Kabanata 8: Weightlifting My Bride

1287 Words
Tumingin si Lance kay Olivia na iwas ang tingin sa kan’ya. Pinunasan niya muna ang mukha at ilang parte ng katawan bago muling magsalita. “Si Olivia pa rin,” casual n’yang sagot na tila wala lang. “Ayaw mo ba ng iba, Lance? Chance mo na ‘to para makakilala pa ng iba,” wika ni VJ. Pansin niya naman na si Olivia pa rin ang pipiliin nito lalo pa’t parang makakapatay kanina ng tingin. Alam niya dahil lalaki rin siya. Maging ang iba ay nakakaramdam din. “Yes. Hindi ka ba magsasawa n’yan? You should give the chance to others. Hindi naman siguro maapektuhan ang partnership na meron tayo ngayon,” segunda ni Nadine. Maging siya na piniling tahimik ay nag-voice out na rin. “Right. You should pick someone else,” Bea also followed. Ipinulupot ni Lance ang kan’yang tuwalya sa katawan ni Olivia na hindi inaasahan ang ginawa niya. “Sa kan’ya ako komportable,” maikling sagot niya sa mga kasamahan na gustong papiliin siya ng iba. Ayaw niya dahil alam niya kung ano ang habol ng mga ito. Mas gugustuhin niya na lang na piliin ulit ang partner niya na parang hindi nagpapaapekto sa kan’ya kaysa sa mga babaeng may motibo sa kan’ya. Umimik si Gerald. “Rules are rules guys. Hayaan niyo na siya kung si Olivia ang pinili niya. Siya ang nanalo ‘di ba?” Bumaling ito kay Claudia na hindi siya pinapansin. “Ikaw sino ang pipiliin mo?” “I won’t choose,” aniya ng dalaga pagkatapos punasan ang kan’yang buhok. “Huh? Bakit?” Tumaas ang kilay nito. “Wala namang rule na hindi p’wedeng walang piliin ang nanalo, right? So, I won’t choose.” Technically, si Andrei pa rin ang partner nito. Napakamot na lamang si Andrei sa kan’yang kilay. Akala pa naman niya ay magkakaroon na ng twist. “Tara na.” — [Magandang araw mga kalahok! Ngayong araw ay ipapakita naming ang votings ng mga nominado noong nakaraang gawain sa Cupid’s Carnival. Ang mga datus na naitala ay batay sa totoong oras na pag-boto.] Ipinakita sa screen ang votings nina Bea at Gerald dahil sila ang natalo sa task kahapon. Makikita na mas marami ang gustong i-save si Joshua na may 77 percent na saving vote kaysa sa elimination votes. Si Bea naman ay hindi nagkakalayo ang porsyento ng votings nito dahil 6 percent lang ang pagitan ng saving votes sa elimination votes. “This is imposible,” bulong ni Bea sa sarili. Bakit marami ang nag-vote na i-eliminate siya. “Hindi kaya may rig sa votings?” she asked a little loudly. [Ang datos na nakikita niyo ay totoo at walang halong daya. Istrikto ang production team na bawal magkaroon ng dayaan sa votings o kahit ano man na maaaring makasira ng sistema ng palabas.] Napahalukipkip si Bea at tumahimik na lang. Kailangan n’yang makausap ang kan’yang manager at manatili sa show na ‘to. Binasa niya ulit ang nasa LED screen at sinabing matatapos ang botohan pagkalipas ng tatlong araw at doon na rin malalaman ang resulta. [Narito ngayon ang inyong pangalawang gagawin.] Nagsiayos ang lahat at nakatutok sa screen ang kanilang mata at pandinig. Ano naman kaya ang pangalawang gagawin nila? [Weightlifting my Bride. Isang laro kung saan patutunayan ng inyong mga partner kung hanggang kailan nila kayang hawakan ang kanilang mga partner. Sa gawing ‘to ay bubuhatin ng mga lalaki ang kanilang mga partner ng kahit ano’ng style at magpapatagalan sa pagtindig. Ang partner na makakatagal ay s’yang panalo at magkakaroon ng isang oras para magkalabas ng mansion at gawin ang gusto nila ng walang nakasunod na camera.] “Really? So p’wede kami komontact sa labas and do whatever we want?” Tila nagpantig ang tenga ni Bea. Good this is good! [Oo. Ang natalo naman ay mababawasan ang kanilang putos at maaaring maging niminado sa susunod na linggo. Humanda na para sa larong ito. Mabibigyan lamang kayo ng limpampung minuto para gawin iyon.] Naginat-inat si Andrei. “Mukhang wrong timing ang laro natin kanina. Baka hindi ko matapos ang larong ‘to dahil napagod din ang katawan ko,” komento nito na nakasimangot. “Hindi kaya napaka-heartless naman ng production para i-timing ‘to. Parang lahat naman kasi tayo pagod,” wika naman ni Julie. “Parang pinag-warm up lang tayo, eh,” aniya naman ni VJ na minamasahe ang kan’yang balikat. The production crew was evil! Plinano ba nila ‘to pagkatapos ng game nila? Tss. Nagsitayo na ang mga ito at pumunta sa lugar kung saan nila gagawin ang laro. Napatitig si Olivia sa katawan ni Lance. Kaya kaya siya nito? Pagod na kaya ito? Sa totoo lang parang ‘di makatwiran ang pinapagawa sa kanila ngatyon lalo pa’t mas malaki ang nakunsumong lakas ng mga lalaki kaysa sa kanilang mga babae. “Ano? Sa tingin mo ‘di ko kayang gawin ‘yon? I can lift you with one arm, Olivia,” mayabang na turan ni Lance nang mapansin ang malagkit na titig sa kan’ya ng dalaga. Mabuti naman at umalis na ang Joshua na ‘yon na akala mo asong sunod nang sunod sa partner niya. “Naniniwala naman ako sa’yong kaya mo, pero hindi ka pa ba pagod?” Umiling si Lance. “Hindi pa. Paano tayo mananalo kung pagod na ako, ‘di ba? Come here.” Lumapit si Olivia sa binata. Hindi niya alam kung ano ang nangyari basta nagsitayuan ang balahibo niya sa batok nang marinig ang tono nito na tila ‘di siya p’wedeng humindi sa utos nito. [Ready. Time starts now!] Agad pinangko na parang prinsesa ni Lance ang dalaga. Agad namang pinaikot ni Olivia ang kan’yang kamay sa leeg nito para hindi sila mahulog. Since nakapang swimming suit pa sila, ramdam ng dalawa ang init ng kanilang magkadikit na katawan. Halos silang lima ay gano’n ang itsura lalo na si Nadine na parang mahuhulog dahil halos idikit na nito ang mukha sa leeg ni Joshua. “Focus, Olivia. I need your cooperation on this game. Gusto mo bang makausap ang manager mo?” Tumango ang dalaga. “Then, focus on me, on us!” Mas hinigpitan ni Lance ang hawak sa dalaga. Inangat niya pa ito kaya napataas ang p’westo ni Olivia. Pinipigilan n’yang ibaba ang tingin sa dibdib nito na malapit sa kan’yang dibdib. It was full and a little big, probably a C cup. Hopefully, hindi na siya magsuot nito sa susunod. Lumipas ang walong na minuto, pero unti-unti nang nabibitawan ni Andrei si Claudia at nang hindi n anito nakayanan ay bumitaw na ito. Nag-sorry pa ito sa dalaga, pero naintindihan naman nito. Sunod na bumitaw ay si VJ na hindi na rin nakayanan dahil sa pagod kanina. Tatlo na lamang na team ang natitira— Joshua, Gerald at Lance. Ramdam ni Olivia na nadudulas ang kamay ni Lance sa likod ng tuhod niya. Tiningnan niya ito at nakitang napakagat ito sa ibabang labi. “Lance,” tawag niya rito. Nabaling ang tingin nito sa kan’ya at hindi napansin ang paglunok nito. “Kargahin mo na lang ako na parang sako,” suhestiyon niya. The man creased his thick eyebrows. “Ano? Bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi ka magiging komportable sa posisyon na ‘yon, Olivia. Besides, hinding-hindi ako papaya lalo na’t gan’yan ang suot mo. Gusto mo bang pagpiyestahan ka ng mga manonood?” may galit sa boses na pangaral ni Lance. He gritted his teeth as he tightened his slipping grip on her legs. “Mayroon akong naisip,” aniya niya at tumingin sa mata ng dalaga. He swallowed again, resisting on eyeing her cherry lips. “Ano ‘yon?” “Wrap your legs around my waist.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD