Kanina pa naiilang si Olivia nang lumabas siya ng mansion para tagpuin ang iba. Panakana kasi ang sulyap ng iba sa kan’ya lalo na si Lance na tila ang lagkit ng tingin. Dapat siguro nag t-shirt na lang siya, pero baka masabihan ng kill joy. Isa pa need niya ng exposure para tumagal sa show. Aware siya na kaunti ang fans niya at talo pagdating sa votings kaya as much as possible ay iniiwasan n’yang makipag-away sa mga ito.
Napasipol si Andrei habang si Gerald naman ay natitig sa mga babae lalo na kay Claudia na kahapon pa tahimik. Tumayo ito at lumapit sa mga lalaki. “Tara na’t magbunutan.”
“Magbunutan? Ano’ng ibig n’yong sabihin?” Lumapit si Nadine sa mga ito habang may sumbrerong suot. Maganda ang katawan ni Nadine lalo pa’t nagmo-modelo rin ito sa mga brand ng damit. No wonder, kaya marami ang fans nitong lalaki.
“Ah, we will be having a game since wala pa namang bagong task naisipan naming maglaro of course, kasali kayo. Hindi na sa inyo bago ito dahil halos naman nakakita o nakalaro na nito.”
Dahil curious ay nagsilapitan na rin ang mga babae dito, huli ay si Olivia. Hindi nito napansin na nasa likod niya na si Lance kaya nang umatras siya ay natamaan niya ang likod nito kaya hindi inaasahan na mapakapit siya dito. Umangat ang kan’yang mukha para tingnan ito na sana ay ‘di niya na lang pala ginawa dahil nakatitig na ito sa kan’ya. Ramdam n’yang gumapang ang mga kamay nito sa kan’yang bewang kaya natuod siya at nanlaki ang mata. Hindi ba nito nakikita ang mga camerang nakatutok sa kanila? Ang lalaking ‘to!
Of course, Lance was aware of it, pero alam n’yang hindi naman iyon makikita. Kanina niya pa gustong pagtakpan ang maliit na babaeng ‘to. Wala na bang ibang swimming suit ito at ang two-piece pa ang napili?
Siniko siya ng dalaga kaya napabitaw siya nang tumingin si Joshua sa gawi nila. The man narrowed his eyes before looking away. Nakahinga ng maluwag si Olivia at dumistansya kay Lance.
“Pero imbes na ang mga partner natin sa show ang makakapareho natin ay magbubunutan kami kung sino sa inyo ang isasaklay naming sa balikat. Ano game kayo?”
“Sure!” bulalas ni Bea. Hopefully, Lance could pick her name.
“Ano naman ang makukuha kung manalo at matalo?” tanong ni Claudia habang nakahalukipkip.
“Well, para maging exciting ang mananalo ay pipili ng makaka-date nila ng isang araw nang hindi p’wedeng tumanaggi.”
“Sounds good to me,” komento ni Gerald na nakapagpatingin kay Claudia bago siya nito irapan.
“Okay. Magbunutan na tayo.” Nasasabik ang mga lalaki sa game lalo na’t palakasan ito. Unang bumunot si VJ at ang nakuha nito ay si Julie na ka-partner niya pa rin sa show.
Sunod naman si Andrei na nabunot ay si Nadine at si Gerald na nabunot si Bea. Dalawa na lang ang natira na bubunot si Joshua at Lance. Pinauna ng naturan ang artistang binata at unti-unti nitong binuksan ang papel. He pursed his lips reading the name he had pick.
“Claudia,” he said her name coldly.
Si Joshua naman ay malaki ang ngiti dahil ang nabunot nito ay si Olivia. Lumapit ito sa dalaga at ngumiti. “Don’t worry, hindi ko pababayaan na mahulog ka,” he assured.
Umalis bigla si Lance at tumalon sa pool. Sinundan naman ito ng tingin ng dalaga. Mukhang galit na naman. Bahala na ito basta mage-enjoy siya ngayon.
—
Sa isang tent naman kung saan nakikita ng production staff ang nangyayari, bumulong ang assistant ni Matteo Kim sa kan’yang tenga.
“Sure ka bang gagawin nila ‘to? Baka may mangyari pa.”
“This is why we call it reality show. Walang saysay kung pagdidiktahin natin ang kinikilos nila at least dito malaya nating makikilala ang kung ano ang totoo at hindi. Beside may consent naman lahat nila kaya ano’ng inaalala mo d’yan? May tumawag na naman ba sa’yong manager?” Kumunot ang noo ni Matteo Kim dito.
“H-hindi. Baka kasi may mangyari sa mga ‘yan mapapasama tayo.”
“Tsk!”
Napasigaw si Bea nang makaupo siya sa balikat ni Gerald. Hawak-hawak ng binata ang binti nito ng mahigpit at lumakad sa gitna ng pool.
“Olivia, dahan-dahan lang,” remind ni Joshua nang inangat ng dalaga ang kanang binti nito sa balikat niya.
Napakapit ang dalaga sa buhok nito kaya napaaray si Joshua. Napabitaw naman agad siya at tiningnan ito ng may pag-aalala. “Sorr! Sorry! Masaki tba? Pasensya na, ah.”
“Nabigla lang ako, pero hindi naman masakit. ‘Tsaka mas masakit pa d’yan ang hawak mo mamaya kapag nakipag-chicken fight ka na sa kanila.”
Tumawa si Olivia at muling sumakay sa balikat nito. Ngayon ay balance na siya sa pagkakaupo. Itinaas ni Joshua ang dalawang kamay para hawakan ni Olivia patungo sa gitna ng pool kung saan naroon na ang iba.
[Ako lang ba o bagay si Joshua at Olivia? Hashtag Joshlivia!]
[Ikaw lang ate! Bakit mo shini-ship ang dalawang ‘yan, eh wala namang maganda kay Olivia? Wala ring nararating pa. Hindi sila bagay!]
[Si Joshua ay para lamang sa mga fans niya kaya hindi pa ito nagnonobya.]
[Lol. Clearly, the person who was shipping them is blind. Iyang idol niyo ang paiwasin sa idol naming dahil sobrang papansin.]
Lance looked at the two people walking towards them. Hindi naman bagay at bakit ba natutuwa si Olivia dito? Wala namang nakakatawa.
“Bagay sila ano?” bulong ni Claudia na nakasakay sa balikat niya. “Do you think may gusto so Joshua kay Olivia? Pansin ko kasi iba ang trato niya dito,” dugtong nito.
“Do you think so?” casual na balik ni Lance dito.
Claudia shrugged her shoulders. “Pansin ko lang.”
“A person should never assume unless it was stated. Hindi sila bagay. Mukhang babae ‘yang artista masasaktan lang si Olivia. I’m sure hindi niya rin naman ‘yan papatulan.”
“How sure are you?” nakangising tanong ni Claudia dahil naiintriga siya sa mga sagot ni Lance. Naamoy niya kasi ang selos sa tono nito.
“Alam ko lang,” puno ng kumpiyansa na sagot ni Lance at umiwas ng tingin nang gumawi sa direksyon niya si Olivia.”
“Siya walang gusto, pero si Joshua mukhang interesado sa kan’ya. Gusto yata manalo ngayon, eh. I’m sure pipiliin n’yang i-date si Olivia. Gusto mo bang mangyari ‘yon?” she teased.
“Wala akong pakialam sa kung ano man ang gusto nila. Don’t link her to me baka umasa ‘yan ‘di ko maibabalik ang feelings niya,” casual na sagot nito. Si Olivia? Hell nah. She’s not the kind of woman he was looking for. Gusto niya iyong competent at confident at hindi isang artista.
“Okay. Ititikom ko na ang bibig ko.”
Tumabi si Lance sa gilid ni Joshua. Tumingin siya kay Olivia na iniiwasan ang paningin sa kan’ya kaya napatikhim siya.
“Let’s start. Kung sino ang manalo ‘wag tatanggi ang mapipili, ah.” He looked meaningfully at Joshua who was looking at him intently.
“Sisiguraduhin kong mananalo kami,” turan ni Joshua at hinakawan ang binti ni Olivia. Napunta doon ang tingin ni Lance at napaismid. Imposible talagang magustuhan ng dalaga ang artistang ‘to, siya nga hindi, eh.
“Siguraduhin mo dahil iyan ang huling beses na mahahawakan mo siya,” bulong nito na tanging silang dalawa lang ang nakarinig.