Tinaasan lang ako ng kilay ni Zandro nang ibalita sa kanya ni Phil na matutulog ako rito sa pamamahay niya. Wala kong nababsang protesta sa mukha niya pero di ko rin nakitang bukal sa loob niya ang pagpayag. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Masyadong mainit ang dugo niya sa akin kaya siguradong mas gugustuhin niyang lumayas agad ako sa kanyang harapan pero dahil nga kagustuhan ni Phil ang pananatili ko ay walang siyang magagwa. "Give her the farthest room from us, ayokong mag-eeskandalo siya kung may marinig siya mula sa silid natin," sabi niya kay Phil pero sa akin naman nakatingin. Namilog iyong mga mata ko habang inaalisa ng marumi kong utak kung anong ang maari kong marinig mula sa silid nila. "Soundproof iyong silid natin," paalala sa kanya ni Phil. "Sa ingay mo ay di i