"Ssshh... it's okay," malumanay na sabi ni Zandro at mas lalo siyang yumuko upang magkapantay iyong mukha namin. Parang na-freeze bigla iyong mga luha ko at nabitin iyong mga hikbi . Nawala rin sa isip ko na wala akong damit pang-itaas at nakahantad sa dalawang kasama ko ang hubad kong dibdib. Hindi galit si Zandro? Mabubuhay pa ako at makapag-boyfriend ulit tapos lolokohin ulit? Napasinok ako sa pagpipigil ng emosyon nang masuyo niyang haplusin ang mukha ko. Halata sa umiigting niyang panga ang pagpipigil na mapadako sa ibang parte ng katawan ko ang mga mata maliban sa aking mukha. "Huwag ka nang umiyak, ako na ang bahalang magparusa kay Phil," malumanay pa rin niyang sabi. Hindi ko na binigyang pansin ang nagpoprotestang ungol ni Phil dahil para akong namalikmatang nakatitig