Dumating ang araw ng Sabado at lahat ng kalahok sa palabas ay tuwang-tuwa dahil may oras na sila para sa kanilang sarili na walang camera’ng sumusunod sa kanilang galaw. Ito rin ang oras para makita nila ang kanilang manager sa labas ng mansion at malaman kung ano ang nangyayari sa labas o kung may gagawin sila sa labas ng taping. Isa na doon si Bea na umagang-umaga nagising at naunang lumabas ng mansion patungong tent. Kahit kasi may binigay silang araw para sag anito ay hindi pa rin nila p’wedeng makuha ang kanilang mobile phones kaya ang tanging source ng kanilang balita ay ang kanilang manager.
“God! Nakakapagod na dito. Gusto ko na magbakasyon,” reklamo ni Bea at umupo sa camping chair na nilagay ng staff sa bawat tent nila. Of course, may privacy pa rin naman silang mga artista.
“Eh, parang nagbabakasyon ka nan ga rito, eh. Anyway, ‘wag kang mabahala sa result ng nomination mo sa Lunes. Hindi ka maaalis dito dahil nag-hire kami ng voters para masalba ka.”
Nangunot ang noo ni Bea. “Ano’ng ibig mong sabihin? Mas lamang ang boto ng gusto akong paalisin sa palabas?”
Napatango ang manager. “Hindi nagustuhan ng manonood ang pinapakita mo sa show, Bea at binigyan ako ng warning ni boss. Baka nga pinagtutulungan ka ng mga fans ng kasama mo sa loob dahil sa ginagawa mo sa idol nila. Hindi lang fans niyo ang nanonood dahil may mga casual viewers din at alam mo ba kung sino ang may highlight ngayon?”
“Sino? Si Lance?”
Tumawa ng marahan ang manager niya. “Hindi lang si Lance kung ‘di ang bagong salta. Nakita ko kung paano rumami ang followings niya sa social media account at nagsisimula na rin umingay ang agency nila para i-promote siya. Huwag mong hahayaan na makuha sa’yo ang spotlight, Bea. Palagi mong tandaan na ikaw ang bida sa palabas na ‘to.” Natutuwa na kasi ang mga karibal nila sa kompanya dahil sa maling ginagawa ng artista niya. Malamang ay may mga nasu-sweet talk na sa mga investors para makakuha ng brand deals of projects. Mukhang aagawan pa sila ng resources.
“Eh ‘di gumawa kayo ng paraan para tumalikod sa kan’ya ang mga fans niya.” Nakakairita talaga ang Olivia na ‘yon. Hindi lang fans ang kukunin nito dahil pati mga lalaki sa palabas ay mukhang kukunin din nito para sa exposure.
“May gumawa na n’yan,” sagot ng manager. “At nawala rin agad dahil naglabas ng ebidensya ang agency nila na walang katotohanan ang ibinibintang sa baguhan na ‘yon.”
Huminga ng malalim si Bea. “Hindi iyon enough.”
—
“Sino naman ang gagawa n’yon, Ate Macy? Wala naman akong binabangga,” nag-aalalang saad ni Olivia nang marinig ang sinabi ng manager niya. Siya may sugar daddy? Saan niya naman kukunin ‘yon at bakit niya gagawin? Naiisip niya pa lang ay nandidiri na siya.
“Hindi na namin nakita ang nag-post. Mukhang tumakas na. Umaangat ka na kasi, Olivia kaya may mga taong gustong pigilan iyon. Huwag kang mag-alala, habang nandito ka kami na ang bahala sa labas. Kailangan mo lang manalo, remember? Ginagawa mo ‘to para rin sa mama mo. Isa pa, may good news ulit ako sa’yo!”
“Hmm. Ano ba ‘yon?”
“Alam mo ba ‘yong Glowy brand na ginagamit mo sa skin care mo?” nakangiting tanong ni Macy pagkatapos ilapag ang pagkain na pina-deliver niya. Nakita n’yang tumango ito na may bakas ang pagtataka sa mukha. “Well, ikaw lang naman ang pinili nilang kauna-unahang endorser ng brand.”
“Talaga?!” Napahawak sa bibig si Olivia. “Eh, bakit daw ngayon lang sila kumuha? Toto oba ‘to, manager o jino-joke time mo lang ako?”
“Shh! Huwag mong lakasan ang boses mo, as much as possible tayo-tayo lang ang nakakaalam. Baka mamaya mawala sa’yo ang endorsement na ‘to dahil may umagaw. Iyon nga ang totoo kahit kami ng boss ay nagulat dahil ang mismong team ng Glowy ang tumawag para sabihing ikaw ang gusto nilang maging mukha ng kanilang skin care brand. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kaya nga ngayon ay ipapaalam kita kay Producer Kim para mag-shoot.”
Hindi maalis ang ngiti ni Olivia sa narinig. Ito na ba ang simula ng career niya? Kung Glowy nga talaga ang i-endorse niya ay malaking bagay iyon lalo na sa kan’ya na wala pang kumukuhang brand. Kahit nga maliliit na endorsement at wala, eh. Nagbubunga na ang paghihirap niya.
“Yes. Kaya maiwan muna kita at kakausapin lang si Mr. Kim, okay?”
Tumango si Olivia. Napahawak siya sa dibdib dahil may halong kaba ang nararamdaman niya. Sana ay wala s’yang magawang mali na ikaka-dissatisfy ng Glowy management.
Napatingin siya sa pinto at napatayo nang makita ang isang tao na nakasilip doon.
“A-ano’ng ginagawa mo?”
—
“Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga tinging ‘yon, Joshua?! Alam mong bawat galaw mo ay nakasunod ang mga fans mo! Alam mo dapat ang mangyayari at kung ano ang magiging resulta. Naghirap ka para makapunta sa posisyon nito, pero dahil lang sa babae, mawawala lahat ng ‘yon?”
Pagdating pa lamang ni Joshua sa tent ay ito na ang naging bungad ng kan’yang manager. Huminga siya ng malalim at napahilot sa sintido. “Ano bang sinasabi mo? Wala nga akong ginagawa kung ‘di sumunod sa patakaran sa loob.”
“Talaga lang, ah?” Humalukipkip ang babaeng manager nito. “Ano ang ibig sabihin ng pasulyap-sulyap na ‘yon sa artistang walang pangalan, ah? Kung ako nga napansin ko paano pa kaya ang mga fans mo na halos dumugin ang social media account mo. Bumabawas na rin ang followers mo at hindi iyon maganda. Mas mabuting lumapit ka na lang kay Nadine o kahit na sino ‘wag lang ang Olivia na ‘yon. Ibabagsak niya lang ang career mo habang ginagamit ka niya.”
“Tsk. Iyon lang? Wala ka bang tiwala sa akin? Nagpapaka-gentleman lang ako sa kan’ya. Isa pa, ano ang makukuha ko kay Olivia, ‘di ba? Ni wala nga iyong award o kahit ano’ng achievement sa pagiging artista.”
“Talaga? Ginagawa mo lang ‘yon para sa mga manonood? Kung gano’n naman pala ay wala akong dapat ikabahala. Huwag ka masyadong lumapit sa kan’ya. Hindi iyon maganda sa imahe mo. Anyway, may nilaan na palang series para sa’yo. Hindi mo na kailangan mag-audition dahil nakausap ko na ang direktor. Pagkatapos mo rito ay magsisimula na ang taping mo. Umaasa ako sa’yo na puputulin mo ang koneksyon mo sa kanila, lalo na sa babaeng ‘yon. Ayokong nakikita ang pangalan mo na dawit sa pangalan niya,” mahigpit na aniya ng manager ni Joshua pagkatapos at kumuha ng energy drink.
“Tsk. Oo na. Ang dami mong pangaral. P’wede bang pagpahingahin mo muna ako?”
Kaya niya gustong makapasok dito dahil sa mga katulad ng manager niya na puro talak sa kan’ya. Kailangan niya ng peace of mind. Nakakasira rin talaga ang buhay artista.
—
“Narinig mo talaga ang sinabi niya?”
“Oo naman. May recording pa nga ako, eh,” sabay pakita ng binata ng phone at pinakinggan ang recording. Naglalakad lang naman siya patungo sa tent ng artista niya nang sa hindi inaasahan ay narinig niya ang pinag-uusapan nito tungkol kay Olivia. Hindi niya alam na gano’n pala ang ugali ni Joshua sa likod ng camera. Mukhang pinagmanahan ang manager nito na masama rin ang ugali.
“Ipasa mo sa akin ang recording,” utos nito sa lalaki.
Tumaas ang kilay ng naturan. “Gagamitin mo, ano? Wala namang sinabi sa’yo si Joshua.”
The person chuckled darkly. “Pare-parehas lang kaming naggagamitan. Magagamit ko rin ‘to kung hindi ngayon, baka sa susunod.”