Pinilit kong salubungin ang mga titig ni Phil sa kabila ng kakaiba kong nararamdaman. Letse, masyado akong apektado dahil tinawag akong cute. Sanay kasi akong tinatawag na maganda kaya kakaiba iyong dating ng salitang cute sa'kin. Matagal-tagal na rin no'ng may huling tumawag nang cute sa'kin at no'ng mga panahon pa na di pa ako niloko ni Brando. Di ko naalalang ganito ako kaapektado noong tinawag akong cute ng manlolokong Brando na iyon. Siguro dahil di hamak na mas gwapo itong si Phil o d kaya dahil lalaki naman iyong si Brando at itong si Phil ay mahilig sa lalaki... sa isang lalaking nagngangalang Zandro. Masyadong choosey na para bang ikinababae niya ang pag-uugaling iyan! "Pwede ba bawas-bawasan ni'yo naman iyong landian marathon ninyo habang nandito pa ako," may irita sa b