chapter 5

2703 Words
Matapos makalanghap ng polusyon sa labas ng building ng CEH ay naisipan kong bumalik sa trabaho. Ngayon ay medyo kalmante na ako at di na ako mukhang nakaranas ng karahasan mula sa halik ng isang bakla. Tumigil na sa panginginig iyong mga binti ko at hindi na rin masyadong malakas ang kabog ng puso ko pero ramdam ko pa rin ang pamimigat ng dibdib ko at sensitibo pa rin iyong tuktok nito dahil sa tindi ng pagsipsip kanina ni Phil. Maging ang mga labi ko ay pakiramdam ko namanhid pa rin at namamaga dahil panghahalik ng baklang iyon. Bwesit na baklang iyon, hindi naman ako mukhang lalaki pero kung makahalik sa'kin kulang na lang higupin nang buo ang bibig ko kaya hanggang ngayon ay naamoy ko pa rin ang mabango niyang hiningang kumapit yata sa bibig ko. Bago tumuloy sa department ko ay dumaan muna ako ng comfort room upang ayusin ang sarili ko. Naghilamos ako ng mukha at paulit-ulit na nagmumog upang alisin ang bakas ng halik ni Phil. Tulad nga ng hula ko ay parang namamaga iyong mga labi ko at halata ang pamumula ng mga ito na parang nakagat ng bubuyog. P!ste isang baklang bubuyog! Napangiwi ako sa habang pinasadahan ng tingin ang sarili sa harap ng salamin. Medyo gusot iyong blouse ko at tabingi iyong pagkakabutones dahil sa pagmamadaling makaalis sa presensiya ng mga malalanding mga baklang iyon kanina . Nagmukha pala ako kaninang babaeng may pinagdaraanan! Buti na lang talaga wala akong nasalubong o nakasabay kanina paglabas at pagpasok ko sa employee exit. Sa exit ako pumasok, pakialam ba nila eh sa iyon ang pinakamalapit sa'kin at doon ako lumabas kanina. Wala ring guard doon kapag ganitong mga oras kasi nga ginagamit lang iyon kapag uwian , exit nga di ba? Kanina pa nagsiuwi ang mga night shift at napakaaga pa para may umuwi mula sa mga day shift na trabahante kaya kampante talaga ang mga gwardiya na walang dadaan dooon sa mga oras na ito. Wala ngang guard sa ganitong mga oras pero kabilaan naman ang cctv kaya secure pa rin ang buong lugar. Exit lang naman ito mula sa employee building at hindi sa buong hotel, may iba pang dadaanang security protocols iyong mga empleyado bago talaga makauwi at dahil di ako lumabas sa hotel compound ay di ako nasita ng mga gwardiya sibil na talo pa ang may-ari nitong hotel sa higpit sa aming mga empleyado. Naintindahan din naman namin sila kasi para din sa kaligtasan ng mga guests at maging ng lahat pero minsan talaga nakaka-badtrip eh lalo na at nagmamadali ka na. Pagdating ko sa Accounting Department ay agad sumalubong sa'kin ang mga nakangiting kasamahan ko na pinangunahan ng aking mga kaibigan . Anong meron? "Congrats! Ang swerte mo talaga at ikaw iyong napili ni Sir Zandro na ipalit doon sa secretary niya," excited na bati ni Joy sa'kin na sinundan naman ng iba. Ang bilis naman yata ng balita. Di pa nga ako pumayag pero parang may nagdesisyon na para sa akin. Kailan ba nila pinaalam ang pag-appoint sa'kin? Before or after nilag magmukbangan? Or baka magaling sa multitasking ang dalawang iyon! Isang tabinging ngiti ang tanging nasagot ko sa mga masasayang pagbati ng mga kasamahan ko. Lantaran din ang pagsasabi ng karamihan sa nararamdaman nilang inggit sa bago kong trabaho. Kung pwede lang sana makipagpalit sa kanila ay ginawa ko na. KUng alam lang nila ang trauma na dinanas ko kanina sa kamay ng Phil na iyon. Mabilis kong iwinaglit sa isip ang nangyari sa amin ni Phil dahil sa haip na pandidiri iyong naramdaman ko ay l!tse mas nangibabaw iyong kiliting pinadam sa'kin ng baklang iyon! Mula sa mga kasamahan ko ay napag-alaman ko na pinkluha na pala lahat ng mga gamit ko rito at inilipat na sa floor kung nasaan ang office of the CEO. Lumanghap lang ako sandali ng polusyon sa labas, pagbalik ko ay nahakot na lahat ng mga gamit ko. Ang galing! Ano ang alam ko sa trabaho ng isang secretary? Buong buhay ko ay paggawa ng accounting report at pagharap sa mga numero ang alam ko tapos ngayon ay viola, secretary na po ako. Hindi lang basta-bastang secretary... secretary po ako ng CEO at sa kasamaang palad , bakla po iyong boss ko at iyong boyfriend nito ay masarap- este hayok sa halik! Kung wala lang itong mga kaibigan at kasamahan ko ay kanina pa ako naglupasay ng iyak dahil sa sitwasyon ko. "Tuloy pa ba tayo mamaya na sabay mag-lunch break? Baka kasi iba na iyong schedule mo ng break dahil sa bago mong trabaho," pukaw ni Anne sa masalimuot na takbo ng utak ko. "Iti-text ko lang kayo mamaya," malamya kong sagot. "Oh, bakit mukha ka yatang malungkot? Di ka ba masaya sa promotion mo?" untag sa'kin ni Caren. "Hah? Masaya naman. Hahahaha....ang saya-saya," eksaherado kong sagot na sinabayan pa ng pilit na tawa. Nagtatakang napatingin sa'kin ang mga kaibigan ko. Bago pa sila muling makapagtanong ay mabilis na akong nagpaalam para puntahan ang bago kong trabaho. Di ko na hinintay pang may sasabihin sila o itatanong at mabilis na akong um-exit baka kasi matsismis ko pa sa kanila iyong relasyon ng boss namin sa bestfriend nito. Hindi ko pa kasi masabi kung secret ba iyon o hindi. So far kasi ay wala pa akong kilalang nakakaalam n'on at maging si Alex ay di ko alam kung may alam ba sa relasyon ng kakambal niya doon sa bestfriend nito. Mahirap na at baka madulas ako tapos secret lang pala dapat iyon, tiyak ipapa-salvage ako ng dalawang baklang iyon! Pero kung secret iyon ay pwede kong gamiting pam-blackmail sa kanila iyon. Nakakakaba namang i-blackmail ang dalawang iyon. Sa laki ng mga katawan ng mga iyon ay sigurado akong hindi lang sabunot ang ibibigay nila sa'kin. Napapadyak ako nang maalala ko na naman ang paghalik sa'kin ni Phil dahil tinawag ko siyang bakla. Erase, delete! Di ko na dapat isipin iyon. Dahil abala ako sa pag-iisip ay natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap ng pintuan ng opisina ni Zandro. Kahit secretary na niya ako ay Zandro pa rin ang itatawag ko sa kanya kasi hindi bagay na may Sir at Mr , dahil nga hindi siya tunay na lalaki! Huwag niya lang iutos sa'kin na tawagin siyang Ma'am or Miss dahil pag-uuntugin ko sila no'ng malanding Phil na iyon. Huminga muna ako nang malalim bago kumatok. Idinikit ko iyong tainga ko sa pinto sa pagbabakasakaling may marinig akong tunog mula sa loob nang walang sumagot sumagot sa ginawa kong pagkatok. Tahimik yata. Umalis ba iyong dalawa? Dahil mukha namang walang tao sa loob ay dahan-dahan akong pumasok. Itatanong ko lang naman sana kung nasaan iyong mga gamit ko at bago kong opisina as the secretary. Kahit labag sa loob ko ay tanggap ko na ang bagong trabaho ko. Ayoko namang totohanin ni Phil iyong banta niya kung aayaw ako. Ang hirap din kayang maghanap ng bagong trabaho. Napansin ko rin pagdating ko na wala na doon sa dating kinapupwestuhan iyong table ng dating mga sekretarya ng CEO. Noong si Sir Xander pa kasi ang CEO ay alam ng lahat na nasa labas lang ng opisina nito ang table ng dalawa nitong secretary. Pero ngayong ako na iyong pumalit na secretary ay wala na doon iyong table at ang kinatatakot ko pa ay paano kung wala akong ibang kasama? Kakayanin ko ba ang trabaho ng dating dalawang secretary kahit wala akong kaalam-alam kung ano ang trabaho ng secretary? Kahit nga pagtimpla ng kape ay wala akong alam. Hindi kasi ako umiinom n'on. Sa napanood ko sa mga teleserye ay kasama sa credentials ng isang secretary ang kaalaman tungko sa kape. Ang tanging alam ko sa kape ay 3n1 at stick at imposibleng umiinom ng ganoon iyong maarteng Carson na siyang boss ko. Huwag lang talaga akong utusan ng Phil na iyon dahil bubuhusan ko talaga siya ng kumukulong tubig. Nang mabuksan ko ang pinto ay dahan-dahan akong sumilip at nang masigurong clear iyong paligid ay pa-ninja moves akong pumasok. Iniwasan kong mapadako iyong mga mata ko sa couch kung saan ko naranasang mahalikan ng baklang si Phil. Kung pwede lang ay ipatapon ko sa outer space ang couch na iyon pero halatang di ko affford ang ganoong couch kaya tanging magagawa ko ay pagtiisan ang alaalang hatid nito sa'kin o mas tamang sabihin ay bangungot! Nahalikan ako ng bakla at may bahagi ng isip ko na nagustuhan iyon kaya bangungot talaga!! Hindi kalayuan mula sa mesa ng CEO ay may may isang mesa kung saan naroon ang mga gamit ko. Dito rin ba ang pwesto ko sa mismong loob ng opisina ng CEO? At nasaan na ba ang boss ko? Di pa ba sila tapos no'ng boyfriend niya sa ginagawa nilang landian? Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may malakas na paghampas akong narinig sa isa sa dalawang pintuan na nandito sa loob ng opisina. Hindi naman siguromulto iyon, 'di ba? Sigurado akong CR iyong isang pinto pero para saan iyong isa? Bigla akong na-curios nang muli ay may kalabog na nangyari sa likod ng pintong katabi ng CR. Dahil ipinanganak akong dakilang tsismosa ay maingat akong lumapit doon sa pinto at idinikit iyong tainga ko. Nalukot iyong mukha ko dahil wala na akong narinig mula sa loob. Sigurado talaga akong may kalabugang nanggaling kanina sa mula roon pero bakit bigla yatang tumahimik? Nangangati iyong kamay ko na pihitin iyong seradura pero kumokontra naman iyong matinong bahagi ng utak ko pero sa bandang huli ay nanaig iyong bulong ng demonyo na silipin ko ang loob kung ano ang nangyayari sa likod ng saradong pinto. Hindi naka-lock iyong pinto, so meaning pwedeng pasukin. Maingat kong binuksan ang pinto at medyo siningkit ko pa ang mga mata ko kasi malamlam iyong ilaw sa loob. Patay iyong ibang ilaw at tanging ang di maliwag na ilaw na mula sa isang lampshade ang nagbigay liwanag sa buong silid. Nang makapag-adjust iyong mga mata ko sa paligid ay napagtanto kong isa itong silid tulugan dahil may malaking kama na nag-do-dominate sa buong silid at ibabaw ng kama ay– Mabilis akong napatakip ng bibig upang di lumabas ang malakas kong singhap nang makita ko kung ano iyong nangyayari sa itaas ng malaking kama. Sa mapusyaw na liwanag ay kitang-kita ko parin iyong dalawang bulto ng hubad na katawang magkahugpong at gumagalaw sa ritmong nakakaeskandalo. Iyong taong nakahiga sa kama at nasa ilalim ng hubad na katawan ng taong nakakubabaw rito ay liyad na liyad at halos malaglag na sa kama ang ulo nito habang iyong isang binti niya ay nakasampay sa matipunong balikat ng taong umuulos ng mabilis sa ibabaw niya. Kasabay ng malakas na kabog ng puso ay ang nakakapanghinang tunog nang dalawang katawang nagsasalpukan. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa'king noo nang marinig ko ang mga ungol mula sa dalawang taong iyon. Masyado buhos ang pansin nila sa bawat-isa kaya di nila ako napansin. Sinisigaw ng utak ko na umalis na ako pero parang napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan at hindi ko rin maalis-alis ang mga mata ko sa sensuwal na galaw ng hubad nilang mga katawan. Ito iyong unang beses na nakapanood ako ng ganitong tagpo at sa kasamaang palad ay dalawang lalaki pa ang gumagawa ng kahalayang buong buhay ko ay di ko pa naranasan. Ou, nagka-boyfriend ako nang halos limang taon pero hindi kami umabot sa ganito. May ideya ako kung paano gagawin iyon ng lalaki at babae pero isang malaking katanungan noon paman sa'kin kung paano gagawin iyong ng dalawang lalaki. Pero heto na nga sa harapan ko , ang sagot sa tanong kong iyon. Nang muling pumailanlang ang isang malakas na ungol mula kay Phil na siyang nasa ilalim ni Zandro ay halos bumigay iyong mga binti ko. Bakit pakiramdam ko ay sarap na sarap siya sa ginagawa ni Zandro. Para akong nadarang sa mga ungol ni Phil at ramdam kong may nagre-react sa katawan ko sa bawat daing niya. Anong nangyayari sa'kin? Abot -abot ang kaba ko hindi dahil sa takot na baka mahuli akong pinanonood sila kundi dahil sa kakaibang pakiramdam na ginigising sa'kin ng tagpong nangyayari ngayon sa harapan ko. Sa nanginginig na mga binti ay dahan-dahan akong umatras palayo sa pinto. Dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman ko ay di ko napigilan ang napalakas kong pagkasara ng pinto. Pinagpapawisan at nanlaki ang mga mata kong napatitig sa saradong pinto. Imposibleng hindi nila narinig iyon! Tiyak ngayon ay alam na ng dalawang iyon na may nakakita sa ginawa nila! Anong gagawin ko? Ang tanga ko kasi eh! "Shie? What are you doing there?" Napasigaw ako sa gulat nang biglang may narinig akong nagtanong. Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa bagong dating na si Alex. Anong ginagawa dito ni Alex? Kanina pa ba siya dumating? "Grabe ka naman magulat, sumisigaw talaga. Teka , bakit namumutla ka? Okay ka lang ba?" nag-alala nitong tanong at unti-unting naglakad palapit sa'kin. Lalo tuloy akong pinagpawisan dahil baka maisipan niyang buksan itong pintong isinara ko. "Nasaan si Zandro?" tanong nito sa'kin nang ilang hakbang na lang ang layo niya. "Kanina ko pa siya tinatawagan pero di siya sumasagot kaya napilitan akong umakyat dito sa opisina niya," dagdag pa nito. Pasimple kong iniharang ang sarili sa pinto kung saan ay nandoon sa loob iyong hinahanap niya. "W-wala siya rito. U-umalis siya .. .ka-kanina. Tama, umalis siya kanina," kinakabahan kong sabi sabay ngiti nang malaki upang di mahalata ng kausap ko. Mataman akong tinitigan ni Alex na para bang binabasa niya kung ano ang tinatago ko. "Okay ka lang ka talaga?" kunot-noo nitong tanong sa'kin. "O-oo naman!" medyo pumiyok kong sagot na sinabayan ko ng isang tawa. Napangiwi ako nang marinig iyong tawa kong halatang pilit na pilit. "Siguro nanibago ka lang sa bago mong trabaho," naiiling nitong sabi. "Ah-hehehe," parang tanga kong sagot pero deep inside ay umiiyak na ako sa katangahan ko. "Come on, sasamahan kitang mag-break habang wala pa si Zandro," aya nito sakin. Mabilis pa sa alas kwatro akong pumayag at ako pa mismo ang humila sa kanya palabas ng opisina ng kapatid niya palayo sa mahiwagang pinto na may nangyayaring kababalaghan sa likod. "Ginutom ka ba ng kapatid ko kaya atat kang mag-break?" natatawang tanong ni Alex habang hila-hila ko siya. Sunud-sunod akong tumango para lang may maisagot at nang mapabilis ang paglayo ko sa kanya sa nasaksihan kong hindi pambata. Di bale nang ako lang iyong nagkasala ang mga mata at tainga, basta huwag lang iyong iba! Di bale nang ako lang iyong bangungutin ng mga muscles na nasilip ko kanina basta wala nang ibang makakita sa dalawang iyon. Ayokong may ibang makakita sa kanila sa ganoong tagpo. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil ayokong bumaba ang tingin ng iba sa dalawang iyon. Hindi naman gano'n iyong naramdaman ko kanina pero.... di ba dapat ay iyon iyong maramdaman ko? Ano bang nangyayari sa'kin? Nakakita lang ako ng gano'n ay para yatang nagkagulo-gulo na ang isip ko. Epekto ba ito ng halik ni Phil kanina? Mabilis kong naipilig ang aking ulo , hindi ko dapat isipin iyong halik... Bigla pumasok sa utak ko iyong tagpo kanina sa loob ng silid na iyon kaya napasabunot ako sa buhok ko, hindi ko rin dapat isipin iyon. "Talaga bang nakakabaliw maging secretary ng kapatid ko?" bigla ay tanong ni Alex. Nagulat pa ako sa bigla nitong pagsasalita. Nakalimutan kong may iba pala akong kasama at nasaksihan pa ang taglay kong kabaliwan. Isang tawa lang ang sinagot ko, pero sa pandinig ko ay parang tawa iyon ng mahihimatay na biik kaya lalo tuloy nag-alalang napatitig sa'kin si Alex. Pang-mental na siguro ang tingin niya sa'kin. Pasimple kong inayos ang nagulo kong buhok dahil sa pagsabunot ko. Sana naman kompanya ang gagastos kung sakaling matuloy ako sa mental... ramdam ko kasing mental hospital ang destinasyon ko kung magtuloy-tuloy ang mga ganitong pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD