Kabanata 17: Itlog Ko

1335 Words
Lunes. Balik na sa lahat ang mga kalahok sa mansion para sa panibagong episode ng Cupid’s Carnival. Isa kaya excited ang mga manonood ngayon ay dahil ngayon na malalaman ang resulta sa nomination nina Bea at Gerald. “Bakit ang saya mo yata, Olivia? Pansin ko na kanina ka pa nakangiti. May magandang nangyari ba?” tanong ni Julie at tumabi sa dalaga habang may dalang tinapay sa plato na nilagay sa center table sa sala. “Ah, nakapagpahinga na kasi ng dalawang araw na walang nakasunod na camera kaya medyo nanumbalik ang lakas ko,” rason niya dahil hindi p’wedeng sabihin ang tungkol sa endorsement niya. As much as possible raw ay maging sikreto ito at hayaang mag-guess ang mga customers kung sino ang napili ng Glowy. “Talaga? Pero mukhang iba ang pinapahiwatig ng ngiti na ‘yan, ah. Kung ano man ‘yan ay masaya ako para sa’yo.” Lumawak ang ngiti ni Olivia. “Salamata, Julie.” Isa na siguro si Julie sa mga taong nagtrato sa kan’ya ng walang bahid ng masamang intensyon, iyong totoo at hindi pinipeke ang sarili sa harap ng ibang tao. [Magandang umaga. Ngayong araw ay malalaman na ang resulta sa nominasyon ng dalawang kalahok sa Cupid’s Carnival na sina Bea at Gerald. Sino ng aba ang mananatili sa mansion at sino ang unang magpapaalam? Ibibigay na namin ang resulta.] “Walang matatanggal d’yan,” komento ni Andrei sa gilid ni Lance. “Marami ang fans ng dalawa, imposibleng maalis ‘yan. Tingnan mo nga si Bea, parang hindi kabado, eh.” Syempre alam iyon ni Lance. Hindi rin lingid sa kaalaman ng karamihan na involved ang agency ng mga artista para mailigtas sa nominasyon ang kanilang mga alaga. [Si Gerald ay nakatanggap ng 256 votes para umalis at 51,127 votes para manatili habang si Bea naman ay nakatanggao ng 11,887 votes para umalis at 22,456 votes para manatili. Binabati ko kayo, Gerald at Bea. Kayo ay mananatili sa Cupid’s Carnival. Sa pangalawang nominasyon dahil sila ang natalo sa larong weightlifting my Bride, nominado sina Claudia at Andrei.] “Grabe, bilib naman ako sa’yo, Gerald. Kita mo ‘yan? Nasa hundreds lang ang haters mo.” Turo ni VJ sa monitor ng screen. “I knew it! Mahal na mahal talaga ako ng fans ko. Hindi nila hahayaan na mawala ako sa palabas na ‘to dahil alam ko naman na gustong-gusto nila akong makita,” naiiyak na wika ni Bea at yumakap pa kay Claudia na awkward naman na tinapik ang likod nito. “Congrats both! Marami kayong fans kaya hindi nakapagtataka na hindi kayo mamamaalam sa show. Swerte na lang nayin dahil may solid fandoms tayo. Hindi ko lang alam ang mangyayari kung wala ‘di ba?” komento ni Nadine na niyakap ang artista. “As long as wala namang rason para ma-eliminate ang isang tao. Sa tingin ko naman alam ng manonood kung deserving bang manatili ang isa sa atin sa mansion,” singit ni Lance. Obvious naman kasi kung sino ang pinaparinggan ng dalaga. Ngumiti ng hilaw si Nadine at tumingin kay Olivia. “Oo naman. As long as walang nakikitang mali sila, they can’t vote her out maliban na lang kung ayaw talaga siya ng mga tao.” Hinayaan na lang ni Olivia ang mga ito. Hindi naman siya bulag para hindi mapansin na maliban kay Bea, hindi rin siya gusto ni Nadine. Ang kaso hindi niya lang alam ang rason hindi katulad kay Bea na may pagtingin kay Lance. “Huwag mong patulan ‘yan. Hanggat kaya mong pigilan ang sarili mo, Olivia pigilan mo. Sooner or later, baka siya pa ang maunang umalis sa mansion na ‘to,” nakangising bulong ni Claudia sa tenga niya. “Alam ko naman iyon. Ayoko rin naman magkaroon ng away sa pagitan namin.” Ayaw n’yang isipin iyon lalo pa’t may project na siya outside. Kailangan n’yang maging maingat dahil hindi lang pangalan niya ay dala niya ngayon, kung ‘di pangalan din ng Glowy. [Para sa pangatlong gagawin niyo ngayong episode, kayo ay maglalaro ng ‘Huwag mong upuan ang Itlog ko.’ Ang larong ito ay tinatawag ring Trip to Jerusalem na kilala bilang "musical chairs" sa mga bansang nagsasalita ng Ingles, ay isang tanyag na laro sa mga kasiyahan na kinabibilangan ng mga manlalaro, mga upuan, at musika ngunti ang pagkakaiba lamang ay may nakapatong na itlog sa hita ng mga lalaki kung saan maguunahan ang mga babae na makaupo na hindi nababasag ang itlog. Ang mga babae ay may kakayahan na iligtas ang kanilang partner at basagin ang itlog ng kalaban para manalo. Syempre ang itlog na mababasag ay deskwalipikado na sa laro. Tandaan na ang itlog na mababasag ay aalis at ang partner nito ay p’wede pa ring tumuloy sa laro.] Hindi naman obvious na natutuwa ang mga lalaki sa bagong laro. Lahat sila ay may malalaking ngiti sa mukha. Habang ang mga babae naman ay ‘di mabasa ang mga ekspresyon. Hindi kaya masira ang imahe nila sa fans at ibang manonood? Parang iba ang dating at ang laswa? Sa lahat ng laro ito pa talaga ang naisip ng production. Napayuko si Olivia habang kagat-kagat ang ilalim ng pisngi sa loob. Nakita niya kasing kumindat sa kan’ya si Lance. Ano ba ‘tong pinaggagawa sa kanila? Parang pabor na pabor sa mga lalako lalo na ang partner niya na si Lance. Hindi nila alam na halos hindi na makahinga ang mga nagshi-ship sa kanilang dalawa. [Huwag mong pisatin ang itlog ni Lance, Olivia! Dahan-dahan lang sa pag-upo.] [Hahaha! Eh, paano ‘yan kailangan nilang basagin ang itlog ng iba? Kailangan nilang lumundag ng malakas.] [Baka ibang itlog ang mapisat, ah!] [Ang sabihin mo baka may tumayong itlog! Hahaha!] Pumwesto na ang limang lalaki sa nakapalibot na upuan sa pagdadausan ng laro. Sila ay magkakatabi at nakaharap sa labas. Sumunod naman ang mga babae na kapwa iba-iba ang nararamdaman at iniisip ng estratehiya kung paano manalo. Paano nila mababasag ang itlog? What if pumasok iyon? Huwag naman! “May sizes din kaya ang mga itlog na ibibigay sa’tin? Kanino kaya ang pinakamalaki?” nagbibirong tanong ni Andrei dahilan para sikuhin ito ni Joshua. Umupo ang mga ito at lumapit ang mga babae kaharap ang kanilang mga ka-partner. Walang ano-ano’y biglang tumunog ang musika para simulant ang laro. Hindi naman nagpatalo si Bea na s’yang unang sumayaw paikot sa upuan habang may nakakaakit na ngiti. Hindi na rin nahiya ang mga kasunod dahil mga artista naman sila at sanay sa maraming tao. Kabado ang mga babae dahil hindi nila alam kung kanino sila uupo kapag tumigil na ang musika. Nakasunod naman ang tingin ni Lance sa dalaga. Kung p’wede lang niya hilahin ito paupo sa kan’ya ay gagawin niya kaso ay labag iyon sa rules ng laro. Tumigil ang musika. Ilang segundo natulala ang mga babae bago nag-unahan sa pag-upo. Agad hinawakan ni Lance ang bewang ng dalaga at malaking ngumiti rito. Iyong awtomatikong pumulipot ang braso niya sa maliit na bewang nito basta ito palagi ang lumalapit sa katawan niya. Olivia pursed her lips, habang nakahawak sa balikat ng binata. Mas malapit si Lance kaya malamang ay dito siya pupunta na hindi niya napansin na nakipag-unahan rin si Bea sa kan’ya na hindi naman nagawa ng naturan. “Nasasabik ka masyado. Relax, baka mapisat mo ang itlog ko sige ka.” Kinurot ni Olivia ang binata dahil doble ang kahulugan ng sinasabi nito sa kan’ya. P’wede bang tumahimik na lang ito. Ramdam niya ang pag-vibrate nito dahil sa tahimik na tawa. Medyo napaigtad siya nang pisilin nito ang kan’yang bewang. May kiliti siya roon! Lumapit ito sa tenga niya. “As much as possible, gusto kong sa akin ka lang uupo at huwag mo na ring subukan basagin ang itlog ng iba. Hayaan mo na ang iba na gawin ‘yon. Hmm?” malambing na bulong nito. Hell no. Hindi niya papayagan na upuan ng malakas ng dalaga ang iba lalo na ang Joshua na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD