Pumwesto na ang mga kalahok at inihanda ang kani-kanilang sarili para sa laro. Lahat gustong manalo lalo na si Bea at Nadine na kakikitaan bg determinasyon. Pareho kasi ang gusto nilang makuha kapag sila ang nanalo. Ito na ang kanilang pagkakataon para makasama si Lance.
“Huwag kang kabahan, Olivia.” Ramdan ni Joshua na nanginih ang kamay nito habang hawal niya.
“Natatakot kasi ako. Baka maiba ang bagsak ko,” sagot naman ng dalaga. Marunong s’yang lumangoy, pero wala naman kasing kasiguraduhan kung magiging safe ang pagbagsak niya.
“Kaya dapat malakas ka kung gusto kong hindi mahulog, pero kung sakali mang mangyari ‘yon, handa naman ang mga kamay kong saluhin ka.”
“Ready?” tanong ni Nadine.
“Ready!” sabay-sabay na sigaw ng lahat.
Agad na tinarget ni Bea ang team ni Olivia at Joshua. May nakapaskil na ngisi sa labi nito at natutuwa na nakikitang nakakalaban niya ngayon ang dalaga. Hindi naman nagpapadaig si Olivia kahit na maliit siya kumpara dito.
“Itulak mo, Olivia!”
“Talunin mo na ‘yan, Bea!”
Hinawakan ni Bea ang dalawang kamay ng dalaga at niyugyog ito. Hindi bumitaw si Olivia at sinasabayan ni Joshua ang paggalaw ng katawan nito para mabalanse.
Nakakuha ng pagkakataon na makawala si Olivia sa hawak nito at malakas na tinabig paatras ang palad ni Bea na nagsanhi ng malakas na tunog na parang may nasampal.
“Ouch!”
[Wow! Parang personal na ang pagkakatulak mo Olivia kay Bea, ah!]
[Patay ka sa amin!]
[Malamang chicken fight ‘yan. Paano nila matatalo ang kalaban kung 'di nila lalakasan ang tulak ‘di ba? Mga t*nga!]
[I-eliminate na natin ang walang pangalan na artistang ‘yan.]
“Sorry,” paumanhin ni Olivia dito. Tiningnan siya ng matalim ng dalaga.
“Uy! This was just a fight ‘wag n’yong dibdibin,” paalala ni Joshua.
“Pasensyahan na lang tayo!” sigaw ni Bea. Mas naging marahas ang pagtutulak nito sa dalaga na kahit si Joshua ay napapaatras. Maging si Gerald ay napapakunot noo dahil sa lakas ngayon ng dalaga. Pareho silang nagkatinginan ni Joshua at isa lang ang pumasok sa kanilang isipan— seryoso si Bea na talunin si Olivia.
“Ah!” Mabilis na humawak ang naturan sa buhok ni Joshua nang muntik na s’yang mahulog sa balikat nito. Malakas ang kabog ng kan’yang dibdib sa mga sandaling ‘yon.
“Are you okay?”
“Okay ka lang?” magkasabay na tanong ng dalawang lalaki. Syempre kitang-kita ni Gerald ang nangyari. Pinisil niya ang binti ni Bea para magpahiwatig hindi niya lang alam kung mare-realize nito.
“Ops! Hindi ko sinasadya. Pero sabi niyo nga walang personalan ‘di ba?” aniya ni Bea at palihin na ngumiti. Siya pa talaga ang kakalabanin ng babaeng ‘to. Kung alam nito kung ano ang mas nakabubuti ay umatras na ito sa laban.
Tumingin si Olivia sa ibang kasama nila at tanging si Lance at kampo ni Nadine na ang naglalaban. Malakas si Claudia kaya ilang minuto lang ay nahulog na si Nadine sa pool.
“Okay lang ako. Ipagpatuloy na natin.” Mula sa gilid ng kan’yang mata ay nakita niya sina Lance na papunta sa kanila.
Umabante so Joshua at muling naglaban ang dalawa. Nagkagulo na ang buhok ni Olivia dahil sa laro, pero gusto pa rin nitong manalo. Lumapit sa kanila si Bea at hinawakan ang palapulsuan niya sabay kabig at tulak. Napasinghap ang dalaga at ginamit ang isang kamay para itulak ang kalaban.
Pero ‘di hamak na mas malakas si Bea kaya sa pagkakataong nakakuha ito ng tsansa ay ginamit nito ang pwersa para matulak ng malakas si Olivia dahilan para mabitawan ito ni Joshua.
“Olivia!” Tatlong boses ang sumigaw. Malakas na bumagsak ang dalaga sa tubig na agad ding sinakluluhan ni Joshua. Naramdaman ng dalaga ang dalawang kamay na nakahawal sa kan’yang braso at bewang. Nang maiangat siya ay tumambad sa kan'ya ang nag-aaalalang mukha nina Lance at Joshua.
“May masakit ba sa’yo?” tanong ni Lance na hindi inaalis ang hawak nito kahit na buhat pa nito si Claudia sa balikat.
Napaubo ng sunod-sunod ang dalaga dahil sa tubig na nainom niya. “O-okay lang ako.”
Kunot-noong binalingan ni Lance ng tingin si Bea. “Ang lakas ng pagkakatulak mo parang may galit ka sa kan’ya.” Siguro si Lance lang ang may lakas na loob pagsabihan ang mga artistang katulad ni Bea ng ganito sa national TV kasi kung iba ay mag-iisip pa ito na maaaring ikapamahak nito.
“Hindi malakas ang pagkakatulak ko ‘tsaka alam naman niya na kailangan ng force sa ganitong laro lahat naman tayo gustong manalo. Mahina lang si Olivia kaya natalo siya,” inosenteng turan ni Bea. Tsk! See kung ano ang ibig n’yang sabihin?
“Tama na ‘yan. Nasa inyong dalawa kung sino ang mananalo sa huli. Good luck!” putol ni Joshua sa mga ito at inalalayan si Olivia paalis ng pool. Walang nagawa si Lance kung ‘di sundan ito ng tingin na nakakuyom ang kamao.
“Tara na. Tapusin na natin ang laban para makapagpahinga na tayo,” suhestiyon ni Claudia nang tapikin nito ang kan’yang balikat.
Huminga ng malalim si Lance at hinarap sina Bea at Gerald. Kailangan n’yang manalo sa larong 'to. Sumulyap siya sa kinaroroonan ng dalaga at nakita itong inaalagaan ni Joshua. Is he using her for fame?
Ramdam ni Claudia na gigil manalo si Lance. Paano ba naman ay naagawan na ng atensyon sa baby niya. Ipapanalo niya rin naman ito lalo pa't ang pinakanakakainis na lalaki ang kalaban niya.
“Be gentle with me, okay? Hindi ako marunong lumangoy,” kunwaring nag-aalala sa sariling aniya ni Bea. Hindi talaga marunong lumangoy dahil hindi naman siya seryoso sa swimming lesson niya noong college.
Ngumiti lang si Claudia. “Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng pasensya, Bea. After all, this game uses a force to win.”
Pekeng ngumiti rin si Bea, pero sa loob-loob nito ay nanggagalaiti na ito sa inis. Porke ito ang nakasakay ngayon sa balikat ni Lance ay napakayabang na. Kung alam niya lang ay natutuwa rin ito dahil siya ang buhat-buhat ni Lance. Plastik!
Pinanood ni Olivia ang laban sa dalawa. Parehong malakas ang dalawang babae, pero pansim niya na tila dehado sa pagbalanse si Gerald kumpara kay Lance na matigas ang tindig.
Aksidenteng nahawakan ni Bea ang buhok nitong nakalugay kaya nahatak niya ito sanhi para mapaaray si Claudia.
“Bakit parang ang aggressive ni Bea ngayon?” tanong ni Julie na hindi gusto ang nakikita. Hindi kang basta-bastang artista itong si Claudia dahil nasa politiko ang ama nito.
“Kanina pa ‘yan. Naawa nga ako kay Olivia kanina. Grabe pala talaga ang lakas n’yan,” komento naman ni Andrei.
“Ohh!” Napahawak si Joshua sa bibig nang makita ang pagbagsak ni Bea sa pool.
“Panalo! Congrats, Claudia at Lance!”
Tinulungan ni Gerald si Bea na makaahon bago pumunta sa mga kasama nila.
Kinuha ni Lance ang kan'yang tuwalya at pinunas sa katawan niya. Ang mga mata niya ay tumitig kay Olivia bago dumikit dito kaya ang ending ay pinagigitnaan ang dalaga ng dalawang lalaki.
[I smell love triangle between this three.]
[Kunin na ang tatlong 'to sa drama. Give them a big break lalo na si Olivia.]
[Huwag kayong magpatawa. Hindi papayag si Joshua na makapartner ang isang artistang wala namang napatunayan sa industriya.]
“So, Lance sino ang gusto mong maging premyo?” Tumaas-baba ang kilay ni Andrei habang nakangisi dito ng nakaloloko.