Bahagyang tumalim ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Phil at Zandro. Dapat ay maging matatag ako at hindi basta-basta padadala sa mga pinagsasabi nila! "Talaga bang gusto ni'yo ako? Baka ginu-good time ni'yo lang ako!" puno nang padududa kong sabi sa kanila. "Akala mo ba madali sa amin ito? Ilang gabi rin kaming walang ayos na tulog dahil sa biglaan mong pagdating sa buhay namin," kwento ni Phil. "Nang makita kita unang araw ko sa Carson Empire Hotel noong ipinakilala ako bilang bagong CEO ay halos di ko na maalis-alis ang mga mata sayo kahit na di ka naman nakikinig sa mga sinsabi ko dahil busy kangv kausap si Alex," may tampo sa boses na dugtong ni Zandro. Di makapaniwala akong napatitig sa kanya. Ni hindi ko nga naalala ng tiningnan niya ako that time no'ng ipakilala ako ng kapa