Kabanata 5: A Game

1374 Words
“Ano bang sinasabi mo?” asik ni Matteo Kim na ‘di nagustuhan ang pag-akusa ng binata sa kan’ya. Nasa loob sila ngayon ng oisang pribadong silid sa labas ng mansion at wala man ni isang nagtangkang pumasok dahil ito ang personal na opisina ng producer. “Hindi ako pumapatol sa mga artista lalo na sa mga bata pa. Baka ibig mong sabihin ay ikaw ang nagkakagusto kay Olivia?” Napatawa ng marahan si Lance at tinuro ang sarili. “Ako? Nagpapatawa ka ba? Hindi kagaya niya ang magpapatibok ng puso ko. Na-iintriga lang ako dahil parang wala s’yang kalam-alam at inosente. Gusto kong makita kung ano pa ang maibubuga niya. Isa pa nandito ako para manalo, hindi para makipag-ibigan sa mga narito.” “Sabi ko na nga ba. Mabuti at alam mo ang pinunta mo rito.” Ngumisi si Lance. “Bakit parang natatakot kang magkagusto si Olivia sa’kin? Hindi ka ganito, Matteo. You never been protective to anyone,” komento niya at tiningnan ng diretso ang kausap. Ito ba talaga ang gusto nitong pag-usapan. Ano ba’ng meron ang babaeng ‘yon para maging ganito ka-concern ang binata? Hindi naman siguro ito nobyo or ex dahil mukhang hindi rin naman kilala ng dalaga. “Ipinagkatiwala siya sa akin, iyon lang ‘yon,” malamig na sagot ni Matteo. “Sige na. Bumalik ka na doon.” Nang mawala si Lance ay doon lang huminga ng maluwag ang binata. Totoo naman ‘yon. Pinagkatiwala ito ng kaibigan niya sa kan’ya. Ang mga kagaya ni Lance ang dapat nitong iwasan. Mukha naman matalino si Olivia at alam ang gagawin kaya hahayaan niya ito. Kung gusto talaga nitong manalo ay ‘di dapat siya matukso. Iyong na-record ng camera kanina, siya lang ang nakakaaalam kaya binura niya ito agad. Hindi maganda kapag may kumalat na rumor sa staff. — Pagbalik ni Lance ay agad hinanap ng mata niya si Olivia na napapagitnaan nina Andrei at Joshua sa hapagkainan. Nakakita siya ng bakante sa tabi ni Bea kaya doon siya umupo. “Ano’ng pinag-usapan niyo ni Mr. Kim?” tanong nito at kusang nilagyan ng kanin ang plato ng binata. [I-eliminate na ‘yang si Bea! Halata naman na ‘di ‘yan pumunta para manalo, kung ‘di para lumandi!] [Wow, ah! Maka-comment kayo para nilagyan lang ng kanin. Hindi p’wedeng nagmamagandang loob lang siya?] [Hindi naming hahayaan na maalis siya sa show kaya hindi niyo siya mapapaalis!] [Trying hard ang mga ‘to na mapaalis si Bea, baka iyang idol niyo ang ialis namin?] Hindi tumingin si Lance dito bagkus ay nagsalubong ang kanilang mat ani Olivia na naghihintay rin sa kan’yang sagot. “Wala naman. May ni-remind lang sa’kin,” casual n’yang tugon dito bago umiwas ng tingin. Nakahinga naman ng maluwag si Olivia dahil akala niya ay ‘yong nangyari sa kwarto. Pero bakit feeling niya may kakaiba kay Lance simula nang bumalik ito o nag-ooverthink lang siya? Pinagpatuloy niya ang pagkain at ‘di na pinansin ang pakikipag-usap ng binata kay Bea. “Huwag mong pansinin ang dalawa,” bulong ni Joshua sa kan’yang kanan. “Huh? Ano bang sinasabi mo?” “Nagseselos ka ba?” Bumulanghit ng tawa si Olivia kaya napatingin sa kan’ya ang lahat. Tinakpan niya ang kan’yang bibig gamit ang kamay at humingi ng paumanhin bago muling tumingin kay Joshua na nagulat sa kan’ya. “Senior, bakit niyo naman po nasabi ‘yan? Hindi ko po gusto si Lance at wala namang namamagitan sa amin. Wala naman akong pakialam kung makipag-partner siya sa iba.” Tumaas ang kilay ni Joshua at sumulyap sa gawi ni Lance at Bea. “Ah, nag-assume lang ako. Tama ‘yan bata ka pa at marami ka pang mga dapat unahin.” Rinig iyon ni Lance dahil kahit kinakausap siya ni Bea ang buong tenga niya ay nakatuon sa pinag-uusapan ng dalawa. Hindi mahuhulog? Sura ba siya? Wala pang babae ang hindi nahuhulog sa kan’ya. Ibang klase, hindi lang si Matteo Kim ang nakuha ang atensyon nito maging ito pa yatang batang artista. “Olivia,” tawag pansin niya dito kaya naputol ang pag-uusap ng dalawa. Maging si Bea ay napatigil at tumingin sa harap nila. Napasimagot ito, pero yumuko para hindi mapansin ng camera. “Ano ‘yon?” Sandaling natulala si Lance nang tumitig ito sa kan’ya. “Ah, nawala ang sasabihin ko sa’yo,” rason nito kahit na ang totoo ay ginawa niya ‘yon para hindi tumigil ang dalawa mag-usap dahil sobrang close na nito. Kaunti na lang at skin-to-skin na. Andrei smirked. “Ganda mo kasi Olivia, kaya nakalimutan ni Lance ang sasabihin niya,” tukso nito. “It’s not funny,” komento ni Nadine. Napapansin niya kasi ang unwanted attention ng mga lalaki kay Olivia. Hindi ba nila inisip na baka mawalan sila ng fans for associating with this starlet? “Well, he’s not wrong,” Lance said. “Maganda naman talaga si Olivia. Sa lahat ng narito, siya ang pinakamaganda.” Nahigit ni Olivia ang hininga dahil sa sinabi nito. Sa totoo lang hindi siya natutuwa sa compliment nito. Nababahala siya dahil baka hindi fans ang makuha niya kung ‘di mga haters. Masama talaga ang dala ng lalaking ‘to sa kan’ta at siya pa talaga ang napag-trip-an. Tila naman nasampal si Nadine dahil doon kaya napatikom na lang siya ng bibig at uminom. Hindi naman maipagkakaila na merong tensyon sa mga ito. — At dahil wala pang nagaganap na task sa mansion ay napag-isipan ng kalahok na lumabas at pumunta sa likod ng bahay kung saan may isang swimming pool. “This is perfect! Tutal mainit naman ngayon bakit hindi tayo lumangoy?” suhestiyon ni Joshua na agad na inalis ang t-shirt na puti. May suminghap, marahil sa magandang katawan nito. Tumingin si Lance kay Olivia na nakaparte ang labi nang makitang naghubad ang binata. Napailing siya doon. Iyon lang napahanga na ito? Malayong-malayo sa ganda ng katawan niya. Tumayo siya at hinarangan ang view nito. “Hangang-hanga ka, ah?” Napatikom ng bibig si Olivia at napatingin ng matalim dito. Ano na naman ba ang gusto nito. Lahat na lang napapansin sa kan’ya. “Hindi naman. Nagulat lang ako,” mahinahon n’yang sagot dahil may mga mic silang naka-attach sa kanilang mga damit, hindi niya masabi ang totoo dito kahit nakakainis. “Tsk.” Walang pasintabing hinubad ni Lance ang kan’yang hoodie sa harapan ng dalaga kaya napamaang ito. Hindi rin maiwasan nina Nadine at Bea na mapasigaw dahil sa ginawa ng binata. [Sh*t! Ang hot! Kailangan kong uminom ng malamig na tubig!] [Grabe naman ‘yan. Magsihubad na kayong lahat para naman mabiyayaan kami.] [Ang swerte talaga ni Olivia mukhang sakan’ya lang ang atensyon ni Lance. Parang bumabakod.] [No way! Ginawa lang ‘yan ni Lance to spice up and for his fans!] Pinigilan ni Olivia ang lumunok kahit namamawis na ang palad niya. Ang hot sa totoo lang. Mas maganda nga ang katawan nito kaysa kay Joshua. Ngumisi si Lance at lumuhod sa harap nito. “Tutal naman magus-swimming tayo, why don’t you join us girls?” — “Olivia, hindi ka ba sasama sa amin? Tara na!” Napatingin si Olivia sa pinto namomoroblema. Kasi naman, hindi niya inaasahan na ganitong swimsuit ang inimpake ni Ate Macy niya. Hindi man lang on piece suit kung ‘di two piece! It was mustard color at pinuluputan niya na lang ng putting tela sa underwear niya. “Wait!” Tiningnan niya ang sarili bago lumabas kung saan naghihintay si Julie na naka two-piece suit din na itim. “Wow! You had such a gorgeous body, Olivia! Nahihiya ka ba?” Pekeng ngumiti ang naturan. “Okay lang ba? Baka mamaya kasi—” “No. Sa ganda mong ‘yan? Bakit mo itatago? Let them see your beauty, Olivia. Kung gusto mong manalo, kailangan mawala ‘yang hiya mo sa katawan.” Sa labas naman habang naghihitantay ang mga lalaki ay may pinag-uusapan ang mga ito. “Ano game ba kayo sa laro? Syempre may twist, hindi ang mga partner natin ang makakasama natin dito kung ‘di magbubunutan tayo.” “Ano’ng laro?” tanong ni VJ na naka rush guard. Humalakhak si Andrei. “Chicken Fight.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD