bc

IN BETWEEN (SPG)

book_age18+
40.6K
FOLLOW
277.9K
READ
billionaire
possessive
arrogant
boss
bisexual
polygamy
lusty
like
intro-logo
Blurb

Walang kasarian ang pag-ibig.

Walang baklang magka-happy ending naman ang mission ni Shie sa buhay nang pinagpalit siya ng dating nobyo sa isang bakla.

Napakadali lang para sa kanya ang manira ng relasyon ng mga bakla pero naging malaking hamon sa kanya nang napag-alaman niyang may relasyon ang napakayaman, napakagwapo at napakasuplado niyang boss sa lalaking bestfriend nito.

Hindi niya alam kung sino sa dalawa ang bakla dahil parehong nagsusumigaw ang pagiging barako ng mga ito at mukhang siya ang unang masisiraan ng ulo bago niya masira ang relasyon ng mga ito lalo na at magkasing-sarap humalik ang mga gago.

chap-preview
Free preview
chapter 1
"Ano ba Shie, tumigil ka na nga,"nayayamot na saway ng kaibigan kong si Mae sa malakas kong atungal." Kung makaiyak ka parang first time mong maloko ng boyfriend ah!" asar nitong dagdag. Oo, atungal talaga! Dahil kung ganito kasakit iyong nararamdaman mo ay talagang mapapaatungal ka bago mapapaiyak!!! "First time naman talaga!" umaatungal kong sagot. "First time na pinagpalit ako sa isang bakla!!!" " Bakla rin kasi iyong ex mo!" "Hindi! I'm sure , hindi bakla si Brando!" agad kong pagtatanggol sa ex ko. "Pangalan pa nga lang barumbado na! Pero iyong Jay na bwesit na baklang iyong inakit ang boyfriend ko!!" galit na galit kong dagdag. " Ou na...para matapos na tayo! Isang linggo mo nang iningawa iyan, move - on na girl!" napakamot sa kilay nitong sabi. "Anong move on? Lintek! Gaganti pa ako noh!" mulagat kong pahayag. " Ano?" takang tanong ng kaibigan ko. "Sinusumpa ko! Mula sa araw na ito sa ngalan ng puso kong sinaktan, walang baklang liligaya hanggat nabubuhay pa ako!! Sisirain ko lahat ng happy ending nila!!" madrama kong sigaw na ikinanganga ng kaibigan ko bago naiiling na iniwan ako kasama ang durog kong puso. ================== Months later.... Gusto kong matawa nang tumakbo palayo ang isang walking rainbow, excuse my term pero iyon talaga ang nakikita ko dahil sa napakakulay na suot ng baklang pinagkaitan kong lumigaya. "A-anong ginawa mo?" nandidilat na tanong ni Mae habang nakaturo sa tumatakbong rainbow na kumikinding! "Sinabi ko lang iyong totoo, na piniperahan lang siya ng mahal niyang boyfriend at niloloko lang siya nito dahil ako ang tunay na gusto nito," kibit-balikat kong sagot. "Shie!!! Kina-career mo na talaga ang paninira ng relasyon ng mga bakla! Tumigil ka na bago ka pa dumugin ng LGBT!" nanggigigil na sabi sa'kin ni Mae. "Excuse me! No'ng ako ba iyong inagawan ng boyfriend ng kapederasyon nila ay nagreklamo ba ako at ginamit ang Kilusan ng mga Kababaihan laban sa kanila?" nakaingos kong sagot sa kanya. "Ewan ko sa'yo! Ang tigas ng ulo mo! Ilang ulit na ba kitang pinagsabihan na kalimutan mo na iyang obsession mo na gantihan ang mga kauri ni Jay? Si Jay at Brandon iyong nanakit sa'yo! Walang kasalanan iyong iba–" "Enough!!" mabilis kong agap sa panenermon niya. "Recite ko na iyang linyahan mo." "Bakit ba ayaw mong makinig sa'kin?" nayayamot niyang tanong at pinandilatan pa ako ng mga mata. "Nakinig naman ako ah! Kaya nga saulo ko na, 'di ba? Pero ayaw ko lang gawin. Di mo kasi naintindihan iyong naramdaman ko nang pinili ng lalaking nangakong pakasalan ako ang isang katulad niya ring lalaki na nakadamit babae! Di ako matatahimik hangga't 'di ako makaganti, " pigil ang inis kong sabi habang muling bumalik sa alala ko iyong nakaraan. "Bakit hindi sina Jay at Brandon ang gantihan mo?" iritang niyang tanong . "Iyong nga eh! Paano ko sila gagantihan gayong ang saya-saya ng mga p*tang ina habang ako ay miserable pa ring iniisip kong saan ako nagkulang at bakit sa dami-dami ng babae sa mundo ay sa isang bakla pa ako pinagpalit!" Di ko napigilang magtaas ng boses dahil sa panggigigil na nararamdaman. Sumusukong napatitig sa'kin si Mae at pabuntonghiningang umiling-iling. "OK fine!" nagtaas ng dalawang kamay niyang wika. " Kung diyan ka sasaya sa pananakit ng iba ay bahala ka. Kaibigan mo ako kaya nandito lang ako kung sakaling matauhan ka na riyan sa kabaliwan mo. Parang di na kita kilala," naiiling pa niysng dugtong bago ako iniwan. Nahahapo akong napaupo sa malapit na bench ng plaza na pinag-iwanan niya sa'kin. Marahas akong napasuklay ng buhok habang inilibot sa paligid ang paningin ko. Maraming mga namamasyal akong nakikita sa paligid pero medyo malayo ang mga ito sa kinapwestuhan ko. Dito ko talaga sinadyang makipagkita sa walking rainbow na baklang iyon na sinadya kong agawan ng boyfriend. Kasalanan ko bang madali ko lang nauto ang Tim na iyon. Pasalamat pa nga sa'kin ang walking rainbow na iyon dahil hangga't maaga pa ay nadiskubre na niya ang totoong kulay ng boyfriend niya. Speaking of Tim, kailangan ko na palang i-text ang isang iyon na break na kami. May general meeting iyong pinagtatrabahoan kong kompanya mamayang alas diyes ng umaga kaya kailangan ko pang pumasok. Nag-walkout si Mae na siyang sinakyan ko papunta rito kaya wala akong choice kundi mag-taxi. Kahit maipit ako sa traffic ay maganda pa rin iyong mood ko dahil isang bakla na naman ang naunsiyami ang love life. Buti nga sa kanya! ================ Tulad ng inaasahan ay naipit nga ako sa traffic at muntikan nang ma-late ay maganda pa rin ang mood ko nang makarating ako sa pinagtatrabahoan ko. CARSON EMPIRE HOTEL , pinakatanyag na hotel dito sa bansa at maging sa ibang continent. Hindi lang iyong mismong hotel ang kilala kundi maging ang buong angkan ng mga Carson. Halos sinasamba ng mga kababaihan ang nagkikisigang mga kalalakihang Carson. Kahit nga iyong mga may asawa na ay hinahabol pa rin ng mga hindi basta-bastang babae lang kundi iyong mga kababaehang nabibilang din sa mga kilalang pamilya. Makatarungan naman kasi na sambahin ang mga kalalakihang iyon dahil walang itulak kabigin sa mga ito. Kompleto rekados kumbaga! Mabibilang lang iyong babaeng Carson at tulad ng mga kalalakihan sa angkan nila ay pinagkakaguluhan din ang mga ito. "Shie! Buti naman dumating ka na," salubong agad sa akin ng kasamahan ko sa Accounting Department na si Joy. "Sayang di mo tuloy nakitang dumating iyong mga nagugwapuhang Carson!" impit na tili ni Anne. "Grabe! Halos walang humihinga kanina no'ng dumaan sila rito sa department natin," segunda agad ni Caren. Ngiti lang ang sagot ko sa eksaherada nilang pagkukwento. Kahit eksaherada pakinggan ay alam kong totoong nangyari iyon dahil iyon naman talaga ang reaksiyon ng mga kababaihan tuwing nasisilayan ang kahit na sino sa mga Carson. "Alam mo ba kung para saan ang general meeting mamaya?" pang-iintrega ni Anne. Umiling lang ako bilang sagot. Masyado akong focus nitong mga nakaraang araw sa pagsira ng lovelife ni walking rainbow para alamin ang tungkol sa general meeting. Simpleng empleyado lang naman ako kaya di na ako gaanong nag-usisa basta ang mahalaga ay nagawa ko nang maayos iyong trabaho ko. " Itu-turn-over na raw ni Sir Xander kay Sir Zandro iyong pamahala sa Carson Empire Hotel," patiling pagbabalita ng tatlo. "Bakit daw?" taka kong tanong. "Mag-aasawa na ba si Sir Xander kaya ibibigay na niya ang pamamahala sa CEH sa pamangkin niya?" Anak ng kapatid ni Sir Xander na si Sir Zachary iyong tinutukoy nila. "Wala namang napapabalitang girlfriend si Sir Xander ah. Baka totoo iyong tsismis na may asawa na siya at nandoon sa ibang bansa. Usap-usapan kasing aalis papuntang ibang bansa si Sir Xander kasama ang mag-asawang Ma'am Marah at Sir Zachary." Bago pa ako makasagot sa mahabang sinabi ni Joy ay pumasok ang isa naming kasamahan at sinabing pinatawag na lahat sa meeting hall para sa mga empleyado. Halos mag-unahan ang mga kasamahan ko papunta sa meeting hall upang masilayang muli ang mga Carson. Naiiling na lang ako na napasunod sa kanila. Pagdating sa hall ay halos nandoon na lahat kaya sa may hulihan na lang ako naupo. Napansin ko iyong mga kasamahan ko na nakisiksik sa unahan upang mas mapalapit sa mga Carson. Halos fully made-up lahat ng mga nandito at mukhang ako lang iyong nakalimot na magsuklay. Di naman siguro ako mapapansin dahil nandito ako sa pinakahuli. "Good morning." May halong kilig ang good morning ang sinagot ng mga kababaihan sa bati ni Sir Xander. Mapansin kong kasama niya sina Sir Zachary at Ma'am Marah. Nandoon din sina Sir Kian kausap sina Sir Klaus at Sir Kevin, sila iyong notorious Carson triplets. Ang umagaw sa pansin ko ay ang walang emosyon na lalaking nakatayo sa tabi ni Sir Xander. Sa simpleng suot na black coat and tie ay para lang siyang nagpa-pictorial sa isang magazine. Pero iyon nga lang para siyang– "My gosh! Para siyang rebulto sa tabi ni Daddy Xander! Shucks... nakakahiyang mapaugnay sa kanya," bubulong-bulong na sentimyento ng katabi kong babae na kulang na lang ay magtago sa kinauupuan niya. She looks familiar pero di ko maalala kung saan ko siya nakita pero isa lang ang masasabi ko, ang ganda niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya agad siyang umayos ng upo at pilit na ngumiti sa'kin. "Hi," nakangiti niyang bati. "H-hello," nautal kong sagot dahil natulala lang naman ako kasi lalo siyang gumanda dahil sa kanyang pagngiti. "Anong masasabi mo kay Zandro?" deretsahan niyang tanong sa'kin. "Zandro? Sinong Zandro?" kunot-noo kong balik tanong. Maliban ba kay Sir Zandro ay may iba pang Zandro na dapat akong makilala? "Zandro, as in Zandro Carson," nakabungisngis niyang sagot. Nasabi ko na bang ang ganda niya? Pwes uulitin ko, ang ganda-ganda niya. Pero, kung maka-Zandro naman ang isang ito parang katropa niya lang si Sir ah. Imbes na makinig sa pinag-uusapan sa meeting ay natuon ang buong atensiyon ko sa kausap ko. "OK lang naman siya, gwapo siya-" "What????" eksaherada niyang putol sa sinabi ko. "Oh my Gosh! Hanggang 'OK' lang dapat ang description mo sa kanya! Never as in never add the word 'gwapo'! " nandidilat niyang dagdag. Napangiwi ako sa kanya. First time yatang may babaeng hindi nagugwapuhan kay Sir Zandro. Nabaling sa harapan ang pansin ko nang magpalakpakan ang lahat. Nagsimula na ring nagsitayuan iyong mga heads ng iba't ibang department at nakipagkamay sa mga Carson. "At last, tapos na," muli ay sabi ng katabi ko na para bang nakahinga siya nang maluwang. Nang tumayo ito ay tsaka ko lang napansing hindi siya nakasuot ng uniform ng kahit na anong department. "Kapag inaapi ka ni Zandro, just tell me okay?" Muli ay nakangiti siyang bumaling sa akin. "Huh?" tanging nasabi ko. "Alex, you came late." Napalingon ako nang may nagsalita sa likuran ko. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko nang malingunan ko ang seryosong mukha ni Sir Zandro habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa tabi ko na tinawag niyang Alex. Di ko alam kong tatayo ba ako or manatiling nakaupo at manalangin na sana ay di ako mapansin ni Sir Zandro. Bakit nakakakaba sa malapitan si Sir gayong mas naaninag ko kung gaano kakinis at kaperpekto ang seryoso niyang mukha. "The princess is never late!" parang bored na sagot ni Alex dito."Talk to my hand!" Umirap pa ito sa kausap. Gusto kong pumikit at isiping wala ako sa pagitan nilang dalawa. Ayokong maipit sa isang taong kahit sobrang gwapo ay sobrang seryoso naman at sa isang babaeng maganda nga pero walang preno iyong bunganga. "By the way meet my new friend," muli ay sabi ni Alex sabay hila sa'kin patayo at iniharap ako kay Sir Zandro. Kung di hawak ni Alex iyong balikat ko ay tiyak bumigay na iyong mga tuhod ko lalo na at bumaling sa'kin ang matiim na titig ni Sir Zandro. "G-good morning po ,Sir." nauutal kong bati. Isang walang emosyon na tango ang ibinigay nito sa'kin bago muling bumaling kay Alex. "Mom is waiting for you," sabi nito bago tumalikod papunta sa ibang Carson na kausap pa rin ng ibang mga empleyado. Wala sa sariling napahawak ako sa tapat ng puso ko dahil sa sobrang kaba. "Kalma lang girl, sadyang nakakatakot talaga ang mukha ni Zandro kaya nga di halatang kambal kami," muli ay sabi ni Alex. Nang banggitin kanina ni Sir Zandro ang pangalan niya ay agad ko siyang nakilala. Siya si Alexandra Ramirez ang rebellious princess ng mga Carson na kakambal ni Sir Zandro na nagpalit ng apelyido as a sign of rebellion. "Ano nga pala name mo?" magiliw niyang tanong sa'kin. "S-Shie po...Shie Coralles," kinakabahan kong sagot. "Oh...please lang huwag mo akong i-po kasi bata pa ako at friends na tayo. I'm Alex nga pala," pakilala niya. Nailang lang akong ngumiti sa kanya. Di ko alam kung paano makitungo sa mga katulad niyang mayaman na gustong makipagkaibigan sa'kin. Nalaman kong magtatrabaho din sa hotel si Alex kasabay ng kakambal niya kaya tuwing break ay dinadayo niya ako sa department ko upang ayaing kumain. Nagulat din iyong mga kasamahan ko at tulad ko ay nailang din sila nung una kay Alex pero nang tuluyan naming makilala at malaman kung gaano siya kakwela at kagaang kasama ay naging bff na kaming lahat sa loob lang ng ilang araw. Pati si Mae na taga-HR department ay nasama sa grupo namin ng malaman ni Alex na kaibigan ko ito. Nawala na rin iyong tampuhan namin ni Mae nung nakaraang araw at balik na naman siya sa pag-aastang nanay sakin. Maliban kay Mae ay walang ibang nakakaalam tungkol sa love life ko at sa lihim kong galit sa mga bakla. Sina Joy, Caren, at Anne ay mga naging kaibigan ko lang nung magsimula akong magtrabaho dito sa CEH samantalang kaibigan ko mula pagkabata si Mae. "Gala tayo tonight tutal wala naman tayong pasok bukas," excited na aya sa amin ni Alex habang kumakain kami ng tanghalian. Tuwing Saturday at Sunday kasi ay walang pasok kaming mga nagtatrabaho sa office department ng hotel maliban na lang doon sa mga heads at ibang mga employee sa department namin na contractual. "Game ako diyan!" mabilis na sang-ayon ni Anne. "Ako rin," sabi ni Joy sabay taas ng kutsarang hawak. "Sama rin kami!" panabay na sabi nina Mae at Caren. "Huwag kang killjoy!" Nandidilat na pagbabanta sakin ni Alex kung sakaling tatanggi akong sasama sa kanila. "Syempre sama ako, takot ko lang sa'yo," bungisngis kong sabi na umani ng tawanan mula sa mga kaibigan namin. Natapos ang tanghalian namin sa pagpaplano kung saan kami pupunta mamayang gabi. Hindi na ako nakikinig sa pinag-uusapan nila dahil natuon sa hawak kong cellphone iyong pansin ko. Nag-notify kasi sa IG ko ang bagong post ni Brando kasama iyong baklitang Jay na iyon! Bwesit sila, di pa pala naghiwalay ang mga pesteng ito. Bakit ba hindi ko parin ini-unfollow ang cheater na iyon? Masokista din ako minsan eh. Gustong-gusto kong lageng nasasaktan. Ano bang meron sa lintik na Brando na ito at bakit mahal na mahal ko ang gagong ito? Kung sa hitsura lang ay marami namang mas lamang sa kanya diyan sa tabi-tabi. Mukha nga siyang libag lang ng isang Carson pero iyong lintik kong puso, walang taste pagdating sa pag-ibig. Tumibok ba naman sa mukhang libag na iyon! Kahit pinagmukha niya akong tanga at sa bandang huli ay pinagpalit sa isang bakla ay di ko parin siya kayang i-unfriend sa sss at i-unfollow sa IG. Siya pa nga iyong malakas ang loob na binlock ako sa sss eh kaya gumawa ako ng isang fake account para i-stalk siya. Minsan talaga ay naawa na ako sa sarili ko. Di ko mapabitaw-bitawan ang 5 years naming relasyon. Five years na kinalimutan niya para lang sa isang di naman totoong babae! Gigil niya ako!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
468.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
282.6K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
289.5K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
35.2K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
999.9K
bc

CLOSER

read
144.6K
bc

Just A Taste (SPG)

read
911.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook