Chapter One

1546 Words
Hindi mapakaling paulit ulit na dina-dial ni Cali ang Kakao account ni Macoy ngunit hindi ito sumasagot. Kung kailan kailangan niya ito saka naman ito wala samantalang noong hindi niya kailangan, halos araw araw naman niya nakikita. Kahit mga magulang nila ay hindi alam kung nasaan ito. Ang alam niya, tapos na ang military service nito sa South Korea kaya dapat nakabalik na ito sa Pilipinas. Lahat naman ng pinsan nila iisa ang sagot na pulos hindi nila alam kung nasaan si Macoy. Isa lang naman ang dahilan kung bakit niya hinahanap ang kakambal niya ngayon. Nakatanggap kasi siya ng panibagong threat na nakapaloob sa isang box ng sapatos at naka-ipit sa isang patay na daga. Hindi niya maiwasang mapangiwi siya ng maalala iyon. Agad niya pinatapon iyon sa assistant niya at sinabing huwag ipagsasabi sa buong Inkwell Creatives ang tungkol doon. Nagitla siya nang bigla mag-ring ang kanyang cellphone. It is a call from Iñigo – her cousin and Inkwell Creatives’ newly appointed CEO. “Hey, I’ve been calling your office's intercom, walang nasagot,” Iñigo said to her. Napasilip siya sa labas at nakita niyang wala doon ang assitant niyang si Reign. Malamang nasa cr iyon at nagsusuka. “Is everything alright there?” Naramdaman niya ang pagka-concern nito sa tinig palang. Mas matanda siya ng dalawang taon dito pero bihira lang siya tawagin nitong ate. Ayaw din naman niya magpatawag. “Y-yeah, uhmm, do you need anything from my team?” tanong niya sa pinsan. “Send me the finalize timeline for our wesbsite launch.” Utos nito sa kanya. “Para lang alam mo, kuya Migs already signed a two year contract under Mullen,” Nanlaki ang mga mata niya pagkarinig noon. Agad siya napatingin sa mga trending topics sa internet. Kabilang nga doon ang pangalan ni Juan Miguel at Mullen. “Ano naisipan ni Migs at pumirma siya sa kabila?” Iñigo didn’t answer and in an instant she knew already the reasons. Laura Vianca Loreto is in Mullen as a music director s***h social media director. Sigurado siyang iyon ang dahilan ng pinsan niyang iyon. Tila napawi ng balitang iyon ang takot na kanina lamang ay kanyang nararamdaman. Napalitan ng inis at pagkadismaya ang kasalukuyan niyang nararamdaman. “Whatever it is, he owes us an explanation.” Tama si Iñigo at kapag hindi nagpaliwanag ng maayos si Migs, sasaktan talaga niya ito. Aware si Migs sa rivalry ang MEC, Inkwell Creatives at Mullen – well hindi na naman rivals ang tingin niya sa pagitan ng Inkwell Creatives at MEC. Partners na sila ever since Joaq married Paola – the only girl in four children of Victorino Sanchez. Tinapos na niya ang pakikipag-usap kay Iñigo at matamang binukas ang file na pinapasend nito sa kanya. Nang ma-send na niya iyon ay mabilis siyang lumabas sa kanyang opisina at nagtungo sa cafeteria. She need to in take caffeine to ease her disappointment towards Migs’ decision. Bawat madaanan niyang cubicle, binabati siya ng mga empleyado hanggang sa marating na niya ang cafeteria. Nag-order siya agad ng Ice Americano at nilibot niya ang tingin sa paligid para humanap ng mauupuan. Natigil siya nang maramdaman niyang tila may nakamansid sa kanya. Napahinga siya nang malalim at sunod sunod na kiniling ang kanyang ulo. Sobra na siyang napa-paranoid dahil sa mga threat na kanyang natatanggap nitong mga nakaraang araw. Nang makuha niya ang order niya, tinungo niya ang bakanteng upuan sa dulo. Nilapag niya sa gilid ang inuming ‘di pa nababawasan saka matamang binukas ang bitbit niyang mini laptop. Doon na lang muna siya magta-trabaho dahil nakakalma siya ng amoy ng fresh coffee beans. Inuna niyang ginawa ang email na balak niya isend kay Migs. She wants an explanation now about his decision to side their rival company. Akma niyang iinumin ang in-order nang may umagaw noon sa kanya. “This has poison. Drink this instead,” anang baritong tinig na pamilyar sa kanya. Poison? I almost drink a beverage with poison! Nagpapanic niyang sabi sa isipan. Agad siyang nag-angat nang tingin at bumungad sa kanya si Javi. Inumang nito sa harap niya ang caramel frappe na sinasabi nitong inumin niya. Nang hindi niya tanggapin iyon ay basta na lang nilapag ng binata ang inumin sa harap niya. Sunod na ginawa nito ay pinaupo sa bakanteng upuan sa harap niya ang lalaking hawak nito sa braso. “Sino nag-utos sa ‘yo?” Ma-awtoridad na tanong ni Javi sa lalaking pinaupo nito sa harap niya. Napatingin siya sa paligid at may mangilan ngilan na nakatingin na sa gawi nila. Kaya naman tumayo na siya at nilapitan si Javi. “Let’s go to my office. Doon mo na kausapin iyang lalaki na ‘yan.” Mahina niyang sabi na may konting inis. Bakit ba kasi naroroon ito? Saka, paano nito nalaman na may lalason sa kanya doon? “I-te-turn over ko na siya sa mga pulis. Bumalik ka na sa office mo at huwag ka lalabas hangga’t ‘di ko sinasabi.” Hindi makapaniwalang napatingin lamang siya sa binata. Nalimutan na ba nitong tinanggihan niya ang offer nitong proteksyon a week ago? He’s really persistent with that matter. Napaisip siya bigla, since Macoy hired Javi, baka alam nito kung nasaan ang kakambal niya ngayon. Sinunod niya muna ito dahil may kailangan siya dito at hindi matatapos ang araw na iyon na hindi niya nalalaman kung nasaan ang kakambal niya. Matamang pinagmasdan ni Cali ang nakatayong si Javi hindi kalayuan sa kanyang working table. Matapos nito ma-surrender sa mga pulis ang nahuli nitong lalaki na nagtangka lumason sa kanya ay umakyat ito doon sa opisina niya. Aaminin niyang kahit ang stiff ng aura nito ay gwapo ito at mas papasang model kaysa part ng Philippine Army. Bakit ba niya pinupuri ito? Hindi ba’t mas dapat tinatanong na niya dito kung nasaan ang kakambal niya? Lihim niyang kiniling ang kanyang ulo. Marahan siyang tumayo at lumipat sa receiving area sa loob ng opisina niya. “Alam mo ba kung nasaan si Macoy?” Diretso niyang tanong kay Javi. Hindi na siya magpapaligoy ligoy pa dahil isa pa lang iyon nais niyang malaman dito. “Out of the country,” Pinaikot niya ang mga mata niya nang madinig ang sagot nito sa kanya. Of course she knows that her twin brother is out of country but where? What country and why he’s there? Iyon ang kinaiinis sa mga ito, sobra ang confidentiality ng lahat ng mga misyon nito. Pati mga katulad nilang kapamilya ay hindi pwedeng malaman kung ano at tungkol saan iyon. “Don’t worry, Cali, hindi naman delikadong misyon iyon.” “So, saang bansa siya naroroon?” “South Korea.” Simple nitong sagot. “He’s there to fix and save his marriage.” Marahas siyang napabuga ng hangin. Ang tagal na ni Bernice doon, ngayon lang naisipan ng kakambal niya sundan ito. Isa din kasing mataas ang pride at hinayaan ang asawa na gawin ang alam nitong makaka-apekto sa pamilya nila. She remembers that Bernice filled an annulment case and Joaq was the lawyer in-charge. Talagang nag-init ang ulo ng Lola Divina nila noon kaya pinatapon ito sa South Korea para makapag-reflect sa mali nitong ginawa. Nakasama niya ito doon sa ilang buwan niya pamamalagi doon at halos araw araw ay nag-aaway sila nito. She hates Bernice's guts and the fact she is her sister-in-law. Mahal ito ni Macoy kahit na hindi ito maka-move on sa first love nito at ex-boyfriend naman ni Paola na nagpakamatay. Hindi niya natanong ang kakambal niya kung ano nagustuhan nito kay Bernice. Sobra talaga siya naiinis dito siguro dahil ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang kambal niya. Somehow, she felt some of Macoy’s feelings. “How about the guy awhile ago? Sinabi ba niya kung sino nag-utos sa kanya na lasunin ako?” tanong niya ulit kay Javi. Umiling lang ito bilang sagot. Bumagsak ang magkabila niyang balikat. Lalong napuno ng frustrations ang utak niya. Ngayong alam na niya kung nasaan ang kakambal niya, kailangan naman niya alamin ang identity ng nagpapadala sa kanya ng mga threat. “Someone called that guy awhile ago using a burner phone to put poison in your drink. Pinadala lang din sa kanya iyong poison kaninang umaga.” Paliwanag sa kanya ni Javi. “I tried to trace the courier but there’s no record left either. Parang pinaki-usap lang iyon na i-deliver dito sa company niyo,” Lalo siya na-frustrate sa impormasyon na nalaman niya. Sino ba itong gustong pumatay sa kanya? Ano ba nagawa niyang mali dito para pagtangkaan siya? Kung itatanong niya iyon kay Javi, iisa lang ang isasagot nito sa kanya. The main problem is her attitude towards other people. Kilala niya ito at kahit hindi ito magsalita alam niyang naiinis din ito sa ugaling mayroon siya. But the more that person is hiding, the more I think he or she is coward… aniya sa isipan niya. “I want to know your schedule in office and if you have outside meetings please include it also. Regarding with your private and normal life, expect to be followed around until I haven’t catch that person who wants to kill you.” Naningkit ang mga mata niya at nangunot ang noo sa mga sinabi nito. Akala ba ni Javi tatanggapin niya na ang offer nito? No way! Giit niya sa isipan. Pakiramdam niya lalo lang siya mapapahamak kapag may bantay siya na katulad ni Javi. May mga hidden enemy din ito na gusto din itong burahin sa mundo. Kailangan niya ipa-intindi dito na hindi niya tatanggapin kahit na kailan ang alok nitong proteksyon. If he’s persistent to enter my life, I’ll do everything I can to stay away from him… 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD