Ramdam ko ang panlalamig ng sariling mga kamay habang iniisip kung paano haharap sa mga magulang ni Zandro. Matagal ko nang nakikita sa CEH si Sir Xander at minsan din nagpupunta roon si Ma'am Marah at Sir Zach pero wala naman talaga akong ideya kung ano ang tunay nilang ugali lalo na at iyong anak na nila ang pinag-uusapan. "Don't worry, I will also be there," paniniguro sa'kin ni Phil nang mapansin siguro niya ang pagkabahala ko. "Mababait ang parents ni Zandro. Tingnan mo nga ako, tanggap na tanggap ako ng pamilya niya at suportado nila ang relasyon namin ni Zandro," nakangiti nitong dagdag. "Mas mahal pa iyan ni Mommy kaysa akin na sariling anak," malambing na sumbong sa'kin ni Zandro na parang nagpapakampi sa akin. "Mas mahal naman kita kaya huwag ka ng mag-recruit ng ibang sisimp