Pagsapit ng alas otso ng gabi ay nag-air na ang Cupid’s Carnival. Maagang nagsiuwian ang karamihan at ilan pa ay nag-aabang na sa muling pagbabalik nito sa telebisyon. Hindi rin papatalo ang online digital platform ng palabas. Sa official page nito ay mayroon ng twenty thousand viewers na nag-aabang.
Sa labas ng mansion ay ino-orient ng mga staff ang pagkakasunod-sunod nila papasok sa loob. Pangalawa sa huli si Olivia at sa likod nito ay si Lance. Their height difference got the attention of the people around. Hindi pa man nagsisimula ang show ay nangangamoy na ang unti-unting pagbuo ng ship ng dalawa para sa iilan. They secretly took a picture of the two dahil baka magamit nila ito for the future reference.
Unang lumabas ang batikang actor na palaging bida ng action series sa primetime. Of course, they need to act like they didn’t see the camera. On the spot din ginagawa ng staff ang editing para ipakita ang name nito and special effects nito.
[Joshua Lee.]
Ngumiti si Joshua at umupo sa sala habang nililibot ang paningin sa loob ng mansion. Agad na napuno ang comment section nang lumabas ang binata. Ang iba pa ay nagse-send ng star at gifts. Sumunod na ipinakilala ang isang actress na nakabingwit ng best actress award sa ginanap nitong movie.
[Nadine Chui]
Mahaba ang itim nitong buhok at may bangs. Matangkad ito at tila isang modelo. Sunod-sunod na pumasok ang mga kalahok at habang papalapit kay Aira ay napahawak siya sa puso sa kaba. Kinakabahan siya, inaamin niya. Napatingin siya kay Bea na umaktong mabait sa mga senior nito at nakipag-usap na may ngiti sa labi. Ibang-iba kapag off cam.
“Relax,” komento sa likod niya kaya napatingin siya doon. Lance gave her a comforting smile. “Halatang kabado ka. Dapat makita ng manonood na confident ka. Huwag mong kalimutan na isa sila sa factor para manatili ka sa show na ‘to.”
Tumango si Olivia dito at nagpasalamat.
“Ikaw na ang susunod,” aniya ng staff dito. Huminga ng malalim ang dalaga bago pumasok sa mansion. Maganda si Olivia lalo na ang pananamit nito na nakadagdag ng atraksyon. Nakasuot ito ng puting shirt at dirty white na cardigan maging ang pants na pinaresan niya ng boots na umabot sa kan’yang tuhod. Chic style kumbaga.
Nagtaka ang manonood nang makita ang dalaga.
[Sino ‘to? Ba’t ngayon ko lang nakita ang babaeng ‘to? Artista ba?]
[Parang pamilyar. Pero ganda, ah!]
[Tsk. Aanhin pa ang ganda kung wala namang talent sa pag-acting kaya palaging extra.]
Napataas ng kilay si Lance nang mahinhin itong umupo malayo sa mga artistang kasabayan nito. Mukhang first day pa lang ay ayaw na nitong ma-link sa iba. It really piqued his interest on this show. Hanggang saan kaya ang itatagal nito?
“Sir Lance, ikaw na po ang susunod,” nakangiting aniya ng staff na kumpara kanina ay nakasimangot kay Olivia. Hindi ito pinansin ng binata at naglakad papasok. Kagaya ng inaasahan, napuno na naman ang comment section nang lumabas ito. Kahit sa ang mga artista ay inaabangan din siya.
[Oh my god, ang gwapo!]
[Lance Ocampo? Hindi ba ito ‘yong sikat na racer? Sh*t! Ang ganda ng season na ‘to!]
[Kung ako nand’yan, unang araw pa lang ay napaalis na ako.]
“Saan niyo na nakuha ang lalaking ‘yan, Mr. Kim? Ang lakas ng hatak sa viewers. Malamang ay nagkakandarapa na naman ang mga brands para mabigyan tayo ng maraming commercial,” nakangiting wika ng assistant producer ni Matteo Kim. Baka ma-surpass pa nito ang ratings ng season 1.
Matteo Kim pursed his lips. Hindi niya nga alam kung ano ang pumasok sa isip ng lalaking ‘to para sumali dito. Akala niya ay nagbibiro lang ito, pero ito ngayon at nasa loob na. “Unexpected,” he commented. Tumango lang ang katabi nito at muling nag-focus sa monitor.
Dahil nagpakilala na ang mga contestants ay ito na ang oras na mamimili ang mga lalaki ng makaka-partner nila sa show. Bea already eyed her target. Nagbibigay siya ng hint kay Lance para piliin siya nito gayon din si Nadine na kalaban niya ngayon.
Si Joshua ang unang pipili. Matagal na nitong gustong makatrabaho si Nadine kaya ito ang pinili ng binata. The woman was slightly disappointed. Sunod naman ang singer ng banda na si VJ, ang pinili nito ay ang kaibigan na si Julie, isa sa mga nakasama niya noon nang mag-audition bilang artista.
Tumingin si Olivia sa natitirang tatlong lalaki. Merong maliit na expectation ang dalaga na baka mapili rin siya kahit ni isa sa mga ito. Mukhang nakakahiya kasi na hindi mapili. Tumingin siya sa binatang ka-edad niya, si Gerald na mukhang nonchalant, binigyan niya ito ng tipid na ngiti.
Nakita naman iyon ni Lance at ngumisi ng pa-sikreto. Siya ngayon ang susunod na pipili. Ramdam ng kasama ni Olivia ang excitement na isa sa kanila ang mapipili lalo na si Bea na puno ng kumpyansa sa sarili.
Isa-isang tiningnan ni Lance ang tatlong babae. Tumigil ang mata niya kay Olivia na nakatingin pa rin sa lalaking katabi niya. “Pinipili kita, Olivia.”
Nahigit ni Olivia ang kan’yang hininga at nanlalaki ang matang tumingin kay Lance. A-ano? Pinili siya nito? Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan hanggang sa tinawag siya ng staff para lumakad na patungo sa partner niya.
“Are you happy?” tanong ni Lance ng makapunta ito sa harap niya. Kailangan n’yang yumuko para makita ito dahil hanggang dibdib niya lang ang dalaga.
“H-happy? Salamat sa pagpili mo sa’kin,” wika ni Olivia nang makalma ang sarili. Hindi dapat siya mawala sa pokus lalo na’t nagsisimula pa lang siya. Pakiramdam niya masama ang dalang hangin ng binata sa kan’ya. Bakit siya pa, p’wede naman si Bea.
Bea’s face contorted but immediately smiled remembering that there were cameras pointing at them in any angle. Isang pagkakamali lang ay tiyak na pagpipiyestahan siya ng mga manonood. Ano bang espesyal sa baguhang ‘yon ni hindi niya nga kilala. Pinilit n’yang matuwa nang pinili siya ng taong ayaw niya.
Biglang nag-on ang malaking TV at bumungad sa kanila ang isang congratulatory letter at sunod ay isang boses ng babae ang narinig.
[Ngayong nakapili na kayo ng inyong ka-partner ay bubunot naman kayo sa box na nasa mesa ng papel, ang mga papel ay may mga nakasulat na numero. Nakasulat doon kung ano ang magiging kwarto ninyo. Ang mga kwarto ay kapwa magkakaiba. Kung mabunot niyo ang number 1, mas malaki ang kwarto at kumpleto sa gamit. Kaakibat din nito ang puntos na makukuha ninyo. Sampung puntos para sa pinakamataas na numero at limampung puntos para sa pinakamababa. Halimbawa nito ay nakabunot kayo ng numerong 1, ang makukuha n’yong puntos ay limampu.]
“Ano? Magkakasama kami sa kwarto?” kunwaring nabigla si Andrei at tumingin sa partner niya na si Claudia.
“Gano’n na nga. Ganito ba ito noong season 2?”
Umiling si Nadine habang nakahalukipkip. “Nope. Magkaiba ng kwarto ang babaae at lalaki, siguro ay bagong ideya nila ito. Iyon ang goal nila, ‘di ba? Para mahulog tayo sa isa’t-isa at matalo.”
Ang lala ng production team! Hindi maalis ang mata ni Olivia sa t.v. Ibig sabihin makakasama niya sa iisang kwarto si Lance? Hindi ba parang against naman iyon? Sinilip niya mula sa gilid ng mata ang binata at nakita itong nakatitig sa kan’ya.
‘Sh*t!’
“Ako ang unang bubunot!” Taas-kamay si Bea. Hindi pa man nakapagsasalita ang iba ay kumuha ng ito ng papel sa loob ng box. Sumunod si Nadine.
“Ikaw na ang bumunot,” suhestiyon ni Lance sa partner niya.
Tinuro ni Olivia ang sarili. “Ako? Paano kung makuha natin ang pinakapangit na room?”
Tumawa ng marahan ang naturan. “Ano namang problema doon? Nagsisimula pa lang tayo kaya may oras pa para makakuha ng maraming puntos.”
Tumango si Olivia bago kumuha ng papel sa box. Nang matapos ay sabay-sabay nilang binuksan ang mga ito.
“Room number 2,” bulong niya, sapat lang para marinig ni Lance. Bigla itong yumuko kaya ilang inches lang ang pagitan ng kanilang mukha. Hindi gumalaw si Olivia at straight lang ang tingin.
“Let’s go.”
Kinuha ni Olivia ang kan’yang maleta at sumunod kay Lance sa taas. Tumigil ito at tumingin sa kan’ya.
“Ako na ang magdadala n’yan,” tukoy nito sa maleta niya.
Umiling si Olivia at nilagpasan ito. “Kaya ko naman. Hindi naman ako mahina.” Rinig n’yang tumawa si Lance sa likod niya kaya nangunot ang kan’yang noo. Pagbukas nila ng pinto ay bumungad sa kanila ang isang king size bed. May kalakihan ito dahil number 2 ang nakuha nila.
Magsasama ba talaga sila dito? Same room? Ayaw talaga silang papanaluhin ng production team! P’wes papatunayan niya ito hanggang dulo. Tumalikod siya at mabilis ding umikot nang makitang naghubad ng shirt si Lance.
“Ano bang ginagawa mo? Hindi ba sapat ang aircon sa loob?”
Humiga si Lance sa kama. “Hindi ko ramdam dahil sa init ng panahon ngayon,” sagot nito.
Gustong tarayan ito ni Olivia, pero hindi p’wede dahil sa mga camera sa loob.
“Lalabas muna ako. Maiwan kita d’yan.”
Lance’s eyes followed her walking to the door. “Where are you going?”
The woman turned around and smiled at him. “Sa labas nga.”
His face turned serious, with a commanding tone he said, “Come here.”
Halos magkamaway sa kilig ang mga manonood nang makita ang pangangatawan ni Lance. Ang karamihan pa ay mabilis na nag-komento sa show dahil hindi nila mapigilan ang nararamdaman.
[Sh*t! Ang swerte naman ni Olivia!]
[Mukhang ito ang unang uuwi. Hahaha!]
[God! Come here daw, baka ibang come ‘yon? Ay talaga naman!]
Sa likod naman ay masayang nagbabasa ang assistant producer habang si Matteo Kim ay seryosong nakatitig sa monitor ng room number 2.
Lance Ocampo, masyado mong ginagawang interesado ang show na ‘to.