chapter 9

1428 Words

Imbes na sumubo ulit ay nabitin sa ere ang kutsarang may lamang pagkain dahil bigla ay naasiwa ako sa patuloy na paninitig nina Zandro at Phil. Maingat kong ibinaba ang kutsarang hawak at seryosong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Magtapat nga kayo, bakit bigla yata kayong bumait sa'kin?" nagdududa kong tanong sa kanila. Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang pagkaing nasa harapan at hinahanapan ng mali kasi baka may kalokohang hinalo ang dalawang ito rito. Lagot na, di na pwedeng iluwa iyong nalunok ko kasa pinag-aagawan na ng mga alaga ko sa tiyan... kulang pa nga eh! Hindi naman lasang panis at lalong hindi amoy panis pero mahirap makasiguro dahil palyado ang ibang senses ko tuwing nagugutom. Nang mag-angat ako ng tingin ay nahuli ko silang dalawa na makahulugan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD