Tutok na tutok ang manonood sa nagaganap na palabas ngayon ng mga artistang ito. Kahit nga ang mga nag-oovertime ngayon ay nakatutok rin at nasasabik sa mga nangyayari. Kung marami ang nasisiyahan, mayroon namang ‘di nagugustuhan dahil maliban sa mga matatanda na ay may mga bata na nanonood na hindi p’wedeng makita nito.
Nagsimula muli ang musika at sumayaw ang mga babae sa set. Ngayon naman ay mga musika sa club ang pinapatugtog kay nabuhayan ito lalo pa’t na-eenjoy na nila ang laro, well maliban sa isa na nababagabag sa sinabi ni Lance. Pero susundin ba niya ang utos nito?
Tumigil ang musika, ngunit malayo siya kay Lance kaya kay Andrei siya napaupo.
“Woah!” reaksyon ni VJ nang mabasag ni Bea ang itlog nito sa hita niya. Napatingin doon si Olivia at ‘di sinasadya na nagsalubong ang tingin nila ni Lance kung saan nakaupo si Nadine dito.
“Oh my gosh! My bad.” Sinadya talaga ni Bea iyon dahil walang thrill kung wala pang maaalis sa game. Isa pa, naunahan siya ni Olivia at Nadine kay Lance kaya dapat makagawa siya ng paraan para makaupo sa hita nito.
[VJ out!]
“Tumayo ka na d’yan, Olivia. Baka iba ang bumasag ng itlog ko ‘pag tumagal ka pa,” natatawang wika ni Andrei kaya napatayo si Olivia at nag-sorry dito pagkatapos ay kumunot ang noo. Bakit parang kabadong-kabado naman si Andrei hindi naman malakas ang pagkakaupo siya sa hita nito, ah?
Dahil nabawasan na ang mga lalaki ay mag-uunahan na ngayon ang mga babae na makaupo sa apat na lalaki. Ito na talaga ang simula kung saan mas nakakasabik ang laro. Si VJ naman ay dumiretso sa banyo para magpalit dahil sa basag na itlog sa kan’yang pants. Talagang malakas at tila pa tinalunan siya ni Bea kanina. Tsk.
Ngumiti ng malapad si Bea kay Lance na hindi naman pinansin nito. Tumuloy ang music at sa pagkakataong ‘to ay medyo humaba ang tugtug. Tumuloy lang sa pagsayaw si Olivia at nasa isip na lang na mag-enjoy kaysa isipin ang mga bagay bagay na hindi dapat nagpapabagabag sa kan’ya.
Tumigil muli ang tugtug. Tatlong hakbang lang siya kay Lance at hahakbang na sana siya nang may tumabig sa balikat niya. Imbes na mahulog sa sahig ay isang kamay ang humablot sa kan’ya kaya napaupo siya sa hita nito. “Okay ka lang ba, Olivia?”
“Hmm. Okay lang, ako. Salamat sa pagsalo, ah.” Hindi ‘yon inaasahan ng dalaga. Medyo malakas nga ang pagkakatabig sa kan’ya ni Bea.
Napahinga ng maluwag si Joshua at unconscious na inayos ang buhok ni Olivia. Sakto pa na sa kanila ang focus ng camera kaya lahat ng ‘yon ay kitang-kita sa t.v.
[Oh my god! My ship is sailing! JoshLivia for the win!]
[Paano ba maging si Olivia? Naloloka na ako dalawang lalaki ba naman ang may interest sa kan’ya! Gosh! I’m torn. Hindi ko alam kung saang ship ako baka mamaya may bagong ship pa.]
“Ouch!” daing ni Nadine nang maramdaman n’yang sumakit ang braso niya na tila may tumurok.
“Ano ‘yon?” tanong ni Andrei dito.
“Sa damit ko yata may pin,” sagot ni Nadine. Hindi na kaso bago ito sa kan’ya dahil may mga adjustment na ginagawa sa damit niya para magkasya sa kan’ya.
“Arte!” bulong ni Bea na hindi naririnig ng dalaga. Kahit sino gagawa ng paraan para magpapansin kay Lance, eh!
Tumayo ang mga babae at muling sumayaw palibot sa mga lalaki. Tumigil ang tugtog.
Napasigaw sina Claudia at Bea nang mag-unahan sila sa pag-upo kay Gerald na nasa malapit lang. Habang si Olivia naman ay hinigit ni Lance paupo sa hita nito. Dahil mas nabigyan ng focus ang dalawang babae kay Gerald, nalipat ang camera doon bago at kung mapanuri ang manonood, makikita nila ang braso ni Lance na nakainat.
“Masyado kang komportable kay Joshua. Nakalimutan mo na agax ang sinabi ko?” malamig na turan ni Lance sa tenga ng dalaga.
“Ano bang sinasabi mo? Buti nga nasalo niya ako dahil kung hindi sa sahig ako babagsak. Napaka-seryoso mo naman. Gusto mo bang mabasag ‘yang itlog mo?” asik ni Olivia dito at pinandilatan ng mata.
Pinisil ng binata ang bewang niya kaya siniko niya ito ng mahina. “Kapag nabasag ang itlog ko, paano ka? Paano tayo makakabuo n’yan?”
Namula ang pisngi ni Olivia at umiwas sa camera at nagkunwaring may inaayos sa damit. “Huwag mo akong pag-trip-an, Lance! Baka talaga pisatin ko na ‘yang itlog mo ‘pag nagkataon.”
“Fine. Pero sundin mo ang sinasabi ko kung gusto mong manalo hanggang sa huli. Hmm?” Ngayon naman ay napalitan ng lambing ang boses nito na kinakilabot ni Olivia. May naimon yata ang lalaking ‘to bago magsimuka ang laro.
“Oww! I’m out. Nabasag n’yong dalawa ang itlog na nasa hita ko,” wika ni Gerald na umalis sa pagkakaupo.
“Gan’yan talaga ‘pag pinag-aagawan,” sigaw ni Andrei na tuwang-tuwa. Ngayon ay tatlo na lang ang lalaki at limang babae ang mag-aagawan sa kanila. Sino kaya ang susunod na mapipisat ang itlog?
—
“Tumawag sa atin ang isang coffee brand, p’wede raw ba makausap ang dalawang contestant ng show natin. Gusto nilang kunin si Olivia at Lance para sa isang promotional poster ng kanilang shop,” imporma ng assistant ni Matteo Kim. Malamang ay tuwang-tuwa ito dahil rumarami ang commercial ng show at tumataas ang ratings nito. Baka talaga mahigitan ng season 2 ang rating ng season 1.
“Bakit sa atin nagpapaalam? Hindi tayo ang manager ng dalawa.”
“Well, gusto nilang i-shoot ang promo dito mismo sa mansion.”
Kumunot ang noo ni Matteo Kim. “Hindi p’wede. Kung gusto nilang kunin ang dalawa, bahala sila. Pero hindi p’wede dito sa teritoryo ko. Alam mo ‘yan.”
Napahinga ng malalim ang assistant. “Sige sasabihan ko sila. Siya nga pala, may gustong kumausap sa’yo a possible investor ulit. Mamaya nandito na sila.”
“Hmm.” Iyon lang ang naging tugon ni Matteo Kim at nag-focus muli sa nangyayari sa loob ng mansion.
[Gerald out!]
Nagpatuloy muli ang laro at bawat tigil ng tugtog ay nasasaktuhan ni Olivia ang p’westo ni Lance. Karamihan ay napapansin na ito lalo pa’t panay ang hawak ni Lance sa bewang ng dalaga na hindi naman nito ginawa sa iba.
[Malamang partner niya ‘yan at may pinagsamahan sila kaya gan’yan si Lance. Mga malisyoso talaga kayo!]
[Hindi mo kami masisisi dahil kagaya nga ng sinabi mo iba ang trato niya kay Olivia, special!]
[Sus! Dito lang naman ‘yan sa palabas. If I know hindi ‘yan nagiimikan after.]
[Huwag na kayong magaway-away d’yan. Panalangin niyo na lang na hindi mabasag itlog ng mga idol niyo. Hahaha!]
Ngayon naman si VJ naman ang naupuan ni Olivia. Tumingin sa taas ang binata at lumunok.
“Olivia, papatayin mo ako. Alam mo bang nilalagay mosa alanganin ang buhay ko?” Kung may kuryente lang ang tingin ni Lance, malamang kanina pa siya nangingimig sa sahig.
“Hindi kita maintindihan, pareho kayo ni Andrei,” komento ni Olivia dito bago tumayo at magpatuloy sa laro. Napailing si VJ at ngumiti ng hilaw. Mga babae nga naman.
Dumating ang oras kung saan dalawa na lang ang natitira. Si Joshua at Lance. Tumagal ang musika at hindi mapakali ang mga babae dahil siguradong tensyon ang mangyayari at baka magkapisikalan pa sila sa pag-uunahan. Napag-isip isip ni Olivia na hindi na siya makikisali pa at hahayaan na lamang ang ibang babae na maupo sa mga ito. Tumigil ang musika. Nasa likod niya si Bea at Nadine habang siya ay dalawang hakbang ang layo kay Lance. Pinaningkitan siya ng binata at humakbang papalapit dito.
“Sh*t!”
“Ang bibig mo,” pangaral ni Olivia, ngunit napatigil siya nang maramdaman ang basang bagay sa pang-umbok niya.
“Nabasag ko ba?” nag-aalalang tanong niya rito habang magkasalubong ang dalawang kilay.
Napakagat sa labi si Lance bago tumingin sa mata ng dalaga. “Hindi lang ‘yang itlog na nasa hita ko ang napisat mo. Pati ‘yong bubuhay sa’yo—”
Binusalan ni Olivia ang bibig ni Lance gamit ang palad. “Ang bastos mo. Hindi ko alam na may ganitong side ka pala.” Maya maya ay inalis niya ang kamay sa bibig nito.
Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa labi ni Lance. “Eh ‘di siilin mo ng halik ang bibig ko para tumahimik na ako.”
Kasunod ng pagsabi niya ‘yon ay ang pagkarinig nila ng sound sa malaking speaker sa loob at ang pagkagulo ng mga manonood sa nangyari.
[Lance out!]