Chapter Four

1495 Words
NAABUTAN ni Cali na nakain sina Raffy at James sa dining area ng penthouse na ibinigay ng pamilya niya sa mga ito. Luminga linga niya ang paligid at wala doon ni-anino ni Javi. Nasaan naman kaya ito? Pasado alas siete pa lamang ng umaga at kataka takang wala na ang leader ng dalawang sundalo sa harap niya. Lumakad siya palapit at naupo sa bakanteng upuan sa harap nila Raffy at James. Nakatingin lamang ang mga ito sa kanya at tila nawala na ang gana sa pagkain. “Ituloy nyo lang pagkain niyo. May ilang tanong lang ako para sa peace of mind ko,” aniya sa dalawa. Yes, peace of mind. Nawala iyon matapos ang break up niya, pangingidnap sa kanya at maging pagka-hostage sa kanya isang linggo na ang nakakalipas. Kahapon lang siya naka-labas sa ospital bilang nag-OA ang mama at tita Estelle niya. Naka-leave din siya sa Inkwell Creatives for another week para hindi daw mabinat ang sugat niya. Hindi din muna siya pinayagang mag-train ng judo na weekly niya ginagawa bilang pantanggal niya ng stress. “Ano po ba itatanong niyo, ma’am?” Napangiwi siya nang tawagin siya ni Raffy na ma’am. Ayaw niya nagpa-pa-tawag noon sa dalawa bilang first name basis naman ang tawagan nila ni Javi. “Don’t call me, ma’am. Nakakatanda, okay?” untag niya dito. “Nasaan si Javi?” Unang tanong niya. “Pinatawag siya ni Commander-in-Chief sa palasyo.” Si James ang sumagot sa kanyang tanong. Hanggang ngayon, nalilito pa din siya sa mga rango ng mga ito. Ang tanging alam lang niya, captain ng mga ito ang kakambal niya habang si Javi ang acting captain ngayong nag bakasyon si Macoy. “Sino si Commander-in-Chief niyo?” Curious niyang tanong. “Presidente ng Pilipinas. President Rigor De Luna po.” Tugon ni Raffy sa kanya. “Pamangkin ni Commander-in-Chief si First Lieutenant De Luna.” Her lips parted upon hearing that revelations. Akala niya magka-apelyido lang ang mga ito. Hindi niya sukat akalain na pamangkin pala ito ng presidente ng Pilipinas. Ngayon alam na niya kung bakit ang affectionate ng Lola Divina niya kay Javi. Malaking network at investment pala ang tingin nito sa main bodyguard niya. “Bakit siya tinatawag? May kasalanan ba siya?” Sunod sunod niyang tanong. Nakita niya ang pag-ngisi ni Raffy marahil napansin ang pagiging sobra niyang curious sa leader nito. Basa na niya ang mga gano’n ngisi. Malamang iniisip nitong may gusto siya kay Javi. Nangilabot siya nang maisip ang bagay na iyon. Oo, attractive si Javi, mabango, gwapo, matalino – minsan impulsive pero hindi siya ang tipo niyang lalaki na gusto niya makasama. Pakiramdam niya maging de numero ang galaw niya kapag kasama ito. Hindi mo nga ba tipo, Cali? Eh, halos sambahin mo na sa sobrang dami ng papuring binitiwan mo. Aniya sa isipan. Muli, lihim siya napailing upang iwaksi iyon sa kanyang isipan. “Courtesy call lang po iyon bilang may misyon siyang na-accomplish,” tugon ni Raffy. “Bakit siya lang? Lima kayo ‘di ba na nagligtas sa akin at sa iba pa?” “Hindi ka namin pwede iwan, ma’am. Saka may i-di-discuss din silang usapan na pang-pamilya,” ani James.  “Baka may i-re-reto na naman si Commander-in-Chief kay Sir Javi.” Suhestyon naman ni Raffy. Nalukot ang mukha niya pagkarinig noon. Agad siya tumayo at tuluyan nang iniwan ang dalawa. Dahil wala naman siya gagawin, makukulong na lang siya sa kwarto niya o ‘di kaya sa sarili niyang judo training room na naka-pwesto sa pinaka-dulong bahagi nang ubod ng laki nilang bahay. Wala naman halos tao doon. Abala ang papa niya sa ospital habang mama naman niya kasa-kasama si tita Estelle niya sa pakikipag-sosyalan. Mga katulong at si Raffy at James lang kasama niya doon. I need to do something! Sigaw niya sa isipan niya. Pero ano naman kaya iyon? SA IKALAWANG KATOK NIYA, saka lamang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Cali. Kadarating lang niya mula sa Malacañang kung saan kinausap siya ng kanyang tito Rigor at papa niya tungkol sa pag-aasawa. Ang buong akala niya tungkol lang iyon sa misyon na maayos na nagawa noong nakaraang linggo ngunit naisingit pa din ang bagay na iyon bilang nalalapit na ang ika-tatlumpu’t dalawa niyang kaarawan. Nasa marrying age na siya ika nga nang lahat ngunit ni minsan hindi sumagi sa isip niya ang bagay na iyon lalo pa ngayon na reinstated siya sa posisyon niya. Napabalik kay Cali ang atensyon niya matapos niya mag-space out. Halata dito na kakagising lang nito. Alam niyang wala itong ibang pwedeng gawin sa bahay ngayon naka-house arrest ito kasama nila. Naka-leave din ito sa trabaho nito at ipinagbawal muna na gawin ang mga bagay na ginagawa nito sa pang-araw araw. Sigurado siyang kating kati na ang mga paa nitong gumala at magliwaliw sa labas. “Hinahanap mo daw ako kanina sabi ni Raffy,” aniya sa dalaga. Niluwagan nito ang bukas ng pinto saka pumasok sa loob. Bumalik lang ito doon nang hindi siya pumasok sa loob ng kwarto nito. Nakasimangot na ito gaya ng palagi na pinakapakita sa kanya. “Wala naman patibong sa kwarto ko. Saka hindi kita pagsamantalahan, no!” anito sa kanya. Alam naman niya ang bagay na iyon ngunit mali pa din na pumasok ang isang lalaki sa kwarto ng babae. Inabot nito sa kanya ang isang folder. Kinuha niya iyon at tiningnan kung ano ang nasa loob. Baka kasi tungkol na naman iyon sa ex nito na pilit iniutos nitong i-man hunt nila kaso tinatanggihan lang niya dahil una, hindi sila parte ng kahit anong pribadong security group. Pangalawa, may pinangangalagaan silang reputasyon at huli, bayan muna bago sarili ang motto na pinanghahawakan nila. Nang makita niyang pulos schedule lamang ang nakasulat doon ay mapanatag siya. Ngunit hindi pa din niya mabasa ang iniisip ni Cali. Kung may binabalak ‘man ito ay kailangan maunahan niya ito kung hindi, mapapahamak lamang ito ulit. Seryoso siyang tumingin sa dalaga bago muli nagsalita. “If you have questions, talk to me directly. Hindi ko naman sukat akalain na ganyan ka ka-curious sa akin.” “Alam mo kung ano pinaka-ayaw ko sa lahat?” Umiling siya bilang sagot. “Lalaking ubod ng presko at bilib na bilib sa sarili,” wika nito sa kanya. He scoffed. “Don’t worry. Hindi ko naman kailangan na i-impress ka dahil sabi mo nga malabo mo ako magustuhan.” He saw how Cali gritted her teeth. Mukhang inis na inis na naman ito sa kanya at expected na naman niya na mangyayari yon. Hindi yata kumpleto ang araw nila na hindi nag-aaway o nag kasagutan. “Gusto ko lumabas,” anito sa kanya. “Saan ka naman pupunta?” “Somewhere na malayo sa ‘yo. Sina Raffy at James na lang isasama ko.” Kung hindi lang babae ang kaharap niya, baka kanina pa niya ito nabalian ng leeg. Ibayong pagtitimpi talaga ang kailangan niya i-invest para lang maging matiwasay ang pagseserbisyo niya sa dalaga. Ito ba ang babaeng nais ipakasal sa kanya ni tito Rigor niya? Ni hindi niya ito makitaan ng na magiging mabuti itong asawa. Paniguradong sasakit lamang ang ulo niya kapag ito ang nakatuluyan niya. Nasabi kanina sa kanya ng papa niya ang tungkol sa suhestyon ni Donya Divina tungkol sa pakikipag-date niya sa kaisa-isa nitong apo na babae. Kapag siguro nalaman ni Cali ang tungkol sa bagay na iyon, baka magwala ito. He knows how Donya Divina does the work of setting up her grandchild's future where the family can benefit. Kapag natuloy ang usapan na iyon, siya na ang pinaka-malaking isda na nakuha ng mga Dominguez. “No, I’ll go with you. Baka pasakitin mo lang ulo ng dalawang iyon.” “Fine. Sa mall ako pupunta at may bibilhin lang ako doon,” “Okay. Hintayin kita sa baba.” Sinara na ni Cali ang pintuan. Naiiling naman siyang bumaba at bumalik na sa penthouse nila. Simple lang ang unang bahay na hiniling niya sa mga Dominguez nang tanggapin nito ang kanilang serbisyo ngunit higit doon ang binigay. Old spanish na may halong western design ang penthouse nila. May tatlong hiwalay na kwarto, gym, entertainment room at malawak na garden na konektado sa main garden ng mansion nila Cali. Kumpleto din iyon sa gamit at may katulong na siyang nakatoka na magluto para sa kanila. Hindi pa din mawaglit sa isipan niya ang balak ng papa at uncle niya. Kahit tumutol siya, matuloy at matutuloy iyon kahit walang consent niya. Mahirap talaga lumaki sa political family. Hindi maaaring mahalin kung sino talaga ang tinitibok ng puso. Mas matimbang pamilya kaysa sarili. Ngunit sa kaso niya, tatlo ang kailangan niya timbangin. Bayan, pamilya at sarili niya. Wala naman dapat sa choices ang sarili niya ngunit iyon ang pinili niya matapos mangyari ang dahilan kung bakit siya na-relieve sa kanyang posisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD