automatically went off pagdating ng alas dyes ng gabi. Hindi makatulog si Lance lalo pa’t may kasama s’yang babae sa loob ng kwarto. Nakakasama naman siya ng babae, may nangyayari pa nga, pero iba naman ‘to. Hindi pa hinog. Ilang sandali pa ay napaupo siya at sinilip kung natutulog na si Olivia. Pinanood niya itong natutulog nang payapa, ang mga labi ay bahagyang nakabuka sa isang malumanay at walang-malay na ngiti. Mayroon siyang kaamuan sa mukha, isang kawalang-malay na nagpapakita na para siyang isang natutulog na sanggol. Ang pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib ay banayad at payapa. Dahan-dahan s’yang tumayo, ingat na huwag gambalain ang katahimikan ng dalaga, at maingat na humiga sa tabi nito. Well, hindi naman siguro mapapansin ng dalaga iyon. Bukas ng maaga ay lilipat rin siya sa baba para hindi mag-overthink ang babaeng ‘to. — Kinaumagahan ay nagising si Olivia bandang mag-aalas syete ng umaga. Pagtingin niya sa sahig ay wala na si Lance at wala na rin ang mga gamit doon. Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang binata na basa ang buhok at tanging tuwalya pang-ibaba lamang ang takip sa katawan nito. Napalunok ang dalaga ng ‘di sinasadya at nagpakabusog pa ang mata nito sa abs ni Lance. “Bilisan mo na d’yan. May call time tayo ng alas otso. I didn’t wake you up dahil mahimbing ang tulog mo. Para tayong mag-asawa dito.” Nag-inat muna si Olivia bago kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo. Napatingin siya sa mukha nito kaya ‘di niya nakita na napa-step aside si Lance sanhi para matapilok siya. “Sh*t!” Napahawak ang dalaga sa kahit na ano’ng mahawakan niya para hindi siya tuluyang lumampisa sa sahig. Napaluhod siya sa harap ni Lance at nakahawak siya sa bewang nito habang ang lalaki naman ay tarantang napahawak sa ulo niya. Napakurap si Olivia at namilog ang mata dahil saktong tumama ang kan’yang mukha sa gitna ng binti nito. Ang mas nakahihiya ay dumikit talaga ang mukha ang parte ng mukha niya sa tinatagong ahas nito. “Rated SPG!” Pareho silang napatingin sa pinto, ngunit ang tanging naabutan lang nila ay ang pagsara nito. Nagkukumahog na tumayo ang dalaga at nag-sorry kay Lace pagkatapos ay tumakbo papasok ng banyo. Teka! Bakit hindi naka-lock ang pinto ng kwarto nila? Ano na lang ang iisipin ng nakakita sa kanila?! — “Oh? Bakit ang bilis mo naman yatang bumaba? Natawag mo na ba sila?” tanong ni Nadine nang mapansin agad si Andrei na bumaba galing sa kwarto nina Olivia at Lance. Napahawak sa bibig si Andrei at napaubo. “May ginagawa pa ang dalawa. Huwag niyo na munang istorbohin,” makahulugan n’yang sagot na nakapagpatingin sa mga lalaki doon. Of course, rinig nila ang makahulugang tono ng kasama dahil hindi naman sila inosente. “Huh? Ako na ang tatawag sa kanilang dalawa,” presenta ni Bea na tatayo na sana nang bumaba na sin Lance na naka-hoodie. “Tapos na ba kayo?” nakalolokong tanong ni Andrei dito. Hay*p din ang lalaking ‘to. Mabuti na lang at naka-off pa ang cam, pero paano kung hindi? Live pa lang mapapanood iyon. How exciting! Napaubo si Lance at sinamaan ito ng tingin. “Susunod na ‘yon.” Nilapitan niya si Andrei at inakbayan bago bumulong sa tenga nito. “Walang nangyari sa’min.” Bumakas ang panghihinayang sa mukha ng artista. “Wala? Dahil ba sa’kin?” Naudlot pala dahil sa kan’ya. Tsk! “Oo,” maikling sagot ng binata at umupo sa single sofa habang pasulyap-sulyap sa taas, naghihintay kay Olivia. Nalunod na ba ang babaeng ‘yon? Ang tagal lumabas. Ilang segundo lang ay bumaba na ito suot ang isang mahabang bistida na umabot haggang talampakan. Ang buhok nito ay nakaayos at may nakalagay na headband. Naalala niya tuloy ang mukha nito habang nakaluhod kanina sa kan’ya. Gano’n din kaya ang itsura nito kapag gano’n ang nangyari? Napailing si Lance at kinuha ang isang unan para ipantakip sa kan’yang hita. Baka may makapansin ng bukol niya, mahirap na. Umupo si Olivia sa tabi ni Julie at ‘di man lang pinansin si Lance. Pumasok sa sala si Matteo Kim habang seryoso ang mukha ito. Ang mata nito ay tumitig ng malamig kay Lance ng mabilis bago namulsa. “Kamusta naman ang tulog niyo?” “Maayos naman, Mr. Kim. Ganda ng tulog ko napakahimbing!” sagot ni Joshua at nginititan si Bea na ngumiti rin dito. “Nakalimutan kong sabihin sa inyo na alas sais ng umaga ay nakabukas na ang camera sa inyong kwarto.” “Po?!” bulalas ni Olivia kaya pinagtinginan siya ng mga kasama. Napatikom siya ng bibig at mabilis na sumulyap kay Lance. Tumaas ang kilay ni Matteo Kim bago nagpatuloy. “Yes. Alas sais ng umaga ay naka-on na ang camera niyo kaya makikita ng manonoodang inyong paggising hanggang sa pagbaba niyo rito. Sana ay maging aware kayo sa aksyon niyo, kahit pa sabihing nagsasama kayo para sa show na ‘to.” “Bakit? May nangyari po ba?” tanong ni VJ. “Wala naman. I’m just reminding all of you. Humanda na kayo dahil magsisimula na tayo. Lance, may I talk to you alone?” Tumayo ang naturan at sumunod sa producer kahit nagtatanong ang mukha ng mga kasama niya. Si Olivia naman ay natulala at kinakabahan. Ibig bang sabihi n’yon makikita ng mga manonood ang nangyari kanina? — “Ano ho ang gusto n’yong sabihin?” Tumingin sa si Matteo Kim kay Lance na walang mababanaag na ekspersyon sa mukha nito. “Alam kong alam mo na naka-on na ang camera niyo sa kwarto,” panimula nito, “at nakuha mo pang gawin ang bagay na ‘yon.” Humalukipkip si Lance at ngumisi. “What about it? Hindi ba mas maganda ang show kung may gano’n? At least the viewers will have something to look forward too.” “Tss. You’re going to make her lose the game.” Nawala ang ngisi ni Lance sa kan’yang mukha at matalim na tinitigan si Matteo Kim. “Mukhang concern na concern ka sa walang pangalan na artistang ‘yon? May gusto ka ba sa kan’ya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD