Akala ko ay dadalhin ako ni Phil sa bahay niya pero nagulat ako nang madatnan ko si Zandro sa pinagdalhan niya sa'king bahay. Pero bahay pa nga bang matatawag itong nakakalulang four-storey house na parang hinugot mula sa isang pangmayamang magazine? Parang isang palasyo yata itong napuntahan ko! Halatang pagmamay-ari ito ni Zandro kasi naka-display sa malawak na receiving area ang malaking portrait ng Mommy nito na si Mrs. Marah Carson. Hindi kahawig ni Zandro iyong Mommy niya dahil nagmana siya kay Sir Zachary, para silang inagbiyak na bunga kaya nakakapanghinayang kung bakla lang ang makinabang sa kanya. Napairap ako sa kawalan nang mapasulyap kay Phil. Ang lakas ng loob mag-aya nito pero sa bahay ako ni Zandro dinala! O baka naman live in na ang dalawang ito! Pahalukipk