Prologue
Natigil si Javi ng may maulinigang mga kaluskos mula sa kwarto niya. Marahan siya lumabas ng banyo at dinampot ang baril na nakapatong sa mga hinubad niyang damit. Naging hobby na niya na bitbitin ang baril kahit saan siya magpunta. Pakiramdam niya palaging may threat sa buhay niya kahit pa hindi na siya active member ng Philippine Army. Nagpatuloy siya sa paglakad papunta sa pinanggalingan ng mga kaluskos. Pinagtatakhan niya na hindi kumahol ang aso niyang si Moly na alam niyang gising pa ng mga oras na ‘yon.
Malamig na hangin ang tumama kanyang balat at nagmula iyon sa bukas na bintana sa kanyang kwarto. Naalala niyang sarado iyon bago siya maligo. Sinigurado niya din na nakasara ang mga pintuan at nakabukas lahat ng ilaw. Kung sinuman ang pumasok na iyon sa bahay niya, malamang hindi nito na-distrongka ang bagong security lock sa pintuan niya kaya sa bintana na lang ito nagdaan. At isang tao lang ang kilala niya na may gano’ng kakayahan. Si Macoy.
“Hilig mo pa din talaga i-pakita sa iba iyang katawan mo, First Lieutenant Javier Isaac De Luna,” Tinutok niya sa nagsalita ang baril at tama nga ang hula niya, si Macoy nga iyon. Sa tabi nito nakahiga ang aso niyang si Molly. Binaba niya ang hawak na baril saka kinuha ang tuwalyang nakasampay sa single seater sofa.
“What are you doing here?” tanong niya saka lumakad patungo sa bukas na bintana at matamang sinara iyon. Sunod niyang dinampot ang bimpo at tinuyo ang kanyang buhok. May kahabaan na din iyon at kailangan na niyang bumisita sa taga-gupit niya. “Are you done with your Korean military service?” tanong pa niyang muli.
“Yes.” Maikli nitong sagot sa kanya. Macoy is a half Korean, half Filipino and son of Dr. Jose Ezekiel Dominguez and Korean Actress Marisse Lee. May kakambal itong babae si Aurora Calida Dominguez na sa pagkakaalam niya ay nasa Korea ngayon naka-base. “I have a mission for you.” Diretsong sabi nito sa kanya.
“You’re not my captain anymore at hindi na ako parte ng Philippine Army, Macoy,” Sarkastiko niyang tugon. Noong pareho silang nasa Philippine Army, si Macoy ang tumatayo niyang captain at siya naman ang partner nito sa lahat. Magaling sa sila pareho sa martial arts, paghawak at pag gamit ng baril at pag-detonate ng bomba. Macoy is one of the best snipers, too. Matagumpay lahat ng misyong inatang sa kanila liban lang sa isang misyon na nag-lead sa kanyang pag-alis sa Philippine Army.
“I want your service to protect my sister. Lately, nakakatanggap iyon ng mga threats at hindi ko pa din alam kung bakit.” He scoffed. Alam niyang alam nito ang dahilan kung bakit nakakataggap ng gano’n ang kakambal nito. Cali is known for her attitude towards other people. Malamang madami na naman naiinis dito ngayon at umabot na iyon sa pagpapadala ng mga threat. “Cali needs your help,”
“Kung hindi ko kilala ang kapatid mo baka naniwala ako. She can protect herself and we both know that she’s a four strips black belter in judo and jiu jitsu at may criminal record pa siya.”
Cali’s criminal record happened when a guy tried to harass her in the elevator. Nabugbog nito iyon na halos mapatay na. Malakas lang ang mga Dominguez kaya nabayaran ang biktima at nairuong ang kaso laban sa dalaga. But their money doesn’t erased Cali’s criminal record. Habangbuhay na iyong tatak ng pangalan nito at kung sino ‘man makakakilala sa dalaga iyon agad ang maalala. He’s not against to Cali’s action. Proud pa nga siya sa ginawa nito pero hindi niya magawang ipakita dahil inis ito sa kanya sa hindi niya malamang kadahilanan.
“I just want her safe. Babalik na siya sa Pilipinas bukas at magta-trabaho na sa Inkwell Creatives.” Kailan ba ang huling beses na nakita niya ito? Noong araw na tinanggap ni Macoy ang captain rank nito. Ang dalaga ang naglagay noon kay Macoy at iyon din ang araw na naramdaman niya kung gaano ito kainis sa kanya. “She hates you but I know you can tame her,”
“Paano ka nakakasigurado? Kambal kayo pero sobrang laki ng pagkakaiba niyo.”
“Kasi alam ko na may gusto siya sa ‘yo,” Natigilan siya sa sinabi nito. Imposibleng mangyari iyon at hindi kailanman mangyayari iyon. He knows Cali’s ideal type. Mas gusto nito ang mga baby faced guy kasya sa mga katulad niyang may strong appearance and features. Being an Army member, he develops a matured physique due to multiple numbers of trainings everyday. “Protect her for me. Babalik ulit ako sa Korea para kay Bernice at matatagalan ako doon kaya sa ‘yo siya binibilin.”
Bernice is Macoy estranged wife. Sa sobrang gulo ng love story ng dalawa, napagod na din siyang subaybayan iyon. But he wants them to fix their relationship. Nasasayangan siya at alam niyang si Bernice ang tamang babae para sa kaibigan niya. Marahas siyang napabuntong hininga. Wala din naman siya magagawa at kahit tanggihan niya iyon, pipilitin lang din siya ng kaibigan niya. “Fine, I’ll do it,” aniya dito.
“Here are her flight details, be at the airport earlier than her arrival. I know her a lot.” Natawa siya sa sinabi nito sa kanya.
“Don’t worry; I won’t let her escape,”
Nakasibangot si Cali nang lumabas siya sa immigration gate. Sobrang aga nang nakuha niyang flight para lang abutan niya ang lunch date na pilit pinapupuntahan ng kanyang Lola Divina. Ang buong akala niya ligtas na siya sa mga blind dating projects ng Lola niya pero hindi. Dahil siya na lang natitirang single sa kanilang lahat kaya nangingielam na ito ngayon. Umalis siya ng bansa dahil doon ngunit pinabalik din siya matapos takutin na mawawalan siya ng posisyon sa Inkwell Creatives. Ang Inkwell Creatives ay kumpanyang pag-aari ng tita Estelle niya at CEO naman ang pinsan niyang si Iñigo. She works there as a Social Media Director at leader ng isang team ng naglalayon na gawing number one advertising agency ang Inkwell Creatives.
Kasalukuyang nasa number one spot ang Mind Escape Creatives na pag-aari ng mga Sanchez. Nagkaroon ng business merge sa pagitan ng MEC at Inkwell Creatives matapos ikasal ni Paola at pinsan niyang si Joaq. Ngunit nanatili pa din ang goal niyang iyon dahil para sa kanya, pagdating sa negosyo walang mag-kamag-anak. Business is business even the world turns upside down. Nasa number two ang Inkwell Creatives at nasa pangatlo ang Mullen na sobrang competitive. She hates the Social Media Director of Mullen because of what that girl did to her cousin, Migs.
Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa makalabas siya at makarating sa taxi bay ng NAIA. Akma siyang papara ng taxi ngunit may humintong black audi RS4 sa kanyang harapan. Inalis niya ang shades upang mas matingnan iyon nang maayos. Sino naman kaya ang sakay noon? Inignora niya iyon at naglakad patungo sa tawiran. Nasa kabilang side ang mga taxi na maari niyang kontratahin at maghatid sa kanya sa White Plains, QC. Wala na siyang pakialam kung mahal ang singilin dahil ang mahalaga, makauwi siya, makatulog kahit saglit at makapagpalit ng damit bago dumalo sa blind date.
“Cali.” Nahinto siya sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses. Agad siyang napalingon at bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Javi – ang lalaking kinamunuhian niya mula pa noong unang beses na nakita niya ito. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang kanyang maleta. He’s wearing a two piece black suit with black necktie. Kapansin pansin din ang maayos nitong buhok na nakadagdag sa manly aura nito. Aakalain mo na may dadaluhan itong corporate party dahil sa ayos nito. “Your twin brother hires me to babysit you.”
“What?” mataray niyang bulalas dito. “What do you mean by babysitting me?” She tried to ignore how attractive Javi is right now. Dapat naiinis siya ngayon dito dahil iyon naman ang automatic na nangyayari sa tuwing magku-krus ang mga landas nila.
“Protect. I signed an oath to protect you while he’s out of the country.” An oath… Grabe naman ka-pulido ng plano ng kakambal ko, aniya sa isipan.
She scoffed. Humalukipkip siya dito at tiningnan ito diretso sa mga mata. “Do you think I need your help?”
“Alam ko na sasabihin mo ‘yan pero hindi ko pwedeng basta bawiin ang pangako ko kay Macoy,” Ang buong akala niya ay biro lang iyon ni Macoy sa kanya na magkakaroon siya ng bodyguard kapag bumalik siya ng bansa. Her twin brother is not a good joker afterall. Mas warning iyon pagdating sa kanya kaysa biro. Walang sinabi ang kakambal niya na hindi natutuloy at isa iyon sa mga nais nito. Ang may magpo-protekta sa kanya dahil sa mga threat na kanyang natatanggap nitong mga nakaraang araw.
Natakot siya pero mas lalo siyang na-curious kung sino nagpapadala noon sa kanya. She went to much training just to protect herself. Madami na niyang beses na sinabi na hindi niya kailangan ng proteksyon galing sa ibang tao. She knows how to knock out someone and almost killed a perverted guy in the elevator two years ago. Dinemanda siya ngunit nadaan naman lahat sa bayad pero hindi ang kanyang criminal records. “I don’t need your help or service, Javi.” She said to him. She’s about to leave when Javi hold her in her arm. Napaharap siya dito at naging ilang dangkal na lamang layo ng mga mukha nila sa isa’t isa. She smells his after shave perfume and fresh breath makes her heart go crazy. Bakit may gano’n nang epekto ito sa kanya ngayon?
“You need me and I won’t let anyone hurt you.”