“Hindi mo ba talaga naiintindihan na hindi ko kailangan ng proteksyon mo?” Javi looked at Cali in his most serious face. Iyon na yata ang pangalawang beses na tinanggihan nito ang offer niya. Dapat tumitigil na siya at hindi na ito pinipilit pa. For Pete’s sake, he’s a De Luna and his surname holds a most powerful position in the country. Pamangkin siya ni President Rigor De Luna at bilang miyembro ng pamilya naroon ang pagiging entitled nila sa lahat ng aspeto mapa-ekonomiya ‘man o pulitika.
Nagpa-enlist siya sa Philippine Army para makalayo sa limelight na dala ng kanyang apelyido. Ngunit maging sa loob ng military ay special ang treatment sa kanya na mariin niyang tinatanggihan. Dahil utos ng kanyang uncle kailangan lang din sumunod ng mga tao sa paligid niya. Sa totoo lang naiinis siya at naging De Luna pa siya. He’s seeking for a normal life. Iyong buhay na walang nakamansid sa bawat kilos niya at walang protocol na kailangan sundin.
“Bakit ba ayaw mo? Dahil ba gusto mo ako?” Prangka niyang tanong dito. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Nakakagulat din naman kasi na sa kanya pa nang galing iyong gano’ng klase ng tanong. He’s known for his stiff and touch-me-not aura. Bihira nga na may makakita sa kanya na tumatawa at bukod tanging si Macoy lang ang nakakita noon. Bakit niya nga natanong iyon? Curious siya sa sinabi ng kakambal nito na may gusto ito sa kanya.
“May sapi ka ba? For your information, may boyfriend ako at hinding hinding hindi kita magugustuhan, ever!” sagot nito sa kanya. “Okay ako at kaya kong protektahan sarili ko.”
“Okay. If ever na magbago isip mo, you know where to find me.”
“It will never change, Javi.” Tumayo ito saka binukas ang pintuan at giniya siya palabas. Sinara agad ng dalaga ang pintuan pagkatapak na pagkatapak niya sa labas ng opisina nito. Napatingin siya sa assistant nitong naka-upo sa labas. Napabuga siya ng hangin.
Ano pa ba ang pwede mo danasin sa kamay ni Aurora Calida Dominguez? Tanong niya sa isipan.
Pasalampak na naupo si Cali sa swivel chair niya matapos maihatid palabas si Javi. Hindi siya makapaniwalang maitatanong sa kanya nito iyong gano’ng klase ng tanong. Pakiramdam niya naging sobra siyang defensive sa paraan ng pagkakasagot niya dito. Aaminin niya dati gusto niya ito at alam niyang nasabi niya iyon sa kakambal niya. Naniniwala naman siyang hindi ibubulgar ni Macoy ang sikreto nilang dalawa. Hindi naman kasi ito kasing daldal ni Joaq. Pero paano nagawang itanong sa kanya ni Javi iyon? Kiniling niya ang kanyang ulo sa mga naiisip.
Isang tunog mula sa kanyang cellphone. It is a text message from Samuel Lim – her long time boyfriend. Ayon sa text nito, nasa ‘baba ito at nais siya makita nito. Nagmamadali siyang tumayo at mabilis na lumabas sa kanyang office. Ngayon lang niya ulit nakita ito after two weeks nitong pagiging abala sa trabaho. Gaming Director ito sa MEC at napaka-demanding ng trabaho nito. Kung dati, halos araw araw sila nagkikita nito ngayon naman swerte na kung dalawang beses sila lumabas na dalawa.
Nang makarating siya sa labas, agad niya nakita si Samuel na nakatayo at abala sa kung anong ginagawa nito sa cellphone. Nilapitan niya ito saka niyakap. Mabilis naman iyon kinalas ni Samuel at hinawakan siya sa magkabila niyang braso. Dati naman malambing ito sa kanya pero para may iba ngayon. Sinubukan niyang iniwaksi sa isipan niya ang mga iyon.
“Kumain ka na ba? Gusto mo ba kumain muna tayo somewhere,” aniya sa kasintahan saka luminga linga sa paligid. May mga restaurant na malapit sa Inkwell at ang iba doon ay hindi pa niya nakakainan. Palagi kasing sa cafeteria lang kinukuha ang pagkain na dinadala sa kanya. Ngunit matapos may magtangka maglason sa kanya, ayaw na muna niya kumain doon. Muli siyang napatingin kay Samuel na nakahawak pa din sa magkabila niyang balikat. “May problema ba?”
“Let’s end this relationship,” wika nito sa kanya. Her lips parted as she hears those words coming from Samuel’s mouth. He’s been her boyfriend since college. Kahit Pilipinas-South Korea ang routine niya, nag-work naman ang relasyon nila. Kahit na madami nagsasabi sa kanya natural playboy si Samuel ay hindi niya pa din sinukuan ito. “Mag break na tayo, Cali. Its not you, its me,”
Ang palasak naman nang huling sinabi nito sa kanya. Madami namang pwedeng break up line bakit iyon pa? Does he think she’ll buy that break up line? She scoffed and untangles his hand from her shoulder. Humalikipkip siya sa harap nito at pinilit ang sarili na magtimpi.
“Is there a new girl? Is she more feminine than me?” Hindi nakasagot si Samuel sa dalawang magkasunod niyang tanong. Alam naman niyang hindi siya gaano ka feminine kung kumilos. Mas madalas natatakot pa sa kanya ang lahat ng mga lalaki dahil sa galing niya sa martial arts.
“Walang iba, Cali. Ako lang yung problema,” anito sa kanya.
“Then, tell me what the problem is.” Sigaw niya na tila hindi na ininda na nasa pampubliko silang lugar na dalawa. Iginala niya ang kanyang tinigin sa paligid at napansin niyang may mangilan ngilang nakatingin sa kanilang gawi.
“The problem is me. Iyon na ‘yon, hindi na ako mag-e-explain pa,” sabi nito sa kanya saka tinalikuran siya. That’s it; they ended like that with no valid explanations. Pinagmasdan niya ang paalis na si Samuel. Nakagat niya ang ilalim na labi at nakuyom ang magkabila niyang kamao dahil sa sobrang inis. How dare he leave her in a dark grey area?
Samuel was her first boyfriend and first in everything. Her innocence – if she really has – had corrupted by him. Minahal niya ito ng higit sa nararapat kulang na nga lang lagyan niya ito ng korona at bilhan ng sarili upuan. Ang hindi lang naman niya nagawa ay ang ipakilala ito sa mga magulang niya lalo na sa Lola Divina niya. She knows how high her Lola’s standard is. Dapat ang lalaking makakatuluyan niya balang araw ay mapapakinabangan ng buong pamilya nila. Just like Paola – her cousin Joaq’s wife and Bernice – her twin brother’s estranged wife. Ang mga ito ang naging epitome ng mga dapat ipakilala niya sa Lola Divina niya.
So far, si kuya Niko palang sumusuway sa Lola nila matapos nito pakasalan ng lihim ang childhood penpal nito. She knew that Migs will follow their kuya Niko’s path if only Via and him fix their misunderstanding in the past. Resulta lang naman iyon ng gawain ng Lola nila. Maging si Iñigo, suki din ng mga blind date projects nito. But just like hers, if fails. Akma siyang papasok ng Inkwell Creatives ng may biglang humila sa kanya papasok sa isang white van at nagtakip ng puting panyo sa kanyang ilong. Naging dahilan iyon upang bigla magdilim ang kanyang paningin at tuluyang mawalan ng malay tao.
“Brad, ‘di kaya sumabit tayo dito?” tanong ng lalaking unang namulatan niya ng mata. Naka-black na jacket iyon, ripped faded jeans, rubber shoes ang suot sa kausap nitong naka-gano’n din na bihis. Hindi niya alam kung nasaan siya pero naramdaman niyang naandar ang kinaroroonan niya. Amoy niya din ang nakakasulasok na amoy ng kinahihigaan niyang upuan. Her hand and feet were tied tight and her mouth is sealed with an elastic tape. Sino ang mga ito at saan siya dadalhin? Hindi alam ng mga lalaking patuloy pa din sa pagtatalo na gising na siya. Gumawa siya ng paraan upang maharan na makaupo at maalis ang nakatali sa kamay at paa niya. Natigil lang siya nang magsalita ang inaaway noong lalaking nag-aalala na baka sumabit ang mga ito.
“Patahimikin na natin. Tutal malalaman niya na hindi siya ang talagang target natin kung ‘di ang anak ni President Rigor De Luna. Pagka-dispatya natin sa babaeng iyan, sibat tayo agad para dukutin ang totoong target natin,” Muli siyan nagpanggap na tulog. Kailangan niyang makatakas sa kamay ng dalawang ito. Ngunit paano niya gagawin iyon gayong wala siyang lakas na kalasin ang tali sa kamay niya’t paa. She needs help. Nasaan na si Javi?
Gaga, nalimutan mo na bang tinanggihan mo ang offer niya? Mariin siyang napapikit dahil sa naalala.
“Pwede naman pakinabangan muna natin bago natin i-dispatsya,” saad pa nang lalaking namulatan niya kanina. Kahit hindi niya idilat ang mga mata niya alam niyang nakatingin ito sa kanya. At sure siyang may halong kamanyakan ang klase nang tingin noon.
“Mamaya pero kailangan natin magpa-gas muna,” sabi muli ng isa. Nakaisip siya ng ideya nang madinig ang sinabi nitong kailangan ng mga ito na magpa-gas. Pinakiramdaman niya ang paligid. Nang huminto iyon at bumaba iyong dalawang kidnapper niya, doon siya nakakuha ng chance na kalasin ang pagkakatali sa mga kamay niya. Hindi na baleng masugatan siya dahil ang mahalaga, makuha niya ang cellphone sa loob ng secret pocket niya at makapag-iwan ng SOS message kay Javi. Alam niyang ma-ge-gets naman iyon ni Javi bilang taga-army ito at bihasa sa mga gano’n klase ng kidnap situation. Who would’ve thought she’ll need his help right now? Mabilis niyang kinalag ang pagkakatali sa paa niya at maharang bumaba ng sasakyan. Patakbo siyang tumungo common CR ng gasolihan at doon nagtago.
Come on, Javi, I badly need your help… sigaw niya sa isipan.