Kabanata 10: Sick

1302 Words
Natapos na ang kanilang oras at agad na bumalik sa mansion. Dumiretso si Olivia sa kanilang kwarto at namahinga. Gusto niya munang matulog dahil ang bigat ng pakiramdam niya, gawa siguro ng pagkahulog niya sa pool. Ang plano niya sana ay umidlip lang, pero mukhang hindi iyon ang nangyari. “Oh, nasaan si Olivia? Hindi ba siya kakain? I made some snacks,” aniya ni Julie na katatapos lang magluto ng mac and cheese at tuna bread. Umupo ito sa tabi ni VJ na umiinim ng energy drink. “Nasa taas. Magpapahinga siguro,” sagot naman ni Lance at kumuha ng tuna bread. “Ako na lang ang magdadala sa kan’ya nito sa taas.” “P’wede naman after niya mamahinga. Hindi mo na kailangan mag-abala pa. If you want ako na lang magdadala n’yan sa kwarto niyo,” present ani Bea na may nakapaskil na maligalig na ngitit sa labi. Tumanggi si Lance. “Hindi na. Isa pa ako ang kasama niya sa kwarto kaya normal sa akin na pumasok doon. Ayoko rin naman ma-invade ang privacy naming dalawa at hindi ko alam kung okay sa kan’ya ang magpapasok ng iba.” “Wow! You’re taking this game too high, Lance. Nagmumukha kayong couple ni Olivia,” natatawang komento ni Nadine kahit na may bahid ng sarkastiko ang sinabi nito. Of course, it was concerning for her na gano’n ang trato ng binata sa artistang walang pangalan na ‘yon. Hindi siya p’wedeng sumabog at kumilos ng kung ano-ano katulad ni Bea na parang walang utak. Hindi siya magmumukhang desperada lalo na sa mga manonood. “Couple? Ganito lang ako sa mga ka-partner ko. Hindi ba’t normal lang ‘yon o dahil nabibigyan niyo ng malisya?” Tumaas ang kilay ng binata na nakangisi. “Of course not. Nasabi ko lang ‘yon as a joke,” palusot ni Nadine at pekeng tumawa. D*mn it! Nag-aalala lang naman siya. Hindi ba ito nababahala na baka mawalan ito ng fans? Kahit gaano pa ito ka-gwapo ang mga babaeng fans nito ay magagawa pa ring magselos. Lance just let her be. Wala s’yang panahon na pahabain pa ang usapan. Ngayon pa lang ay nakikita niya na ang mga bagay na tinatago ng mga artistang ‘to sa likod ng camera. How exciting it can be kung makita ‘yon in national television? Tumaas si Lance at kumatok, pero wala man lang sumagot kaya malamang ay baka nakatulog ito. Pagbukas niya ay nakita nya ito sa kama na natutulog at nakatalukbong ng kumot. Hindi niya rin masisisi dahil malamig talaga sa loob, pero p’wede naman nito pahinaan iyon. “Olivia,” tawag niya rito. Lumapit siya sa dalaga at nakitang nakakunot ang noo nito. Tinawag niya muli ito, pero mukhang tulog na tulog. Sinalat niya ang noo at doon lang napagtanto na nilalagnat ito. “Hey. Nilalagnat ka. Gising, Olivia,” bulong ni Lance sa tenga nito. Tumayo siya at tumingin sa camera. Kailangan ba nilang i-cut ang show at dalhin ang dalaga para ma-check ito. Bumaba ang binata at kumuha ng gamot at tubig. “I-focus mo muna ang camera sa iba,” utos ni Matteo Kim sa nag-ooperate ng camera sa loob. “Pumunta ka sa loob at tingnan ang temperature niya. Kung mataas, ilalabas muna natin siya,” baling naman siya sa medic na staff na agad tumango at pumasok ng mansion dala ang medical kit. Halos napatingin ang lahat nang pumasok ang isang staff. Ang isa ay sinenyasan sila na ipagpatuloy ang ginagawa at ‘wag pansinin ang pumasok. Nagtataka man ay sumunod na lang din sila. Bakit may pumasok na staff at patungo sa taas. May nangyari kaya. Tumayo si Bea at akmang titingnan ang nangyayari nang hawakan ito ni Joshua sa braso. “May pinag-uusapan tayo, aalis ka kaagad?” Binigyan siya nito ng makahulugang tingin. Of course, they know what it means. Pare-pareho silang artista at may mga bagay na dapat hindi nila gawin. Huminga ng malalim si Bea at muling umupo, pero hindi mawala sa kan'yang isipan kung ano ang nangyayari sa taas. It will be better kung magkaroon ng bad image si Olivia sa madla. Sana lang ay gumawa ng paraan ang management niya na mapaalis na ang babaeng 'to sa show. — "Kamusta? Hindi ba malala ang lagnat niya?" Umiling ang staff. "39 degree's ang temperatura niya. Kailangan n'yang ilabas mg mansion at magpagaling, pero hindi rin p'wede na lumabas na wala siya sa show." Nagsalubong ang kilay ni Lance. "Hindi niyo siya kailangan ilabas. Ibigay niyo lang sa akin ang mga kailangan na gamit at ako na ang bahala sa kan'ya," seryoso n'yang tugon. Crucial para kay Olivia ang manatili dito lalo pa't dumarami ang fans nito. Kapag napansin na wala siya ay malamang magtatanong at mag-iisip ng kung ano-ano ang mga bashers nito. "Pero—" "Papayag si Matteo. Tell him." Mula sa earpiece ng staff ay narinig niya ang utos ng producer. Napatingin siya kay Lance at tumango. "Narito ang ilang gamit at may mga gamot naman sa baba. Iko-continue na ang camera dito after namin lumabas. Ikaw na ang bahala sa kan'ya." Tumango si Lance at 'di na ito pinansin. Lumabas na ang staff na may palaisipan na namumuo sa utak nito. Bakit pakiramdam niya ay magkakilala ang producer at ang kalahok na 'to? Umiling lang siya at ipinagsawalang bahala na lang 'yon. Mas mabuting hindi siya makialam pa dahil may mga bagay na dapat hindi na inaalam para rin sa kaligtasan nila at isa gusto n'yang manatili sa trabaho. Kunwari na lang ay wala s'yang nakita at narinig. "Bakit hindi ka agad nagsabi na may sakit ka?" tanong ni Lance nang makitang nagising na si Olivia. Hindi gaanong gising na gising dahil parang pipikit na sa antok. "N-nakatulog ako at ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ka ba hinahanap doon?" Umiling si Lance. "Kailangan mo ako dito kaya bakit ako aalis?" Kumurap-kurap ang mata ni Olivia bago umiwas ng tingin. Oo nga naman, nasa harap sila ng camera at lahat ng ginagawa nila ay para lamang sa telebisyon. Gayunpaman, at least ay mayroong isang taong nag-aalala at nag-aalaga sa kan'ya. Bumaba si Lance at agad s'yang pinagkumpulan ng ibang kasamahan niya sa palabas. "Ano'ng nangyari kay Olivia? Ayos lang ba siya?" "May nangyari ba?" "Bakit— I mean may nalabag bang rules si Olivia sa show?" Syempre sino pa ba ang magsasabi n'yon kung 'di si Bea. Huminga ng malalim si Lance bago ito nagsalita. "Okay lang siya. Kailangan niya lang magpahinga." "Bakit nga?" pagpupumilit ni Bea dito. Bakit ba nito pinagtatakpan ang dahilan? Siguro nga ay may nilabag ang babaeng 'yon at kailangan nang alisin sa palabas? Tingnan mo nga naman at kumakampi sa kan'ya ang tadhana. Alam nito kung sino ang karapat-dapat na tumagal sa mansion. Siguro ay narinig ng management ang nais niya at ito na ang gumawa ng paraan para matanggal ito. "May lagnat siya. Okay na?" Mabilis na nawala ang saya sa dibdib ni Bea nang marinig iyon. Ano? May lagnat lang? Eh, bakit pumasok ang staff ng palabas? Ano 'yon may special treatment si Olivia? Sabi na nga at may kapit ang babaeng 'yon kaya nakapasok dito. Nakakapagtaka naman kasi na nakapasok ito lalo pa't lahat sila ay kilala na sa pag-aartista. Malamang ay may kinapitan ito at ginamit ang ganda para mahulog ang kung sino mang nasa mataas na posisyon. "May lagnat siya? P'wede ba namin s'yang mabisita? Mas convenient siguro kung babae ang mag-aalaga sa kan'ya 'di ba?" suhestiyon ni Joshua. Nilagnat siguro si Olivia dahil sa paglaro nila kanina sa pool. Dapat pala nag-ingat pa siya. "Oo naman. Okay nang si Claudia at Julie ang p'wedeng mag-alaga sa kan'ya." Ano sila sinuswerte na makapasok sa kwarto. Hindi! "Teka? Bakit silang dalawa lang?" tanong ni Nadine. "Dahil sila ang pinili ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD