Matapos akong kumain ay inilibot ako ni Phil sa malapalasyong bahay ni Zandro. Parang bahay niya lang noh, feel at home talaga siyang ilibot ako sa hindi naman niya bahay. Sa ganda ng bahay ay di ko napigilang mag-selfie. Para naman may maipagmayabang ako sa mga followers at friends ko sa sss na minsan sa buhay ko ay naranasan ko ring mapadpad sa isang palasyo. Isang napakalaking karangalan sa mga katulad kong karaniwang tao ang makapunta sa bahay ng isa sa mga Carson. Ang nakakaloka pa ay sa mismong bahay ng pinaka-aloof na miyembro ng angkan ng mga Carson na si Zandro ako swerteng napadpad. Kahit alam kong pumapatol sa lalaki iyon ay di naman nababawasan ng kaalamang iyon ang kagandahan ng bahay niya. "Matagal na ba kayong magkakilala ni Zandro?" naisipan kong itanong kay Philip