A GRIN FLASH ON JAVI’s face upon seeing numbers of missed call he got from Cali. May mga text message pa na galing din sa dalaga. Binuksan niya iyon at puro SOS at cursed words ang nabasa niya. Nangunot ang noo niya matapos iyon mabasa kaya naman agad niya pinindot ang dial icon sa gilid ng pangalan ni Cali. After two rings, someone answered his call and its not Cali. Tinanong niya kung bakit hawak nito ang cellphone ni Cali maging ang lokasyon noon. Mabilis siyang lumabas ng bahay niya at tumungo sa kotse. Agad niya pinasibat iyon patungo sa lokasyong nakuha niya sa sumagot sa tawag niya gamit ang cellphone ni Cali.
Dapat hindi niya ito iniwan kanina sa opisina nito. Dapat manatili siya kahit pinaalis siya nito. Umiral kasi ang pagiging egoistic niya nang pangalawang beses siya nitong tanggihan. Napaka-imposible kasing babae ni Cali. Akala lang ni Macoy na kaya niya i-tamed ang kakambal nito. Cali is not easy to handle inside and out. Pakiramdam niya palagi siyang nasa giyera nito sa tuwing magdidikit sila. And to think that, Cali wouldn’t contact him for no reason.
Nang dumating siya sa gasolinahan, sinalubong siya ng mga pulis kung saan nag-report ng mga empleyado ang nangyaring barilan doon. There was blood everywhere.
What the hell happened here? Where is Cali? Sunod sunod niyang tanong sa kanyang isipan.
Isa sa mga pulis ang nag-explain sa kanya sa kung anong nangyayari. Cali got escaped from the van and the attendants help her to call the police. Naka-tunog ang isa sa mga kidnapper at binaril ang isa sa mga attendant doon. Nang dumating ang mga pulis patuloy ang pagputok ng mga sa suspect sa baril kaya naman nagset up ang mga ito ng sniper at inutusan na barilin ang namamaril na iyon sa loob.
That action escalates only the situation. Naging hostage sa loob si Cali at ilang mga attendant pa. Huminga siya muna ng malalim bago nagsalita. “What his demands?” tanong niya sa mga pulis.
“Doktor para sa nabaril na kasamahan niya at get away vehicle para makatakas sila.” He gritted his teeth. Napaka-demanding naman ng mga hostage taker na may hawak kay Cali. “One of the hostages got shot in the arm.”
His eyes widened as he looked at the police officer who’s explaining the situation.
“Who?”
“Cali Dominguez.” Sagot ng police.
“Damn!” Nakuyom niya ang kamao dahil sa narinig. He need to take actions now or else it will be a repeated history because of his negligence. Matama niyang dinukot ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang tanging tao na makakatulong sa kanya na iligtas si Cali. After the call, everyone around him got alerted by a call and instruction from the Palace. Bravo Team of Philippine Army will take over and he will lead it. One of the hostage victim came from a prominent family and he should not waste any time now.
“FIRST LIEUTENANT DE LUNA, you have a long distance video call from Captain Dominguez,” wika ni Staff Sergeant Mendoza. Ibinigay nito ang cellphone sa kanya at doon nakita niya ang seryosong mukha ni Macoy. He reminded him of Cali on that serious face. Mas lalo tuloy siya naging eager na mailabas doon ang dalaga. Nasa South Korea si Macoy para ayusin ang gusot nito sa asawang si Bernice. Binilin nito sa kanya ang kakambal ngunit wala pa isang buwan iyon na agad ang nangyari. He saluted him as a sign of respect.
“What’s the situation there? How’s all the hostages?” tanong nito sa kanya. Macoy asked in general. Concern siya sa lahat hindi lamang sa kapatid nito. Samantalang siya ang tanging si Cali at kaligtasan nito ang iniisip.
“Nagdedemand ang hostage taker ng doktor at getaway vehicle. One of the victim got shot and that’s Cali.” Nakita niya ang pagbabago sa ekspresyon sa mukha ni Macoy nang masabi niya ang kondisyon ng kapatid nito sa loob. “Naka-porma na ang buong team at naghihintay na lamang ng advise na maari na kami pumasok para iligtas ang mga hostage.”
“Make sure everyone will not be hurt. That’s my order as your Captain, First Lieutenant De Luna.”
“Yes sir,” sambit niya saka muling sumaludo dito.
Natapos ang pakikipag-usap niya kay Macoy. Agad siya nagbigay ng signal na pasukin na ang loob ng convenience store. Since they’re all armed, they easily captured the hostage taker. Isa isang inilabas doon ang mga na-hostage na attendant habang siya nilapitan si Cali na nakahawak sa tama nito sa braso. Hinubad niya ang suot na bullet proof vest at sinuot sa dalaga. Inalalayan niya ito ngunit dahil sa sugat ay nanghihina pa ito. Akma niya bubuhatin ito pero isang putok ng baril ang pumukaw sa kanyang atensyon. The next scene he witnessed is he bleeding due to gun shot in his back.
Mabilis ang naging kilos ng mga kasama niya at nakuha sa isa sa mga hostage taker ang baril. Nilapitan siya ni Cali at hinawakan sa magkabila niyang pisngi. “Hoy, bakit sa lahat sundalo ikaw ang tanga? Nakakainis ka! Tandaan mo hindi ka pwede mamatay,” wika ni Cali sa kanya.
“At sa lahat naman ng hinostage ikaw ang may gana pa magalit sa nagligtas sa buhay mo.” Sagot niya dito.
“Huwag ka na magsalita baka umikli pa ang buhay mo at maging kargo de konsensya pa kita,” He scoffed. Hindi na nga nagsalita at dumating ang isang kasamahan niya upang lapatan sila pareho ang first aid bago dalhin sa ospital. Seeing Cali who doesn’t get affected by the recent hostage situation makes him ravish her more. She’s such a strong girl and no one – nothing rather – can beat her. That’s his assumptions to her and he know it may vary as time goes by.
NAKASIMANGOT na nakatingin si Cali screen ng laptop na nakapatong sa overbed table. Sa screen naroroon ang kakambal niya na si Macoy na kasalukuyang nasa South Korea. Kanina pa niya ito kausap at napag-alaman niya dito na simula sa araw na iyon, magkakaroon na siya ng tatlong bodyguards na lubos niyang tinututulan. It’s her Lola Divina’s order and the bodyguards will be coming from Javi’s team in Philippine Army. Akala niya kakampihan siya ng kapatid niya ngunit hindi nangyari iyon. Giniit pa nito lalo sa kanya na kailangan niya ang proteksyon galing kay Javi.
“Kailan ka makakalabas sa ospital?” tanong sa kanya ni Macoy.
“Bukas makakalabas na ako dito,” wika niya sa walang ganang tinig. Gun shot wounds lang naman iyon sa kanyang braso pero kailangan ma-confine ng limang araw dahil sa pagiging OA ng mama at tita Estelle niya. “Can you talk to them, Mac? Hindi ko naman kailangan ng tatlong bodyguards, eh.”
“It’s Lola’s decision not mine anymore,” anito sa kanya.
“But it all start when that soldier friend of yours came to my life.” Sarkastiko niyang sabi sa kakambal. Naiinis pa din siya sa existence ni Javi at mokong naman niyang kapatid tinawanan lang siya.
“Javi got reinstated after saving your life.” Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang salitang reinstate. Ibig ba na sabihin noon ay wala na ito sa army noong uba itong lumapit ito sa kanya? “Dapat mag-thank you ka doon dahil kahit sinusungitan mo siya, niligtas ka parin niya.” She rolled her eyes after hearing Macoy’s demand.
“Does reinstatement mean you have to dodge every bullet for civilians like us?” Curious niyang tanong. Hindi sumagot ang kakambal niya. Syempre, umiral na naman ang vision and mission confidentiality na motto na yata ng kapatid niya. Natapos ang pag-uusap nilang dalawa at napadpad na siya sa mga email niya na hindi nabasa nitong mga nakaraang araw.
Bumukas ang pintuan ng kwarto niya at niluwa noon ang tatlong lalaki na pawang mga naka-formal attire. Ang isa sa tatlo ay si Javi na ngayon lang niya ulit nakita matapos nito harangin ang bala na para sa kanya. He still wearing his most serious face and touch-me-not aura. Besides that, he really look dashing in that outfit. Paano pa kaya kung naka-uniporme na ito kagaya ng sa kakambal niya? Minsan na niyang nakita iyon at tila nais pa niyang muli makita ito na nakasuot ng uniporme nito. Lihim niya kiniling ang kanyang ulo.
Ano ba iyong iniisip niya? Kagagaling lang niya sa break up at mag-iisang linggo pa lang mula ng mangyari iyon at pangingidnap sa kanya. How cruel the fate is? Her ex dumped her, someone tried to kill her and got kidnapped. Lahat iyon nangyari sa loob ng isang araw.
“Cali, this is Second Lieutenant James Morales and Staff Sergeant Rafael Mendoza. Sila ang kasama ko para bantayan ka 24/7,” wika ni Javi sa kanya. May diin sa salitang bantayan at 24/7 para marahil i-emphasize na wala na siyang magagawa pa para pigilan iyon. Malakas din mang-asar ang lokong sundalo na kaibigan ng kapatid niya. “I already have your everyday schedule in office and in your normal life. Kung may idadagdag ka, you have to ask permissions before you can go.”
Sasagot sana siya para kontrahin mga sinabi nito ngunit tumigil nang may pumasok na email mula sa inuupahan niyang private investigator. Sinundan niya sa loob ng limang araw si Samuel at ang mga naka-attach na larawan doon ang pruweba na may iba ito kaya ito nakipaghiwalay sa kanya.
“Does your guns has a load?” tanong niya sa dalawang kasama ni Javi. Tumango naman ang dalawa. “I need it to kill someone.”