Sa halip na magmukmok at isipin kung ano ang maaring pinaggagawa nina Zandro at Phil sa two hours na hiniling ng huli ay napagpasyhan kong bumaba at maglibot-libot. Makiki-selfie ulit ako sa bawat sulok ng bahay ni Zandro. Pagkababa ko sa sala ay may nadatnan akong babae na prenteng nakaupo sa mahabang couch. Mukha siyang mataray habang taas-kilay na nakatingin sa'kin. "Anong ginagawa mo sa taas?" may pang-aakusa sa boses niyang tanong. "Hindi ka naman mukhang guard at lalong hindi ka pulis pero kung makatanong ka para akong trespassing ah!" mataray kong sabi. Kung akala niya ay ma-intimidate ako sa kanya dahil mukha akong yaya kung itatabi kumpara sa pustura- postura niyang ayos ay sorry na lang siya dahil hindi nga ako natatakot sa may-ari nitong bahay sa kanya pa kaya! "You inso