Dahil kapansin-pansin ang pagiging wala ko sa sarili ay sinabihan ako ni Alex na umuwi na lang at siya na raw ang bahala magsabi no'n sa kapatid niya. Parang gusto kong maiyak at yakapin si Alex dahil sa sinabi niya. Ito iyong pinakamagandang nangyari sa'kin sa araw na ito. Hindi ko rin kasi alam kung kakayanin ko pa bang bumalik doon sa opisina at harapin iyong dalawang naiwan doon sa loob ng opisina matapos iyong mga nasaksihan ko. Tutal wala rin naman akong nasimulan na trabaho sa araw na ito mas makabubuti sa katinuan ko ang umuwi na lamang. Wala nang patumpik-tumpik pa at umuwi na agad ako. Wala akong kasama sa bahay dahil iyong mga magulang ko ay kasalukuyang nagbabakasyon sa probinsya ng Papa ko at may sarili namang bahay iyong nag-iisa kong kapatid na may asawa na. Solo ko i