Kabanata 9: Hard

1255 Words
Namilog ang mata ni Olivia sa suhestiyon ni Lance. Naiisip niya na kasi kung ano ang itsura n’yon. Para lang s’yang naka-piggyback ride, pero ang kaibahan ay sa harap ang p’westo niya. Seryoso ba? “I can’t hold you any longer. Itong ginagawa natin ay para rin sa atin, pareho natin gustong manalo ‘di ba?” Hindi nagsalita si Olivia, pero naka-desisyon na siya. Inayos niya ang sarili at niligkis ang isang binti niya sa hips ng binata bago inlingkis ang isa. Ngayon ay harap-harapan na silang magkatitigan ni Lance sa isa’t-isa. Samantala ay halos sumabog sa dami ang pumapasok na comments sa livestream ng palabas. [Oh my god! Oh my god! She wrapped her legs around his waist! Tabi, Olivia ako naman!] [Hindi na nahiya! Ang kapal talaga ng mukha dahil tini-take advantage ng babaeng ‘yan ang sitwasyon para makalingkis kay Lance! Let’s get her out of the show!] [Hindi kami papayag! Mga inggetero lang kayo. It’s a game kaya malamang gagawa sila ng paraan para manalo.] [My god! Hindi ko matiis ang kilig ko kaya napasigaw ako ng kaylakas-lakas.] “Sa tingin ko magte-trending tayo,” bulong ni Olivia na hindi makataingin sa mata ni Lance. Ang awkward! “Let it be. Mas maganda ang gano’n lalo na sa’yo. Malay mo may dumating na endorsement sa’yo lalo na sa ingay ng pangalan mo. You see, you’re winning than losing in this show, Olivia.” Itinaas pa ni Lance ang paghawak kay Olivia. Mas mabuti ang ganitong posisyon dahil mas nahahawakan niya ang dalaga. “Alam ko. Pero ‘yong mga fans mo baka abangan ako sa labas,” katwiran ng dalaga na binigyan ng matalim na tingin ang kaharap. Tumawang marahan si Lance. “Hindi ka nila gagalawin. Kahit patay na patay sa akin ang mga ‘yon alam nila na hindi ko palalampasin ang gagawin nila. Isa pa, subukan lang nila na pagkaguluhan ka…” Kinurot niya ito sa leeg. Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti ng binata sa kan’ya. “Nakakalimutan mo yata na mayroon tayong mic kaya rinig na rinig nila ang sinasabi mo?” Nagkibit-balikat lamang si Lance. Pareho silang napatingin sa gilid nang marinig ang daing ni Bea na nasa baba na ng floor. “Sorry. Hindi ko na kasi kaya,” paumanhin ni Gerald sa ka-partner. Halata na may kinkimkim itong sakit dahil namumula ang braso. “Naiintindihan ko naman, senior. Salamat pa rin at nakatagal tayo,” sagot ni Bea at ngumiti rito. Ang sakit n’yon ah! Hindi man lang siya nailapag ng maayos! Ngayon ay dalawa na lang ang natitira at mukhang hindi rin padadaig ang team ni VJ at Julie. Sa huli, parehong panalo ang dalawa. “Ibaba mo na ako.” Imbes na ibaba ni Lance ang dalaga ay naglakad ito patungo sa gilid at ingat na nilagay si Olivia sa mesa para doon maupo dahil kanina pa nagtitimpo ang b*rat niya na naninigas. Kaya ring rabe ang pag-angat niya sa pang-upo ng dalaga para hindi nito matamaan ang ari niya. Nagtataka ang dalaga ngunit agad s’yang naglakad papuntang banyo at doon ibinaba ang shorts na suot kung saan sumasaludo agad ang b*rat niya. Napamura si Lance bago ginamit ang palad para palambutin iyon. Sana lang ay hindi iyon napansin ng audience. Hindi niya rin naman inaasahan na titigas ang junior niya dahil kay Olivia. Nagback fire sa kan'ya ang planong gano’ng posisyon ng dalaga. — [Dahil dalawang team ang nanalo sa laro ay mahahati rin ang oras ng inyong paglabas sa mansion. Kayo ay bibigyan ng tig tatlumpong minuto para gawin ang gusto niyo. Ang inyong oras ay magsisimula na ngayon.] Agad na lumakad palabas si Olivia. Nakabihis na rin siya at nakasuot ng mahabang palda at pulang t-shirt na may maliit na ribbon sa may neckline sa gitna. Tumungo siya sa isang tent kung nasaan kumakaway sa kan’ya ang kan’yang manager na si Ate Macy. “I’m so proud of you, Olivia! May good news ako sa’yo,” natutuwang aniya ng manager at ginaya siya sa loob ng tent kung saan binigyan sila ng privacy ng staff. “Talaga? Ano ‘yon, Ate Macy?” Kinuha ni Macy ang isang phone at pinakita iyon kay Olivia. “Umabot na sa 100 thousand followers ang account mo! At hindi lang ‘yon, tumawag sa akin ang boss at may nakakausap daw silang brand na mag-offer sa’yo ng endorsement! Sabi ko na nga ba at makukuha mo rin ito paunti-until. Kailangan lang i-push.” Abot langit ang ngiti ni Macy dahil sa balitang 'yon. Dito na magsisimula ang kasikatan ng alaga niya. “Talaga?” Hindi makapaniwala si Olivia. Ibig sabihin nito ay dumarami na ang fans niya at may nakaka-interest na rin sa kan’yang brand! “Oo. Kaya dapat galingan mo sa loob. Sa tingin ko naman ay nakatutulong iyong Lance sa reputasyon mo para tumaas. Mukha ring positive ang production staff sa pinapakita mo. Huwag mong hahayaan na maalis ka sa show naiintindihan mo?” Tumango si Olivia. Mayroon pa silang pinag-usapan ng kan’yang manager at mabilis lang din dahil sa oras na binigay. — “Gusto mong gawin ko ‘yon?" pagsisigurado ni Xian sa sinabi ng kaibigan na magkasalubong ang kilay. Katulad ni Olivia, binigyan din sila ng privacy ng staff sa isang tent sa labas ng mansion. Sa totoo lang parang siya ang naging assistant ng kaibigan dahil palagi silang magkasama. Minsan pa nga ay nagtatrabaho siya sa kompanya nito. “Yes. Make sure na successful iyon. Dagdagan mo ang clauses sa contract para hindi na humindi. Gawin mo ang lahat para makuha siya.” “Paano ang board? Hindi sila agad papayag sa gusto mong ipagawa.” Ngumisi si Lance. “Kahit ano’ng gawin nilang pagpigil ay sa huli ako pa rin ang masusunod. Kanino bang pera ang gagastusin? Hindi ba’t galing sa akin? Parang humihina ka na ngayon, Xian. Natatakot sa board? Pangalawa ka sa may pinakamalaking shares, kahit i-combine pa ang shares nila, wala pa rin ‘yon sa’yo. Trust me, I know na magiging successful ito.” Napahinga ng malalim si Xian. “Alam ko naman ‘yon at ako matatakot sa matatandang ‘yon? Baka nga isang tingin ko pa lang ay matahimik na ang mga ‘yon.” Wala namang binatbat ang mga ‘yon dahil puro kayabangan lang ang inuuna bago trabaho. Tumingin si Xian sa kaibigan at nakatitig ito sa isang tent kung saan pumasok si Olivia. Oo, kilala niya dahil ito lang naman ang babaeng partner ng kaibigan niya. Ang babaeng mukhang magpapa-interest sa buhay ng kaibigan niya at ng show. “Masyado ka yatang napapalapit sa artistang ‘yon, Lance. Kada gabi tumatawag sa akin ang mommy mo kung kailan daw ipapalabas ang next episode. See? Pati mama ko nakaantabay!” Umiwas ng tingin ang naturan at tumingin sa kaibigan. “Parte iyon ng show at isa pa partner ko siya. Hindi maganda sa reputasyon ko ang pagiging rude sa mga babae.” Blankong tiningnan ni Xian ito. “Eh, gano’n ka naman talaga, ‘di ba? Kaya nga nagugulat ako sa'yo dahil sa kinikilos mo.” Tumalim ang tingin ni Lance. “Parang hindi ka pa sanay.” “Talagang hindi!” Umilag si Xian nang makitang itinapos ng binata ang tissue sa kan’ya. “Tumahimik ka na lang p’wede ba? At gawin ang inuutos ko.” “Okay, boss!” Umaktong nag-salute pa si Xian at tumawa. Pagkaraan ay tumahimik sila. “Anyway,” kuha nito ng atensyon, “nakaraos ka ba kanina?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD