Kinagabihan ay parang walang nangyaring halikan sa pagitan naming tatlo na muli ay balik sa landian marathon nila iyong dalawa kong kasama habang kumakain kami ng hapunan. Kung hindi lang masarap iyong ulam ay kanina pa ako nag-walkout. Kulang na lang magsubuan ang mga hinayupak sa harapan ko. "Eheeem!" Hindi ko alam kung pag-ilang tikhim ko na ito tuwing sumusobra na ang malalagkit nilang titigan at matatamis na ngitian. Nanakit na nga iyong lalamunan ko pero titigil lang sila sandali tapos balik na naman. Wala naman talaga silang ginagawang karumaldumal maliban sa mga malalagkit na tinginan at ang pasimple at palagiang pagpunas ni Zandro sa gilid ng labi ni Phil tuwing may konting kalat doon. Kaloka , itong si Phil naman ay parang sinasadya talagang magpakadugyot sa pagkain para l