“Sige. Huwag lang kayo magpapakita sa mga fans kung ‘di ay disqualify na siya sa palabas na ‘to,” babala ni Matteo Kim nang ipagpaalam ni Macy ang alaga nitong si Olivia para mag-shoot ng endorsement ng Glowy products.
“T-talaga? Pumapayag ka kaagad?” Hindi naman maiwasan magulat ni Macy dahil kilala ang taong ‘to na istrikto. Isa pa, inaasahan niya kasing hihindi ito kaya naka-ready na ang sasabihin niya. Mabuti na lang pala, madali itong kausap.
“Yes. Besides, wala naman silang gagawin ngayon basta’t hindi p’wedeng makita sila ng ibang tao lalo na ang mga fans. Alam ko ang nangyari nitong mga nakaraan at hindi maganda kung madudungisan ulit ang pangalan ni Olivia. Nagsisimula pa lang lumubo ang pangalan niya, protektahan mo.” Isang malupit na buhay ang tinatahak ng isang artista. Kung iniisip ng iba na puro ginhawa, saya at maraming pera ang nararanasan nito ay nagkakamali sila, hindi nila alam kung ano ang ginagawa ng mga makapangyarihan sa likod ng camera. Isa sa pinakamaruming negosyo ang industriya ng pag-aartista. Tikom ang bibig ng ilan dahil alam nila na magiging kasiraan nila ang kapalit nito kaya may mga artistang mas piniling umalis na lamang at iwan ang kanilang pangarap.
“Maraming salamat, Mr. Kim! Pangako, walang makakita sa amin sa labas. Ibabalik ko rin siya agad dito kapag natapos na ang shoot.”
Tumango na lamang si Matteo Kim ay nag-sign na umalis na ito gamit ang kamay. Nang makaalis ay siya namang pagdating ni Lance na p’werteng umupo sa upuan kung saan pumwesto si Macy.
“Aalis ka rin?”
“Of course. Kailangan ko rin naman magpaalam sa’yo dahil baka Lunes na ako makabalik. Alam mo naman kung gaano ako ka-busy,” nakangiting aniya ng binata. Kanina pa siya labas at pinapakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa. So, aalis si Olivia ngayon?
“Wala akong pakialam kung ano’ng gagawin mo as long as ‘di madadamay ang pangalan ng show,” malamig na sagot ni Matteo Kim. “Kung ‘yan lang ang pinunta mo dito, p’wede ka nang umalis dahil magpapahinga pa ako.”
Umiling si Lance. “Masyado kang matigas, Matteo. Paano ka babalikan n’yan?”
Mabilis na umalis si Lance sa tent nito habang tumatawa. Naglakad siya papalapit sa tent ni Olivia kung saan nakita niya ito sa loob na nag-iisa. Wala pa ang manager nito?
“A-ano’ng ginagawa mo?!” bulalas nito. Tumaas ang kilay niya at pumasok ‘di batid ang taong nakakita sa pagpasok nito sa tent ng dalaga.
“Nakakagulat pa ang itsura ko? Sa ekspresyon mo parang may gagawin akong masama sa’yo.”
Tinikom ni Olivia ang kan’yang bibig. Eh, mukha nga itong may gagawing masama dahil sa pasilip-silip nito sa labas. Kung hindi niya ito namukhaan ay nakasigaw na siya ng kaylakas-lakas. “May kailangan ka ba?”
“Wala lang. Masama bang tumambay dito sa tent mo? Wala pa naman ang manager mo baka kailangan mo ng kausap?” Actually, hindi din alam ni Lance kung bakit pa siya pumasok sa loob, para siguro paglaruan na naman si Olivia dahil natutuwa siya sa mga reaksyon nito.
“Hindi ko kailangan ng kausap. Okay pa naman ako at masaya kanina kaso dumating ka,” hindi maiwasang isambit ni Olivia ang kan’yang iniisip. Huli nan ang ma-realize niya ito pero hindi siya tumingin kay Lance.
Tumawa si Lance at lumapit dito. “Talaga? Mukhang gusto mo ngang narito ako, eh.” Pinisil nito ang pisngi ng dalaga na kinaiwas naman nito ng mabilis, pero kahit nakaiwas ito ay nahawakan niya pa rin, Ang lambot, namula pa nga ito.
“Lumabas ka na nga. Baka mamaya may makakita sa atin at madungisan ang pangalan mo.” Mahirap na, mukhang sikat na sikat pa naman itong ka-partner niya. Baka pagkatapos ng palabas na ‘to, abangan siya ng mga fan girls nito. Sa lahat yata ng fans ay babae ang pinakadelikado.
“So, what? Wala naman silang magagawa kapag may nagustuhan na ako.”
“Ha? —”
“Nandito ka pala, Mr. Ocampo.” Biglang dumating si Manager Macy at tumingin sa dalawa na may ngiti, ngunit pansin ni Olivia na hindi iyon peke iyon. “Nakita ko ang manager mo, hinahanap ka may pag-uusapan yata kayo?”
Nakita ni Lance ang kaibigan na si Xian na nanlalaki ang mata at nagpapahiwatig sa kan’ya. Huminga siya ng malalim bago nagpaalam sa dalawa. “Right. Mauna na ako, Olivia. Usap tayo ulit.” Tumango siya sa manager ng dalaga nang madaanan niya ito palabas.
Nang masigurong nakaalis na ang binata ay agad na naglakad papalapit si Macy sa alaga niya. “Ano’ng ginagawa n’yon dito? Ikaw, ah. Maging aware ka sa paligid mo, may nakita ako kaninang staff o kung staff ba talaga ‘yon na pabalik-balik sa tent mo, kung hindi ko pa kinausap ay hindi aalis.”
“Pasensya na, Ate Macy. Hindi ko naman alam na pupunta siya rito, eh. Pinayagan na ba tayo ni Mr. Kim?” Nakakainis talaga ang lalaking ‘yon, pati ba naman dito sa labas dadalhin ang pagkamayabang nito? Ipapahamak talaga siya.
Huminga ng malalim ang manager. “Oo. Kaya mag-pack ka na at aalis na tayo ngayon din.”
—
“G*go ka talaga. Napagkamalan pa akong manager ng babaeng ‘yon. Kung hindi pa ako sumunod baka may kung ano’ng gawin ka pa kay Olivia. Hatak na hatak ka na, dude,” komento ni Xian nang makapasok sila sa kotse nito. Hinahanap niya talaga ang kaibigan lalo na’t magsisimula na ang meeting mamaya kailangan nitong magpakita dahil lagot na naman ito sa mama niya.
“Hindi ba ako gwapo?” biglang tanong ng kaibigan na nakapanganga sa kan’ya. Ano ba ang nahithit nito?
“Ano bang tanong ‘yan? Nakita mo na ba ang itsura mo sa salamin? Syempre gwapo ka pa rin. Kaya nga halos babae ang pumupuno sa arena kapag maglalaro ka, eh. Bakit mo natanong? May nagsabi ba sa’yong pangit ka?”
“Wala!” Sumimangot si Lance. “Pero bakit parang walang epekto sa kan’ya ang mukha ko? Wala na s’yang makikitang ganitong itsura.”
Tumawa ng malakas si Xian na nay kasamang hampas pa sa manibela. "Parang alam ko na kung sino ang tinutukoy mo, ah. Usapang gwapo lang. Baka naman kasi sanay na siya makakita ng gwapong katulad mo kaya naman hindi na bago sa kan'ya 'yon o baka naman talagang walang pake sa'yo? Pili ka lang sa dalawa."
"Imposible naman na walang pake 'yon, eh nahuhuli ko ngang nakatingin sa akin."
"Sus! Baka assuming ka lang? Ngayon lang kitqng nakitang conscious sa itsura mo, ah. Akala ko ba nandito ka lang para mag-enjoy? Mukhang namomroblema ka na yata d'yan kay Olivia?"
"Tsk! Nag-eenjoy naman ako. 'Tsaka ano bang iniisip mo? Nilalagyan mo ng malisya ang kung ano ang trato ko kay Olivia." Akala ba nila ay magkakagusto siya sa babaeng 'yon? Imposible talaga! Mataas ang standard niya sa babae at wala doon kay Olivia ang mga 'yon. Hindi niya tipo ang mga cute.
"Napapansin ko lang," naiiling na sagot ni Xian. Hello! Marami nga ang nagshi-ship sa dalawa, eh pero hindi niya na sasabihin iyon.
Lance clicked his tongue. "Punta na muna tayo sa ophthalmologist, kailangan mo nang magpa-check-up ng mata. Iba na yang nakikita mo, nakakatakot na."
“Sus! Iniiba mo lang, eh. Pustahan ba tayo?”