Kabanata 3: Olivia

1267 Words
Nagsipaghanda na ang mga kalahok sa kani-kanilang p’westo. Sa unahan ay may malaking LED screen kung saan makikita ang timer ng task. Sa katunayan ay nauunahan na ng negatibong isipan si Olivia na baka hindi nila matapos ang task dahil sa lambot ng spaghetti noodles. Isa nga lang ay mahirap na ano pa kaya ang lima? Napatingin siya kay Lance na tila hindi man lang kinakabahan. Sabagay, hindi nga ito kabado sa pakikipag-karera kung saan prone ang aksidente dito simple lang sa binata. “Get ready,” paaalala ni Lance nang makitang umiiilaw ang timer. Agad na tumalima si Olivia at pumwesto sa gilid ng mesa, kaharap si Lance. Nang makitang nagsimula na ang oras ay agad na kinagat ng dalawa ang magkabilang dulo ng noodle. Nakita niya mula sa likod ni Lance na nahihirapan si Bea na kagatin ang dulo dahil madaling maputol at madulas. Dahan-dahan silang lumakad ni Lance papunta sa paglalagyan ng noodle. Napatigil siya nang mapatigil rin si Lance. Nanlaki ang mata niya nang ngumuya ito at lumapit ang mukha sa kan’ya. Kinain ba nito?! Hindi naman siya makapagsalita kung ‘di makipag-cooperate dito dahil sa oras. Naunang nakalagay ng noodle sa goal ay ang team ni Nadine, sunod naman na nakalagay ng isang noodle sila ni Lance. “Bakit mo kinain?” tanong niya nang tumakbo pabalik. “Naputol. Alangan namang hayaan kong malaglag. Strategy ‘yon, Olivia.” Napatango si Olivia at muling kinagat ang pangalawang noodle. Bale nangunguna sa laro ay team ni Nadine at sumasabay sa kanila ang team ni Julie at VJ. Ramdam ni Olivia na napapadulas ang noddle sa loob ng bibig niya kaya katulad ng sinabi ni Lance, kinain niya na lang ito, pero hindi niya inaasahan na malalaglag ‘yon sa bibig niya. Napatulala siya habang nakatingin kay Lance na naglalampibitin sa bibig ang noodle. “Sorry!” Binitawan ni Lance ang noddle at hinawakan ang palapulsuan niya para kumuha ulit ng noddle. Sinubukan nila ni Lance na makahabol sa oras ngunit apat na noodles lang ang naitawid nila. Disappointed si Olivia lalo na sa sarili dahil sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Bakit hindi kasi niya agad nakagat ng mabilis ang noodle, eh. Sinulyapan niya si Lance na seryoso na nakatingin sa screen kung saan pinapalabas ang mga nanalo. Pangatlo sila sa nanalo at last naman ang team ni Bea na halatang hindi tanggap ang nangyari. Sino ba naman ang matutuwa kung isa ito sa mano-nominate na mapaalis sa mansion agad. “Hindi ako galit.” Nakita na lang ni Olivia si Lance sa kan’yang harapan at nakatingin sa kan’ya. “Huh?” Bumakas sa mukha niya ang pagtataka. “Iniisip mo’ng galit ako sa nangyari, ‘di ba? Hindi naman. Hindi naman natin maiiwasana ang gano’ng sitwasyon sa halip ay masaya ako.” Parang baliw na tiningnan ni Olivia ang binata. Masaya pa itong natalo? Sabagay at least, hindi last place. “Bakit?” tanong niya pa rin. “Because I had the chance to see you close. Ang ganda pala ng mga mata mo.” [Kyaaaah! Grabe naman ‘tong si Lance!] [Ano bang meron dito kay Olivia at ganito si Lance? Nagayuma ba?] [Sorry, pero natutukso na ako sa dalawang ‘to. Ship! Ship!] Napailing ang assistant producer habang napapangiti sa nababasa online. “Iba talaga itong racer na ‘to. Mukhang mahahatak ang walang pangalan na artista para magkaroon ng popularity, nakatulong pa!” “Ngayon ko lang rin nakilala ‘yan. Hindi ko alam kung bakit nasali.” “P’wede naman iba, ‘di ba? Mukhang ganda lang ang puhunan at naghahanap ng sponsor para umangat,” bulong ng ilang staff sa likod. Hinayaan lang ito ni Matteo Kim na nakatutok sa screen ng LED. Nakikita niya na sa hinaharap na may potential ang dalagang si Olivia. Bakamaging household ang pangalan nito sa industriya. “Tumawag ang manager ni Bea, Mr. Kim. Huwag daw alisin ang alaga nila sa show,” aniya ng assistant nito na kabababa pa lang ng tawag. Ito talaga ng problema sa mga artista, eh. Kapag alam nilang nakakaangat sila, gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan para gawin ang gusto nila. Unfortunately, si Mr. Kim ang ka-negotiate nila at hindi iba. “Sabihin mo naka-depende sa fans niya kung maisasalba siya o hindi. Hindi tayo makikialam d’yan,” malamig na tugon ni Matteo Kim. Tumango ang kausap at muling tinawagan ang manager nito. — Tumalim ang tingin ni Bea kay Olivia nang makitan sinundan ito ni Lance papunta sa isang silid. Gusto niya malaman kung ano ang gagawin ng babaeng ‘yon para malaman kung bakit gano’n si Lance dito, pero kailangan siya dito dahil isa siya sa nominado para mapaalis sa mansion, hindi iyon p’wede. “Women’s CR ‘to. Bakit ka ba sumusunod? Hindi mo ba alam na baka nasusundan tayo ng camera? Hindi ka ba natatakot para sa career mo?” mahinang sambit ni Olivia nang harapin ang binata. Parang as naman kasing sumusunod ito. “Gusto ko lang mag-sorry, mukhang na-offend kita kanina.” Na-offend? Sa pagpuri nito kanina? Hindi naman siya na-offend, nahiya pa nga siya dahil sa national t.v nito sinabi, eh. “Wala lang ‘yon. Sige na baka magtaka pa ang mga kasama natin kung saan ka nagpunta,” taboy ni Olivia. Tumitig muna si Lance sa mukha nito bago umalis. “Fine.” Mukhang wala namanng pakialam ang babaeng ‘to sa ginawa niya, pero hindi siya nagsisinungaling na maganda ang mata nito. Mukhang inosente at parang walang bahid ng kasamaan. Tsk. Kawawa ito sa mundo ng pag-aartista parang ang daling utuin. May mga buwaya pa naman din. Well, he can still use his power to protect this little lamb. Naaawa siya. — “Hoy! Magtapat ka nga sa’kin.” Hinila ni Bea ang braso ni Olivia nang makapasok ang dalaga sa room nito. Wala ngauong camera sa loob dahil naka-off ngayon ang production. “Ano bang ibig mong sabihin?” Tinaasan siya ng kilay ng dalaga. “Si Lance! Do you know him before this film? Bakit parang close na close siya sa’yo.” Ito na nga ba ang sinasabi ng manager niya. Buti na lang talaga at naka off ang camera ngayon. “Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang din siya nakita,” katwiran naman ni Olivia at inalis ang kamay nito sa braso niya na namumula. “Then why is he always wanting to be with you? Sa totoo lang walang-wala ka namang amor dito, eh. Ni hindi rin kita kilala. Baka nga ginagamit ka lang niya.” Naiinis talaga si Bea lalo na ngayon ay nominado siya. “Hindi ba’t gano’n naman ang lahat?” Nawala ang kunot ng noo ni Olivia. “Lahat naman tayo naggagamitan dito para manalo. Pero iba ako sa’yo, Bea. Hindi ako nandito para makipag-agawan sa lalaki, nandito ako para manalo kaya kung gusto mo siya, sabihin mo sa kan’ya hindi ako ‘yong dapat na tinatarget mo.” Umusok ang ulong ng naturan at kinuyom ang kamao. “What did you say?” Akmang aabutin ni Bea ang buhok nito nang may narinig silang tawa sa likod. “I never knew you were this feisty,” komento ni Lance. Nasa likod niya naman sina Joshua at Andrei na nakikitsismis sa nangyayari. Bea was taken aback, and her cheeks flushed in embarrassment. Kanina pa ba sila d’yan? “S-senior...” Hindi pinansin ni Lance ang dalaga at tumungo kay Olivia na may ngiti sa labi saka ito inakbayan. “Kung pipili ulit ako at wala si Olivia dito, sigurado naman akong wala ka sa choices ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD