Kamakailan ay bumaba na si Lance at Olivia ng kanilang kwarto at nakita ang kanilang kapwa contestant na nasa baba na. Napatingin sa kanila si Bea at Nadine na agad nag-ayos ng sarili. Napailing na lang si Olivia bago dumiretso sa kusina. Sige lang at magpapansin sila kay Lance dahil mas gugustuhin niya ‘yon. Nakita niya si Joshua na nagluluto kasama si Julie, ang alam niya ay na-cast din ang dalaga sa isang cooking show kaya marunong ito. Wow! Matitikman niya ang luto ng isa sa mga kilalang artista.
“Olivia, right?” tanong ni Joshua at ngumiti sa kan’ya.
“Yes. Nice to meet you senior!” bati ni Olivia at tumulong sa paghahanda ng hapagkainan.
“Actually, natutuwa ako dahil may kabilang dito na hindi popular— not in an offended way, ah. Baka ikasama mo, you know it was a fresh breath of air.”
Gano’n? “Ah, hindi naman po. Nakakakaba nga po dahil halos kayo ay batikan na sa aktingan.”
Napatawa ng marahan si Julie. “Lahat naman tayo nagsisimula sa hindi kagalingan. Bata ka pa, kaya mahahasa ka rin.”
Ngumiti ng malaki si Olivia at pinagpatuloy ang pagtulong dito. Sa mga viewers naman ay mabilis nagtipa ang mga ito para hanapin ang tungkol sa baguhang salta sa show. Doon nila nalaman kung saan ito nagbida at karamihan ay ‘di man lang ito tumagal, minsan pa’y napakakunti ng exposure, pero ‘yong ganda sapaw na sapaw sa ibang leading ladies.
[Isa na ako sa fan mo, Olivia! Magaling ka naman sa acting bulag lang ang ‘di nakakakita ng talent mo!]
[Makikipag-close lang ‘yan for clout. Layuan mo ang Joshua namin!]
[Huwag masyadong mataas ang pangarap, girl. Walang papatol d’yan sa’yo.]
Napailing si Matteo Kim nang mabasa ang comment section ng show. Nakakaawa lang ang may mga ganitong pag-iisip na fans, pero sa tingin niya malaki ang potential ni Olivia sa show na ‘to. Ngayon pa lang ay napapansin na ito, tama nga siguro na binigay niya kay Macy ang slot.
“Yow! Bakit kabababa niyo lang? May ginawa agad kayo ‘no?” katyaw ni Andrei, kilala talaga ang artistang ‘to na walang filter ang bibig. Inakbayan pa nito si Lance na ngumis lamang at umupo.
“Ano bang gagawin namin? Tinulungan ko lang s’yang mag-ayos ng gamit,” sagot nito bago tumingin sa dalaga na kausap ngayon si Joshua.
“I’m your fan, Lance. Bakit mo nga pala naisipan na sumali rito?” singit ni Bea na tumabi sa tabi nito. Ugh! Bakit ba kasi hindi siya ang pinili nito, eh. She’s willing to do everything. She heard a lot about him kada karera na napapanalo nito ay milyones ang nakukuha.
“The show was interesting. Isa pa wala rin naman akong masyadong ginagawa and mag-rest muna sa pangangarera.” Totoo naman dahil ang tatlong assistant niya ang namamahala sa business niya kaya marami s’yang oras na maglibang. Those three could handle his businesses well, but it doesn’t mean na hindi rin siya nagtatrabaho.
“Really? We were so happy to have you here. Bakit mo nga pala napili si… what was her name again?” Umaktong nag-iisip si Bea at tiningnan si Olivia na nasa kusina, “Olivia, right? Yes, her.”
Dahil sa tanong na ‘yon ay pati viewers nag-aabang din sa sagot ni Lance. They were also curious and urging him to answer it in the comment section. Napahawak sa labi si Lance at naalala ang nang una n’yang malaman ang tungkol sa dalaga. He did follow her though, sa private account niya na walang display picture. Wala naman talaga s’yang balak piliin ang kahit na sino man, pero nang makita ito ay nagkaroon siya ng change of mind.
Lance chuckled. “She’s pretty,” maikling sagot nito pagkatapos ay tumingin ulit sa dalaga na nasa tabi pa rin ni Joshua. Tumayo siya at lumakad papunta sa dalawa, sumingit pa sa gitna nito.
“Hey!” aniya ni Joshua nang mausog siya sa gilid. Lance smiled at him, but he felt that it was fake. Napakamot na lang siya sa batok at nagpatuloy. Napatingin si Olivia sa binata na kinuha sa kan’ya ang ginagawa at dinala sa mahabang mesa. Sumunod siya dito at pagkatapos ay umupo.
“Dinner is ready, guys!” sigaw ni Julie pagkatapos na alisin ang apron.
Dumating ang mga ito at nagsiupo kasama ang kanilang partners.
“Wow! You’re the best senior! I’m sure sobrang sarap ng niluto niyo!” puri ni Bea na malaki ang ngiti.
“I bet busog ana busog tayo ngayong gabi. It looks delicious,” komento naman ni Andrei.
Nagsimula ang mga ito na kumain. Magaan at masaya ang atmosphere sa mansion. They looked like they were close to each other, ngunit alam ng iba na for camera lang ang mga ito. Mga artista sila kay may imahe sila na dapat i-maintain. Tahimik na kumakain si Olivia, nagasasalita lamang siya kapag nasasali siya sa usapan.
“Gusto mo ba ng sauce?” tanong ni Lance dito. Napaangat siya ng tingin sa binata at nakitang titig na titig ang asul nitong mata sa kan’ya. Umiwas siya ng tingin bago nagsalita.
“Sige ba.”
“Mauubos mo ba lahat ‘yan?”
“Oo. Hindi naman ako mapili sa pagkain ‘tsaka kahit ano’ng kain ko ay hindi talaga ako tumataba.” Yes, no matter much she eats, she can’t get any fat. Kahit nagsusubok siya ng vitamins walang effect pa rin.
“Mas gaganda ka kapag tumaba ka.”
Biglang tumawa si Bea sa komento ni Lance kaya napatingin sa kan’ya ang lahat. “S-sorry, hindi ko sinasadyang matawa. Do you plan to fatter her up? Ang concerning kung magmumukha s’yang ano… besides kailangan niya ring i-maintain ang katawan niya.” Hindi tinuloy ng dalaga ang sasabihin, pero alam agad nila ang ibig sabihin n’yon. Bakas sa mukha nito na parang naaawa kaya naman tingin ng fans nito ay concern talaga siya.
Nilagyan pa ni Lance ng kanin ang plato ni Olivia saka matalas na tumingin kay Bea.
“Ano’ng problema doon? Mas maganda kung healthy siya at magkalaman-laman. Maganda na siya ngayon ano pa kaya kung tumaba siya. I bet she’s going to snatch the attention of many,” ngiting aniya ni Lance dito. “Kung ‘di mo maubos, ibigay mo na lang sa’kin.”
Napatulala pa ng ilang segundo si Olivia sa sinabi ng binata. Prinotektahan siya nito? Ngayon lang sila nagkakilala o dahil magka-partner sila? Hindi dapat siya magpadala sa mga matatamis nitong salita. Hindi dahil baka isa ito sa strategy na nito para ma-eliminate siya. Napakuyom siya ng kamao sa ilalim ng mesa.
Natapos ang dinner at pansin ni Lance na parang lumamig ang pakikitungo sa kan'ya ni Olivia. Ano bang nangyari? Pinagtanggol na nga niya ito may nasabi ba s'yang mali? Napalunok siya at sinundan ito sa sala.
Agad napukaw ang kanilang atensyon nang marinig ang ang pamilyar na tunog sa telebisyon.
[Magandang gabi! Sa unang gabi ninyo sa mansion ay magkakaroon na kayo ng pangunahing task. Ang title nito ‘to ay Live Long or Live Short. Ang mag-partner ay kailangan i-transfer ang limang single spaghetti noodle sa kabilang mesa gamit lamang ang kanilang bibig kagat ang magkabilang dulo. Kailangan na mai-transfer ang noodle nang hindi ito napuputol. Kapag natapos ang anim na minuto at may partner na hindi natapos ang task, awtomatikong nominado ito sa elimination round. Tandaan, kailangan ma-transfer ang single noodle nang hindi ito mapuputol.]
“Ang dali lang naman pala n’yon, eh.”
Pumasok sila sa isang silid kung saan may sampung mesa na magkalinya at magkatapat ang naroon. Binuksan nila ang takip na nasa ibabaw at nakita ang noodles sa plato.
‘Madali? Ano’ng madali dito, eh, luto na ang noodles kaya madali itong maputol!’ sigaw ni Olivia sa sarili.
“I guess, may may matatalo agad.”